You are on page 1of 1

“Ngayong hirap ang buhay, mahalaga ang bawat piso.


- Sen. Kiko Pangilinan, Oktubre 11, 2020

“Anak, pumunta ka nga kay Aling Puring at bumili ka roon ng itlog.” Ani ng aking Ina. Kinuha ko
ang syete pesos sa lamesa at tumungo sa tindahan upang sundin ang utos niya. Bumusangot ang
mukha ng tindera noong aking inabot ang syete pesos na hawak, “siyam na pesos na ang itlog,
iha.”, kamot ulo akong bumalik sa aming tahanan upang humingi ng dos na pesos. Bumuntong
hininga ang aking Ina habang kumukha ng barya sa kanyang bulsa na siyang aking ipinagtaka, bakit
kailangan humugot ng malalim na buntong hininga para lamang sa dos pesos na kanyang idadagdag?

Aking napagtanto, na habang tumatagal ay tumataas ang demand, supply, at presyo ng bilihin. Tanda
ko pa noon na piso lamang ang presyo ng paborito kong kendi noong bata ako, ngayon ay pumapatak
na ito sa limang piso, kaya pala ganoon ang reaksyon ng aking ina, ngayong hirap ang buhay,
mahalaga ang bawat piso para sa kanila.

Ang implasyon o ang pagtaas ng mga bilihin ngayong taon ay bumulwak sa 5.4% na tinatayang
pinakamataas simula Nobyembre 2018, ayon sa Pilipino Star Ngayon, Hunyo 7, 2022. Ang pagtaas ng
presyo ng mga bilihin at non-alcoholic beverages ay siyang nag-paaray sa mga mamamayang Pilipino.
Ang mabilis na pagtaas na ito ay ikinabahala lalo na ng mga ordinaryong mamamayan na siyang
pinagkakasya ang kanilang mga sweldo sa gastusin sa kanya kanya nitong mga tahanan.

Hindi lamang ang mga bilihin ang nagtaas ng presyo, maging ang krudo ay nagtaas na rin, dahil dito
naapektuhan ang pamasahe sa mga pampublikong sasakyan. Ako na istudyante ay naaapektuhan
din, ang dating sampung pisong tricycle ay ngayon bente pesos na, ang dating otso pesos na
pamasahe sa jeep ay ngayon dose pesos na. Maging ang 120 pesos na baon ay sumusuko na rin, ang
baon kong ito ay hindi na nagiging sapat para sa isang buong araw na klase.

Ang inplasyon ay kaakibat ng ekonomiya na taon taon ay nangyayari at tumataas. Tila bawat piso na
ating nahahawakan ay mahalaga, ang simpleng piso o dos na pagtaas ng presyo ay nakakabahala na.
Hindi man permanente ang pagtaas o pagbaba ng mga ito, ang mahalaga ay maunawanaan ang
epekto ng inplasyon sa tulong ng wikang Filipino na siyang maaring gamiting isntrumento upang mas
maintindihan, malutas, at malampasan ang nangyayaring pagbabago na ito sa ating bansa

You might also like