You are on page 1of 1

PAGTAAS NG SUPLAY NG SALAPI

-Tataas ang demand o paggasta kaya mahahatak ang presyo paitaas.

-Ang pagtaas ng suplay ng salapi ay isang sitwasyon kung saan mas maraming pera ang umiikot sa ekonomiya

- purchasing power of pesos (ppp) kakayahan ng peso na bumili ng produkto

-kapag tumaas ang suplay ng salapi,Nagdudulot ito ng pagtaas ng kita at demand kumpara sa produksiyon na
siyang humahatak sa presyo pataas

-Kapag tumaas ang suplay ng salapi ay marami ring mga konsyumer o mga mamimili ang bibili ng mga pridukto.
Kapag tumataas din ang suplay ng pera ay sinasalamin nito ang patas na pagtaas ng GDP o Gross Domestic
Product. Sa kabaliktaran naman kapag ang suplay ng salapi ay kaunti o bumagsak ay kukonti rin ang mga
konsyumer at mamimili na bibili ng mga produkto.

- Ano ang maaring dahilan ng pagtaas ng suplay ng salapi? Gusto ng Bangko Sentral na gastusin ng mga tao ang
pera. Kapag tumaas ang suplay ng salapi, mas hihina ang kaya nitong mabili. Ito ay dahil mas marami ang pera na
mayroon. Ibig sabihin magkakaroon ng inflation, o pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Kung ang 200 pesos mo ay
makakabili ng isang kilo (1kg) ng sibuyas, at malalaman mo na bukas, 500 gramo (500g) nalang ang mabibili mong
sibuyas sa parehas na halaga; mas gusto mong gastusin na ito ngayon. Sa paggastos mo ng pera ngayon, mas
umiikot ang pera, maaring gamitin ng nagbenta sa'yo ng sibuyas ang pera para sa kanyang sariling interest, na
siyang pagikot muli ng pera. Sa pagbilis ng pagpapalit-kamay ng pera, mas uunlad ng kaunti ang
ekonomiya dahil sa paggawa at pagkonsumo ng mga produkto.

You might also like