You are on page 1of 1

Kay daming estudyante sa Golden Olympus Colleges ang nagrereklamo sa pagtaas ng

bilihin sa mga pagkain. May mga estudyanteng alam ang dahilan kung bakit ito nangyayari,
habang ang iba ay walang kamalay-malay kung bakit ito ang nagaganap. Bilang estudyante,
mayroon lamang akong sapat na baon para sa aking gagamitin araw-araw. Isang daan. Ito ay
aking gagamitin sa aking transportasyon at sa aking kakainin pang-meryenda at tanghalian. Kung
may matira, masasabi ko pang swerte ako sa araw na iyon. Sa isang daan, marami ka nang
mabibili gaya ng mga materyales pang-eskwela, pamasahe, at pagkain. Mula elementarya, ito na
ang naging baon ko araw-araw.

Isang araw, ako ay nadismaya. Biglang tumaas ang mga pagkain na aking laging binibili
sa GOC. Ang siomai ay tumaas ng limang piso, pati na ang turon. Ang tanghalian naman ay
tumaas ng sampung piso. Agad pumasok sa aking isipan, paano ko pagkakasyahin ang baon ko
sa mga bilihin ngayon? Ito ang epekto ng inflation sa aming mga estudyante. Hindi ito kasalanan
ng eskwelahan dahil ito ay nagaganap sa buong Pilipinas, ang pagtaas ng bilihin. Sa balita,
maririnig mo ang pagtaas ng presyo ng bilihin sa mga palengke, lalo na ang gas. Maririnig mo
rin dito na marami ang naaapektuhan dito. Tila ang isang daang baon na lagi kong dinadala ay
hindi na nagiging sapat. Ito ay nagkukulang na.

Sa bawat sulok ng dingding sa GOC, naririnig ko ang reklamo ng bawat estudyante.


“Yung turon, kulang nalang at ginto na ang presyo nito,” “Wala na akong pera, hindi ko
mabibilhan ng sarili ko ng pagkain. Sobrang mahal,” “Hihintayin ko nalang mag-uwian, kakain
nalang ako sa karinderya. Mas mura pa doon.” Ito lamang ay kakaunti pa sa aking mga naririnig,
ngunit ito ang naging saloobin ng lahat ng estudyante sa ating paaralan.

Obserbahan natin ang nangyayari sa gobyerno, mula noong tinamaan tayo ng COVID-19
ay mas tumaas ang mga bilihin dahil sa demand nito. Kung ito ang gagawin nating halimbawa,
marahil ay tumataas ang mga bilihin dahil tayo ay nakukulangan na ng mga mapagkukunan,
kaya naman itinataas ang presyo ng mga bilihin. Ibig sabihin ba nito ay bumababa din ang
ekonomiya ng Pilipinas? Sa ayaw natin, oo. Ito ay unti-unting bumababa dahil sa pag taas ng
bilihin.

Ang Pilipinas ay nasa ikatlong daigdig na bansa lamang at hindi gaano kaya ng mga
Pilipino bumili ng mga mapagkukunan sa mataas na halaga, lalo na ang mga naghihirap. Bilang
estudyante, ako ay nag-aalala sa aming magiging kinabukasan dahil sa mga kaganapang
nangyayari sa kasulukuyan. Kung ngayon pa lamang ay bumababa ang ating ekonomiya at
nagtataas ang mga bilihin, pano pa kaya sa aming haharapin na bukas? Kami pa ba ay
makakabili ng pagkain na kaya naming bayaran para sa iisang araw o kami ba ay patuloy na
maghihirap, makahanap lamang ng paraan upang kami ay may makain at hindi na humingi pa ng
mataas na baon sa aming mga magulang na kulang na lamang ay mababali na ang kanilang mga
likod dhol sa pagtatrabaho. Ano pa kaya ang maaaring mangyari sa bansang ito, lalo na sa
ekonomiya nito?

You might also like