You are on page 1of 3

PAGSUSURI

1. Litaw na litaw ang kaisipan , lipunan at kulturang Pilipino sa panahon ng pandemya.

Reaksyon ko lang…
Ako ay namangha sa kakayanan ng ating mga kababayan dahil sila ay nakapagsip at
nakagawa ng mga paraan upang masabayan ang nagbabagong paraan ng pamumuhay sa
ating panahon.

Sa aking palagay…
Ay natatangi ang kakayanan nating mga Pilipino na mag adjust sa pagbabagong nangyari sa
ating kapaligiran.

Pakiramdam ko…
Ay mas mahuhubog pa ang kakayanan ng bawat isa sa atin kung bibigyan natin ito ng attention
at panahon.

2. Kung hindi matatag ang tahanan, paaralan, pamayanan, at pamahalaan, tiyak patutumbahin
ng covid.

Reaksyon ko lang…
Ako ay bilib dahil nagawa ng karamihan sa ating mga kababayan na mabuhay sa gitna ng
nararasan nating pandemya. Ako naman ay nalulungkot para sa mga taong nasawian ng mahal
sa buhay dahil sa sakit na lumalaganap sa ating panahon.

Sa aking palagay…
Ay mabuting makinig din ang ating gobyerno sa mga daing ng mga nangangailangan nating
kababayan upang malapagpasan natin ng sama-sama ang pandemyang ito.

Pakiramdam ko…
Ay mas maraming buhay na nawala ang maaagapan kung maagang nakinig ang ating
gobyerno sa pangagnailangan nating mga mamamayan.
3. Paano palakasin ang maka-Pilipinong edukasyon mula sa natutuhan sa covid?

Reaksyon ko lang…
Ako ay nalungkot, dahil sobrang tagal ng tugon ng pamahalaan pagdating sa pag adjust ng
curriculum ng edukasyon.

Sa aking palagay…
Ay dapat mas pinagtuunan pa ng pansin ng pamahalaan ang mga gagawing hakbang upang
mapalakas ang edukasyon sa ating panahon. Marapat lamang na bigyan ng sapat na funding
ang sektor ng pag aaral upang mabigyan ng sapat na kagamitan ang mga nangangailangang
estudyante.

Pakiramdam ko…
Ay magiging mas madali para sa mga kabataang PIlipino ang pag aaral kung ito ay
napagplanuhang mabuti ng ating gobyerno.

PAGALAHAT

Dios Ama sa langit na pinaka-makapangyarihan sa lahat, muli po akong


lumalapit sainyo. Humihingi ako ng lakas at karunungan upang malampasan ko
po ang mga pagsubok na binibigay Niyo sa akin upang mas lumago pa ako
bilang isang tao. Nawa’y patnubayan nyo po ako sa bawat bagay na aking
gagawin lalong lalo na po sa aking pag aaral. Amen.
PAGLALAPAT

Noong simula pa lamang ang pandemya ay naaalala ko ang mga


pagsubok na pinagdaanan naming pamilya. Marami sa aming lugar,
maging kami man, ang natatakot dahil unang beses namin
mararanasan ang lockdown o ang bawal paglabas sa mga tahanan sa
hanggang sabihin ng gobyerno na pwede na. Dahil sa takot,
maraming mga kababayan natin ang nag panic-buying at nag horde
ng mga supply na maaaring gamitin para sa lockdown na ito. Dahil
dito ay tumaas ang presyo ng mga bilihin lalong lalo na ang mga basic
needs ng isang mamamayang pilipino. Ako ay nagalak nang makita
ko ang bayanihan ng aking mga kapwa kabataan noong maglunsad
sila ng mga donation drives upang matulungan ang mga kapos palad
na pamilya na magkaroon ng mga basic needs na kakailanganin nila
para sa darating na lockdown. Ipinapakita lamang dito na tayong mga
pilipino ay tunay na matulungin sa ating mga kapwa. Natutunan ko na
sa mga ganitong pagkakataon ay mas mabuting hatiin ng pantay-
pantay ang mga needs dahil pare-pareho lang naman tayong
mamamayan ng Pilipinas, kaysa unahin natin ang ating sarili lamang
dahil mas mabuti kung malalampasan natin ang pandemya na ito ng
sama-sama.

You might also like