You are on page 1of 2

Northeastern Mindanao Academy

“The School that Trains for Life”


P-10 Los Angeles, Butuan City

I. Panimula

Sa panahon natin ngayon subrang rami ng nagig batang ina subrang rami ng nagig problema sa ating bayan at isa na
ditto ang early pregnancy ,rumarami ng popolasyon natin dahil sa mga taong dumadagdag sa atin mga batang
rumarami at mga kawawa tulad ng mga batang nasa lansangan . mga menordi edad na mga babae ay ngayong
naging ina na ,tulad na lamang sa aming brgy ang brgy baobaoan umiedad pa lamang ng 16 to 17 na taon ay
nabuntis nap roblema lamang sa pamilya ang hatid dito sa atin , pero para sa akin may hatid nman itong saya at
ligaya .pinaka marami sa atin dito ang ganiting problema .

II. Rasyonal
Ang teenage pregnancy o pagbubuntis ng mga babae sa edad 12 hanggang 19 ay isang malawakang
isyu hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging
konserbatibo at puno ng paggalang sa bawat isa na siyang ipinagmamalaki natin. Ngunit sa
kasalukuyan unti-unting nagbago ang lahat ng mga ito. Dahilan din ito sa mabilis na paglaki ng
populasyon, pagtigil sa pag-aaral ng mg kabataan at dahilan din ng paghihirap ng mga kabataang
Pilipino.

III. Paglalarawan ng Proyekto

Konseptong papel hinggil sa maagang pagbubuntis ng mga kabataang babae na may edad 12 hanggang
19. 

a. Pangkalahatang Layunin
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay gisingin ang mga kabataan sa mga katotohanan na nakapalibot sa kanilang
kapaligiran nang maiwasan ang sitwasyon gaya ng maagang pagbubuntis.

b. Tiyak na Layunin

Ang mga impormasyong makakalap ay gagamitin para makabuo ng konkretong impormasyon para maging aral at
magmulat sa mga mata ng kabataan sa mga di magagandang epekto ng maagang pagbubuntis.

c. Metodolohiya
Isasagawa ang pag-aaral at sorbey na ito ngayong Mayo 2019, sa mga kabataang babae upang hingin ang pananaw
nila. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng talatanungan, malalaman namin kung ano ang persepyon ng mga mag-aaral
tungkol sa maagang pagbubuntis o teenage pregnancy.
Northeastern Mindanao Academy
“The School that Trains for Life”
P-10 Los Angeles, Butuan City

d. Inaasahang bunga:
Inaasahan na ang papel na ito ay panimulang hakbang para malaman ang opinyon ng mga kabataan. Makagawa ng
konklusyon tungkol sa antas ng kaalaman ng mga kabataan hinggil sa maagang pagbubuntis at makapagbigay ng
karagdagang kaalaman sa mga kabataan tungkol sa maagang pagbubuntis.

You might also like