You are on page 1of 3

Bola at Numero:

Kapalarang Pinipilahan
Pipila ka rin ba?

Sa taas ng ibinaba ng piso kontra-dolyar bunga ng inflation rate, hindi mo masisisi


kung bakit pagkahaba-haba ngayon ng pila sa mga lotto outlet saan mang dako ng
Lungsod Ligao na maaari ring nangyayari sa iba pang panig ng Pilipinas.

Sino nga ba ang hindi magaganyak ng premyong umaabot na ngayon sa


________________? Kung ikaw ay nakararanas ng ibayong hirap sa panahon ngayon
kahit sino siguro ay makikipagsapalaran din sa pag-asang baka mabago ang buhay
niya sa isang iglap at makatikim ng ginhawa lalo na ang kanyang pamilya.

Nang pumalo ang inflation sa bansa simula nitong ________ halos lahat ay umaaray
sa naging epekto nito. Kung ang mga propesyunal ay iniinda ang taas ng mga
bilihin na nagdudulot ng kakapusan sa mga pangangailangan ng pamilya, ang mga
karaniwang mamamayan pa kaya?

Sa mga pag-aaral ng mga sosyolohista ng bansa, dumarami ang mga taong


nahihilig sumugal sa swerte gaya ng lotto, weyting, jai-alai, sweepstakes at iba pa
kapag sobrang hirap ang nararanasan ng mga tao, partikular na ang mga Pilipino.

Isa si Mang Andong, 35 taong gulang ng Barangay Tuburan ng Lungsod Ligao at


namamasada ng traysikel ay hindi naging ligtas sa kaway ng mahabang pila sa
isang outlet ng lotto na ilang gabi nang hindi pumapalya bago pa man umuwi ng
bahay mula sa pagtatraysikel. Sa kinikita nitong 250 pataas araw-araw sa
pamamasada ay lagi niyang binabawasan ngayon ng 48 piso para makataya ng
dalawang set ng mga numerong kanyang tago-tago, na koleksyon niya mula sa
mga araw ng kapanganakan ng kanyang anim na anak.

“Kailangan eh. Wala namang ginagawa ang gobyerno upang baguhin nag
kapalaran ng mga mamamayan. Pagbabago? Maniwala kayo dyan. Tayo mismo ang
gagawa ng pagbabago para sa ating sarili. Kung pwede nga lang ibalik ang
nakaraan, mag-aaral akong mabuti upang hindi ganito ang buhay ng pamilya
ko,”malungkot na pahayag ni Mang Andong.

Sa tulad ni Mang Andong na may aanak sa elementarya at isa sa kolehiyo, ay


talagang ramdam ang kakapusan. Ang kagandahan ay may isang anak na
nakatutulong na rin na nagtatrabaho bilang casual na empleyado sa munisipyo.

“Sa kinikita ko na 250 sa kada araw, ang dating dalawa hanggnag tatlong kilong
bigas na naboibili araw-araw ay nauwi sa isang kilo ngayon bunga ng taas ng mga
bilihin. Aba’y sino ba ang hindi aasa sa swerte?” dagdag pa ni Mang Andong.
Maraming Mang Andong sa panahon natin ngayon. Iba-iba ang kanilang damit at
uniporme. Ang makipagsapalaran at sumugal sa swerte ay kadugtong na ng
kanilang buhay. Bola at numero ang isa sa naisip nilang paraan upang ibigay ang
pangarap na nais para sa kanilang pamilya.

Ikaw… pipila ka rin ba?

Opinyon

You might also like