You are on page 1of 1

SOURCE: ABANTE NEWS

DATE: January 12,2023

PINAKAMAHAL SA MUNDO: SIBUYAS DAIG PA PRESYO NG BAKA

Nagtapos man ang holiday season, tuloy pa rin ang pasakit ng mga Pilipino sa mataas na presyo ng sibuyas
kung saan mas mahal pa ito sa karne ng baboy at baka.

Sa Mega Q-Mart, nasa P600 pa rin ang presyo nito kada kilo. Ayon sa nagtitinda ng sibuyas na si Julie Calo,
bumaba na ang presyo ng sibuyas noong nakaraang linggo pero tumaas daw uli ang kuha nila nito ngayon.

Dahil mas mataas pa ang presyo ng sibuyas sa arawang suweldo at sa presyo ng karne, sabi ni Calo na ang
ibang kostumer umano ay nagbabawas na rin ng pinamimili para magkasya sa budget.

“Karamihan hindi na nagsisibuyas siguro bawang lang (ang ginagamit),” sabi pa ni Calo.

Wala naman daw paggalaw sa presyo ng bawang na nasa P100 kada kilo, ‘yong balat man o buo.

Sa gulay naman may paggalaw din sa presyo kada kilo. Bumaba umano ang presyo ng mga gulay galing 
Baguio habang ang mga native naman tulad ng ampalaya, talong, at sitaw ay mataas pa rin ang presyo.

Narito ang presyo ng ilang gulay kada kilo: Kamatis – P80, carrots – P80, repolyo – P80, talong – P140, patatas
– P140, ampalaya – P150, sitaw – P150 at okra – P160.

Samantala, ang presyo naman ng karneng baboy ay nasa P200 hanggang P385 kada kilo depende sa parte,
may mga nabibili ding karne ng baka sa halagang P290 hanggang P400 depende rin sa parte. Ang presyo
naman ng itlog ay naglalaro sa P8 hanggang P10 kada piraso.

Sa pag-monitor naman ng Department of Agriculture noong Miyerkoles, ang presyo ng pulang sibuyas ay


nasa P550 bawat kilo, habang ang karne ng baka ay pumapalo sa P480 kada kilo.

Sabi ni Marilene Montemayor, senior assistant for East Asia and the Pacific ng World Bank, maihahalintulad
na sa ginto ang presyo ng sibuyas sa Pilipinas.

Isiniwalat naman ni Albay Rep. Joey Salceda na ang kartel ang siyang kumokontrol sa presyo ng sibuyas sa
bansa. Ang kartel na ito ay binubuo ng mga Chinese national sa bansa.

“Naka-focus tayo sa presyo ng sibuyas dahil number 1 tayo sa buong mundo. Pinakuha ko lahat nang ano
at talagang number 1 tayo diyan. May cartel talaga. That’s the only way to explain what’s happening to the
prices of onions, of the others,” lahad ni Salceda. (Gel Manalo)

You might also like