You are on page 1of 6

INFLATION

Athena (Studio Reporter): Ramdam na ng ating


mga kababayan ang epekto ng inflation o bilis
ng pagtaas ng mga presyo ng bilihin. Ilan sa
mga pangunahing dahilan ng pagtaas ng
inflation rate ay ang pagmahal ng pagkain tulad
ng gulay, bigas, at isda. Nag-ambag din sa
pagbilis ng inflation ang ilang beses na pagtaas
sa presyo ng produktong petrolyo.
Athena (Studio Reporter): May report si
Mharie Jewell Asuncion para sa presyo ng mga
gulay sa Pamilihang Bayan ng Baliwag.
SCENE 1
Jewell (Interviewer): Pagtaas sa presyo ng mga
gulay nararanasan ngayon. Narito ang ilang
presyo sa isang tindahan ng gulay dito sa
Baliwag:
Kamatis – isang daang piso kada kilo. (P100)
Sibuyas – P120-150 kada kilo.
Bawang – P110-130 kada kilo.
Patatas – P110-130 kada kilo.
Karots – P100 kada kilo.

Alexis (Nagbebenta): Mataas po ang presyo ng


mga gulay at prutas ngayon. Kaya yung iba
kong mga suki patingi-tingi na lang kung
bumili.
Jewell (Interviewer): Kapanayamin natin ang
isang suki ni Aling Alexis. Ano pong pangalan
niyo ma’am? At kamusta naman po ang budget
niyo dahil sa pagtaas ng mga presyo ng bilihin?
Janwin (Mamimili): Janwin Claire Corong po,
kailangan po kasi ng gulay sa hapag-kainan
kaya tamang diskarte nalang po ang ginagawa
ko para makabawas sa gastos. Halimbawa sa
nilaga, nilalagyan ko na lang ng mga tig-iilang
piraso ng gulay para lumasa.
Jewell (Interviewer): Mharie Jewell Asuncion,
nagbabalita para sa Pilipinas Ngayon.
SCENE 2
Athena (Studio Reporter): Presyo ng bigas sa
Pilipinas, tataas sa mga susunod na buwan.
Narito si Janwin Claire Corong para magbalita.
Janwin (Interviewer): Presyo ng bigas
posibleng madagdagan pa ng ₱2 kada kilo.
Narito ang presyo ng mga bigas sa isang grocery
store dito sa Baliwag.
Sinandomeng - ₱60 kada kilo.
Angelica - ₱65 kada kilo.
Dinorado - ₱70 kada kilo.
Malagkit - ₱80 kada kilo.
Janwin (Interviewer): Sa taas ng presyo,
problemado na rin ang mga nagtitinda. Narito si
Aling Dhane, ang may-ari ng grocery store.
Dhane (Nagbebenta): Kinakabahan ako, kasi
ang mga suki ay gusto na mas mababa sa
halagang ₱50 eh. Syempre nagbabayad din kami
ng upa sa pwesto at mga tauhan.
Alexis (Mamimili): Sana bumalik na ang dating
murang presyo ng bigas dito sa atin. Halos lahat
kasi ng bilihin tumaas na kaya mas lalong
naghihirap ang mga tao.
Janwin (Interviewer): Usap-usapan na mas lalo
pang tataas ang presyo ng bigas ngayong
papalapit ang El Niño. Janwin Claire Corong,
nag-uulat para sa Pilipinas Ngayon.
SCENE 3
Athena (Studio Reporter): Tumaas ang presyo
ng ilang uri ng isda sa mga pamilihan.
Pinangangambahan pang lalo yang tumaas sa
kasagsagan ng El Niño. Nasa Pilipinas Ngayon
ang balitang yan. Narito si Eunice Dhane
Ignacio.
Dhane (Interviewer): Presyo ng bangus at
tilapia, tumaas ng hanggang ₱30 kada kilo. Dito
sa tindahan ni Aling Jewell, ang presyo ng
bangus ay ₱150-250 kada kilo. Ang tilapia
naman ay ₱170 kada kilo. At ang galunggong ay
umabot sa ₱280 kada kilo.
Jewell (Nagbebenta): Naghahanap sila ng ibang
uri ng isda, yung mas mura.
Dhane (Interviewer): Sir, ano po ang binili
niyong isda?
Ralph (Mamimili): Isang bangus nalang ang
binili ko, lalagyan ko ng sibuyas at kamatis para
sulit, ulam na namin maghapon. Tumataas ang
lahat ng presyo ng billihin, pero ang sweldo,
hindi. Kaya kailangan talagang matutong
magtipid at dumiskarte.
Dhane (Interviewer): Isa sa dahilan ng pagtaas
ng presyo ng mga isda ay dahil sa “Closed
Fishing Season”. Nagbabalita mula sa Pilipinas
Ngayon, Eunice Dhane Ignacio.
SCENE 4
Athena (Studio Reporter): Kapit na mga
motorista, eto na ang Busina sa Petrolyo. Oh no!
Big time na po ang magiging dagdag presyo sa
gasolina. Maglalaro po sa dalawang piso at
limampung sentimo ₱2.50 hanggang dos otsenta
₱2.80 kada litro ang taas presyo sa gasolina.
Ang Diesel nasa piso hanggang uno trenta
₱1.00/L - ₱1.30/L ang magiging dagdag presyo.
Habang ang kerosene naman ay 40 centavos
hanggang 60 centavos kada litro ang imamahal.
Isa sa dahilan ng pagtaas ng inflation rate ay ang
pagtaas ng presyo ng gasolina at langis, dahil
ginagamit ito sa transportasyon upang
makarating ang mga produkto sa merkado.
Pasok, Alexis Chanel Estanislao!
Alexis (Interviewer): Ayon sa Department of
Energy tumaas ang demand ng langis sa India at
America kaya sumipa ng todo ang presyo ng
langis sa World Market. Kasali pa rin sa mga
dahilan ang kaguluhan at tensyon sa Middle
East. Kakapanayamin ko ang isang driver at
pasahero.
Ralph (Driver): Imbis na kikitain mo na pauwi
para sa pamilya mo madadagdag pa para sa
gasolina. Mahirap din magtaas ng presyo sa mga
suki mo.
Jewell (Pasahero): Mahirap po para saming
mga estudyante, imbes na pambaon mo nalang
mababawasan pa dahil sa taas ng pamasahe.
Alexis (Interviewer): Alexis Chanel Estanislao,
katulong niyo sa pagbabalita sa Pilipinas
Ngayon.
LAST SCENE
Athena (Studio Reporter): Inaasahan ni
Pangulong Bongbong Marcos na bababa ang
inflation sa 2nd quarter ng taon. Sa isang
mensahe sinabi ng pangulo na patuloy na
gumagawa ng hakbang ang gobyerno para
mapababa ang inflation. Ang pahayag ng
pangulo ay kasunod ng paglabas ng Philippines
Statistics Authority ng Inflation rate sa buwan
ng Pebrero na nasa 8.7%. Mas mataas ito
kumpara sa 8.1% na naitala noong December
2023.
Athena (Studio Reporter): Mga kababayan,
Athena Anica Rei Carrillo. Maging
mapagmatyag at may pakielam sa mga
napapanahong balita sa bansa. Tumutok lang po
dito sa
All: Pilipinas Ngayon!
Athena (Studio Reporter): Magandang
umaga/hapon po.

You might also like