Christmas Gift Giving, hatid ng mga tauhan ng Talibon PNP, LGU at U8 Consumer
Goods Trading sa Bohol
Matagumpay na isinagawa ng mga tauhan ng Talibon Municipal Police Station, LGU
at U8 Consumer Goods Trading ang Gift-Giving Activity na ginanap sa Brgy. Poblacion, Talibon nito lamang Lunes, Disyembre 18, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng naturang estasyon sa
pangangasiwa ni Police Captain Amelito M Melloria, Chief of Police katuwang ang U8 Consumer Goods Trading at sa walang patid na suporta ng Talibon LGU, sa pangunguna ni Hon. Janette Autestila Garcia, Municipal Mayor.
Tampok sa aktibidad ang pamamahagi ng mga tsokolate, tsinelas, at food packs na
naglalaman ng bigas, instant noodles, at mga de-lata.
Sa pagtutulungan ng mga nasabing indibidwal at stakeholders layunin ng aktibidad
sa ilalim ng programang G.O.O.D.C.OP.S. na makapag hatid ng serbisyong nararapat upang mas mapalakas pa ang ugnayang kapulisan at pamayanan.