You are on page 1of 3

Amante, Christine P.

3 RD YEAR - 3DFIL5B

FIL 113: Kulturang Popular Oktubre 27, 2023

MIDTERM: SURI-NILAY NA PAPEL

KULTURANG POPULAR: PAGTANGKILIK SA JOLLIBEE NG BAWAT PILIPINO

Ang Suri-Nilay na papel na ito ay inilalahad kung paano nagsimula ang Jollibee at
paano ito naging patok lalo na ang “Chicken Joy at Spaghetti” sa panlasa ng mga
Pilipino. Tinatalakay din dito ang pagiging popular at tanyag ng Jollibee sa ating bansa
at iba pang bansa hanggang ngayong kasalukuyan.

Ang Jollibee ay isang “fast food” kilala sa kanila ang “Chickenjoy na nakatatak sa isipin
at panlasa ng bawat Pilipino. Ang Jollibee ay sinimulan ni Tony Caktiong at ngayon ay
1000 na mga “food chain” sa buong mundo. Naantig nila ang puso ng bawat Pilipino na
lumaki sa popular na tatak dahil ito ay nagbigay ng magandang alaala sa ibat ibang
karanasan nila sa kanilang pamilya at kaibigan. Maraming Pilipino ang patuloy na
tumatangkilik sa Jollibee dahil sa Crispy na Chickenjoy at Juicy na spaghetti. Ang
Jollibee ay kilala sa bawat kabataan at matatanda dahil marami ang lumaki na ang
Jollibee ay naging bahagi na ng kanilang buhay. Nangingibabaw ang Jollibee sa
katanyagan at kasikatan sa lokal na komunidad hindi katulad ng Mcdo, at Chowking.
Tuwing may selebrasyon gaya ng kaarawan, dito kumakain ang bawat Pilipino. Sa
Jollibee ang nakasanayan ng mga Pilipino na maaring ganapan ng mga selebrasyon o
pagdiriwang dahil sa patok na Crispy Chickenjoy at Juicy na spaghetti. Ngunit hindi
lahat ng mga Pilipino ay hindi kaya ang presyo nga mga pagkain dito, dahil hindi naman
natin maitatanggi na may kamahalan ang pagkain sa Jollibee, kaya nakasanayan ng
mga Pilipino na tuwing may selebrasyon, graduation, pagdiriwang lamang sila kumakain
dito. Ang bawat pananaw ng Pilipino sa Jollibee ito ay isang magarbong handaan na
kapag ang taong may pera at mayaman lamang ang nakapaghahanda dito.
Masasabing ang Jollibee ay bahagi ng kulturang Pilipino. Mas nakilala ang Jollibee
dahil sa masarap nilang pagkain katulad ng Burger Steak, Mix and Match na swap sa
budget ng mga mag-aaral , Chicken Joy na paborito ng mga kabataan, matatanda dahil
sa lutong ng balat nito at Jolly Spaghetti na palaging kinakain ng mga bata dahil sa
lambot ng pasta at malasang sauce, at soup na paboritong kainin ng mga matatanda.
Halos lahat ng hinahanap ng pagkain ng mga Pilipino ay mayroon ang Jollibee kaya’t
maraming kumakain at patok sa panlasang Pilipino.

Ang Jollibee ay maiiugnay sa ating lipunan dahil ang ipinapakita ng konsepto ng


Jollibee ay ang pagkakasama ng isang pamilya na kung saan nagpapaalala ito ng
kahalagahan ng pagsasalo salo sa isang kainan ng isang pamilya sa isang lipunan.
Maraming kulturang Pilipino ang ipanapakita ng Jollibee sa atin, isa na dito ang
Kulturang pagsasalo salo sa isang kainan, dahil hanggang sa kasalukuyang panahon
ang kulturang ito ng Pilipino ay kailanman hindi namamatay at mas pinag-uusbong pa,
mahalaga sa bawat Pilipino ang pagsasalo-salo sa haponan o kaina kahit abala man
ang mga ito sa kani-kanilang gawain o trabaho sa buhay. Isa pang kulturang Pilipino ay
ang pagiging masiyahin, pansin naman natin sa mga larawan, poster at mascot ng
Jollibee na halos lahat ay nakangiti at kanilang ipinapakita ang pagiging masayahin ng
isang tao ano man ang problema na dumadating makikita pa rin natin ang ngiti sa
mukha ng bawat Pilipino. Malaki ang epekto ng Jollibee sa ating bansa dahil sa
pagiging patok ng Jollibee mas umuunlad ang ekonomiya ng ating bansa at ang
Jollibee ang nagpapakita sa iba’t ibang bansa ng kahalagahan ng kulturang Pilipino sa
pamamagitan ng kanilang pagkain na hinahain. Ang Jollibee ay naging tanyag sa
masang Pilipino dahil sa kanilang masayang kultura na nakapagpahanga sa mga
kabataan sa lipunan. Itinataguyod ng Jollibee ang halaga ng pagsasalo, pagsasama at
pagkakaisa ng pamilya na isang mahalaga sa kulturang Pilipino sa ating henerasyon
ngayon. Dahil sa masasarap at pagiging patok ng pagkain ng Jollibee nagiging daan ito
upang makapagbigay ng kaligayahan at pagsasama sama ng mga kaibigan, pamilya at
iba’t ibang tao lalo na sa mga kabataan. Ang Jollibee ang isang maipagmamalaki ng
kompanya sa bansang Pilipinas dahil ipinapakita ng Jollibee ang kulturang Pilipino sa
pamamagitan ng katanyagan ng kanilang pagkain. Malaki ang epekto ng Jollibee sa
ating kulturang Pilipino dahil ang Jollibee ang nagiging daan upang buhayin at ipakita
ang kahalagahan ng pagsasalo at pagkakaisa ng isang pamilya. Kabuuan, hindi natin
maitatanggi na hanggang ngayon ay tanyag at patok ang Jollibee sa ating Pilipino,
Chicken Joy na nagpapasaya satin tuwing tayo ay malungkot, mascot na nagpapasaya
pa rin satin hanggang ngayon kahit tayo ay matatanda na. Ang Jollibee ang bumubuo
sa kabataan ng isang tao. Hindi lamang dahil sa pagkain ng Jollibee pumatok ang
kanilang pangalan sa masa at sa ibang bansa kundi pati na rin kung paano nila
pinahalagahan ang Kulturang Pilipino gamit ang kanilang pagkaing hinahain. Isa ang
Jollibee sa pinaka sikat at kinakainan ng maraming Pilipino sa atin. Kaya hindi natin
maitatanggi kung gaano ito ka-popular sa ating lipunan at bansa. Mas napapalawak at
napapaunlad pa ng Jollibee ang kanilang negosyo patungo sa hinaharap at mas
napapalawak din nila ang pandaigdigang abot ng kultura ng pagkaing Filipino. Ang
Jollibee ay naging bahagi na ng ating buhay at naging kulturang popular ito sa ating
bansa na hanggang ngayon ating tinatangkilik at pinagmamalaki. Dahil sa Jollibee ay
mas nabibigyang buhay ay kahalagahan ng pamilya at pagiging masayahin ng isang
tao, na sa ganitong pamamaraan ay mas nakikila ang kulturang Pilipino ng mga ibang
lahi, kultura at ibang bansa.

https://apollodionisioeportfolio.wordpress.com/assessment-3-lathalain/?
fbclid=IwAR0oB-MDIfBMeIGojjcGeJ8zAl3wPKx8cKEcKFtsnkwoxxGMVKnE96bRs5Q

https://www.scribd.com/document/465369861/fil-107?irclickid=1fO10uS
%3A9xyNUeaU9XwM0VgNUkFQyowtcVToxg0&irpid=123201&utm_source=impact&utm_m
edium=cpc&utm_campaign=Scribd_affiliate_pdm_acquisition_TakeAds
%20Networks&sharedid=229595&irgwc=1

You might also like