You are on page 1of 3

Ang lisyang edukasyon ng mga F/Pilipino nagkakaroon ng balakid sa

pagkakaroon ng hakbang tungo sa kasarinlan at kaunlaran bilang F/Pilipino.


Nagkakaroon ng maling patutungahan, tungo sa ikakabuti ng mga dayuhan, dahil sa
kolonyal na pag-iisip na itinatak sa mga F/Pilipino, datapwat maging mulat at mabuhay
ang kamalayan ng samabayanan Pilipino na binibigyang atensyon ang gobyerno,
ekonomiya at akademiko bilang isang malaking sektor na makapagdudulot ng
pagbabago sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas.
Sinasabing ang edukasyon ang isang malaking sandata laban sa
kamangkamangan, sanhi ng pagkakaroon ng karunungan. Ngunit papaano kung
karunungan na nakamit ay pang-dayuhan, nagkakaroon ng ilusyon na solusyon na ang
problemang kinakaharap ng F/Pilipino, sapagkat lalo pang lumalala. Ang F/Pilipino
nagbabagong anyo, ginagaya ang isang anyo na hinding hindi magiging orihinal o tila
isang katawa-tawa nalang sa sinasabing isang bersyon lamang ng isang dayuhan.
Kinakailangan ng pagwawasto sa sistema, itungo ang edukasyon na makaF/Pilipino na
naayon sa pangangailangan at ikauunalad ng ating bansa, upang makabangon sa
kolonyal na pag-iisip at muling ibalik ang sigla ng pagkakaroon ng sariling identidad na
naangkop ating bansa. Edukasyon na humahawak ang katutubong F/Pilipino, hindi ang
asta amerikano o dayuhan, marahil pansariling interes lamang ang nangingibabaw
nagiging laban para layunin ng bansang Pilipinas. Madaming kakulangan sa
edukasyon, na hindi masisi dahil na rin sa kahirapan at pagbabago ng ekonomiya,
bagkus sa sitwasyon ng kahirapan dapat tunguhin parin ang makaF/Pilipinong layunin
upang makamit ang kaginhiwaan.
Pero kung sino baa ng nakakaangat sa buhay ang siyang naghahangad ng
makadayuhang pangarap, nawawala na ang pag-ibig sa bayan. Nagiging kapitalismo
na ang ugali at hindi iniisip ang kapakanan ng ikakaunlad ng bawat Pilipino, gamit ang
sariling lakas at karunungan upang puksain ang nagdaan na itinanim ng dayuhan na
edukasyon. Edukasyon na nakakabuti lang para sa kanila, edukasyon na nagpopokus
sa uniberalismong problema, mas dapat bigyan pansin ang panloob na problema upang
higit na makatulong sa kabuuang mundo na ating kinagagalawan. Nawawala na ang
katarungan sa edukasyon, nagiging mababaw na sa pribadong sektor ng pribadong ang
kurkikulum, nagiging angkop na lamang sa pangangailangan ng buong daigdig, hindi
napopokus sa sariling katutubong bayan. Hindi ko rin maisasapalagay dahil wala akong
naturang kapangyarihan at nasa posisyon ng mga taga-ugit ng bayan sa pagpapasya,
pero dapatwat magkaroon ng kritiko upang mabigyan pansin ang naturang lumalalang
problema.
Palagi na lang nakakukumpara ang Pilipino sa ibang lahi, kung saan laging
kulelat ang posisyon. Ang “Tayo” naman ay nagpupursigi na ipakita na hindi tayo huli sa
mga larangan na pinangunahan o ginawa na ng ibang bansa, nagpapakita lamang ito
ng pananawa na kailangan pang hanapin ang identidad kalakip o tulong ng ibang
bansa. Tunay ngang nangangailangan tayo ng bisig ng ibang bansa, dahil sa ang
Pilipinas ay hindi pa kayang tumayo sa sariling mga paa, ngunit hindi dapat kalimutan
ang makabayan na interes na makapagbabangon sa pagkakalugmok ng F/Pilipino sa
mga naturang henerasyon. Edukasyon na magiging katutubo sa kung ano ba ang
F/Pilipinong kaisipan, kaugalian at lipunan na makapagpupunan ng solusyon sa mga
natatagong problema na tanging nalalaman at kinakakaharap ng may kaalaman sa
penomenang ito. Layunin na maririnig natin sa tuwing pagtugtog ng mga makabayang
awitin, na nagsasabing pagpupunyagi ng nasyong Pilipino at mga tungkulin ng bawat
mamayan rito.
Ang mga nabihag na kaisipan noong unang panahon ay dapat lumaya na, at
magpatuloy sa nasimulan at patuloy na paluguin sa pag-uugnay para sa kabuuan ng
ating karunungan. Bilang pagtanda sa edukasyong kolonyal na dulot lamang ang ibang
interes, at nakakasira sa paghakbang ng Pilipino sa pambansang nasyonalismo.
Nakamit na nga ang kasarinlan pisikal pero kinakailangan pa ng kasarinlan na
magpapalaya sa kolonyan napag-iisip at isipin na ang mga nagkolonya ay hindi mga
naturang bayani kundi mga prayle na matataba ang tiyan sa pang-aalipusta sa mga
Pilipino noon. Sa panahon ngayon, mas maging kritikal at obhektibo marapat ang
pag-iisip patungkol sa mga dayuhan, marahil dapat ang mga katangian na mabuti at
masama, bilang pag-analisa ng tama at karapat-dapat. Ang bayan an ating kinagisnan
ay dapat itagpo muli sa kanyang kahapon, nang higit sa ganoon mauunawaan ang sarili
liban sa pananaw ng pandayuhan, ang edukasyon bilang kasangkapan sa pag-intindi,
edukasyong pang-masang Pilipino.
Dapat nang mabura sa isipan ng bawat Pilipino, na ang pilipinas ay para lamang
sa agrikultura, ay para din sa naturang pag-unlad sa komersyo, kapitalismo at
industrilisasyon. Pero hindi dapat kalimutan na ang Pilipinas likas na may yaman,
pangalaagaan ang agrikulutra at pagyabungin, dahil nagkaroon ng balakid sa
kakulangan ng bigas, ngunit ang ibang bansa na tinuruan ng pilipinas kung paano ang
tamang pagtatanim ng palay at siyentipikong pag-aaral na ito, napag-iwanan na ang
pilipinas. Mas yumabong ang ibang bansa, dahil sa karagdagang pag-aaral at higit na
binigyang pansin ito. Ngayon, dahil sa laging pag-dating ng bagyo, nag kakaroon ng
rice shortage, kung saan nagiimport tayo ng mga bigas sa mga bansa na ating tinuruan
kung paano magkaroon ng kaalaman ukol dito. Ang posibilidad ng komersyo at
industralisasyon ay mas lalong binigyang pansin at higit na kinalimutan ang likas na
yaman ng bansa na dapat pangalagaan, partikular na agrikultura, na inaamag na sa
pag-unlad nito dahil sa sistema ng edukasyon na patungo sa pangangailangan ng ibang
bansa. Kailangan natin ng pag-aaral pa sa agrikultura upang palaguin at hindi na ulit
mag-angkat sa ibang bansa dahil sa kakulangan na mas lalong nagpapahirap sa atin
bialng bansa. Naging bulag tayo sa ating sariling pangangailangan at mas higit na
binigyang pansin ang pangangailangan ng makadayuhan tungo sa kanilang pag-unlad.
Ang pagiging makakunlaraning pananaw na ang pag-aaral ng Ingles ay
naghuhudyat ng “globally competitive”, ngunit paano mangyayari ito kung sa sariling
katutubong wika ay hindi maalam. Nagiging makadayuhan sa sariling bayan nagiging
hangad lamang ang ginhawa para sa sarili, nagkakaroon ng hugis at porma ngunit
walang panloob at lalim ang pagkatao ng isang Juan. Nagiging mababaw ang
perspektibo at pagkikila sa sarili na nagiging motibo at nakakapinsala sa ekonomya
bilang produktong Amerikano. Ang magiging kapalit ng mga kolonya ang nakatanim na
kolonyal na kaisipan na magpapahiwatig ng kasakiman sa mga katutubo at sariling
bayan na kinagisnan. Nagiging mulat ang mata, pero bulag sa mga isyung panlipunan
na kinakaharap ng F/Pilipino na tanging magbibigay ng kahulugan sa pagkaF/Pilipino.
Sana’y nawa maging tunay nang malaya ang F/Pilipino sa muling pagsusuri sa sarili,
magkaroon ng bunga resulta ng pag-unlad ng edukasyon ng Pilipinas na nagkaroon ng
mamamayan na may sariling larawan ng may kamalayan at iwas sa isiping kolonyal na
dulat ng dayuhan at makadayuhang pag-iisip. Maging malaya sa de-kahon na
edukasyon at maging kalawakan ang edukasyon sa pagkaF/Pilipino.

You might also like