You are on page 1of 2

KHAILA M.

ARAGON

10-UPRIGHTNESS

01-26-23

SURING BASA: KAHAPON, NGAYON AT BUKAS/NI: AURELIO TOLENTINO

PANIMULA

 URI NG PANITIKAN- Ito ay isang Dula

 PAGKILALA SA MAY-AKDA- Si Inangbayan ay ang nagmamalasakit sa dulang ito, dito ay sya ang naka-alam na nagtataksil sa kanila si
AsalHayop. Maipapakita dito ang mga ibang Dahumpalay ay atin ding nakalaban at sa tulong ng mga Dilat na Bulag at ng Matanglawin
ay ito’y ating nalagpasan.

 LAYUNIN NG MAY-AKDA- Layunin ng akdang ito na, wag mawalan ng pag-asa sa lahat ng oras at tayo’y maging malakas at matatag sa
bawat darating na problemang ating kakaharapin sa ating bayan.

PAGSUSURING NILALAMAN

 TEMA/PAKSA – Ang Dulang ito ay may temang karumal-dumal dahil sa mga pangyayaring naganap dito. Ito ay tungkol sa bayan na
ninanais lamang magkaroon ng kapayapaan at kalayaan sa bayan imbis nagkaroon ito ng mga nakahimlay dahil sa mga rebeldeng atin
ding kinakapatid.

BANGHAY/ BALANGKAS

 Tauhan

 Inang Bayan- Siya ang nag-dadalamhati sa mga namatay na kababayan, at sya rin ang nakatuklas sa pagiging taksil ni AsalHayop.

 Dilat na Bulag- Sila ang tumulong sa bayang minamahal.

 Bagong Sibol- Sila ang mga tumulong din sa bayang minamahal.

 Tagilog- Sila ang mga mamayanan sa bayan.

 Matang Lawin- Sila ang kasama ng Dilat na Bulag upang maisakatuparan ang kaligtasan ng bayan.

 Asal Hayop- Siya ang nag-taksil sa bayan at ipinag-sabi ang plano sa kalaban kapalit ng mataas na posisyon.

 Dahumpalay- Sila ang mga taksil na lumaban sa sariling bayan.

 Haring Bata- Siya ang pinuno ng kinakalaban nina InangBayan at Tagilog, sa kanya din nag-balita ng plano ang taksil na si Asal Hayop.

 Tagpuan- Ang mga nabanggit na tagpuan sa dulang ito ay ang bakurang may sagingan at mga halaman sa tabi.

 Sulyap sa suliranin- Sa dulang ito ay kinakaharap nila ang isang kalaban na may hukbong balak sakupin ang bayan at dito ay sila ay balak
ding lumaban ngunit si asal hayop ay nagtaksil kaya’t nalaman ng kalaban ang hakbang na gagawin nila.

 Simula- Isang araw ay nagsasayahan sina AsalHayop at di manlng inalintana ang pagdating ni Inangbayan. Nagulat si inang bayan ng
makita nyang nagkakasiyahan ang mga ito imbis na makiramay sa mga namatay dahil sa pakikipag-laban nagalit si inangbayan at
kinompronta nya sila Asal hayop.

 Tunggalian- Nang nalaman ni AsalHayop ang plano ng kanyang mga kasamahan, siya ay patagong hindi sumang ayon at sa tingin nya pa
ay mga hangal ang kanyang mga kasamahan para lumaban pabalik kay Haringbata. Dito ay hinanap nya si haringbata at sinabi ang mga
balita tungkol sa plano ng kanyang mga kasamahan.
 Kasukdulan- Dito ay sinundan ni Inang bayan si asalhayop at dito ay nalaman niyang nag-taksil sa kanila si asal hayop. Nang sabihin nya
ito sa mga kasamahan niyang sina tagailog ay kinompronta nila si asalhayop ngunit kahit tinatanong palang nila ito ay di parin nagsasabi
ng totoo si asalhayop kaya’t ng sinabi na mismo ni Inang bayan na may pruwebang binigay si haring bata kay asal hayop na totoong
nagpunta si asalhayop kay haring bata at ipagsabi ang mga plano ng kanyang kasamahan ay pinarusahan na nila sya.

 Kakalasan- Dito ay nasulusyunan nina Tagilog at inangbyan na sugurin sina Haringbata at patayin si haring bata upang wakasan na ang
pangsasakop. Sa oras naring iyon ay dumating ang mga tututlong sa kanila.

 Wakas- Nang matapos na ang problemang kanilang kinakaharap ay daumating ang taga ibayong bansa, ito ay sina Dilat na bulag at ang
kasama nito sina Matanglawin. Sila ay pumunta kina Inangbayan at sinabing gusting makipagkapatid upang maprotektahan ang bayang
kanilang minamahal. Sila ay pumayag dahil ramdam nilang mapag-kakatiwalaan ang mga ito at dito ay maproprotektahan sila ng lubos.

PAGSUSURING PANGKAISIPAN

 KAISIPAN / MENSAHE- Sa dulang ito ay aking naisip na kailangan natin lakasan anga ting loob at patunayan na kaya nating ipaglaban ang
kapatdapat satin at protektahan ang bawat minamahal natin.

 ARAL- Maging alerto sa lahat na nakapaligid sayo at maging mabuting mamayan para sa bayan.

MGA TEORYA / DULOG (PATUNAYAN)

 Humanismo- Dito ay naipakita ni InangBayan at ni Dilat na Bulag kasama si Matanglawin ang solusyon upang matulungang protektahan
ang baying minamahal.
 Realismo- Sa dulang ito ay naipapakita dito na hinango ito sa totoong buhay.
 Sikolohikal- Dito ay naipamalas nina InangBayan at Tagailog ang kanilang galit dahil sa pagtataksil na ginawa ni AsalHayop.
 Markismo- Dito ay naipapakita rin ang pagtu-tunggalian ng magkabilang puwersa dahil laban ng pang-sasakop.

BISA

 BISA SA KAISIPAN- Sa simula palamang ng dulang aking binasa ay nagkaroon nako ng interes dito dahil sa anyo ng mga salitang ginamit.

 BISA SA DAMDAMIN- Nang matapos kong mabasa ang dula ay napaisip ako na hanggang ngayun ay nangyayari ito sa totoong buhay at
naramdaman ko ang pang-hihinayang dahil mas maganda sana kung lahat tayo ay nagkakaisa at walang kamuhian sa bawat isa.

 BISA SA KAASALAN- Dahil sa aking nabasa, dito ay napatunayan ko sa aking sarili na kailangan nating maging matatag at may lakas loob
na gawin ang nais natin kung ito man ay nakakabuti para sa atin o sa kapwa natin.

 BISA SA LIPUNAN- Dito ay maipapakita natin pagiging isa ng bawat isa at alam nating magkakasundo rin tayo sa huli.

You might also like