You are on page 1of 22

GROUP

KATAWAN, KASARIAN,
SEKSWALIDAD
FIL113 - KULTURANG POPULAR
GROUP
4

Si Big Brother, Si Boy Bastos, at ang


Pagsasalba ng Katawan sa Tekstong
Popular Ayon Kay Antonio Pigafetta
EDGAR CALABIA SAMAR
PAMANTASANG ATENEO DE MANILA, PILIPINAS
ULAT NINA:
ARAGON, KHAIL M.
BARRETTO, AVRIL ANE SAMANTHA
MGA MIYEMBRO

Aragon, Khail M. Barretto, Avril Ane Samantha


SINO ANG MAY AKDA?
EDGAR CALAMBIA SAMAR
Si Edgar Calabia Samar ay isang makata at nobelista
na isinilang noong Pebrero 18, 1981 sa Lungsod ng San
Pablo, Pilipinas. Nakatanggap siya ng Philippine
National Book Awards para sa kanyang mga nobela at
aklat ng kritisismo, nakatanggap din siya ng Palanca
Awards para sa kanyang mga koleksyon ng tula at
maikling katha.

Ang kaniyang mga Nobela na; Sa Kasunod ng 909, Si


Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon and Si Janus
Silang at ang Labanang Manananggal-Mambabarang
lahat ng ito ay nagwagi sa Philippine National Book
Awards for Best Novel sa Philippine Language taong
2012, 2015, at 2016.
SINO ANG MAY AKDA?
EDGAR CALAMBIA SAMAR
Ginawaran din siya ng PBBY-Salanga Writer's Prize, at NCCA
Writer's Prize para sa Nobelang, Gantimpalang Collantes sa
Sanaysay, at ang Gawad Surian sa Tula.

Ang kaniyang mga aklat sa tula, Pag Aabang sa Kundiman: Isang


Tulambuhay and Asangang Sakop at Inibig: Panibagong
Tulambuhay ay parehas na nominado sa National Book Award.
Ang kanyang award-winning na kwentong pambata na Uuwi na
ang Nanay Kong si Adarna ay iniakma sa isang pagtatanghal at
itinanghal sa Cultural Center of the Philippines bilang bahagi ng
The Virgin Labfest noong Hulyo 2008.

Ang parehong kuwento ay iniangkop din para sa telebisyon sa


isang parte ng pagkukuwento sa GMA-7's Art Angel episode noong
May 29, 2008. Ang kaniyang librong, Walong Diwata ng
Pagkahulog, ay tumanggap ng 2005 NCCA Writer's Prize; ang
pagsasalin nito sa Ingles bilang Eight Muses of the Fall ay matagal
nang nakalista sa 2009 Man Asian Literary Prize. Si Samar ay isa ring
fellow sa 2010 International Writing Program ng University of Iowa.
KONTEKSTO NG ARTIKULO
Ang Artikilong ito ay pumapaloob sa konteksto ng pagsasalba
ng katawan mula sa napapanood sa TV na Pinoy Big Brother at
sa babasahing akda naman ni Boy Bastos Jokes na mababasa
sa text messaging at sa Internet. Dalawang mukha ito ng
pagsasalba sa katawan na lumilikha ng dalawang bago at
magkaibang katawan. Kung saan makikita dito ang paggamit
ng biro ni BBJ sa kanyang mga gawa na kadalasang seksuwal
na paggamit at pagsalba sa katawan, samantala sa PBB
naman ay dumadaan sa pamamagitan ng kamera ang
pagsasalba sa katawan ng mga nakatira dito.
PANANAW NI PIGAFETTA
MAIKLING Sinusuri ang teksto at ang konsepto ng kulturang popular o

BUOD
pop culture mula sa pananaw ni Antonio Pigafetta, isang
tagapagmasid ng paglalayag ni Ferdinand Magellan sa
Pilipinas noong 1521. Gamit ang librong “Primo Viaggio
Inforno al Mondo” (1619-1522).

Inilalapit ng teksto ang pagsasalaysay ni Pigafetta hinggil


sa kanyang pagtuklas sa kultura at pananaw ng mga
sinaunang Pilipino, partikular na ang kanilang pag-uugali,
kasuotan, katawan na tinawag niyang “Caphri” na ibig
sabihin ay nakahubad at pananampalataya.

Ipinaliwanag din dito ang paraan ng pagsasalba o


paglalantad ng katawan ni Pigafetta at kung papaano
naihahatid at naiiwas sa mambabasa.

Sa pamamagitan ng tekstong popular na “Si Big brother


ng Pinoy Big Brother (PBB), at si Boy Bastos sa siklo ng
Boy Bastos Joke (BBJ). Dito susuriin ang mga paraan ng
pagsasalba ng dalawang ito sa katawan gamit ang lente
para kay Big Brother at sa mga pagsulat ni Boy Bastos.
MGA TEKSTO NG KATAWAN
MAIKLING Ipinakita ng teksto kung paano inuugma ang kanyang

BUOD
paglalarawan sa mga popular na figura, kagaya nina Big
Brother at Boy Bastos, para maipakita ang pagkakaugnay ng
kanyang mga obserbasyon sa kasalukuyang kultura.

Nahahati ito sa dalawang tekstualisasyon ang una ay ang


panonood ng katawan sa PBB, samantalang mababasa o sa
salita sa naman sa BBJ.

ANG KATAWAN SA SALITA NI BOY BASTOS


·Ipinapakilala ni Boy Bastos ang kaniyang sarili bilang isang
biro (joke), at mas malawak ang saklawin ng deseminasyon
ng tekstualidad ni Boy Bastos.

·Bilang katawan na nagsa-salita, maibabahagi si Boy Bastos


mula sa text messages, forwarded emails, chat rooms at
Internet discussion threads sa iba’t ibang forum, patungo sa
mga oral na palitan ng salita sa iba’t ibang lokasyon na may
puwang para sa pagbabahagi ng isang biro. Sa kasong ito,
naririnig na rin at hindi na binabasa lamang ang texto ni Boy
Bastos bilang salita.
ANG KATAWAN SA SALITA NI BOY BASTOS
MAIKLING Ang tekstualisasyon ng katawan ni Boy Bastos bilang salita ay

BUOD
nakapasok sa kombensiyon ng isang joke o biro na may
layuning magpatawa, hindi totoo at panloloko bilang
idyomang Pinoy.

Ayon kay Freud, ang mismong kalaswaan ay estratehiya


para sa layunin ng paglalantad, subalit problematiko nga
ang paglalantad na ito dahil kailangang pumaloob muna sa
isang biro bago maging katanggap-tanggap.

·Ayon kay Ariel C. Arango, may-akda ng Dirty Words, ay mga


salitang lumilikha ng aura at puwersa na higit kaysa sa
kayang likhain ng ibang salita kahit pa iisa lamang ang
kanilang tinutukoy. Naigigiit nito na nasa antas ng “wika” ang
kinikilala nating malaswa at wala sa tinutukoy (referent),
halimbawa, kapag pinalitan ang tae ng dumi, at etits ng ari
ng lalaki.

·Nagiging embodiment ng taboo ng lipunan si Boy Bastos at


ang kanyang pamilya na sa sandali ng pagsasalba sa kanyang
katawan at sa mga gawain ng katawang ito.
ANG KATAWAN SA KAMERA NI BIG BROTHER
MAIKLING Limitado ang deseminasyon ng tekstualisasyo ng katawan sa

BUOD
PBB dahil nangangailangan ito ng midyum tulad ng audio at
visual, kaysa sa BBJ na madali naipapasa-pasa.

Lumilikha ng ilusyon ang kamera kung saan makikita ang


katawan at binubura ang impresyon na may pagsasalbang
ginaganap.

Noong 2005, isa sa mga bagong reality shows na nakilala sa


pilipinas ang Pinoy Big Brother na franchise ng ABS-CBN 2
mula sa Endemol at kinilala bilang “most phenomenal TV
show” sa bansa nang taon ding iyon.

·Malinaw ang kondisyon ng “palabas”: binibigyan ng


pagkakataon ang “manonood” na “sumilip” sa buhay ng iba,
samantalang maláy ang mga nakatira sa bahay na
pinapanood sila. Sa ganitong pagsasalba ng katawan, may
nagaganap na incitement/excitement sa voyeurism sa panig
ng mga manonood at exhibitionism naman sa panig ng
housemates.
ANG KATAWAN SA KAMERA NI BIG BROTHER
MAIKLING “Ang teleserye sa totong buhay” ibig palabasin ng PBB na

BUOD
“totoongbuhay” ang mga nangyayari sa bahay. Ngunit dahil
sa pamamagitan ng, “through” at “mediation” ng lente ng
kamera ay nagiging katumbas lamang ng isa, at nagging
representasyon ng isa pa ay nagiging hindi ito ang mismong
toong buhay. Bagkus it ay ang “Teleserye ng totoong
buhay”.

Big Brother bilang isang istrikto, nagpaparusa, at hindi


halos tumatawa. Sa kaniya hindi nagging biro ang
pagsasalba ng katawa sa tektualisasayon nito sa telebisyon.
PRODUKSYON NG REPRESYON SA KATAWAN:
MAIKLING ANG KASO NI BIG BROTHER

BUOD
Kontrobersyal na usapan ng mga housemates sa mga
“sensitibong” paksa gaya ng virginity at anal sex. Naging dahil
ito upang noong Setyembre 25, 2005 naghain ng suspensiyon
ang MTRCB dahil sa episode na ito.

·Pagpuna ni Laurenti Dyogi, direktor ng PBB, kung bakit


pinuna ang kissing scene sa pagitan ng housemates na sina
Chix at Sam, samantalang sa mga soap opera ay tanggap ito?
At hindi ba nangyayari din ito sa totoong buhay.

Pagparusa ni Big Brother kay Chix, hindi siya pwede makipag-


usap o lumapit kay Sam Milby. Malinaw na si Big Brother ang
nagsisilbing regulator, kosensiya at tagapagpatupad ng
utos ng mula sa labas ng bahay (MTRCB).
Naging maingat ang pagsasalba ni Big Brother, sapagkat naging
kasabay nito ang pagpapakita ng katawan ang pagbabawal sa
pagpapakita ng katawang ito.
Big Brother bilang nagtatalaga ng posisyon, eksposisyon ng
katawan ng housemates ngunit siya ay walang
pagsasakatawan.
REPRODUKSYON NG REPRESYON NG KATAWAN:
MAIKLING ANG PROBLEMA NI BOY BASTOS

BUOD
Pagkakaroon ng ibat ibang bersyon ng mga joke o biro ni Boy
Bastos.

Big Brother bilang signipikasyon ng represyon, samantalang


ipinapakita naman ni Boy Bastos ang tekstualisayon ng
kontra-represyon.

Paggamit ng pananalinhaga, metapora, simile, at magkaibang


isinasagisag ng salita.

Unang pangkat na tinutukoy sa mga biro ni Boy Bastos ay ang


tungkol sa kaniyang paglaki at pamilya. Pangalawang pangkat
ay sa eskuwelaham at pag-aaral niya. Pangatlo ang pagbuo ng
pamilya ni Boy Bastos, at pagkakaroon niya ng sariling Anak. Sa
huling pangkat naman ay ang mga biro tungkol kay Boy Bastos
sa kaniyang pakikipagsapalaran niya bilang mamayanan ng
isang bayan, na itinatanghal sa espasyong pampubliko.
REPRODUKSYON NG REPRESYON NG KATAWAN:
MAIKLING ANG PROBLEMA NI BOY BASTOS

BUOD
·Hindi masasabing kataliwas lamang ni Big Brother si Boy
Bastos, dahil maaring maging agent din si Boy Bastos ng
mismong makinarya ng represyon. Dahil ang katawang absent
na nga sa mga titik na k-a-t-a-w-a-n ay kailangan pang maging
k-a-t-a-t-a-w-a-n-a-n. Kagaya ng mga nabanggit na,
natatanggap natin si Boy Bastos dahil hindi natin siya
kailangang seryosohin.

·Nililikha at pinapalaganap natin si Boy Basto upang


maipagpatuloy ang higit na pagiging malay sa katawan na
nagpapagana sa makinarya ng kapiatalismong
nagpapagalaw sa mga kondisyon ng lipunan.
ANG KATAWANG MAISASALBA
MAIKLING Dalawang kahulugan ng “Pagsasalba” sa katawan: ang pagliligtas
sa katawan sapagkat naihatid ito sa tagatanggap, at ang

BUOD
pagliligtas sa katawan sapagkat naiiiwas ito sa tagatanggap.

Kung babalikan ang ang “Primo Viaggio Intorno al Mondo” ni


Pigafetta, makikita natin sa loob ng kaniyang ulat-pagsasalaysay
ang pagkatha niya ng munting diksiyonaryo na unang pag-
unawa/ pagsasalin sa mga katutubong salita—at malaking bahagi
ng unang seksyon ang ukol sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Dalawang mukha ng pagharap sa katawan: epistemolohikal na


pag-unawa sa kasalaulaan/barbarismo ng katutubo kaya’t
kailangang takpan o damitan; at, kasabay nito, isang ontolohikal
na kodipikasyon ng mga bahagi ng katawan. Ito ang dalawang
maskara ng represyon na isusuot ni Big Brother (ang unang
mukha) at Boy Bastos (ang ikalawang mukha)

Pagbuo ng mukha ng sibilisasyong sa gitna ng kapitalistang


oryentasyon.

Usaping kasarian: bakit kailangang “Brother” at “Boy”.


KRITIKAL NA
PAGSUSURI SA
UGNAYAN SA
LIPUNAN, SA
BANSA, SA
KULTURA, AT SA
KAPALIGIRAN.
KRITIKAL NA PAGSUSURI SA
UGNAYAN SA LIPUNAN
Ang ugnayan ng akda ni Edgar Calabia Samar na ”Si Big Brother, Si Boy
Bastos, at ang Pagsasalba ng Katawan sa Tekstong Popular Ayon Kay
Antonio Pigafetta” sa lipunan ay ang pagpapakita o paggamit ng
katawan sa ibat ibang midyum, maaring ito ay makita, mabasa, marinig
sa pamamagitan ng Telebisyon katulad ng PBB, at sa mga sulatin o
teksto sa internet, text, forum, at iba pa na siyang ginawa ni Boy Bastos.

Makikita din natin sa tekstong ito ang ibat ibang paggamit ng katawan
tungo sa pagbibigay aliw o katuwaan, silip sa totoong buhay, at biro na
siyang ginawa ng dalawang popular na personalidad.

Sumasalamin din ang tekstong ito sa mga nagaganap sa totoong buhay


na siyang gustong ipakita ni Big Brother sa pamamagitan ng mga
housemates, at sa sitwasyon o sa kwento naman ni Boy Bastos na
pumapaloob sa kwento ng buhay niya, simula paglaki, pag-aaral,
pagkakaroon ng sariling pamilya, at pagpasok niya bilang isang
mangagawa sa lipunan, dito makikita ang mga kwento na maaring
makita sa totoong buhay ngunit pasok pa din sa pabiro o joke na
sekswal o inuugnay sa katawan, na patok sa mga mamayang pilipino.
KRITIKAL NA PAGSUSURI SA
UGNAYAN SA BANSA
May ugnayan din makikita ang tekstong binasa sa bayan, dahil ito
ay konektado sa ating kasaysayan, partikular na kay Antonio
Pigafetta na isang tagamasid ng paglalayag ni Ferdinand Magellan
sa Pilipinas noong 1521. Siya ay nakapag lathala ng librong “Primo
Viaggio Inforno al Mondo” na kung saan makikita ang unang salin
ng mga katutubong wika ng mga pilipino tungkol sa kanilang
katawan, paniniwala, pisikal na itsura, at iba pa.

Ang librong ginawa ni Pigafetta ay isang daan upang ipakita o


ilahad sa atin sa modernong panahon kung paano ang
pagsasalbang ginawa niya sa katawan upang maihatid ito sa atin.

Nakapaloob din dito ang pagsasalba ng katawan na hindi para sa


sariling paningin, kundi para sa paningin ng ibang kokunsumo nito
na siyang ipinakilala sa atin ng mga banyaga.

Pumapaloob din ang ibang parte ng teksto sa kapitalistang


oryentasyon na kung saan ginagamit upang impluwensyahan ang
mga komukonsumo nito.
KRITIKAL NA PAGSUSURI SA
UGNAYAN SA KAPALIGIRAN
Ang ugnayan ng tekstong ito sa kapaligiran ay makikita sa
pamamagitan ng paggamit ng midya at teknolohiya upang
ipakita ang ibat ibang karanasan, itsura, istorya na siyang nag
iiba depende sa antas ng buhay at kanilang kapaligiran.

Malaki ang epekto ang ipinakita sa tekstong ito sa persepsyon ng


iba pagdating sa kanilang kapaligiran.

Mapapansin din na binigyan ng diin ng teksto ang isyu


pagdating sa usaping kasarian sa pamamagitan ng paggamit ng
salitang “Brother” at “Boy” sa mga kilalang personalidad na
siyang naglalahad ng paggamit ng katawan sa kanilang mga
ginagawa.

Ipinapakita din dito ang paggamit ng kapaligiran sa kanilang


mga pagpapakita ng katawan, sekswal man o pabiro na
magdudulot sa mga mambabasa at manonood ng sabik, at
pagiging usisero ng mga pilipino sa mga susunod na maaring
mangyari.
KRITIKAL NA PAGSUSURI SA
UGNAYAN SA KULTURA
Masusuri naman ang ugnayan ng teksto sa kultura na makikita sa
paggamit ng mga kultura o mga paniniwala, kaugalian, at mga
nakasanayang gawin ng mga Pilipino.

Masusuri dito ang kulturang Pilipino na pagiging konserbatibo


pagdating sa mga maseselang isyu o usapan.

Makikita din dito ang pagpasok ng kapitalistong pag-iisip ng ilan na


kung saan kung ano ang ginagamit ng mga kilalang personalidad sa
TV ay siyang gustong gayahin ng mga manonood.

Makikita din ang ugnayan nito sa ating katutubong kultura na


siyang binaggit sa aklat ni Pigafetta, na mga “Caphri” na mga
katutubong nakahubad, tadtad ng tao, may langis ang katawan at
may nakatakip sa bandang ari, na nangangahulugang matapang o
malakas.

Masusuri rin natin ang paggamit ng biro ni Boy Bastos bilang


paglalahad ng katawan ay dapat dumadaan muna ito sa biro upang
tanggapin natin mga pilipino.
KONGKLUSYON
Bilang kongklusyon kung bakit naging Kulturang popular ang akdang “Si Big Brother, Si Boy
Bastos, at ang Pagsasalba ng Katawan sa Tekstong Popular Ayon Kay Antonio Pigafetta” ni Edgar
Calbia Samar.
Masasabing ang pagsasalba ng katawan sa ibat ibang paraan ay isang sensitibong isyu o
gawain na unti unting lumilinaw sa makabagong panahon, bagamat konserbatibo pa din ang
iilang pilipino, makikita at madadama na ang pagtanggap o paggamit ng katawan sa pagtalakay
ng ibat ibang isyu sa ating lipunan o paggamit nito upang maging aliw o biro sa iba.
Alam naman natin na mas bukas na ang isip ng mga mamayanang Pilipino pagdating sa usaping
katawan, pasekswal man ito o pabiro, ay tinatanggap na ito ng mga Pinoy na hindi tulad ng dati
na puno ng represyon upang hindi maging sensitibo para sa iba na siyang nangyari sa PBB at
naging dahilan upang mabago ang iilan na pagpapakita ng katawan. Naging kulturang popular
din ito sa kadahilanang likas sa mga mamayanang Pilipino ang pagiging Malibog o sekswal, na
siyang konting banggit, pakita sa telebisyon o sa babasahin tungkol sa katawan ay talagang
patok na patok o nagiging popular na agad ito sa lahat. Isa pa sa dahilan ay dahil likas sa mga
pilipino ang pagiging masayahin na kahit seryoso ang kanilang pinag-uusapan lalo na kung
tungkol ito sa katawan ay dinadaan nila ito sa biro o katatawanan sa tulong ng mga metapora,
simili, sagisag, at pananalinhaga upang maiwasan maging sensitibo ang usap na ugat padin sa
pagiging konserbatibo ng iilan na siyang ginawa ni Boy Bastos. Dagdag pa na ang mga kilalang
personalidad ay siyang gumagawa ng pagsasalba ng katawan na tumulong din upang maging
popular ito sa ating bansa.
SALAMAT SA
PAKIKINIG!
TAGAPAGULAT:
ARAGON, KHAIL M.
BARRETTO, AVRIL ANE
SAMANTHA

You might also like