You are on page 1of 1

Si Aso at si Ipis

May Akda:Nina Ana-ao,


Adolf A.;
Nerida, Joana T.;
Vergara Myka
Mataas ang mga punong nakapaligid sa bahay. Malawak din ang hardin sa likuran.
Napaligiran ng mga palay at mga pananim ang bahay ni Mang Kardo. Sa harap
naman, malapit sa pintuan ay ang tulugan ng aso. Maliit lang ang bahay ngunit
parang paraiso ang kapaligiran nito. Nag-iisa kasi ang bahay ni Mang Kardo sa
bundok na iyon at ang kanyang kapitbahay ay sa kabilang bundok pa nakitira.

Araw ng Lunes at abalang nagluluto si Mang Kardo sa loob ng bahay. Kaarawan kasi
ng kanyang apo at isang surpresa ang kanyang inihanda. Nagluto siya ng
pinakamasarap na kanin na kanyang ibinayo lamang kaninang umaga. Naghanda rin
siya ng pinikpikan at nilagyan ng etag upang mas lalo pang maging masarap ang
kanilang ulam. At upang mas lalong maging masaya ang apo ay nagluto rin siya ng
dalawang patong na cake.

Binilin niya ang kanyang aso na bantayan ang kanilang bahay dahil susunduin niya
ang kanyang apo sa kabilang bundok. Sinabi niyang matatagalan pa ito kaya ang aso
muna ang bahala sa kanilang bahay.

“Sige, mag-iingat ka sa pagbaba ng bundok, makakaasa ka na babantayan ko ang


bahay pati na rin ang mga niluto mong mga pagkain,” yan ang sabi ng aso.

Naisip niya na siguradong bibigyan naman siya ng kanyang amo sa inihanda nitong
pagkain kaya minabuti niyang bantayan ng mabuti ang bahay.

Tinawag ng Aso ang kaibigang Ipis at sinabing tulungan siya sa pagbabantay ng


bahay.

Pinaakyat niya ito sa bubungan ng bahay para makita niya ang mga taong may
masasamang balak at upang masabihan siya agad.

Umakyat nga ang ipis ngunit nakita nito ang cake sa lamesa, bigla siyang nagutom.
Hindi napigilan ni Ipis ang kanyang sarili kaya tinawag niya na rin ang kanyang mga
anak at mga kapamilya na alam niyang gutom din. Kinain nila ang higit sa kalahati ng
cake at humigop ng sabaw ng pinikpikan na may etag.

You might also like