You are on page 1of 4

PAGSUSURI NG PELIKULA: ANG PAGDADALAGA NI MAXIMO OLIVEROS

Sa direksyon ni: Auraeus Solito


Hango sa isinulat ni: Michiko Yamamoto

I. PANIMULA
Ang kuwento ng pelikulang ito ay umiikot kay Maximo Oliveros o Maxie,Ang pelikulang ito ay tungkol
sa isang mahirap na bakla na umibig at nagkagusto sa isang pulis, ngunit pilit itong hinahadlangan dahil
sa bawal ito dahil ang mga kapatid ni maximo ay mga kriminal. Kaya hindi ito maari kung magustuhan
man siya nito ay mahuhuli ang kanyang mga kapatid.
Sumasalamin ang pelikula sa katotohanang nangyayari sa tao. Lalo na sa mga nakatira sa squatter area.
Ang iba’y nagiging masama dahil sa kapaligiran ngunit maaari parin naman syang magbago. Dapat
tanggapin natin ang isang tao kahit ano pa man ang kasarian niya.

II. PAMAGAT
“Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” Ay tungkol sa isang bading na tinedyer na naipit sa pagitan
ng kanyang pag-ibig para sa isang batang pulis at ang kanyang katapatan sa kanyang pamilya. Kung
mapapakinggan or mababasa ko ang pamagat ng pelikula ay iisipin ko agad na tungkol ito sa kabaklaan
ng isang pangunahing karakter na si Maximo Oliveros. Bagamat ang pelikula ay tungkol sa pagiging
homosexual ay hindi ko agad ito hinusgahan dahil alam kung may kakaiba itong istorya, isang
masterpiece ika nga kung kayat naging matunog rin ang mga ganitong pelikula.

III. KARAKTERASYON AT PAGGANAP


A. Pangunahing Tauhan
Maximo Oliveros (Nathan Lopez) – Siya ay dose anyos na bakla na nanggaling sa pamilya ng
mga kriminal. Napamahal siya sa isang pulis.
B. Katuwang na Tauhan
Victor Perez (Jr Valentin) – Siya ang bagong pulis na nadestino sa lugar nila Maxi. Dedikado
ang kanyang trabahong hulihin ang mga masasamaang tao.
Paco Oliveros (Soliman Cruz) – Siya ang ama ni Maxi na utak din ng mga kriminal sa kanilang
lugar.
Boy Oliveros (Neil Ryan Sese) – Ang panganay na kapatid ni Maxi na aksidenteng nakapatay ng
estudyante habang nang-hoholdap.
Bogs Oliveros (Ping Medina) – Isa pang kapatid ni Maxi na naakusahang pumatay sa estudyante.
Bagong Sergeant (Bodjie Pascua) – Siya ang bagong sergeant na hindi na nagpapasuhol sa mga
kriminal. Siya rin ang bumaril at pumatay sa tatay ni Maxi na si Paco.

IV. URI NG GENRE NG PELIKULA


Drama at Komedya- Ang genre ng pelikulang ito ay melodramatikong may halong komedya ang pelikula
ay napakapopular sa konteksto ng Philippine cinema na kahit ang mga likha ng mga natatanging mga
direktor noong dekada 70’s at 80’s ay nakaayon sa genreng ito.

V. TEORYA NG PANITIKAN
Teoryang Queer – Ang pelikulang ito ay pinagbibidahan ng isang responsableng bakla. Sa murang edad
pa lamang ay may kakayahan ng tumulong sa mga gawaing bahay dahil nga puro lalake ang kasama niya
sa bahay.
Teoryang Eksistensyalismo – Sa kabila ng kriminalidad na ginagawa ng kanyang ama at mga kapatid,
pinili niya pa ring maging mabuting tao sa kapwa.
Teoryang Eksistensyalismo – Sa kabila ng kriminalidad na ginagawa ng kanyang ama at mga kapatid,
pinili niya pa ring maging mabuting tao sa kapwa. Si Maxi ay mayroong kakayahang magdesisyon para
sa kanyang sarili lalo na matapos mabaril ang kanyang ama. Sa pagtatapos ng pelikula ay pinili niyang
hindi pansinin si Victor at magpatuloy lang sa paglalakad papuntang paaralan.
Teeryang Romantisismo – Hindi man nagkatotoo ang relasyon ni Maxi at Victor, makikita sa pelikula
ang pagmamahal at pag-aalala ng isang bata sa pulis lalo na ng mabalitaan nito na binugbog ng kanyang
ama at kuya si Victor. Makikita rin dito ang pagmamahal ni Maxi sa kanyang pamilya matapos
magsinungaling sa pulis upang di mahuli at mabilanggo ang kanyang kuya. Gayundin ang pagmamahal ni
Victor kay Maxi ay di mapagkakaila kahit na mga kriminal ang kasama nito sa kanilang pamamahay.
Teoryang Sosyolohikal – Nagsimula ang pelikula sa pagpapakita ng paligid kung saan umiikot ang
buhay ni Maxi. Makikita rito ang natural na kalagayan ng isang lipunan na pinagkakalooban ng mga
suliraning panlipunan. Gayundin ang pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan.
Teoryang Moralistiko – Isa sa mga sentro na pelikula ang pagdedesisyon ni Maxi sa pagtatago sa
kanyang kuya. Makikita rito ang paglalahad ng mga pilosopiya at proposisyong nagsasaad sa pagkatama
o pagkamali ng isang kilos o ugali ayon sa pamtayang itinakda ng lipunan.

Paglalapat ng Teoryang Realismo - Maraming pangyayari ang naipakita ng pelikula na kung ating
bibigyang-pansin ay may kinalaman sa realidad o tunay na buhay. Marami dito ang tumutukoy sa
pamumuhay ng mga taong simple lamang ngunit nakakagawa ng masasamang bagay dahil sa kahirapang
dinaranas nila.
Panlipunan - Ipinakita sa pelikula kung paano inaapi ang mga homosexual o bading sa lipunan, ang
pagkasiga at mayabang ng mga kriminal na ginagamit ang mga pulis tulad ng mga ginagawa ng mga may
kaya at kapangyarihan sa panahon natin ngayon, at ang paraan ng pamumuhay ng mga taong lumaki sa
kahirapan na napilitang gumawa ng masama mabuhay lamang.
Pampamahalaan - Ipinakita dito ang problema sa kurapsyon at ng kapangyarihan o kalakasan ng isang tao
sa mga alagad ng pamahalaan. Ang mga kriminal na sinusuhulan ang mga pulis mapawalang-sala lamang
at ang mga pulis na tinatalikuran ang kanilang tungkulin at obligasyon sa pamahalaan dahil
pagiging mataas sa kanilang sarili at pumatay o tumanggap ng suhol dahil sa pera.
Pag-Ibig - Minsan ay nakagagawa tayo ng maling desisyon ng dahil sa pag-ibig tulad na lamang nang
muntikang pagpili ng pangunahing tauhan sa laking mahal niya kaysa sa pamilyang mahal na mahal siya.
Tulad nga ng mga pangyayari sa totoong buhay na tulad din ng pangunahing tauhan na si Maxi, na lahat
ay gagawin para sa kanilang minamahal. Minsan naman, dahil din sa pag-ibig tayo natututong bumangon
at maging matatagtag sa buhay upang harapin ang ating mga problema. Dahil sa pag-ibig natutunan
nating maging malakas at matapang.
Pampamilya - Ipinakita dito ang kahalagahan ng pamilya sa mga tauhan. Dahil sa pamilya, nakagawa sila
ng hindi magandang bagay. Dahil sa pamilya, pinasok nila ang magulo at delikadong buhay. At handa
silang gumawa ng masama para sa pinakamamahal nilang pamilya. Dahil para sa kanila, lahat ay gagawin
nila kahit ibuwis pa nila ang kanilang sariling buhay para lang maging maayos at ligtas ang kanilang
pamilya.

VI. TEMA O PAKSA NG AKDA


Makatotohanan ang pelikulang ito. Ipinapakita dito ang tunay na kalagayan ng iba nating mga kababayan.
Na kahit tanggap ka ng sarili mong pamilya tungkol sa iyong seksuwalidad, mapanganib pa rin ang mga
tao sa labas. Ipinapakita rin dito ang maling pamumuhay ng pamilya ni Maximo.

VII. SINEMATOGRAPIYA
Magiging maganda ang pelikula kung angkop at naaayon ang tagpuan, pangyayari at ang pagkakagawa
nito. Ang pelikulang “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” ay isa sa mga pelikulang nagbigay
inspirasyon at realidad sa buhay. Ang tagpuan o ang pinangyarihan ng pelikula ay naayon at tamang-
tama sa istorya ng pelikula. Subalit may mga pangyayari na masyadong madilim at hindi na gaanong
makita ang mga tauhan. May mga pagkakataon din na hindi maganda sa paningin ang ilang tagpo dahil sa
mga ilaw at “effects”. Hanga ako sa galing ng mga tauhan sa pelikula. Hindi lamang nila nagampanan ng
mahusay ang kanilang mga karakter, kung hindi pati na rin ang kanilang hitsura. Maayos nilang naibagay
ang kanilang pagkatao sa mga karakter o tauhan na ginampanan nila. Pati na rin sa lugar o pangyayari ay
maayos nilang naisagawa ang kanilang mga diyalogo at pananalita.Hindi ganoon kaganda ang
sinematograpiya ng pelikulang ito. Marahil ay ito ay luma na.

VIII. PAGLALAPAT NG TUNOG AT MUSIKA


Sabi nga nila, mas maganda ang ating pinapanood kung nadadama natin at kung nadadala tayo nito.
Ganoon din sa musika na isa sa dahilan upang mabigyan ng mas maayos na interpretasyon ang bawat
tagpo. Mas magiging maganda hindi lang sa paningin kung hindi pati na rin sa pandinig kung ang
musikang pinakikinggan natin ay naaayon o angkop sa ating pinapanood. At para sa amin, maayos,
maganda at angkop ang mga pagkakalapat ng mga tunog sa pelikula Ang paglapat ng mga orihinal na
musika ay mas nagbigay saya at liwanag sa bawat eksena ng pelikulang ito.

IX. EDITING
Maayos naman ang pagkaka-edit sa pelikulang ito. Maganda ang daloy ng bawat eksena.

X. PRODUCTION DESIGN
Naging maayos ang pag didirehe ng pelikulang ito mula sa pag-iilaw , may madidilim na eksena pero sa
tingin ko ay parte lamang ito upang mapanitili ang aesthetic ng pelikula, napansin ko rin sa pelikulang ito
ang konsepto ng "the shakier, the better" at pagpapanatili ng camera sa isang anggulo lamang ng mga
ilang minute. Naging angkop din ang mga kagamitan, tanawin at iba pa sa ginawang pelikula.

XI. DIREKSYON
Si direk Auraeus Solito ay naiiba sa ibang mga director dahil ang kanyang mga pelikula ay mga naiiba
katulad nalamang ng pelikulang ito. Kahit na naiiba ang istorya nito hindi naman nalalayo sa totoong
buhay. Ang pelikulang ito ay nagkamit ng 19 na parangal at 14 nomination sa iba;t ibang division kaya
hindi mapapagkailangan ang pelikulang ito ay nabigyan ng magandang direksyon.

XII. BUOD O SYPNOSIS


Si Maximo Oliveros ay kabilang sa LGBT, siya ay nasa edad labindalawa. Matagal ng patay ang
kaniyang ina kaya’t ang kasama na lamang niya ay ang kaniyang ama at dalawang kapatid na lalaki.
Ngunit sa kabila nito’y sa unang parte ng pelikula ay makikita sa kanyang anyo o mukha na masaya
naman siya at matulungin sa lahat. Sa katunayan ngay mahal na mahal sya ng kanyang pamilya kahit na
isa syang bakla. Ang pinagkakaabalahan ng kaniyang ama ay nagtitinda ng nakaw na gadyets para may
pantustos o pangbuhay sa kanyang pamilya ngunit sa paningin ni Maximo ay Mabuti o hindi gumagawa
ng krimen ang kaniyang ama. Ang panganay niyang kapatid na si Kuya Boy ay walang kinatatakutan at
hindi rin sya marunong magdasal ngunit palagi nitong pinoprotektahan si Maximo. Ang pangalawa
naman niyang kapatid na si Kuya Bogz ay parang adik dahil sa maahaba ang buhok, may mga hikaw sa
tenga at mga tattoo sa braso nito. Mahilig rin siyang manloko ng mga dalaga sa kanilang barangay.
Kinahihiligan ni Maximo ang panonood ng sine na kung saan sa isang kwarto o cinema house at sa
parang maliit na telebisyon lamang sila at may bayad din sila doon. Kasama nya ang mga kaibigan niyang
mga bakla sa panonood. Iyon nga lang pirated CD’s ang ipinapalabas. Isang araw ang mga kaibigang
bakla ni Maximo ay nagkaroon ng kunwaring beauty contest. Pumunta sila sa bahay ng isa nilang
kaibigan at nanghiram ng mga costumes.Rumampa sila na suot ang mga damit. Umarte sila na parang
nasa isang beauty contest. Noong nasa question & answer portion na, na may tanong na: “Para sa’yo ano
ang love?” Hindi iyon masagot ni Maximo dahil hindi pa nya iyon nararanasan. Nagpaalam na sya sa
kanyang mga kaibigan gabi narin kasi noon. Habang sa daan muntikan na ma-rape si Maximo buti na
lang at dumating si Police-of-Officer Victor Perez. Pinasan nya si Maximo hanggang sa bahay nito. May
kung anong naramdaman si Maximo sa nangyari. Hinatid ng pulis si Maximo sa bahay nito. Kinabukasan
dinalhan ni Maximo si Victor ng pananghalian sa police station. Simula noon lagi nang dinadalhan ni
Maximo si Victor ng pananghalian.Lagi ring pumupunta si Maximo sa bahay ni Victor. Isang pumunta
sina Victor at ang ilang kasama nitong pulis upang hulihin ang drug pusher sa barangay ni Maximo.
Pinigil sila ng tatay ni Maximo at sinabing “Magkano ang halaga upang pakawalan nyo ang lalaking ito”
Tumanggi si Victor at hinuli parin ang lalaki. Walang nagawa ang tatay ni Maximo. Naging malapit ang
pamilya ni Maximo kay Victor. Minsan iniimbitahan pa ng tatay ni Maximo si Victor upang uminom sa
kanila.Dati iyon simula nang masangkot ang kuya Boy ni Maximo sa pagpatay ng isang estudyante at
nakita pa ni Victor ang damit na sinusunog ni Maximo. Nagkaroon ng lama tang pagkakaibigan ni Victor
at ng pamilya ni Maximo. Binugbog ng tatay ni Maximo nang nalaman nya na si Boy ang pumatay sa
estudyante. Pinagtatago nya ito sa bahay ng tiyahin nya.Binugbog nina Bogz at ng tatay nito si Victor
upang din a matuloy ang paghuli kay Boy. Dinala ni Maximo si Victor sa bahay nito at nilinisan ang
sugat binihisan at binantayan magdamag. Kinabukasan pinagluto nya si Victor ng umagahan ngunit wala
parin itong kibo. Umalis ng bahay ang tatay ni Maximo upang katagpuin si Hepe Dominguez. Di
inaasahang binaril ni Hepe Dominguez ang tatay ni Maximo at agad itong namatay.Nakita ito ni Boy.
Wala syang nagawa kundi ang malungkot sa nangyari. Umiyak si Maximo sa nangyari sa pinakamamahal
na ama. Dinalaw nila si Bogz sa kulungan dahil nasangkot rin sya isang patayan. Sa nalamang masamang
balita nagwala si Bogz sa loob ng selda. Nakalaya na si Bogz at gusting gantihan ang pumatay sa tatay
nila. Iniwan nila si Maximo sa bahay mag-isa. Ilang saglit ay bumalik sila sa bahay at nagbagong buhay
na.Nagsimula na ulit na mag-aral ni Maximo. Naging mabuting kapatid na rin sina Boy at Bogz. Sa kabila
ng pagkamatay ng mga magulang ni Maximo masaya parin sya. Pinipilit na nyang maging tunay na
lalaki.
XIII. DIYALOGO
Ang iskrip o mga diyalogo ay natural at totoo. Mas napadali ang pagbibigay mensahe at emosyon ng
pelikulang ito. Mas naging kaintindi-intindi ito dahil sa iskrip at mas naramdaman ko ang emosyon ng
bawat isa.
XIV. BANGHAY NG MGA PANGYAYARI
Ang pelikulang ito ay tungkol sa masipag na anak at mapagmahal na kapatid na si Maximo Oliveros. Siya
ay isang batang bading na dose anyos pa lamang. Ito ay tungkol sa pakikipaglaban ng kanyang utang na
loob sa pamilya (na ang kinabubuhay ay illegal) at ng kanyang pag-ibig na unang naranasan sa isang may
edad na lalaki

XV. MGA KAISIPAN O ARAL NG PELIKULA


Hindi lamang tumatalakay sa aspeto ng sekswalidad o pagiging beki o bakla, ang pelikula mismo ay
tumatalakay sa kahalagahan ng pamilya , sapagmamahal ng pamilya at kahalagahan ng pagiging isa ng
pamilya , sa kuwento pinakita ang paghahati ng isip ni Maxie sa gitna ng kanyang mga kuya at
pagmamahal nya sa isang pulis. Napaka inosente ni Maxie upang harapin ang mga ganitong bagay, isang
aspeto ng pelikula na para sa akin ay ang pinaka tumusok ng puso ko.

XVI. KONKLUSYON AT REKOMENDASYON


Masasabi kong ang pelikulang ito ay isa sa mga yaman ng Pilipinas. Maganda ang ipinapahawitig nito.
Ngunit para sa akin ay nagkulang lang ang pelikulang ito sa mas magandang sinematograpiya.

You might also like