You are on page 1of 3

KATOTOHANANG HINDI MATATAKPAN

Isang umaga ako’y namulat at nagtaka kung bakit nga ba may iba’t ibang
bersyon ang isang storya. Mga sabi-sabi ng ginoo at binibini ay nagkalat diyan sa tabi-
tabi upang manipulahin ang madla. Pilit na tinatakpan ang butas ng katotohanan, ngunit
hindi ata nila napag-alaman na ang katotohanan ay kailanman’y di matatakpan. Isang
maikling palabas ang sakin mata’y nagpabukas. Mga detalyeng ngayon ko lang napag-
alaman ay isa sa mga piraso ng katotohanan. Ito ay palabas tungkol sa isang
pamilyang lumalaban sa mga taong humahamak sa kanilang sariling karapatan. Ang
kanilang ina na minsang ipinaglaban ang boses ng mga walang kalaban-laban. Nang
dahil sa pagtindig ay nawala ang kanyang asawa, dahil dito ay tinubuan siya ng takot sa
kayang puso. Ginawa niya ang lahat upang mailihis ang kanyang mga anak sa pait ng
tadhanang sinapit ng kanilang ama. Ikalawa ay ang panganay na si Manuel, siya ay
isang matapang at ang nagpatuloy sa yapak ng kanyang ama. Ikatlo ang kapatid ni
Manuel na si Mina, siya’y isang batang mahinhin at lumalaking may tapang na
ipaglaban ang sariling karapatan. Siya’y pinipigilan ng kanyang ina na damayan ang
kanyang nakakatandang kapatid sa mga gawain. Ang isa sa mga suliranin ay ang
sariling karanasan ng kanilang ina, ito ang naging dahilan upang siya’y tubuan ng takot
sa kanyang dibdib na kung saan ay ikinakatakot niya na maulit ang nangyari sa ama ng
magkapatid. Hindi natin masisisi ang kanilang ina, sapagkat siya’y isang ina na
nagmamahal sa kanyang mga anak. Walang ina na gugustuhin mahawakan ang
nanlalamig na katawan ng kanyang mga anak. Ang isa pang suliranin ay ang ating
sariling kababayan. Ating kababayan na ipinaglalaban sa huli’y isa rin pala sa ating
kalaban. Talaga namang katawa-tawa na kung sino pa ang mga taong iyong
ipinaglalaban ay ang mga taong handang traydurin ka sa oras ng kagipitan. Tulad na
lamang ng ating bayani na si Jose Rizal na pinatay ng mga taong kanyang ipinaglaban,
sundalong Pilipino ang kumitil sa buhay ng ating bayani. Mga taong kabilang sa rally ay
ang ating mga kababayan na handang tumindig para sa iba na walang tinig. Huwag
nating silang kagalitan sapagkat hindi naman sila mag-iingay kung walang tahimik na
nadadamay sa mga taong nang-hahamak ng kanilang sariling kababayan. Ang suliranin
na kahit kailanma’y hindi masusulusyunan, ang ating gobyerno. Sa oras ng halalan ay
sandamakmak na pangako at tula ang kanilang binibibitawan, ngunit kapag sila’y
nakaupo na ay nagkakaroon sila ng sakit na kalimot. Bakit pera’y walang magawa
upang paghihirap ng mamamayan ay kanilang makita? Libu-libong salapi ang nasa
kanilang mga kamay, mga buwis ng taong itinuturing nilang kaaway. Ang ibang pulitiko
ay hindi hangad ang magsilbi sa mamamayan bagkus ang nais lamang nila ay
kapangyarihan. Kaya’t gagawin nila ang lahat upang hindi mapatayo sa upuan, upuan
na ang nakaupo ay dapat na nagsisilbi sa bayan. Wala silang pakiealam sa kanilang
masasagasaan kung nanganganib ang kanilang pwesto sa upuan. Ito ay napatunayan
sa isang parte sa maikling palabas na nasilayan. Talaga nga namang nakakapag init ng
dibdib kapag may taong pinapatay nang dahil lamang sa pagtaliwas sa isang pulitiko.
Nang si Manuel ay pinatay na parang isang hayop na walang kalaban-laban, inalipusta
ang pamilya ng taong handang ipaglaban ang nakikitang mali sa bayan. Ang sakit na
walang kapantay ang naramdaman ng kanyang ina na hinihiling na isa lamang
bangungot ang lahat. Ngunit dito napakita na kapag pamilya ang sinaktan ay walang
kapantay ang galit ang iyong mararamdaman. Bakit nga ba ganito ang mga tao, imbis
na pakinggan ang mga kapwa ay pinapaslang nila ito? Walang dahilan ang magiging
sapat para kumitil ng buhay ng isang tao. Ang maikling palabas na ipinalabas ay isang
magandang halimbawa para ipakita ang buhay ng isang taong handang tumindig, ang
takot na ano mang oras ay may taong nais silang mawala.

Ang gantong uri ng isyu ay hindi na bago, sa katunayan ay buhay pa rin ito
hanggang ngayon. Kay raming mga taong nag poprotesta ang biglaan na lang
nawawala, at kung sila man ay makita, isa na silang malamig at nangangamoy na
bangkay. Karapatan ng bawat isa sa atin ang maranasan ang mamuhay ng tahimik,
patas, at ligtas. Ngunit bakit pati ito'y kailangan pang ipaglaban? Kaban ng bayan na
galing sa buwis na pinaghirapan ay tila kanilang pinag-aagawan, imbis na napupunta sa
proyekto para sa bansa ay tila hinuhulog nila ito sa kanilang mga bulsa. Bansa’y hindi
makakaahon kung mga taong sabik sa yaman ang ating iluluklok sa pwesto. Ang mga
bagay na nangyari ay hindi nangyari kung mga taong nakasaksi ay kanilang papatayin.
Pinatahimik ang mga taong nakakita ng maingay na pangyayari, at ang mga nag-iingay
ay hindi naman nakasaksi ng pangyayari. Kayraming sinabasabi ng mga Ginoo at
Binibini. Dalawang ideya sa isang bagay na tila tayo'y pinapipili, kung ano ang ating
papanigan at ipaglalaban, mundo'y 'di matatahimik sapagkat puno ng kaguluhan. May
iilan na iniiba ang kwento ng storya, mga litratong ikinakalat upang manipulahin ang
madla. Maging isang matalinong mamamayan sapagkat talino ang ating sandata na
hindi nila mapapalitan. Ating tandaan na ang mga nangyari nakaraan ay ang basehan
ng katotohanan. Kahapon ay hindi mapapalitan, ang kasalukuyan ay maaring
manipulahin at ang kinakabukasan ay malabo pa rin. Hindi lahat ng bagay ay kayang
mapalitan, sapagkat katotohanan ang tanging bagay na hindi matatakpan

-Jim Rojan T. Raguindin


12 Stem-B

You might also like