You are on page 1of 1

Ang kaugaliang Pilipino ay isang kapuri-puring katangiang dekalidad na

kailanma’y ipinagmamalaki ng bawat Pilipino sa buong mundo. Naipapamalas


nating mga Pilipino ang iba’t ibang kaugaliang Pilipino sa pamamagitan mismo ng
ating pagkakakilanlan bilang isang mamamayang Pilipino. Sa kabila ng
pagkakaroon ng iba’t ibang kultura ang ating bansang pilipinas, tayong mga
Pilipino ay pinagbuklod pa rin ng iisang adhikain at iyon ay ang magkaroon ng
kapayapaan, pagkakaisa, at upang maibahagi ang kaugaliang Pilipinong natatangi
sa atin.

Sa pamamagitan ng aming inihandang bidyo, ay inyong matutunghayan ang


kahalagahan ng kaugaliang Pilipino na naipamalas ng ating mga ninuno at ating
pang ipapamalas sa buong mundo. Ito ay bahagi ng ating pagkatao, kasaysayan at
ng ating pagkakakilanlan. Sabay-sabay nating ipagmalaki na:

“Ako ay Pilipino, Ikaw ay Pilipino, Tayo ay Pilipino. Ito ay ating


pakatandaan at huwag kalilimutan.”

Kaya halina’t ating tuklasin at pagyamanin ang kaugaliang pilipinong sariling atin.

WMSU-CWTS (Bachelor of Science in Industrial Engineering 1A)

You might also like