You are on page 1of 5

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA

PANANALIKSIK

Baclayo, Crystal Shades C. G11-Mango

Gng. Jobelle T. Cabus Hunyo 7, 2021

Quarter 3 Week 6

HUMBA
1. Ang Humba ay isang matamis na ulam na baboy na kahawig ng sikat na adobong baboy pagdating sa
hitsura. Ito ay tanyag sa mga timog na bahagi ng Pilipinas at itinuturing na isa sa mga napakasarap na
pagkain sa rehiyon.

Mga Sangkap:

 2 kutsaritang paminta
 30g pinatuyong puso ng saging
 1 kilong baboy (‘yung maraming taba, puwede na ang liempo)
 1 buong bawang na dinikdik
 1 pirasong sibuyas (ginayat)
 2/3 tasang suka
 1/2 tasang toyo
 2 kutsarang asukal o kaya 1 tasang cola
 6 na dahon ng laurel
 3 pirasong anis
 1 lata na black beans
 asin

Mga hakbang sa Pagluluto:

1. Pumili ng parte ng baboy na may maraming taba.


2. Hugasang maigi ang baboy upang ito'y maging malinis.
3. Hiwain ang baboy sa parisukat at pakuluan sa isang malaking kawali hanggang matuyo ang tubig
at magmantika ito.
4. Kapag nagmantika na ang baboy, gisahin ang sibuyas at bawang. Idagdag mo na rin ang toyo,
asukal, laurel, anis, paminta, at black beans. Dagdagan ng kaunting tubig, pakuluin, at haluin ng
marahan hanggang lumapot.
5. Kapag malapot na, idagdag ang suka, pero huwag mong haluin para maluto ang suka. Ilagay ang
pinatuyong puso ng saging at hayaang kumulo ng mga 5 minuto.
6. Timplahan ng kaunting asin, at balansehin ang tamis.
Baclayo, Crystal Shades C. G11-Mango

Gng. Jobelle T. Cabus Hunyo 7, 2021

Quarter 3 Week 7-8

1. "Ang aklat ang nagbibigay ng kaalaman ngunit ang buhay ang nagbibigay ng pag-unawa." -
Israel
 Sang-ayon ako sa pahayag na nasa itaas. Totoo ngang nagkakaroon tayo ng kaalaman sa
pamamagitan ng pagbabasa ng aklat dahil ito ang nagpapalawak sa ating kaalaman sa iba't-
ibang bagay. Ito ay ang instrumento upang makuha at makilala ng lubusan ang mga ideya,
kaisipan at damdamin ng isang tao sa mga titik na nakalimbag sa mga pahina upang maibigkas
ito sa pamamagitan ng pasalita. Sa pamamagitan ng aklat, nagkakaroon tayo ng kaalaman o aral
na siyang ating magagamit sa pang araw-araw na buhay. Sa kabila ng lahat ng ito, ang buhay ang
nagbibigay sa atin ng pang-unawa dahil sa iba't-ibang nararanasan natin. Ang mga karanasan na
ito ang nagsisilbing aral at gabay sa bawat desisyon natin sa buhay. Ito ang nagiging dahilan kaya
lumalawak ang ating kaalaman sa mga bagay-bagay. Sabi nga nila, mas naniniwala tayo kapag
tayo na mismo ang nakaranas nito.

Baclayo, Crystal Shades C. G11-Mango

Gng. Jobelle T. Cabus Hunyo 7, 2021

Quarter 3 Week 7-8

2. "Mas mainam na ang bumalik kaysa maligaw." -Russia


 Sang-ayon ako sa pahayag na ito dahil totoo ngang mas mainam na ang bumalik kaysa maligaw
dahil kapag ika'y padalos dalos sa iyong desisyon, ito ay magreresulta ng pagkakamali at pagsisi.
Wala namang mali sa pagbalik kung saan ka nagsimula dahil lahat naman tayo ay dito galing. Sa
katunayan, mas mabuti na ang sigurado ka sa iyong desisyon sa buhay upang hindi ka maligaw
sa daan na tatahakin mo. Marami na rin tayong desisyon na ating pinagsisihan ngunit tayo an
bumalik at nagsimula ulit upang makamtan ang ating ninanais na resulta.
Baclayo, Crystal Shades C. G11-Mango

Gng. Jobelle T. Cabus Hunyo 7, 2021

Quarter 3 Week 7-8

3. "Mapapaamo mo ang anomang uri ng hayop ngunit hindi ang dila ng tao." -Pilipinas
 Sang-ayon ako sa pahayag na sinabi sa itaas dahil walang preno ang bibig ng tao lalong lalo na
kapag ito'y nilamon ng galit. Mas malaki pa ang tsansa na mapaamo ang isang hayop kahit gaano
pa ito kabangis kaysa sa dila ng tao. Ang tao ay may taglay ng pag-iisip na kung saan, nasasabi
nila ang gusto nilang sabihin. Hindi natin kontrolado ang pag iisip ng isa't-isa kaya bawat isa sa
atin ay may iba't-ibang opinyon sa mga bagay. Maaaring pareho kayong sang-ayon at maaari
ring magkaiba kayo ng opinyon. Nakadepende pa rin ito sa inyong paniniwala at nakabase sa
karanasan. Ang tao ay nakakabitaw ng masasakit na salita lalong-lalo na kapag galit. Maaaring
nadala lamang ng emosyon kaya nasabi ang mga salitang ito. Madalas rin nating maranasan ang
makutya dahil sa panlabas o panloob na anyo. Hindi na ito bago sa bansang ating kinabibilangan.
Kahit ano pa ang gawin natin, hindi natin kayang "i-please" ang lahat ng tao.

Baclayo, Crystal Shades C. G11-Mango

Gng. Jobelle T. Cabus Hunyo 7, 2021

Quarter 3 Week 7-8

Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas


Isang taon na ang nakalipas ngunit lalong tumaas lamang ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Nakakalungkot isipin na maraming Pilipino ang namatay dahil sa nasabing virus. Maraming pamilya ang
nasawi dahil sa pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay at maraming front liners ang nawalay sa
kanilang pamilya dahil sa pandemyang ito. Maiibsan lamang ito kung susunod ang mga tao sa health
protocol at gumawa ng epektibong hakbang ang gobyerno. Sa pagdating ng vaccines sa ating bansa, may
tsansang bumaba na ang kaso nito.
Baclayo, Crystal Shades C. G11-Mango

Gng. Jobelle T. Cabus Hunyo 7, 2021

Quarter 3 Week 7-8

Pantay na Karapatan sa mga Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender and Queer (LGBTQ)
Marami ang mga taong kinikilalang parte ng komunidad ng mga LGBT sa ating bansa. Nararapat lamang
na hindi pagkaitan ng karapatan ang mga taong parte ng LGBTQ community sapagkat sila ay walang
pinagkaiba sa atin. Ito ay isang pangunahing karapatan ng bawat tao, maging sila ay biseksuwal,
homoseksuwal, o heteroseksuwal, upang maging malaya mula sa anumang uri ng diskriminasyon. Ang
pagsulong ng pantay pantay na karapatan maging sino man o maging ano man ang estado mo sa lipunan
ay isang magandang hakbang tungo sa ikakabuti ng isang bansa. Anuman ang dahilan, ikaw ay may
karapatang kumatawan sa iyong sarili.

Baclayo, Crystal Shades C. G11-Mango

Gng. Jobelle T. Cabus Hunyo 7, 2021

Quarter 3 Week 7-8

Diborsiyo
Ang diborsiyo ay nagpapawalang bisa sa mga legal na kasunduan ng mag-asawa. Ang karaniwang dahilan
nito ay ang pagkakaiba ng interes at ang hindi pagkakasundo. Kinakailangan na bago magpakasal ika'y
sigurado sa iyong desisyon dahil ang taong ito ang makakasama mo habang buhay. Kung ako ang
tatanungin, nararapat lamang na isulong ang diborsiyo sa Pilipinas sapagkat maraming tao ang
nakakulong sa relasyong mapang-abuso. Ngunit, kapag isabatas ang diborsiyo mawawala rin ang
pagiging sagrado ng kasal, kaya nararapat lang na maging sigurado sa taong gusto mong makasamang
bumuo ng pamilya. Bago kayo ikasal nararapat lang na handa kayo sa lahat ng pagsubok sa buhay at
hindi agad susuko upang hindi mauwi sa hiwalayan.
Baclayo, Crystal Shades C. G11-Mango

Gng. Jobelle T. Cabus Hunyo 7, 2021

Quarter 3 Week 7-8

Political Dynasty
Ang “Politikal Dynasty” ay ang angkan ng mga politiko na namamahala sa isang lugar. Isa itong taktika ng
ibang mga politiko upang mapanatali ang kapangyarihan ng pamumuno sa kanilang pamilya lamang.
Marami ang ganito sa mundo ng politika dahil sa henerasyon ng mga pamilyang nakaupo na sa
katungkulan. Masasabi kong hindi ako sang-ayon na may ganito sa politika dahil nagdudulot ito ng
korapsyon at pag-aabuso ng kapangyarihan. Kadalasan, ginagamit nila ang pagbabait-baitan upang
makuha ang boto ng mga tao. Marami ang ganito dahil hindi malaki ang kapasidad o kaalaman ng mga
tao pagdating sa politika at ninanais na lamang nilang iboto ang mga taong kilala na kaysa sa mga
baguhan pa lamang. Sa kabila nito, may pamilya rin naman na galing sa puso ang kanilang pagtulong.
Kung lahat ng kabilang sa political dynasty ay ganito, malaking ang tsansa na umunlad ang bansa at
maiwasan ang korapsyon.

Baclayo, Crystal Shades C. G11-Mango

Gng. Jobelle T. Cabus Hunyo 7, 2021

Quarter 3 Week 7-8

Pagdaragdag ng dalawang taon sa High School o ang tinatawag na SHS


Ang K-12 Curriculum ay programang ipinatupad ng pamahalaan at kagawaran ng edukasyon. Ang layunin
nito ay bigyan ng sapat na kahandaan at kasanayan ang bawat mag aaral. Para sa akin, ang pagdagdag
ng dalawang taon sa high school ay may positibo at negatibong dulot sa mag-aaral. Ang positibong dulot
nito ay nagkakaroon ng dagdag na kaalaman ang mga mag-aaral upang makapagdesisyon sa kursong
gusto nilang tahakin. Ang negatibong dulot naman nito ay dagdag gastusin ito sa mga magulang at ang
mga mag-aaral ay nagtatagal sa paaralan imbes na makahanap at makapagtrabaho agad.

You might also like