You are on page 1of 2

Juliana M.

Aliman

11 ABM Cecilio Pedro

October 6, 2021

Komunikasyon

Isagawa:

Pahayag 4 3 2 1

1. Pagsunod sa mga batas o panuto. /

2. Pagsunod sa mga ipinag-uutos ng batas. /

3. Paggamit ng pakiusap tuwing mag-uutos. /

4. Pagtatanong sa magulang kung ano ang /


maaaring kuhaning trabaho kapag nakatapos
na ng pag-aaral.
5. Pagsunod sa mga sign board na makikita sa /
paligid na ipinatutupad ng pamahalaan.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon. Suriin ang sitwasyon bago isulat ang
angkop na pahayag. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. May dumating na panauhin sa inyong bahay. Paano mo siya kakausapin? Ano ang sasabihin
mo sa kaniya?
> Tuloy po kayo! Ano pong gusto ninyong inumin at kainin? Sige po upo muna kayo dito,
kukuhanin ko lang yung maiinom at makakain ninyo.

2. Hindi mo maabot ang iyong bag dahil masikip ang kinalalagyan mo. Daraan ang isa mong kaklase at
makikisuyo kang abutin ito para sa iyo. Paano mo ito sasabihin?

> (Pangalan ng kaklase), pwede makisuyo ng bag ko? Hindi ko kasi maabot, ang sikip kasi dito sa
kinalalagyan ko. (pangalan ng kaklase) Maraming salamat!

3. Naniniwala ka na malaki ang magagawa ng kabataang tulad mo sa pag-unlad ng ating bansa. Paano
mo ito ipahahayag?

> Dahil nasa gitna tayo ng pandemya, maari kong gamitin ang social media upang ipahayag ang aking
saloobin, upang maraming makakita ng aking post at upang maipahatid ang aking kaalaman sa
epektibong paraan ng saganoon ay makatulong akong buksan ang isipan ng mga tao upang maging
produktibong mamamayang Pilipino.
4. Maraming bata ang nakita mo sa kalye na namamalimos. Paano mo sila matutulungan? Ano ang
isang bagay na magagawa mo para sa kanila?

> Ang isang bagay na maaari kong gawin ay dalhin ang mga batang nanlilimos sa DSWD, dahil
naniniwala ako na matututukan ng maayos ang mga bata dahil karapatan nila ang mabigyan ng
proteksyun laban sa panganib, magkaroon ng sapat na pagkain at matitirahan at karapatan din nila
ang makapaglaro at makapaglibang.

5. May pagpupulong sa inyong barangay. Ikaw ang naatasan na manguna sa pagbabahagi ng mga
problema sa inyong barangay. Paano mo ito sasabihin? Ano ang iyong agenda?

> Ilalahad ko ang aking saloobin sa pormal na paraan. Ang aking sasabihin ay: “Gusto kung bigyan
ninyo ng atensyon ang kakulangan sa pagbibigay ng ayuda. Maari bang pantay ang pamamahagi ng
ayuda dahil lahat naman tayo ay kapos, at walang trabaho. Sana naman na tayo ay nasa gitna ng
pandemya ay huwag tayong maging makasarili bagkus tayo ay magkaisa at magtulungan ng saganon
sabay sabay tayong aahon.”

You might also like