You are on page 1of 22

10

Department of Education
National Capital Region

SCHOOL S DIVISION OFFICE


MARIK INA CITY

Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 2:
Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng
Isip at Loob

May – Akda: Normita O. Arandela


Tagaguhit: Mary Jane B. Roldan

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang lahat ng nilalang ng Diyos ay mahalaga. Ang balanseng


ekolohikal ng kapaligiran na nagtutustos sa lahat ng nilalang ay mabuti-
mula sa mga halaman, hayop at higit sa tao-lahat ay nakikinabang.
Sa lahat ng nilikha, ang tao ang natatangi dahil sa likas na taglay
nitong Isip at Loob-sa pagkakaroon nito, inaasahan ang pagkilos ng tao
tungo sa mabuti hanggang makamit ang mataas na lebel ng paglilingkod at
pagiging mapanagutan gayundin sa paggamit ng kanyang isip- na maging
mapanuri sa paghahanap ng katotohanan
Gagabayan ka ng modyul na ito sa pag aaral ng Aralin 1- Mataas na
Gamit at Tunguhin ng Isip at Loob upang makamit ang Batayang
Kasanayang Pampagkatuto, inaasahang malilinang mo nang may sapat na
kaalaman, kakayahan at higit na pang-unawa ang mga sumusunod na
kompetensi:
1. Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa
paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal

2. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang


kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal

Subukin

Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Piliin ang titik ng


pinakatamang sagot at isulat ito sa iyong kwaderno.
1. May kakayahan ang isip na magnilay o magmuni-muni kaya naman
nauunawaan nito ang kanyang dapat maunawaan. Ito ay ayon kay:
A. Max Scheler C. Socrates
B. Dr. Manuel Dy D. Agapay

2. Nagagawa ng tao na kumuha ng buod o esensiya ng isang partikular


na bagay na umiiral (mag-abstraksiyon). Sa anong sitwasyon makikita
ito?
A. Tinulungan ni Joan ang kanyang guro na magdala ng laptop
B. Madalas na kumakain si Armando sa Buffet Reataurant
C. Sinusunod ni Cesar ang 3R sap ag-aayus ng mga basura
D. A at C

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
1
3. Tumutukoy ito sa kakayahan ng tao na lumayo o humiwalay sa sarili
at gawing obheto ang kamalayan ng sarili tungo sa pag sasa ibayo ng
sarili.
A. ens maans C. self-righteous
B. self transcendence D. self discipline

4. Tanyag si Angel Locsin hindi lamang bilang artista, kundi bilang isang
pilantropo na palaging tumutulong at dumaramay sa mga Pilipino sa
oras ng kalamidad at pandemya. Inilalarawan nito ang pagkakaroon
ng mundo ng tao:
A. calling
B. meaning maker
C. sarili
D. self transcendence

5. Ang kalikasan ng tao na maakit sa mabuti at lumayo sa tama


A. konsensya C. kalayaan
B. kilos-loob D. Isip

Kumusta ang iyong pagsagot sa


paunang pagtataya? Nahirapan ka
ba? Ayos lang yan. Ngayon naman ay
tumungo na tayo sa ating aralin.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2
Aralin Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng
1 Isip (Intellect) at Loob (Will)

Balikan
“I say…”
Tukuyin kung sino ang nagwika ng mga sumusunod na kataga. Isulat sa
kahon ang titik ng tamang sagot pagkatapos ay sagutin ang gabay na
tanong sa ibaba.

Benigno S. Aquino, Gen.Antonio Luna Dr. Jose P. Rizal


Jr
Sagot:

a. “The Filipino is worth dying for.”

b. “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang


isda.”

c. “Ganito ba talaga ang tadhana natin? Kalaban ng kalaban. Kalaban ng


kakampi. Nakakapagod.”

Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

1. Isulat sa talaan ang bahagi ng kasaysayan kung saan binigkas o tinuran


ng mga bayani ang mga katagang nasa itaas.

Benigno S. Aquino, Jr Antonio Luna Dr. Jose P. Rizal

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
3
2. Magsaliksik gamit ang aklat o internet sa nagawa ng mga bayani na nasa
larawan para sa ating bayan. Isulat sa talaan ang mga makukuhang
impormasyon o mga datos.

Benigno S. Aquino, Jr Juan Luna Dr. Jose P. Rizal

3. Sa papaanong paraan naipakita ng ating mga bayani ang kanilang


pagmamahal sa bayan gamit ang isip at loob?

Tuklasin

Halina at Magbasa!

Doktor Na Namatay Sa COVID-19, Anak Na May Autism, Ang Huling


Inihabilin
by Lei Dimarucut-Sison. Mar 24, 2020

Nahawa ang anesthesiologist sa isang pasyente na nag-positibo sa


coronavirus

Noong March 22, 2020, pumanaw ang iginagalang na anesthesiologist


na si Dr. Greg Macasaet sa Manila Doctors Hospital mula sa
komplikasyong dala ng coronavirus.

Nahawa si Dr. Macasaet sa isa niyang pasyente na nag-positibo sa


COVID-19 pagkatapos bumiyahe sa ibang bansa.

Ang asawa ni Dr. Greg na si Dr. Evalyn Talens Macasaet, kapwa


niya anesthesiologist, ay nag-positibo rin sa COVID-19 at kasalukuyan pang
nagpapagaling.

Sa nag-viral na Facebook post ni Jose Gonzalo M. Ditching, isa ring


doktor, inilarawan ang mga huling sandali ni Dr. Greg ayon sa isa sa
kanyang pinagkakatiwalaang kaibigan at inaanak na nagngangalang Atty.
Renato "Aboy" Paraiso.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4
Sa kanyang mensahe sa kanyang inaanak, sinabi niya kung paano
lumala ang kanyang kalagayan sa mga nagdaang araw.

"Ateng Evalyn and I are in separate isolation rooms with no visual


communication from each other!
"It started several days ago when I experienced very high grade fever followed
by a really bad cough!

"Upon admission, things started to turn worse!" ayon umano kay Dr.

Greg.

"As the hours pass, you will experience a really terrible headache and your
entire body will be very weak and painful! You will lose your appetite and
taste but it is important you consume fluids, nutrients and specialty
medications which among us doctors, we take."

Sa kanyang orihinal na Facebook post, sinulat ni Atty. Aboy ang tungkol sa


kabayanihan ng kanyang ninong at pagtupad nito sa kanyang sinumpaang
tungkulin.

"As he recounted to me, he and Ateng chose to stay when most of their
colleagues chose to keep themselves safe and did not report for work. This
despite having an only son with special needs.

"THEY CHOSE TO STAY, stay at their post, stay beside their patients, stay
true to their oath and calling as doctors sacrificing themselves and their
family.

"And now Kuya Greg has made the ultimate sacrifice of life, not because he
was forced or obliged to do so, but because of his dedication to his craft and
his constant devotion to be of service to others."

Sa nag-viral na Facebook post ni Dr. Ditching, nakapagsulat pa


diumano ng kanyang huling habilin si Dr. Greg isang araw bago ito
pumanaw, kung saan sinabi niya ang kanyang pag-aalala sa kanyang
anak na mayroong autism.

"Good evening, my beloved brethren! The turn of events is just no longer


going in my favor. The feeling you get, aside from extreme pains all over,
difficulty of breathing and as if all life is being sucked from your body! They
will be putting cutdown lines and central tubes on me anytime soon! If they
intubate me and place me on ventilator, then the game is almost over!

"If Ateng [referring to his wife] survives, then my wish for her and Raymond
[his son who is with autism] for a long and happy life will bear fruition!

"Raymond however needs financial and emotional care for the rest of his
life! Something I may no longer be able to fulfill! It Is my fervent hope that

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
5
all of you may assist the rest of my Family in our most difficult times!"

Sa isang mensahe sa kanilang Facebook page, nagpaabot ng pakikiramay


ang Manila Doctors Hospital sa pamilya at mga kapwa frontliners ni Dr.
Greg sa kanyang pagpanaw.

"We honor a brave man, one of the best anesthesiologists in the country.

"No words can convey the depth of our sadness as we lost not just a doctor
but a friend, colleague, co-worker, father, and a husband," sabi dito.

Hiling ni Atty. Aboy sa kanyang post, "For you who is reading this, I ask you
to share his story, both in life and in death, that others may learn from it,
and that in his sacrifice we may pay tribute to and honor all the men and
women in the frontlines who, like him, are risking self and family to serve
us and keep us and our loved ones safe."

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa iyong kwaderno.


1. Tungkol saan ang binasang artikulo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Paano mo ilalarawan si Dr. Greg Macasaet? Anong katangian ang
nagpabukod tangi sa kanya?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, maituturing bang kabayanihan ang kuwento ni Dr.


Greg Macasaet? Paano mo ito nasabi?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
6
Suriin

Para mas lalo mong maintindihan ang aralin na ating tatalakayin,


mainam na basahin at unawain mo ang sanaysay.

Ayon kay Dr. Manuel Dy, ang isip ay may kakayahang mangnilay,
magmuni-muni kayat nauunawaan nito ang dapat na maunawaan.
Nagagawa ng tao na lumayo o humiwalay sa sarili at gawing obheto ng
kamalayan ng sarili tungo sa pagsasa ibayo sa sarili (self-trancendence).
Sa pagkakataon na ang tao ay nakakaramdam ng bugso ng. damdamin;
galit, inis, pinangingibabaw ng isip ang kapangyarihan nito na pigilan ang
bugso ng damdamin. Inilalatag ng isip ang pagiging obheto ng tao upang
makakilos ng tama at mabuti.

Hslimbawa:

Nakarating kay Tea ang balita na nakita si Elmer na kanyang kasintahan


na naka akbay sa isang babae habang naglalakad papasok sa SM Mall sa
Marikina. Nakaramdam si Tea ng inis at nais nyang awayin ang kanyang
kasintahan. Gamit at gabay ang isip, nagawang pigilin at kontrolin ni Tea
ang kanyang emosyon. Pinairal nya ang kahinahunan at naghintay ng
tamang pagkakataon na makausap si Elmer.

Isa pang kakayahan ng isip ay ang kakayahang kumuha ng buod o esensya


sa mga particular na bagay na umiiral. (abstraksiyon). Nakakabuo ang tao
ng kahulugan o kabuluhan ng bagay.

Gamit pa rin ang ang naunang halimbawa:

Sa sitwasyon ni Tea, nagawa nito na maging mahinahon sa kanyang


natanggap na balita, gamit ang kakayahan ng isip na kumuha ng buod o
esensya ng partkular na bagay na umiiral, kikilos si Tea upang lalamin ang
katotohan tungkl sa kanyang kasintahan at sa babae na kaakbay nito.

Inilarawan ni Sto Tomas ang Loob bilang isang makatwirang


pagkagusto. Gabay ang isip, tunguhin ng Loob ang kabutihan, maglingkod
at magmahal. Ibinibigay ng isip ang katwiran upang maimpluwensyahan
ang Loob sapagkat hindi lahat ng gusto ng Loob ay tama dala na rin ng
salik ng emosyon o damdamin ng tao. Mahalaga ang isip sa kilos na

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
7
gagawin ng tao lalo na kung magsasagawa ito ng pagpapasya o pagpili sa
isang sitwasyon.
Nagiging makabuluhan ang mundong ginagalawan ng tao kapag
natuto siyang tumugon sa tawag o hinihingi ng sitwasyon. Ang obhektibong
pagtugon maituturing makatarungan at ang minimal ng katarungan ay ang
umiiral na nag pagmamahal. (ens amans)

Halimbawa:

Aktibong miyembro ng isang NGO si Hernan, kaya naman nang


mabalitaan niya ang sitwasyonn ng mga driver na humingi ng tulong
subalit inaresto ng mga awtoridad dahil sa paglabag sa social distancing
ay agad na nagbigay at nagpa abot ng tulong ang grupo nila Hernan sa
mga driver at sa mga pamilya nito.

Ang obhektibong pagtugon sa isang sitwasyon ay


nararapat. Ito ay nagpapakita ng pagmamahal at
paglilingkod.

Tandaan:

Bilang isang kabataan na lumalago sa pagtahak sa buhay, maraming


mga kaganapan ang iyong kakaharapin at pagdedesisyunan. Gamiting
gabay ang mapanuring pag-iisip sa paghahanap sa katotohanan at
pumanig sa mabuti upang maisabuhay ang tunay na paglilingkod at
pagmamahal.

Pagyamanin

Bilang isang kabataan, ano-anong kilos ang iyong gagawin upang makamit ang
mataas na gamit ng Isip at Loob sa mga sitwasyon na mababasa sa kabilang
pahina. Gawin ito sa iyong kwaderno.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
8
A. B.

Nakatanggap ng tawag mula sa kamag- Gustong-usto ni Efren na sumali sa


anak si Teo na nagbabalitang naisugid online class nila subalit wala silang
sa ospital ang kanyang lolo dahil sa Internet connection. Alam naman niya
COVID 19. Malapit sa puso mo ang na hindi rin sapat ang knikita ng
iyong lolo sapagkat siya ang nag-alaga kaniyang mga magulang upang
sa iyo noong ikaw ay maliit pa lamang. magpakabit ng linya.

Isip: Isip:
Loob: Loob:

Isaisip

3-2-1- count down

Isulat sa kwaderno ang hinihingi ng bawat aytem.

Magbigay ng:

3- kalikasan ng Loob

2-kakayahan ng Isip

1-isang sitwasyon na nagpapakita ng paglilingkod

Isagawa

“Motivated Act”

Panuto:
A. Nasaan ka man sa araw-araw (paaralan, bahay, pamayanan) magtala ng
dalawang kilos sa bawat araw na nagpapakita ng iyong pagtungon sa mga
pagkakataon na makatulong ka sa iyong kapwa o kaya ay maging
mapagmasid upang tumugon sa hinihingi ng sitwasyon.

B. Gawin ang mga gawaing ganito sa loob ng 7 araw at ipaalam mo sa iyon


magulang/kapamilya upang makakuha ka ng kanilang suporta.

C. Sundin ang format sa ibaba at isulat sa iyong journal notebook.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
9
Bagay na Tugon/Kilos
Petsa/Oras Sitwasyon Resulta
isinaisip na ginawa

Tayahin

Essay:10 puntos

Pumili ng isa sa mga sitwasyon. Sumulat ng isang sanaysay na tumatalakay


sa kung paano magagamit ang isip at kios loob upang makabuo ng
mapanagutang pagpapasya.

A. Inanyayahan ka ng iyong kaibigan na uminom ng alak sa kanilang


bahay sapagkat kanyang kaarawan

B. Nakita ni Merly ang isang bata na umiiyak sa bukana ng isang mall


at hinahanap ang kanyang ina. Tinitingnan lamang ito ng mga
naglalakad.

C. May lagnat si Ronald at masakit ang kanyang katawan dahil


naulanan sya habang pauwi sa kanilang bahay. Nagbilin ang ina
nito na magpahinga. Biglang tumunog ang celphone nito at may
maensahe mula sa kanyang kaibigan na niyaya syang maglaro ng
Mobile Legend.

Karagdagang Gawain

Gawain Blg.I Lumikha ng sariling Awitin


Panuto: Lumikha ng isang awitin ng pasasalamat para sa ating mga
“frontliners” na nagsasakripisyo upang magampanan ang tungkulin na
initaang sa kanila.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
10
Rubric sa paglikha ng awitin:

Krayterya Puntos
Mensahe ng Awit/Paksa/Lyrics 5
Originality 3
Tono/Melody 2

Mataas na gamit ng Isip at Loob Patungo


Aralin
sa Katotohanan, Paglilingkod at
2
Pagmamahal

Balikan
“Post and Share”
Maglahad ng mga angkop na kilos na iyong gagawin upang matulungan si Mia na
mahanap ang katotohanan.
Sitwasyon:

Kumalat sa FB ang larawan ni Nelia, ang bunsong kapatid ni Mia na


umiiyak at nakikipag-usap sa isang babae. Marami ang nagbigay ng comment
ng dahilan ng pag-iyak ni Nelia at lahat ay tinutukoy ang pakikipag-break ng
kasintahan nito. Mahigpit ang bilin ng ina na isang OFW na alagaan at ingatan
ang mga kapatid kaya naman nagulat si Mia sa post na bakita nya sa facebook

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
11
Isulat sa kuwaderdo ang iyong sagot.
Mga kilos na gagawin ni Mia upang malaman ang katotohan sa pag iyak
ng kanyang kapatid.

Tuklasin

Pagsusuri ng Awitin: “Taga Marikina Ako”


A. Natitiyak ko na ikaw, bilang mag-aaral na taga Marikina, ay alam ang
awiting “Taga Marikina Ako.” Maaring basahin o kantahin ang lyrics
ng awitin, punan ang talaan ng mga kilos na nakapaloob sa awitin na
nagpapakita ng mapanuring mamamayang Marikeno at kumikilos nang
may kakayahang maglingkod at magmahal.

Taga Marikina Ako


Nais mo bang matuklasan Bayan na kay sigla?
Namumukod tanging Lungsod na kay ganda
Husay, disiplina at mabuting panlasa
Taglay ito ng isang taga Marikina

Marikina, Mahal kong lungsod


Hatid mo ay ligaya at ginahawa ang dulot
Marikina sa isip at puso ko
Isisigaw sa mundo, taga Marikina Ako

Bawat mamamayan ay nagtutulungan


Sa pagbuo ng isang matatag na tahanan
Iba-iba man ang pinang galingan
Matibay na samahan, dito’y nananahan

Laging sinasambit ng marami


Lungsod na may mabuting ugali
Karapat dspat kang bigyan ng halaga
O, Marikina Kapuri puri ka!

Sama sama nating linangin sa ating puso


Ipamalas sa buong mundo
Taga Marikina ako.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
12
Mga Kilos na nagpapakita ng mataas na gamit ng Isip at Loob na makikita
sa awiting “Taga Marikina Ako”
✓ Kakayahang maging
✓ Kakayang maglingkod at
Mapanuri
magmahal

Ikaw naman:

Bilang isang mag-aaral na taga Marikina, ano-ano ang kilos na maari


mong gawin na maghahatid sa iyo sa pagtuklas ng katotohan, at pagkilos
na may paglilingkod at pagmamahal?

Sagot:

Suriin

Para mas lalo mong maintindihan ang aralin na ating tatalakayin,


mainam na basahin at unawain mo ang sanaysay.

Nalilinang ng tao ang kanyang pagiging mapanuri gamit ang kanyang


isip. Ikaw bilang isang kabataan na kabilang sa henerasyon ng “techy-
savvy” ay napakadaling makakuha ng mga impormasyon gamit ang
internet. Sabi nga isang “click” lang nasa iyong harapan na ang mga datos
na iyong kailangan. Subalit hindi lahat ng mga nakikita at nababasa sa
internet ay tama at mabuti. Marami dito ay nakasalungat sa pamantanyang
moral at etikal na pagpapahalaga. Kailangang maging mapanuri at hindi
madaling mapaniwala sa mga nababasa sa social media.
Ang mga nasa talaan ay halimbawa ng mga madalas na nakikita sa
social media na pinaniniwalaan ng marami kaya naman nagiging biktima ng
mga pandaraya at panloloko.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
13
Networking Scam Online Gambling Mga Pekeng Produkto

Paglike at pag share


Fakenews/misinformation Investment scam
kapalit ng pera.

Kung paiiralin ang kakayahan ng isip at malinang ang pagiging


mapanuri magiging mulat ang bawat isa sa kung ano ang totoo, ano ang
masama at anu ang mabuti. Madaling malaman kung ang iyong
nakaksalamuha sa social media ay nagsasabi ng totoo o nagsisinungaling.
Maaring gawin ang mga sumusunod na kilos upang maiwasan na
maging biktima ng panloloko sa social media.
✓ Maging mapanuri ✓ Ang anumang uri ✓ Maraming mga
sa sasalihang ng sugal ay may online seller ang
networking masamang dulot nanglloko sa
business. kayat hindi social media.
Siguraduhin na ito nakakabuting Bumili lamang sa
ay legal magkaroon ng mga legal at
ugnayan sa mga mapagkakatiwala
online games o ang online seller
online gambling.

✓ Sa larangan ng ✓ Sa larangan ng ✓ Usong uso


fakenews at mis pag iinvest, ngayon sa social
information, kailangang aralin media ang
buksan lamang muna ang mga nagpapa like at
ang mga prosesong legal share ng mga
academic website bago sumali sa post. Mabuting
at anumang iwasan ito at
mapagkakatiwala investment huwag nang
ang website sa business sumai sa mga
pagkuha ng mga ganitong
makatotohanang pagkakataon.
balita.

Ang pagiging makatao ang tao ay nakikita kapag kumilos siya ayon sa
tawag ng sitwasyon na dapat niyang tugunan maging ito man ay sa aspeto
ng panglilingkod o pagtulong sa kapwa. Ang tao ay isang sosyal na nilalang.
Likas sa kanya ang makipag ugnayan at bumuo ng relasyon sa ibang tao.
Sa nabubuong ugnayan ay natututo ang tao na magbigay ng pagkalinga sa
bawat isa.Umususbong ang konsepto ng pagmamahal at kakayang
tumulong at mglingkod.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
14
Sa pagtulong sa kapwa, naisasakilos ng tao ang pinakatunguhin ng Loob-ang
magmahal at manglingkod.

Pagyamanin

Kilos-Pagpapahalaga

Tignan at suriin ang mga larawan. Marami nang pagsubok ang


dumating at naranasan ng mga taga Marikina.Sa panahon ng kalamidad
katulad ng pagbaha o sa panahon na may pandemya, maipapakita natin
ang ating pagpapahalaga sa ating kapwa at pamayanan. Bilang isang
responsableng kabataan maglahad ng mga kilos na maari mong gawin sa
mga sumusunod na sitwasyon/kaganapan upang maipakita ang
paglilingkod, pagmamahal at katotohanan

Binaha ang bahay ng iyong Tinitibayan ng iyong Naging viral sa social media
tita sa Tumana at nais nila ama at tiuhin ang ang larawan ng anak ng
na makituloy sa inyong inyong bahay dahil sa iyong tita na nagpositibo
bahay. malakas ang parating sila sa covid virus
na bayo

Paglilingkod Pagmamahal Katotohanan

Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa:


patutuluyin ko sila sa Bibigyan ko ng Kakausapin ko ang aking
aming bahay at bibigyan ng miryenda/pagkain ang tita kung toto ang nasa
pagkain aking tatay at tito social media.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
15
Isaisip

“Hoop A Loop”
Basahin at suriin ang sitwasyon na nasa kahon. Isulat sa graphic
organizer ang mga kilos na gagawin ni Lea upang maipakita ang pagiging
isang mapanuring pag-iisip at isang kabataang kayang maglingkod at
magmahal sa kaibigan.

Sitwasyon:

Malaking halaga ang naipon ni Mel mula sa kanyang part time job na
ininvest niya sa isang networking company. Noong una ay
nakakatanggap pa si Mel ng kita subalit kalaunan ay wala na siyang
natatangap hanggang makipag ugnayan siya sa opisina. Sinubukan
niyang kunin ang pera na kanyang inivest subalit hindi na nya ito
nabawi.Nagkasakit si Mel dahil sa pangyayarig ito, nalaman ni Lea ang
nangyari sa kanyang kaibigan at lubha ang kanyang pag-aala. Ano ang
maaring gawing tulong ni Lea sa kanaynag kaibigan gamit ang Isip at
Loob?

Katotohanan Na scam
ang Paglilingkod/
kaibigan
Nagmamahal
ni Lea

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
16
Isagawa

Makatarungang pagkilos at pagsusuri


Isulat sa kahon ang iyong gagawing kilos sa mga sumusunod na
sitwasyon at suriin ang magiging posibleng epekto ng kilos na ginawa.

Habang nagpa praktis ng sayaw Nagpaalam ang kaibigan mo


ay aksidenteng natapilok si Lina na si Emma na hindi suya
at kinailangan siyang dali sa papasok dahil manonod sila
clinic. Nakiusap si Lina sa iyo na ng sini ng kanyang
Sitwasyon huwag ipaalam sa kanyang ina kasintahan upang
ang nangyari dahil hindi sya ipagdiwang ang kanlang
pinayagan na sumama sa anniversary. May mahabang
pagpapraktis subalit tumuloy pagsusulit kayo sa Math
parin sya. ngayong araw.
Kilos na
gagawin

Epekto ng
kilos na
ginawa

Tayahin

“NO sa Fake News!”

Basahin at suriin ang sitwasyon na nasa kahon. Gamit ang


kakayahan. ng isip na magsuri at kumuha ng buod ng esesnya ng
sitwasyon, maglahad limang kilos na gagawin upang hindi mabiktima ng
fake news.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
17
Naging biktima ka at ang iyong barkada ng fake news sa social media na
namimigay ng load. Marami na kayong natatanggap na mga mensahe sa
messenger at text na naghihingi ng load. Ano ang iyong gagawin upang
itama ang fake news na ito?

1.

2.

3.

4.

5.

Karagdagang Gawain

Gawain Blg.1 “Halina at Sumayaw”

Maari mong imbitahan ang iyong mga kasama sa bahay at sabay sabay
ninyong sayawin ang “Taga Marikina Ako” dance craze. Maaari ring
humingi ng tulong sa kasama sa bahay upang makakuha ng video sa You
Tube (https://www.youtube.com/watch?v=iA1MN3EvyA4) upang gayahin
ang mga steps. Maaring kumuha ng larawan habang nag
sasayaw o kaya naman ay gumawa ng hashtag para mailagay
sa iyong social media account.

Kumusta ang iyong naging pagsagot sa mga Gawain?


Inaasahan ko na marami kang natuutnan at
maisasabuhay ang mga araling ating tinalakay.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
18
Sanggunian

Aklat

Kawanihan ng Edukasyong Sekundarya. Kagawaran ng Edukasyon. 2015.


Gabay sa Pagtuturo sa EsP para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon
Sekundarya (SEC) Pasig City:

Kawanihan ng Edukasyong Sekundarya. Kagawaran ng Edukasyon. 2015.


Modyul para sa Mag-aaral sa EsP para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon
Sekundarya (SEC) Pasig City:

Internet/Website

https://www.smartparenting.com.ph/life/news/doctor-coronavirus-fatality-
a00061-20200324

https://www.google.com/search?q=nick%20vujicic%20family&tbm=isch&tb
s=sur%3Afc&hl=en&ved=0CAIQpwVqFwoTCPjNpP37ukCFQAAAAAdAAAAAB
AC&biw=1191&bih=690#imgrc=w2QGvcBqJp4iLM

https://www.google.com.ph/search?q=antonio+luna&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2
ahUKEwjNi_euqP7xAhUMad4KHQatAJsQ_AUoAXoECAEQAw&biw=1280&bih=563#imgrc=0
H_4UjPACRIT_M

Taga Marikina Ako


(https://www.youtube.com/watch?v=iA1MN3EvyA4)

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
19
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Mga Manunulat: Normita O. Arandela (Guro, Parang High School)


Mga Tagasuri: Juan O. Fabon (Guro, Parang High School)
Jeanette J. Coroza (Principal, Tanong High School)
Tagasuri - Panloob: Leilani N. Villanueva (Superbisor sa EsP)
Tagasuri- Panlabas:
Tagaguhit at Tagalapat: Mary Jane B. Roldan (Guro, Jesus Dela Pena NHS)
Tagapamahala:

Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Leilani N. Villanueva
Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 8682-2472 / 8682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
20
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
21

You might also like