You are on page 1of 15

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang

Unang Markahan – Modyul 1: ANG MATAAS NA GAMIT AT TUNGUHIN NG ISIP


AT KILOS LOOB

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

DEVELOPMENT TEAM
Writer: Korina Marie A. Espejo Bascaran High School
Content Editors:
Edna D. Barrameda Daraga National High School
Ellen B. Abarientos Principal, Caguiba National High School
Language Editors:
Gina L. Hernandez Daraga National High School
Ma. Dolores B. Castro Bonga National High School
Quality Assurance Team:
Norma B. Samantela, CESO V Schools Division Superintendent
Wifredo J. Gavarra Assistant Schools Division Superintendent
Fatima D. Buen Assistant Schools Division Superintendent
Dr. Sancita Peñarubia Chief, Curriculum Implementation Division
Edison L. Mallapre EPS, LRMDS
Judith P. Restubog EPS, Edukasyon sa Pagpapakatao
Lay-out Editor:
Sherwin Jay A. Aguilar Bonga National High School
I. PANIMULA

Kamusta ka! Siguro ay handang-handa ka nang mag-aral uli matapos ang


napakahabang bakasyon dulot ng Covid-19.

Paano mo napagtagumpayan ang mga nagdaang panahon? Batid ko na


kinaya mo ang lahat dahil nga sa kasabihang ang tao ay isang Obra
Maestra.

Halika at tuklasin kung bakit tayo ay bukod- tangi sa ibang nilikha.

II. LAYUNIN

1.1 Sa modyul na ito, inaasahan ang kabataang tulad mo na matukoy


ang mga mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.

III. PAUNANG PAGTATAYA

Isulat ang iyong mga kasagutan sa mga sumusunod na Gawain sa iyong journal

Gaano ka kahanda sa modyul na ito? Subuking sagutin ang mga


sumusunod na tanong.
1. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at
makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan?
a. mag-isip c. maghusga
b. makaunawa d. mangatwiran

2. “Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang


maimpluwensiyahan ang kilos-loob.” Ano ang ibig ipakahulugan ng
pahayag na ito?
a. walang sariling paninidigan ang kilos-loob
b. nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip
c. kailangan maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang
mabuti
d. hindi maaaring maghiwalay ang isip at ang kilos-loob dahil
magkakaugnay ang mga ito.

3. Ang hayop ay may kamalayan sa kaniyang kapaligiran dahil may matalas


itong kakayahan upang kilalanin ang bagay na nakikita, naririnig o
naaamoy sa kaniyang paligid lalo na kung ito ay may kaugnayan sa
kaniyang buhay. Mayroon din itong pakiramdam sa kung ano ang mabuti

1
at masama para sa kaniyang kabutihan o kapakanan.Mula sa pahayag,
para saan ang kakayahang ito ng hayop?
a.Kailangang makita ang kakayahan ng hayop upang pahalagahan sila
b.Ang kumilos upang pangalagaan o protektahan ang kaniyang sarili
c.Mapaunlad ng hayop ang mga kakayahang ito
d.Upang maihalintulad ito sa kakayahan ng tao

4. Anong salita ang maaaring itawag kapag tumugon ang tao sa obhetibong
hinihingi ng sitwasyon?
a.pagmamahal
b.paglilingkod
c.hustisya
d.respeto

5. Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapwa?


a.kakayahang mag-abstraksiyon
b.kamalayan sa sarili
c.pagmamalasakit
d.pagmamahal

IV. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN PAG-UNAWA


Maayos mo bang nasagot ang Paunang Pagtataya? Kung gayon,
binabati kita! Kung hindi naman, huwag mabahala dahil ang mga susunod na
gawain ay susubok ng mga karanasan at kaalamang iyong natutuhan na.
Gawin mo ang mga sumusunod na gawain.

Gawain 1: Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba.

Sa sitwasyon natin ngayon na may banta ng CoVid-19 (o kilala din bilang


Corona Virus 2019, isang bagong sakit sa paghinga ng tao sanhi ng bagong
virus na hindi nakikita at madaling kumalat at makahawa sa mga tao lalo na
sa mga bata at matatanda o anumang estado ng buhay ng isang tao ang
pwedeng magkasakit nito. Ang sakit na ito ay kalat na sa malawak na rehiyon
at buong mundo kaya tinawag itong pandemya) sa sangkatauhan, tingnan at
suriin ang mga larawan sa una at ikalawang hanay.

Pagkatapos, suriin ang mga larawan, sagutin ang mga sumusunod na


katanungan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa iyong journal.

2
UNANG HANAY IKALAWANG HANAY

Panuto: Ibigay ang mga sitwasyong naglalarawan patungkol sa UNA at


IKALAWANG HANAY base sa larawan.

Ngayong may pandemya ng Covid-19, ang unang hanay ay…………


a.
b.
c.
Ngayong may pandemya ng Covid-19, ang ikalawang hanay ay ……..
a.
b.
c.

3
Gawain 2: Gamit ang graphic organizer sa ibaba isulat ang pagkakapareho ng
tao at hayop sa gitna at sa magkabilang panig naman isulat ang pagkakaiba
nito bilang nilalang ng Diyos. Isulat ang iyong sagot sa iyong journal.

TAO Pagkakapareho HAYOP


ng Dalawa

Pagsusuri:
1. Ano ang pagkakatulad ng tao at hayop?
2. Ano ang pagkakaiba nila?
3. Paano kumikilos ang tao at ang hayop?
4. Ano ang natuklasan mo tungkol sa tao at hayop batay sa pagsusuri mo ng
larawan?

V. PAGPAPALALIM
Basahin at unawaing mabuti ang teksto sa ibaba upang mapagtibay ang
iyong nabuong Kakailanganing Pag-unawa. Pagkatapos ay sagutin ang mga
sumusunod na katanungan sa ibaba.
Ikaw, bilang tao ay iba sa nilikha ng Diyos…. Bakit?
Ang tao:

• Nilikhang hindi tapos


- Sa kapanganakan mo, walang makakapagsabi kung ikaw ay
magiging sino o ano sa hinaharap.
- Nang isinilang ka sa mundo, nagsimula ka mag-okupa ng espasyo
na hiwalay sa ibang sanggol. Hindi maaring sabihin na parehas ka
lang sa iba, dahil ang totoo magkakaiba ang bawat isa. Dahil sa iyong
kamalayan at kalayaan nasa iyong mga kamay ang pagbuo mo ng
iyong pagka-sino/pagka-tao
- Ang iyong pagiging tao ay isang proyekto na patuloy mong bubuuin
habang nabubuhay kang isang nilalang na hindi tapos.

Halimbawa: Si Dylan ay ipinanganak na panganay sa kanilang pamilya.


Ang kanyang ama ay isang basurero at ang kaniyang ina naman ay tagapag-
alaga ng tatlo niya pang kapatid. Kahit ganito ang sitwasyon ng kaniyang
pamilya, pinapag-aral pa din siya ng kaniyang mga magulang. Hindi maaaring

4
sabihin ng ibang tao na magiging katulad din si Dylan sa kaniyang nanay o
tatay na magiging mahirap sa hinaharap. Walang sinuman ang makakapagsabi
kung sino at ano si Dylan sa hinaharap.
Alam ni Dylan ang estado ng kanilang pamilya (sa puntong ito may
kamalayan siya ng kanilang sitwasyon – na sila ay mahirap, na kailangan niya
makatapos at matulungan ang kaniyang pamilya), alam niya sa sarili niya ang
totoo nilang sitwasyon at hindi ito ikinakaila. Malaya siya kung ano ang
kaniyang mga susunod na gagawin o kilos base sa kaniyang kamalayan at
nasa kaniyang mga kamay ang pagbuo niya ng kaniyang sarili sa hinaharap.
Paunti-unti niyang binubuo ang kaniyang pagkatao dahil siya ay nilalang na
hindi tapos.
Ang hayop:
• Nilikhang tapos
- Ang aso kahit na ipinanganak na hiwalay sa ibang aso ay ganap ng
aso mula sa kaniyang pagsilang.
- Ang mga katangian at mga ginagawa ng aso simula kapanganakan
walang pagkakaiba habang ito ay lumalaki (tumatahol, kumakain,
umiihi, dumudumi, naglalakad) kaya sinasabing ganap ng ganyan
ang kanilang mga gawain.

•Hindi nilikhang tapos


•Sapagka't walang nakaaalam kung ano ang
kahihinatnan niya sa mula sa kaniyang
Tao kapanganakan o magiging sino siya sa kaniyang
paglaki
•Siya mismo ang lililok at naghahanda sa
kaniyang kinabukasan

•Nilikhang tapos

Hayop •Walang pinaghahandaan na


kinabukasansapagkat sa kapanganakan pa
lamang tukoy na kung ano siya sa kaniyang
paglaki

Ayon kay ROBERT EDWARD BRENAN, may kakayahan na


nagkakapareho sa hayop at sa tao: pandama, pagkagusto, paggalaw.

Pandama na pumupukaw sa kaalaman: Halimbawa: Ang tao at hayop


kapag napaso ng nagbabagang uling, alam na ito ay masakit sa kanilang

5
pandama at nagdadala ng kaalaman sa kanila na ito pala ay masakit at mainit
kaya maaaring sa mga susunod na makakakita sila, alam na nila ang
mangyayari.
Pagkagusto o Appetite: Halimbawa: Ang tao at ang hayop may parehas
paboritoong kainin ang fried chicken dahil ito ay masarap. Gusto nila parehas
ang isang bagay at masaya sa pakiramdam kapag gusto ang isang bagay.
Paggalaw o Locomotion: Halimbawa: Parehas ang tao nakakagalaw.
Pwede silang pumaroon at parito sa mga lugar. Kaya ng hayop na
mangapitbahay dahil nakakagalaw sila o nakakalakad ganun din naman ang
mga tao.

pandama

Pagkakapareho ng
TAO sa HAYOP pagkagusto /
appettite

paggalaw /
locomotion

BAGAMA’T PAREHONG TAGLAY NG TAO AT HAYOP ANG MGA


KAKAYAHAN, MAGKAIBA NAMAN ANG PARAAN KUNG PAANO NILA
GINAGAMIT ANG MGA ITO.
Halimbawa: Ang hayop ay nagagalit kapag pinakitunguhan ng hindi
tama, maaring makagat o makasakit, subalit kumakalma naman kapag
pinakitaan mo ng pagkalinga. May pakiramdam din ito kung ano ang mabuti o
masama para sa kaniyang kapakanan at may kakayahan na makakuha ng
paraan para sa kaniyang ninanais. Samakatuwid, ang mga kakayahan ng
hayop ay ginagamit upang protektahan at pangalagaan ang kaniyang sarili..
Subalit higit pa dito ang kayang gawin ng tao sapagkat ang tao ay nilikha ng
“wangis ng Diyos” kaya siya ay tinatawag na “obra maestra”.
“Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na
kaniyang Obra Maestra”
Obra Maestra- Ang pagkakalikha ayon sa wangis ng Diyos ay
nangangahulugan na ang tao ay may mga katangiang tulad ng katangiang
taglay Niya. Binigyan Niya ang tao ng kakayahang mag-isip, pumili, gumusto

6
at gumawa. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti
at masama.
Halimbawa: Nagkaroon kayo ng pagsusulit sa Math na itinuturing mong
pinakamahirap na asignatura sa buong buhay mo. Iniwan muna kayo ng inyong
guro dahil may nakalimutan siyang kunin sa faculty room, binilinan niya ang
buong klase na “no cheating”/ bawal mangopya. Sobrang nahihirapan ka sa
pagsusulit na ibinigay sainyo. Habang wala ang inyong guro ang mga kaklase
mo ay nangongopya sa kanilang katabi at ang iba naman binubuksan ang
kanilang notebook para hanapin ang sagot.
Pinag-isipan mong mabuti kung mangongopya ka din dahil alam mong
babagsak ka sa pagsusulit ngayon. Pumipili ka sa opsyon na mangongopya
(dahil halos lahat naman ng kaklase mo ginagawa ito) at di mangongopya (dahil
alam mong masama ito at baka mapagalitan ka pa ng guro mo). Mas ginusto
mo na hindi mangopya dahil alam mo ang pwedeng mangyari kung gagawin
mo ang pangongopya kaya ginawa mo na lang ay sinagutan mo ang mga
katanungan sa buong kaya mo. Alam mo na tama ang iyong pasya at ginawa
sa sitwasyon na ibinigay saiyo.

Ang mga katangian at kakayahang NABANGGIT ang nagpapaiba sa tao sa iba


pang nilikha ng Diyos. Samakatuwid, ang tao ay may ISIP kaya napagtitimbang-
timbang niya ang mga bagay at ang tao ay may KILOS-LOOB kaya nagagawa
at nakakapag-kilos siya ng ayon sa kaniyang pagkatao. Mahalagang maging
malinaw sa iyo ang pagkakaiba mo bilang tao sa hayop at maging matatag ang
pagkaunawa rito upang mabigyan ng direksiyon ang iyong kilos at malinang kung
sino ka bilang tao.

Ano nga ba ang mataas na gamit at tunguhin ng isip?

A. Katotohanan- may kakayahan ang isip na tuklasin ang katotohanan.


Ayon kay Fr. Roque Ferriols ang “katotohanan ay tahanan ng mga
katoto” (Dy, 2012). Ibig sabihin may kasama ako na nakakita o may katoto ako

7
na nakakita sa katotohanan. Ang katotohanan na dapat Makita na mayroon o
nandiyan na kailangan lumabas sa pagkakakubli at lumilitaw dahil sa pagiging
bukas ng isip ng taong naghahanap nito.
Halimbawa: Ang sakripisyo ng mga magulang para sa mga anak. Totoo
itong nandiyan, ngunit kung isasarado ng anak ang kaniyang pag-iisip hindi
niya ito makikita. Sa kabilang dako, kung magiging bukas ang kaniyang isip,
makikita niya ang sakripisyong ginagawa ng kaniyang magulang para sa
kaniya. Kung totoo ito, hindi lang dapat ito totoo sa akin, maibabahagi ko rin ito
sa aking kapwa. Kaya naman nagiging saksi din ang iba sa katotohanan na
mahal siya ng kaniyang mga magulang. Hindi hiwalay ang katotohanan sa mga
tao, ang mga “katoto” ang mga nakaka alam nito.
B. Pagninilay- o pagmumuni-muni, kaya’t nauunawaan nito ang
kanyang nauunawaan.
Ayon kay Manuel Dy, ang isip ay may kakayahang magnilay o magmuni-
muni. Ito ang pagkakaroon ng kamalayan sa sarili dahil ang tao ay may isip at
may kakayahan siyang pag-isipan ang kaniyang sarili.
Halimbawa: Gustong-gusto makita ni Damian ang kaniyang girlfriend
dahil monthsary nila ngayon ngunit nasa ECQ parin ngayon ang buong Albay.
Ang kaniyang girlfriend ay nakatira sa isang lugar na kung saan may mga kaso
na ng Covid-19. May paraan naman para pumunta duon si Damian dahil may
motorsiklo siya ngunit pinag-iisipan niya Mabuti kung pupunta siya o hindi dahil
na nga sa banta ng virus na ito. Isa pa may malalang sakit ang Nanay ni Damian
ngayon at ang kaniyang ama naman ay matanda na, Pinag-isipan at
pinagnilayan niya muna ng mabuti ang dapat niyang gawin kaya nanatili na
lamang siya sa kanilang tahanan dahil importante din ang kalusugan niya at
ng buo niyang pamilya.
C. Abstraksiyon - kakayahang kumuha o makabuo ng kahulugan o
kabuluhan ng mga bagay.
Ang tao bilang may isip ay may kakayahan siyang bumuo ng konklusyon
mula sa isang pangyayari. Dahil sa kakayahang ito ng isip, ang tao ay
nakabubuo ng kahulugan ng bagay.
Halimbawa: Si Crystal na may kaya sa buhay ay mahilig gumawa ng
kabutihan. Ngayon na nasa pandemya tayo ng sakit na Covid-19 naisipan niya
na mamahagi ng libreng face masks at alcohol sa kaniyang mga taga barangay
ng sa ganon makaiwas sa sakit na ito. Wala din siyang pinipiling tulungan. Ang
kalahati ng kaniyang sahod ay ibinili niya din ng pagkain para ipamahagi sa
mga frontliners ng kanilang barangay. Magalang at may respeto din siya kung
magsalita sa lahat ng tao na nakakasalamuha niya kahit ano man ang estado
ng buhay nito. Nakikinig din siya sa mga kwento ng bata at nagmamano sa
nakakatanda. Sa Gawaing ito ni Crystal nakabuo siya ng kahulugan na sa

8
pagtulong naibibigay mo ang iyong pagmamahal at pagpapahalaga sa iyong
kapwa.

Ano nga ba ang mataas na gamit at tunguhin ng kilos-loob?

Kilos-Loob
A. Ens amans- salitang latin na nangangahulugan na umiiral na
nagmamahal.
Isang katangian ng tao ang magmahal dahil nabubuhay siya para
magmahal. Ayon kay Max Scheler, ang pagmamahal ang pinakapangunahing
kilos sapagkat dito nakabatay ang iba’t ibang pagkilos ng tao. Ibig sabihin,
kung mahal mo ang isang tao, dito mo din ipapakita ang kilos na mahalaga
siya saiyo kaya nagiging mabait ka, maalagain, maunawain, maalalahanin,
matulungin at kung ano-ano pa, dahil MAHAL mo.
Halimbawa: Mahal mo ang iyong mga magulang kaya gumagawa ka ng
mga bagay na Mabuti katulad ng pag-aaral ng mabuti para sa kanila.
Sinusunod mo din ang mga payo nila sayo upang hindi ka mapariwara. Dahil
mahal mo sila, ginagawa mo ang mga gawaing bahay para makapagpahinga
din sila galing sa trabaho. Inaalagaan mo din sila kapag may sakit at sa bawat
araw na nilikha ng Diyos araw-araw mo silang nirerespeto at iginagalang dahil
mahal mo ang iyong mga magulang.

B. Pagmamahal-Ang tao ay may kakayahang magmahal dahil ang puso


niya ay nakalaang magmahal.
Lahat ng mabuting kilos ay kilos ng pagmamahal. Ang pagmamahal ay galaw
ng damdamin patungo sa mga tao at iba pang bagay na may halaga.
Halimbawa: Nakita mo na sira at butas na ang tsinelas na ginagamit
ng kaklase mo papuntang paaralan. Kaya naman sa isang buong linggo na
baon mo nagtabi ka ng konting halaga para makabili ng bago niyang tsinelas
na gagamitin niya. Nangangamba ka na baka maaksidente ang kaklase mo

9
kung patuloy niyang gagamitin ang tsinelas na butas kaya bumili ka na lang
ng bago. Ang pagmamalasakit mo ay patunay ng iyong pagmamahal, na
ipinakita mo sa isang mabuting kilos – ang pagbili ng bagong tsinelas para
sakaniya.
C. Paglilingkod-Dahil ang tao ay nagmamahal, ayon kay Max Scheler
maipapakita sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa.
Ayon pa sakaniya, ang pagmamahal ay pagpapahalaga sa nakahihigit
na halaga ng minamahal ayon sa kaniyang esensiya. Tumutubo ang
minamahal at nagmamahal.
Halimbawa: Si Susan ay nag organisa ng isang Outreach Activity na
ang layon ay bigyan ng konting tulong ang bwat pamilya sa Brgy. Bayawas,
dahil duon siya lumaki at ang mga tao duon ay tunay niyang mahal.
Isinasagawa niya tuwing Biyernes sa isang linggo na may libre pakain ng
almusal at tanghalian para sa lahat para maibsan din ang gastusin ng bawat
pamilya doon at mailaan na lang sa iba ang pera na dapat nilang gastusin sa
pagkain sa ibang araw.
Dahil mahal ni Susan ang mga taga barangay, naglilingkod siya dito sa
pamamagitan ng libreng pagpapakain sa lahat ng pamilya.

Kaya naman masasabi natin na ibinibigay ng isip ang


katwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahn
ang kilos-loob.

VI. PAGSASAPUSO

Mabuhay ka sapagkat natapos mo ang bawat bahagi ng modyul na ito!


Ngayon ay subukin mo na pagnilayan at sagutin ang mga sumusunod
na tanong. Isulat ang iyong sagot sa journal.

A. Anong mahalagang konsepto ang natutuhan mo sa modyul na ito?


_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

B. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili tungkol sa mataas na gamit


ng isip at tunguhin ng kilos-loob?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

10
VII. PAGSASABUHAY:

Gawin mong makabuluhan ang iyong buhay sa pamamagitan ng paggawa


nito. Isulat ang iyong sagot sa journal.

a. Maghanap ka ng pagkakataong makatulong, kahit nasa ECQ tayo,


gaano man ito kasimple. Ituon mo ang iyong pansin at isip sa mga tao
na sa tingin mo ay nangangailangan ng tulong, kilala mo man sila o hindi.
O kaya naman maging mapagmasid sa mga sitwasyon na kailangan
mong tumugon sa hinihingi ng pagkakataon.

VIII. PAGTATAYA

Binabati kita! Natapos mo na ang modyul na ito. Ano ang naunawaan mo


sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan sagutin
ang mga sumusunod: Isulat mo ang iyong sagot sa iyong journal.

Magbigay ng tatlong sitwasyon sa pandemyang ito at tukuyin mula doon


ang mataas na gamit ng isip at kilos-loob.

11
Mga Sanggunian:

1. Buhay, Twila Punzalan, et al. pages 21-34 ()

Mula sa internet:

1. https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/coronavirus-poster-
design-with-word-stay-at-home-vector-30436124

2. https://www.google.com/search?q=stay+at+home+pictures+of+a+hum
an&tbm=isch&ved=2ahUKEwj00eKA06DpAhUSgpQKHQ_iBFwQ2-
cCegQIABAA&oq=stay+at+home+pictures+of+a+human&gs_lcp=CgN
pbWcQA1DiJVj_KmC_LGgAcAB4AIAB9QGIAfUHkgEFMC4yLjOYAQC
gAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=x2qzXrTSNpKE0gSPxJ
PgBQ&bih=657&biw=1366#imgrc=-6TRKZxgKqedSM

3. https://www.google.com/search?q=dogs+in+the+streets&tbm=isch&ve
d=2ahUKEwi3jqf4zKDpAhUbJqYKHfPZAeEQ2-
cCegQIABAA&oq=dogs+in+the+streets&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAA
6BAgAEEM6BggAEAcQHjoICAAQCBAHEB5QvcQIWMLWCGDQ3Qh
oAHAAeACAAeoBiAHwBZIBBTAuNC4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1
pbWc&sclient=img&ei=a2SzXvesIJvMmAXzs4eIDg&bih=608&biw=136
6#imgrc=P7QIbsdMJjXXoM

4. https://www.google.com/search?q=dog%2Bgarbage%2Bstreet&tbm=is
ch&ved=2ahUKEwinnIT6tbfpAhVXAZQKHfZ6DEAQ2-
cCegQIABAA&oq=dog%2Bgarbage%2Bstreet&gs_lcp=CgNpbWcQAz

12
oECCMQJzoECAAQQzoCCAA6BAgAEB46BwgjEOoCECc6BggAEAg
QHlD0oApY0LwPYNu-
D2gFcAB4AIABrwOIAbwekgEKMi4xNi4yLjIuMZgBAKABAaoBC2d3cy1
3aXotaW1nsAEK&sclient=img&ei=U1u_XuemB9eC0AT29bGABA#img
rc=3Qv4d88S43YIGM

5. https://www.google.com/search?q=Covid-
19+&tbm=isch&ved=2ahUKEwjVnIDX3KDpAhUI4pQKHcu_CUsQ2-
cCegQIABAA&oq=Covid-
19+&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECCMQJzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAg
gAMgIIADICCAAyAggAMgIIAFC6FFjZLWDLMmgAcAB4AIAB4geIAco
skgENMC4xLjEuMC4yLjMuM5gBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&scli
ent=img&ei=7HSzXtX2J4jE0wTL_6bYBA&bih=657&biw=1366#imgrc=
1hxA9v_M3OS0wM&imgdii=_huAtmiQ78b4-M

13

You might also like