You are on page 1of 61

ESP 4

Quarter 1 Week 1

Paksang Aralin
Pagsusuri sa Sarili at Pangyayari
Ano ang pumapasok sa
inyong isipan kapag
naririnig ninyo ang
saling pagsusuri?
Ang bawat pagpapahalaga ay makikita ng isang beses sa
bawat pahalang at pababang bahagi ng kahon at sa 3X2 na
kahon na may mas makapal na linya. Kulayan ang tamang
mga kahon.
Paglalapat
Iguhit sa kuwadro ang nais mong ipahiwatig
tungkol isang pangyayari na nagbigay sa iyo
ng aral.
Tanong
1.Anong nais mong baguhin sa ‘yong sarili para
maitama sa mga nasayang na panahon at
pangyayari?
2.Ano ang maibibigay mong aral sa mga
taong madaling kumillala ng pagkatao?
Gumawa ng matalinong pagpapasiya sa
sumusunod na sitwasyon.
1.May pagsusulit sa inyong paaralan subalit
may sakit ang iyong nanay at walang kasama
sa bahay.
2.May binili kang tinapay na ipasasalubong
mo sa iyong kapatid.Habang ikaw ay
naglalakad pauwi sa inyo,may Nakita kang
bat ana namamalimos.
Paglalahat

Paano ka magsusuri ng mga


bagay na may kinalaman sa
sarilli at pangyayari?
Pagtataya
Kasunduan

Paano mo susuriin ang isang bagay na may


kinalaman sa iyong sarili?
Pumili ng isa sa sumusunod.Sumulat ng
talata tungkol dito.
1.Pagkakaroon ng matatag na kalooban
2.Pagsang-ayon sa pasiya ng nakararami
3.Pangangalap at paggamit ng
impormasyon.
Day-2

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang


bawat tanong. Isulat sa sagutang papel ang
titik ng napiling sagot.
1. Ano ang pagsusuri?
a. Tamang paghusga c. ebalwasyon
b. Maling desisyon d. panalangin
2. Sino ba ang tinutukoy sa “Self-Assesment”?

a. Diyos b. Sarili c. Pangyayari d. Tao


Day-2

3. Anong ibig sabihin ng “Gulong ng Palad”?


a. Ang desisyon ang magiging basehan ng
ating buhay
b. Ang desisyon ay magmumula sayo
c. Ito lamang makakapagsabi sa iyo kung ano
ang tatahikin mo
d. Lahat nang nabanggit
Day-2

4. Alin sa mga sumusunod na salita ang


maihahambiing mo sa salitang pagsusuri?
a. Ebalwasyon c. Paglalahad
b. Paghahambing d. Analisis
5. Ang pagsusuri ay mahalaga upang _______.
a. Malaman ang tama at mali
b. Maging maunlad ang bawat isa
c. Magkaroon ng kabuhayan
d. Maging malaya
Ang Pagsusuri ay nagmula sa salitang French (Pransya)
“evaluer” na ang ibig sabihin ay paglilitis o ebalwasyon. Ito
ay proseso ng paghihimay ng mga paksa upang mas
maintindihan at magkaroon ng tamang paghuhusga sa
paksa. Sa kasalukayan natin panahon ngayon maraming
nang depinisyon ang “pagsusuri” maari itong gamitin sa
tamang desisyon, o kaya sa komunikasyon at higit sa lahat
sa edukasyon. Malaki ang naitutulong nito sa ating
edukasyon dahil dito tayo nagbabase ng kakayahan,
personalidad at pisikal na anyo ng indibwal. Ngunit hindi
lahat ng “pagsusuri” ay aayon sa tama at mali, dahil ito ay
proseso na makikitaan mo nang pagbabago.
Ang Pangit na Bibe
Ito ay isang magandang araw ng tag-init. Ang araw ay
kumikinang na mainit sa isang lumang bahay malapit sa
isang ilog. Sa likod ng bahay isang inahing pato ang
nakaupo sa sampung itlog."Tsik". At isa-isa silang napisa.
Lahat ay napisa maliban sa isa; iyo ay ang pinakamalaking
itlog sa lahat. Mul, ang inahing pato ay umupo sa malaking
itlog. Sa wakas ito ay bumukas, "Tsik, tsik!" Lumabas ang
huling sisiw. Mukhang itong malaki at malakas. Ito ay
kulay-abo at pangit. Kinabukasan ay inaatasan ng inahing
pato ang lahat ng maliliit na bibe na pumunta sa ilog. Ang
lahat ng kanyang mga sisiw ay tumalon. Ang malaking
pangit na sisiw ay tumalon din. Lahat sila ay lumangoy at
naglaro nang sama-sama.
Ang pangit na sisiw ay mas mahusay kaysa sa
lahat ng iba pang mga bibe.
“Kwak, kwak, sumama ka sa bakuran sa
sakahan” sabi ng inang pato sa kanyang
mga sisiw at pumunta ang lahat sa sakahan.
Ang bakuran ng sakahan ay
napakaingay. Ang malaking pangit na bibe ay
malungkot doon. Kawawang
bibe.Tinuka siya ng isang malaking manok,
kinagat siya ng mga pato at sinipa siya
ng magsasaka.
Isang araw ay tumakbo ng pangit na bibe nang
mabilis hanggang makarating
siya sa isang ilog. Nakakita siya roon ng
maraming magaganda at malalaking ibon
na lumilipad. Ang kanilang mga balahibo ay
mapuputi, ang kanilang mga leeg ay
napakahaba at ang kanilang mga pakpak ay
napakaganda. Tuwang-tuwa niyang pinanood
at tinitigan ang mga ito. Nais niyang makasama
sila. Nais niyang makipaglaro sa kanila.
Nalaman niya na sila ay mga gansa. “Oh gusto
kong maging kagaya nila”, sambit niya sa sarili.
Lumipas ang panahon at dumating ang tagsibol. Ang
araw ay kumikinang at ang paligid ay sariwa at
kulay berde.
Isang umaga, ang pangit na bibe ay nakakita muli
ang magagandang gansa.
Gusto niya talaga silang kasama lumangoy sa ilog.
Ngunit natatakot siya sa kanila.
Kaya tumakbo siya papunta sa ilog tinitingnan niya
ang tubig. Doon sa tubig nakikita niya ang isang
magandang gansa. Siya ito! Hindi na siya isang
pangit na sisiw na pato. Siya ay isang magandang
puting gansa.
1. Kung ikaw si Bibe, sa paanong paraan mo
maipapakita ang iyong positibong
pananaw patungkol sa mga negatibo o hindi
kaaya-ayang komento tungkol
sa iyong pisikal na anyo?
____________________________________
2. Sa kwento ng paglalakbay ni Bibe upang
mahanap niya ang kanyang sarili,
Ito ba ay makakatulong upang mas lalo mo
pang makilala ang iyong sarili?
______________________________________
__________________________________
Panuto: Gumuhit ng isang “Gansa” sa iyong
kwaderno. Isulat sa loob nito ang ugali
na nagpapakita ng pagkilala sa sarili at ilagay
ang mga dahilan kung bakit mahalaga
ito para sayo.
Panuto: Isulat sa bawat bilog ang naglalarawan
ng iyong pagsusuring pansarili at ibahagi mo sa
klase ang mga bagay na nakatulong iyong
wastong pagdedesisyon,
Magsulat ng isang pangyayari sa
iyong buhay na nagpamalas ng
kalakasan at katatagan ng loob sa
pagharap sa maraming tao.
Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik
ng taman ng sagot.
1. Saan bansa nagmula ang salitang French na
“evaluer”?
A. Pransya C. Japan
B. Canada D. Korea
2. Bakit mahalaga ang pagsususuri sa pagkatao ng
isang tao?
A. Upang malaman niya ang kanyang kamalian sa
buhay.
B. Upang malaman ng bawat indibidwal ang tama at
mali.
C. Dahil ito ay sinasabi ng iba.
D. Para sa sariling kapakanan lamang.
3. Kung ang self- assessment ay tumutukoy sa sarili, sa
paanong paraan mo ito naipapakita?
A. Pagtukoy nang tama at mali sa bawat sitwasyon.
B. Inaalam muna bawat panig bago magsabi nang
saloobin.
C. Ipagwalang-bahala na lang
D. Umayon na lang sa nakakarami.
4. Sa pagsusuri ng isang pangyayari, paano mo masasabi
na ito’y “Gulong ng Palad”?
A. Dahil kung ano ang mga desisyon mo sa buhay ikaw
lang makakapagsabi nang iyong tadhana.
B. Dito mo malalaman ang mali sa buhay mo.
C. Tama at mali nasa iyo ang kapakanan.
D. Ikaw ang bida nang iyong buhay at desisyon.
5. Kung ikaw ang papipilin, ano mas hahangarin mo sa
buhay?
A. Magkaroon ng malayang pananaw at tamang
desisyon sa buhay.
B. Piliing maging tama sa bawat sitwasyon.
C. Maging alipin ng sarili at ng ibang tao.
D. Magkaroon ng malawak at malayang paghangad ng
opinyon ng ibang tao.
Kasunduan
Bumuo ng isang kanta o tula tungkol
sa pagsusuri sa sarili at pangyayari.
Day-3

Mahilig ka bang tumingin


sa salamin?magselfie?
Pamilyar ka ba sa hugis
ng iyong mukha?
Araw-araw ay nakikita mo ang iyong sarili sa salamin o ikaw
ay madalas magselfie kaya’t pamilyar ka na sa hugis ng
iyong mukha, mga labi, ilong o maging ang kulay ng iyong
mga mata, ng iyong balat at ng iyong buhok. Pero, kilala mo
ba talaga ang iyong sarili ng higit pa sa mga panlabas na
katangian lamang? Higit sa mga pisikal mong katangian,
mahalaga ring makilala mo at maunawaan ang iba mo pang
taglay na katangian sapagkat ito ay bahagi ng iyong sarili na
makakaimpluwensiya sa mga gagawin mong desisyon o kilos
sa araw-araw. Dito mahalagang maunawaan mo ang
kahalagahan ng pagsusuri ng sarili o personal na pagsusuri
(self-reflection) kung saan mas higit mong nauunawaan kung
sino ka talaga, ano ang iyong mga pagpapahalaga, at bakit
ganyan ka mag-isip at kumilos.
Ano ang ibig sabihin ng personal na
pagsusuri?
Sa iyong mga nakaraang aralin, nalaman mo
na ang mapanuring pag-iisip ay ang kakayahang
ng taong gamitin ang kanyang isipan sa
organisado at makatwirang paraan batay sa mga
ebidensya upang higit na maunawaan ang
kaugnayan ng mga bagay, impormasyon at
pangyayari sa isa’t isa na makatutulong sa
pagbuo ng isang konklusyon o desisyon.
Isang mahalagang bahagi ng proseso ng mapanuring pag-
iisip ay ang kakayahan na kilalanin ang iyong sarili at suriin
ang mga bagay o pangyayari na may kinalaman sa iyong
sarili sapagkat ang mga ito ay makakaapekto sa iyong
magiging aksyon o desisyon na ginagawa sa araw-araw at
mararanasan sa hinaharap. Ang pagsusuring personal o
pagsusuri ng sarili ay isang proseso na nagbibigay-daan
upang higit mong maunawaan kung sino ka, ano ang iyong
mga pagpapahalaga, kung bakit ganyan kang mag-isip at
kumilos. Ito ay isang paraan upang maiayon mo ang iyong
buhay sa kung ano ang nais mong mangyari na
nangangailangan ng masusing obserbasyon at malalim na
pagsusuri ng sarili upang umunlad ka bilang tao.
Ano ang kahalagahan ng pagsusuri ng sarili?

1. Napatatatag ang relasyon. Sa pagsusuri mo kung


paano ka makitungo sa iyong kapwa, nagkakaroon ka
ng pagkakataon na baguhin ang sarili upang maging
mas maayos ang inyong samahan. Gayondin,
nagkakaroon ka rin ng pagkakataong malaman ang
totoo mong damdamin para sa isang tao o grupo ng
mga tao na nagiging daan upang mas higit mo silang
makilala na mahalagang aspeto ng pagpapatatag ng
anumang uri ng relasyon.
2. Higit na nagiging malinaw ang bagay-bagay o
sitwasyon. Ang pagsusuri mo ng iyong sarili ay
isang paraan upang malinawagan mo ang mga bagay
na gumugulo sa iyo. Nakikita mo nang mas malinaw
at makatwiran ang isang sitwasyon. Halimbawa,
kapag ikaw ay malungkot o galit, mahirap makapag-
isip ng tama sapagkat ang iyong kakayahang mag-
isip ay napipigilan ng matinding damdamin. Kung
ikaw may kakayahang magsuri ng iyong sarili at
mga bagay na may kinalaman sa iyo, nakikita mo
nang malinaw at makatwiran ang sitwasyon gamit
ang iyong pag-iisip. Nakikita mo ang mabuti at
masama sa sitwasyon.
3. Nakilala mo ang iyong tunay na pagpapahalaga
Mahirap talagang makilala ang tunay na sarili
hanggat hindi mo ito binibigyan ng pagkakataon
pag-isipan kung ano ba talaga ang mga bagay na
mahalaga sa iyo. Minsan, sa pag-iisa at pagsusuri ng
sarili, nabibigyan mo ng pagkakataon ang iyong
sarili na makita at maunawaan ang mga
importanteng bagay na kinakaharap sa buhay na
nagiging daan upang mapanindigan ang tunay mong
pinaniniwalaan at pinahahalagahan.
4. Napapaunlad ang kakayahang bumuo ng
mabuting desisyon o pagpapasya Sinasadya man o
hindi, araw-araw tayo ay gumagawa ng pagpapasya.
Halimbawa, “Gagawa ba ako ng takdang-aralin
ngayon o mamaya na?”, “Ano kaya ang kakainin ko
mamayang reses?”. Iyan ang ilan sa araw-araw
nating pinamimilian at pinagpapasyahan na
maaaring hindi na natin pinag-iisipan pa dahil ang
mga iyan ay simpleng bagay lamang. Subalit sa mga
mas mahahalagang desisyon sa buhay, mahalaga ang
pagsusuri ng sarili.
Ito ay magbibigay sa iyo ng mas malinaw na
kaisipan at mas nakikilala mo kung ano ang
iyong tunay na pagpapahalaga na
makatutulong sa iyo na piliin ang mas tama at
mabuting daan tungo kabutihan at kabutihan
ng mga nakapaligid sa iyo. Nagiging daan din
ito upang maiwasan ang pagsisisi at upang
magkaroon ng kapayapaan ng kalooban dahil
alam mong nagawa mo ang tama at mabuti.
5. Mas nakatutulog nang mahimbing Kapag nagkakaroon ka
ng kaunting panahon upang suriin ang mga pangyayari sa
iyo araw-araw at kung paano ka kumilos batay dito,
nagkakaroon ka ng pagkakataong mabigyan ng “closure”
ang mga “unresolved feelings”. Pero, pinaaalahanan kita na
hindi ito dapat manatiling realisasyon lamang. Suriin ang
iyong buong maghapon, pagkatapos. Hindi maaaring sa pag-
iisip lamang nang matagal matatapos ang lahat.
6. Nababawasan ang pag-alala at pagkabahala Isa sa
pinakamahalagang resulta ng pagsusuri ng sarili at pagkilala
sa sarili ay nagkakaroon ka ng tiwala sa iyong sarili at sa
iyong mga ginagawa. Nagkakaroon ka ng katiyakan sa
iyong mga ginagawa at pinaniniwalaan sa kabila ng mga
nakalilitong sitwasyon sa iyong paligid kaya’t naiiwasan
mong mag-alala at mabahala.
Paano ka magsusuri ng mga bagay na may kinalaman sa
sarili at pangyayari?
1. Humanap ng tahimik na lugar. Mas makapag-iisip ka ng
malinaw at makatotohanan kung ikaw ay nasa tahimik at
mapayapang lugar. Ito ay isang lugar na kung saan ay
ikaw ay komportable, hindi ka maaabala ng mga tao o
bagay na nakapaligid sa iyo
2. Tanungin ang sarili ng mga mahahalagang tanong gamit
ang mga sumusunod: “Bakit?”, “Ano?’, “Saan?”, “Sino?”, at
“Paano?” Halimbawa: Bakit ito nangyari o bakit ito ang
naging desisyon ko? Ano ang dapat kong ginawa o ano ang
maaari ko pang gawin? Saan ito patungo o ano ang
magiging bunga nitong desisyon ko?
Sino ang maaaring maapektuhan ng desisyong ito?
Paano ko isasagawa ang aking nabuong desisyon?
Maaari ka ring magtanong ng iba pa na sa iyong
palagay ay makatutulong sa kung anuman ang
iyong sinusuri.
3. Bigyan ang sarili ng panahon subalit kailangang
alam mo kung kailan dapat huminto. Iwasan ang
“over-thinking” o iyong pag-iisip ng paulit-ulit
subalit wala namang nabubuong desisyon sapagkat
ito maaaring magdulot din ng di mabuting resulta.
Mahalaga na bigyan ang sarili ng limitasyon o
panahon kung hanggang kailan lamang isasagawa
ang personal na pagsusuri.
4. Isulat sa dyornal ang mga naiisip Magkaroon ng
dyornal kung saan naitatala mo ang mga naiisip habang
nagsusuri ng sarili tungkol sa mga pangyayaring may
kinalaman sa sarili na magsisilbing “reviewer” mo sa
tamang panahon.
5. Makipag-usap sa mga propesyunal o
pinagkakatiwalaang tao Nakatutulong din ang pakikipag-
usap sa mga propesyunal o mga pinagkakatiwalang tao
upang matulungan ka na maiayos ang iyong mga iniisip
at makaisip ng mga dapat mong gawin sa pagbuo ng
positibo mong pagbabago na hinahangad. Nakatutulong
din ang pakikipag-usap sa mga tamang tao upang
mapagaan ang iyong isipan at damdamin.
Mga Pamamaraan ng Pagtatala o Pagbuo ng
Pagsusuri
1. Pagbuo ng Antas ng Pagsusuri (Levels of
Reflection). Tingnan sa susunod na pahina.
2. Reflection Vlog. Ito ay maaaring gawin kung
mayroong kakayahang teknolohikal ang mag-aaral.
3. Scrapbook Reflection. Paggamit ng larawan at
pagsusulat ng pagsusuri batay sa ibinigay na gabay.
4. Sketch and Reflect. Maaaring gumuhit ng simbolo
na lumalarawan ng iyong ginawang pagsusuri.
5. Cube of Reflection. Gagawa ng “cube” at dito
isusulat ang pagsusuri
Ang kakayahang magsuri ng mga bagay na may
kinalaman sa sarili ay dapat nagpapalakas sa iyo at
magbibigay ng inspirasyon na mapaunlad ang sarili
sapagkat isa itong mabisang hakbang upang
makabuo ka ng desisyon na makatwiran at
makabubuti sa iyong sarili, sa iyong pamilya, o sa
lahat nang may kaugnayan dito. Pagkatapos mong
mabasa at maunawaan ang kahulugan, kahalagahan
at pamamaraan ng pagsusuri ng bagay at mga
pangyayari na may kinalaman sa iyong sarili ay
sagutan ang mga sitwasyon sa ibaba na susukat ng
kakayahan mong bumuo ng tamang desisyon.
Sagutin ang sumusunod na tanong.
Anong nais mong baguhin sa iyong
sarili para maitama ang mga nasayang
na panahon at pangyayari?
Ano ang maibibigay mong aral sa mga
taong madaling kumilala ng pagkatao?
Gumawa ng isang tula
tungkol sa pagpapasya .
Buuin ang Pagsusuring Personal Worksheet.
Day-4

Ano ang iyong karanasan sa iyong


tahanan na nagpakita ng pagsusuri
bago ka gumawa ng desisyon?
Naranasan mo na bang magdesisyon
tungkol sa iyong sarili?Naging maganda
ba ang iyong desisyon?Nagkaroon ba
ng magandang resulta?
Magpangkat sa apat
Gumupit ng mga larawang
nagpapakita ng pagsusuri bago
magdesisyon
Sabihin Ang HOORAY!kungmay tamang pagsusuri
at HEP HEP! Kung mali.
1. Lumahok sa paligsahan sa pagsasayaw at
umuwi agad
2. Bumili ng pagkain ngunit kulang ang pera
3. Nagpatala sa painting contest at nanalo
4. Pumasok sa paaralan ngunit nakalimutang
sagutin ang takdang aralin
5. Nag-aral ng mabuti kaya tumaas ang mga
marka
Sabihin kung tama o mali
1. Ipaubaya sa magulang ang lahat ng
iyong desisyon sa buhay
2. Mahusay ka sa inyong klase kaya sa iyo
pinauubaya ang lahat ng desisyon.
3. Walang tanong tanong na sumang-ayon
sa isang pasyang gagawin upang hindi na
magtagal ang usapan.
Magbahagi ng isang pangyayari sa
iyong kaklase na nagpapakita ng
mapanuring pag-iisip. Ibahagi ito sa
klase
Ano ang iyong nararamdaman
kapag gumawa ka ng isang bagay
at di mo nasuri bago magdesisyon?
Tandaan Natin:
Ang batang may mapanuring
pag-iisip ay matalino at maparaan.
Ipaliwanag sa isang talata ang iyong
opinyon sa sitwasyong ito.
(Gumamit ng rubrics)
Bilang isang bata, iaasa ko palagi sa
lider ang desisyon kapag may
pangkatang gawain
Kasunduan
Sumulat ng limang karanasan na
sinuri mo muna bago nagbigay ng
desisyon.

You might also like