You are on page 1of 17

MODYUL 3

IKALAWANG MARKAHAN

DULA

ALAMIN

Maligayang araw sa iyo mahal naming mag-aaral!


Narito ang kaalaman at kasanayang malilinang sa iyo sa pagtalakay mo
sa araling ito:

 Natutukoy ang kahulugan ng mga salitang iba-iba ang digri o antas ng kahulugan.
(F7PT-IIe-f-9)
 Nagagamit nang wasto ang angkop na mga pang-ugnay sa pagbuo ng editoryal
na nanghihikayat. (F7WG-II-e-f-9)

Alam kong marami ka nang natutunan sa mga nakaraang modyul. Upang mas
lalong madaragdagan ang iyong kaalaman pag-aaralan naman natin ngayon ang
tungkol sa dula mula sa Cebu na pinamagatang Ang Peke-na salin sa Filipino ni Don
Pagusara mula sa wikang Cebuano na “Mini” ni Buenaventura Rodriguez.Bahagi rin ng
aralin ang pagtalakay sa Mga Pang-ugnay na Nanghihikayat.
Aalamin mo rin kung nailalarawan ba sa mga dula ang mga taga-Visayas ang
kanilang kakaibang mga pagdiriwang.Gayundin kung bakit mahalaga ang mga pang-
ugnay sa pagbuo ng editoryal na naghihikayat.Kaya tara! Tunghayan natin ang bawat
yugto ng dula. Maligayang pag-aaral sa iyo!

SUBUKIN
Sa modyul na ito ay matatalakay at matututunan natin ang tungkol sa Panitikang
Bisaya at mga Pahayag na Ginagamit sa Panghihikayat at Pagpapatunay.
GAWAIN:1
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

______1.Dito binabanggit ang isyu,paksa o balitang tatalakayin sa loob ng kuwento


A. Wakas
B. Panimula
C. Katawan
D. Banghay
______2.Sa bahaging ito ipinahahayag ang opinyon o kuro-kuro ng patnugot.
Maaaring ilahad ito sa pamamagitan ng paglalarawan,pro(pagpanig),con
(pagsalungat)
A. Wakas
B. Panimula
C. Katawan
D. Banghay
______3. Ipinapahayag ang bahaging panghihikayat o paglalagom upang mabuo sa
isipan ng mambabasa ang pananaw na nais ikintal ng editorial.
A. Wakas
B. Panimula
C. Katawan
D. Banghay
______4. Isang uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto ng maraming tagpo.
A. Dula
B. Maikling Kuwento
C. Epiko
D. Banghay
______5. Ito ay bahagi ng pahayagang nagsasaad ng mapanuring pananaw o kuro-
kuro ng pahayagan .
A. Editoryal
B. Komiks
C. Kartooning
D.Tema

GAWAIN 2:
Panuto: Iayos ang mga salita ayon sa digri o antas ng kahulugan sa paglinang ng
iyong talasalitaan.(1-Madali,2-katamtaman,at 3-mataas na kahulugan). Isulat ang sagot
sa inyong kuwaderno.

A. naki-paglaban,nakipag-himagsik,nakipag-utos
3.__________
2.__________
1.__________
B.mamatay,makitil, masawi
3. __________
2. __________
1. __________
C.umalis, lumisan, lumikas
3. __________
2. __________
1. __________
D.kalungkutan, kapighatian, kalumabayan
3. __________
2. __________
1. __________

E. ngiti,halakhak,tawa
3. __________
2. __________
1. __________

GAWAIN 3:
Panuto: Basahin ang mga pahayag at tukuyin ang damdaming ipinakita ng
sumusunod na mga tauhan.Isulat ang salita ng napiling tamang sagot sa patlang bago
ang bilang.

___________1. “Ngunit kung nagsawa ka na sa pakikipag-usap sa akin,aalis na


muna ako.”
A.natuwa
B.nalungkot
C.nadismaya
D.nagtatampo
___________2. “Mayroon ka bang iniibig?”
A.naiinis
B.nalilito
C.nagtataka
D.nagtutuwa
___________3.”Napakadakila ng pag-ibig na iyan!”
A.naiinis
B.nabigla
C.nalulungkot
D.humahanga
___________4. “Anong ibig sabihin nito?Mga tampalasan!”
A.naiinis
B.nabigla
C.naiirita
D.nagagalit
___________5. “Itay,patawarin mo kami,patawarin mo kami!”
A.nahihiya
B. nalulungkot
C.nadidismaya
D.nagmamakaawa
TUKLASIN

Sa kasunod na mga gawain,tuklasin kung may alam ka na tungkol sa Cebu at


paano nakatutulong ang tradisyunal na mga pagdiriwang ng Kabisayaan na magkaroon
ng kamalayan ang mga tao sa kahalagahan ng mga ito mula sa lugar na pinanggalingan
ng nasabing pagdiriwang.Gayundin,kung paano magagamit nang wasto ang mga pang-
ugnay sa pagbuo ng editorial na naghihikayat na ang paksa ay tungkol sa mga
pagdiriwang ng Kabisayaan.

GAWAIN 1. Hala Bira…Visayas

Mga Tanong:
1. Anong kaugalian o tradisyon ang ipinakikita sa bawat padiriwang (festival) na
idinaraos sa ilang lugar sa Visayas?
2. Bigyang- interpretasyon ang ibig sabihin ng pagdiriwang na nasa larawan.
3.Ano ang kahalagahan ng mga ganitong pagdiriwang (festival) sa pamumuhay at
kamalayang panlipunan ng mga taong naninirahan doon?

SURIIN

ANG PEKE
Salin sa Filipino ni Don Pagusara
Ng orihinal na akda sa Wikang Cebuano
Na”Mini”ni Buenaventura Rodriguez

Mga Tauhan:
▪ Don Felix - Ang “Peke”
▪ Mayang - Dalaga
▪ Dr.Casas - Mangagamot
▪ Ingka - Ina ni Mayang
▪ Alipio - Ama ni Mayang
▪ Goryo - magiging asawa sa ni Mayang
▪ Quintin - Kapatid ni Mayang
▪ Pilar - Nars ni Dr. Casas

Pambungad
Klinika ni Dr. Casas.Pagbukas ng tabing,makikita si Pilar na nakaupo sa mesa
bilang nars na tagapagllingkod nang araw na iyon.
Eksena 1
(Pilar at Dr. Casas)
Pilar: Kay tagal nang nakalabas ng doctor.Siguro’y mahirap ang operasyon.
(Magpapatuloy sa kanyang gawain si Dr.Casas mula sa Operating Room) O, natapos
na pala, Doktor?Successful ba?
Casas: Oo.Pastilan,napakahirap na operasyon.Parang dalawang operasyon.(Ang nars
ay magdunol ng tuwalya at kukunin ang guwantes matapos itong hubarin ng
Doktor.)
Pilar: Anong order,Doktor?
Casas: Liquid diet,ha!At kung hindi lalagnatin,huwag bibigyan ng gamot
Pilar: Kung sakaling lagnatin ipaalam ko nalang dito!Naghihintay ho sa labas si Don
Felix
Casas: Ha!Bakit hindi mo pinatuloy agad?Puntahan mo agad.
Pilar: Hindi ko muna pinatuloy dahil may ginagawa pa kayo.

Eksena 2
(Dr. Casas,Eling,at Pilar)

Eling: Magandang umaga, Doktor!


Casas: Magandang umaga naman!Tuloy kayo! Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?
Ano ba ang nararamdaman mo?
Eling: Kuwan…itong..kung isasalaysay ko’y hindi kayang ilarawan ang aking
dinaramdam.Aywan ko ba kung a hindi ako makatulog sa gabi.Ang bituka ko
Ay ayaw tumanggap ng pagkain..Wala nang kasiyahan sa daigdig na
makakalibang sa akin…lahi na lamang akong nalulumbay.(Titigil).At wala na
yatang gamut sa botika na di ko natikman sa dami ng ipinainom sa akin.Kilala
mo ba ako?
Casas: At sino ba’ng hindi nakakakilala sa iyo,don Felix!
Eling: Kaya nagsadya ako dito.Baka sakaling maalis itong aking karamdaman.Ano
nga kaya ang sakit ko?
Casas: Sinabi mong hindi ka makatulog..hindi makakain at para kang napapangitan
sa mundo..Ngayon,meron akong itatanong,sa iyo na baka sabihin mong walang
kaugnayan sa iyongsakit.Pero sagutin mo na rin.Puwede?
Eling: Sige magtanong ka lang at sagutin ko.
Casas: Magkano ang kinikita mo buwan-buwan sa iyong bahay at lupain?
Eling: Hindi ko alam,Doktor,dahil ang administrador ko lang ang nakakaalam nito.
Casas: Gayon ba?A,tatlong libo kaya?
Eling: Baka higit hindi naman iyan magkakasiya sa akin.Marami na din akong
napapasyalang lugar,dalawang taon ako sa Amerika..limang taon sa
Europa..nakakarating na ako sa India,sa lahat ay,sawa na ako riyan.

Casas: Ilang taon na ba kayo?At sino’ng mga kamag-anak mo?


Eling: Tatlumpu.Ako?..Malapit na kamag-anak,wala.Kaisa-isa akoang anak.Patay
na ang magulang ko.Mayroon akong kama-anak pero malalayo na.Pero anong
kaugnayan nito sa aking sakit?
Casas: Makinig ka.Isa kang pasyenteng walang sakit.Iyang sakit mo’y hindi
makukuha sa gamut (Nais tumayo no ni Eling).
Eling: Kung gayon wala akomg sakit,Bakit ako may sakit?
Casas: Iyan ang sinasabi ko saiyo may sakit pero walang sakit.Pero ang sakit mo’y higit
na malala kay’sa sa pinakamasahol na sakit.(Magtatangkang tumayo si
Eling).Makinig kana lang muna….Hindi ito biro.Ang sa iyo’y sakit ng lubhang
pagiging mayaman.Wala kang bagay na ninanais dahil ang lahat ng bagay ay
mapapasaiyo sa isang bigkas mo lang,sa pamamagitan ng iyong salapi. ..Dito sa
mundo kailangang natin ng isang hagarin..Kailangan ng bawat isa ang
pinapangarap na nais magkatotoo.Ngunit ikaw,dahil sa salapi mo’y matutupad
kaagad ang iyong kagustuhan.Tigib ka man sa lahat-lahat ang pinakamabuti
saiyo’y magkaroon ng isang tinitingalang pangarap na karapat-dapat sa iyo.
(Titigil)
Eling: Hindi ako nagpunta rito para insultuhin mo!(Tatayo,sisinga-singa sa galit)
Dr.Casas,mag-ingat ka s aiyong dila,at baka may mangayari sa iyo Ngayon
din!
Casas: Sige!Magalit ka!Buntal!Sugod! (Susugod si Eling, pero siya’y mapapaupo sa
silya,hahawak sa ulo) Ha ha ha…nakita mo na? Nariyan ang iyong sakit.Ang
kawalang sila, ang kawalang lakas-loob ng pagiging duwag!Bakit duwag?
Sapagkat ika’y walang lakas.Sapagkat wala kang ginagawa.
Eling: Ngayon? Anong kahihinatnan ng taong kagaya ko?
Casas: Kung minsa’y mabuang,kung minsa’y magpatiwakal.Hindi ka minahal ng
lipunan sapagkat ang iyong puso’y wala ni katiting na pitak ng pagmamahal
para sa kanya.Ang lipuna’y walang utang na loob sa iyo,at ika’y walang
sisingilin sa kanya..Kumain ka ng pinagpawisan mo.Sa Ngayon,ika’y isang
taong“peke”..huwag kang magalit sa aking sinasabi.Ako’y isang
manggagamot…
Eling: Dr.Casas,ipapakita ko saiyong ako’y magiging totoong tao rin.Sinabi mong
ako’y “peke”?May araw ding babalik ako saiyo upang ipakita sa iyong may
kabuluhan pa ako.
Casas: Anong gagawin mo?
Eling: Hindi ko muna sasabihin.Sinabi mong matamis ang pagkaing binibili sa perang
pinagpaguran?Hahanapin ko ang pagkaing yan.Totoo ang sinabi mo,merong bagay
sa mundo na hindi nabibili ng salapi…mga bagay na pagsisikap lang talaga ang
kapalit..hahanapin ko ang mga bagay na iyan!
Casas: A!..Ngayo’y masasabi ko sa iyong may maaasahan pa pala (Maririnig ang awit
ng mga mandaragat)
Awit Bilang 1
Pakinggan!...Pakingga ang awit ng mga maligaya.
Malilinis ang kaluluwa,malinis ang katawan,
Pagkat sila ay nakapaligo ng tubig ng panginoon na
pinangalanang Pawis sa Paggawa!
Sipi mula sa salin sa Filipino ni Don Pagusara
Ng orihinal na akda sa Wikang Cebuano
Na “Mini”ni Buenaventura Rodriguez
Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma
Mga Awtor:Aileen Baisa-Julian,Nestor S.Lontoc
Carmela Esguerra-Jose
Alma M.Dayag(Awtor-Koordineytor)
Mga Gawain:

A. Paglinang ng Talasalitaan

Panuto: Ating sukatin ang iyong kakayahan sa Paglinang ng Talasalitaan.May


ilang salitang,may halos magkakaparehong kahulugan subalit may magkakaibang digri
o antas ng kahulugan.Ayusin ang mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan
nito.Lagyan ng bilang 1 hanggang 3 ang mga linya.Gamiting gabay ang mga
pangungusap kung saan nagamit ang salitang nakadiin.

1 - para sa Madali
2 - katamtaman
3 - mataas na kahulugan

Halimbawa: ngiti, halakhak,tawa

Sagutin Natin:
Panuto : Sagutin ang mga sumusunod na tanong

_____ paghagulgol _____ inis ______nagpasaya


_____ paghikbi _____ galit ______ nagpangiti
_____ pag-iyak _____ Labis na pagdaramdam ______ Labis na
kaligayahan

B.Pagkilala sa mga Tauhan

Panuto:Kilalanin ang mga tauhan batay sa kanilang mga papel na ginagampanan sa


kuwento.Isulat ang pangalan ng mga tauhang inilalarawan sa loob ng kahon.Nasa loob
ng kahon ang mga pagpipilian sagot.

Don Felix Mayang Dr. Casa Ingka Alipio Goryo Quintin Pilar

Ina ni Mayang Magiging asawa ni Mayang


Dalaga

Ang “Peke”
Mangagamot
Kapatid ni Mayang
_

Ama ni Mayang Nars ni Dr.Casas


C. Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang mga katanungan.Buoin ang tamang
salita para sa kasagutan.

1. Anong uri ng sakit ang ikinonsulta ni Don Felix o Eling kay Dr. Casas? D__ __A__.
2. Ano raw ang dapat gawin ni Eling kung nais niyang maging totoong tao at maging
maligaya? TU__AN_Y NA P__G__BI__
3. Batay sa isinagot ni Eling kay Dr.Casa,ano ang sinabi ng doctor patungkol sa sakit ni
Eling? M__LA__ANG S__K__T

4. Ano-ano ang itinatanong ng doctor kay Eling? Lagyan ng Tsek (/) ang sa palagay mo
na mga katanungan ng doktor kay Eling
_____ “Magkano ang kinikita mo buwan-buwan sa iyong bahay at lupain?”
_____ “Ano naman ang iyong ginagawa sa araw-araw?”
_____ “Sino ang iyong kasintahan?”
_____ “ Sino’ng mga kamag-anak mo?”
_____ “ano naman ginagawa mo araw-araw?”

5. Kilalanin ang mahalagang detalye mula sa binasa.Lagyan ang linya ng mayroon o


wala ayon sa mga bagay at pangyayari sa binasa.
__________1. May kapatid si Eling na namahala muna sa kanyang mga ari-arian at
Kayamanan nang mawala siya ng isang taon.
__________2. May taglay na sakit si Eling subalit ito’y hindi basta mapapagaling ng
ordinaryong medisina o gamut lamang.
__________3. May malawak na sakahan at Magandang kabuhayan ang pamilya ni
Mayang.
__________4. May pagpapanggap o pagbabalat kayong nangyari sa kabuon ng
dula.
__________5. May paghihiganting ginawa sina Pascual at Goryo kina Mayang at
Eling nang tumalikod sa pinagkasunduang kasalan ang dalaga.

Isa pang pang uri ng akdang pampanitikang tuluyan ang dula na naglalarawan ng
mga pangyayari sa buhay ng tao sa pamamagitan ng mga tauhang gumaganap sa
ibabaw ng tanghalan.Ipinakikita sa dula ang buhay ng tao na sadyang pabago-bago at
paiba-iba ang takbo.Karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong
pangyayari sa buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang
kaisipan.Kung minsan ay malungkot,kung minsan naman ay masaya.Kung minsan ay
mapagbiro,kung minsan naman ay walang kibo.

Mula kay Lorenzo,Carmelita S.,et.al 2001,Literatura ng Iba’t Ibang Rehiyon ng Pilipinas,


Grandwater Publications and Research Corporation,Makati City
Lahat ng itinatanghal na dula ay naayon sa isang nakasulat na iskrip.Ang iskrip
ng isang dula ay iskrip lamang at hindina dula,sapagkat ang tunay na dula ay yaong
pinapanood sa isang tanghalan,pinapahahandaan at may batayan.

Mga Elemento ng Dula


1. Iskrip o nakasulat na dula - Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula.Lahat ng bagay
na isinasaalang-alang sa dula ay naayon sa isang iskrip;walang dula kapag
walang iskrip.
2. Gumaganap o aktor - Ang mga aktor o gumagnap ang nagsasabuhay sa mga
tauhan sa dula; sila ang nagpapahayag ng mga diyalogo;sila ang nagbibigay-
buhay sa iba’t-ibang damdamin;sila rin ang Binibigyang pokus ng mga manoood.
3. Tagadirehe o direktor - Ang director ang nagpakahulugan sa isang iskrip;siya ang
nagsasagawa ng nilalaman ng iskrip mula sa pagpasiya sa hitura ng tagpuan,ng
kasuotan ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbibitiw ng
diyalogo ng mga tauhan ay nakabatay sa interpretasyon ng director o iskrip.
4. Manonood - Hindi maituturing na dula ang isang binanasagang pagtatanghal kung
walang manonood sapagkat layunin ng dula ay maitanghal sa mga manonood.
Hango mula sa aklat na Lunday Ikatlong Taon.Banadera,et al.
Sunshine Interlinks Publishing House,Inc.:2011

Pagsasanib ng Gramatika
Ayon kay C.J.Cruz,ang editoryal ay :
- isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang
napapanahong pangyayari upang magbigay ng
kaalaman,makapagpaniwala o makatulong sa mambabasa.
- isang pinag-aralang kuro-kuro batay sa isang tunay na pangyayari.
- isang komemtaryong nagpapayo,nagtuturo,pumupuri,o tumutuligsa tungkol
sa kahalagahan ng pangyayari.
Halaw sa: Pamamahayag Pangkampus ni C.Jose,Rex Book Store,Inc.,1993
Kalinangan Workteks sa Filipino (Wika at Panitikan)para sa Hayskul

TATLONG BAHAGI NG EDITORYAL O PANGULONG TUDLING

▪ PANIMULA - dito binabanggit ang isyu,paksa o balitang tatalakayin


▪ KATAWAN - sa bahaging ito ipinahahayag ang opinion o kuro-kuro ng
patnugot. Maaaring ilahad ito sa pamamagitan ng
paglalarawan ,pro (pagpanig),con (pagsalungat) .
▪ WAKAS - Dito ipinapahayag ang bahaging panghihikayat o paglalagom
upang mabuo sa Isipan ng mambabasa ang pananaw na nais ikintal
ng editoryal.

MGA TUNTUNING DAPAT SUNDIN SA PAGSULAT NG EDITORYAL O PANGULONG


TUDLING

1. Magkakaroon ng kawili-wiling panimulang maikli lamang upang maakit ang


atensiyon ng mambabasa.
2. Buoin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katibayan sa
paraang maayos at malinaw.
3. Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran.Sa halip,
a. gumamit ng mga halimbawa at paglalarawan upang pagtibayin ang
simula.
b. gumamit ng paghahambing at pag-iiba-iba;
c. gumamit ng magkatulad na kalagayan; at
d. banggitin ang pinagmulan ng mga inilalahad na kalagayan.
4. Tapusin nang naaangkop. Bigyan ng mahusay na pagwawakas.
5. Tandaang ang pinakamahalagang bahagi ay ang panimula at ang wakas.
6. Huwag mangaral o magsermon.Ilahad lamang ang mga patunay at katwiran at
hayaan ang mambabasang gumawa ng sariling pagpapasiya.
7. Sundin ang lahat ng simulain sa mabisang Pagsulat-kaisahan (unity),linaw
(clarity),pagkakaugnay-ugnay (coherence), at diin (emphasis)

Panuto: Kilalanin din ang bahagi ng binasang editoryal. Isulat sa hanay A sa sagutang
papel ang P = kung ito’y panimula, K= kung ito’y katawan at W=kung ito’y wakas.

A
1. Bukas gugunitain at ipagdiriwang ng sambayanan ang araw
na isinilang ang sanggol sa sabsaban.
- Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 24, 2004 p. 4.
2. Wala na sigurong lulungkot pa ang Pasko sa maraming
kababayan natin sa Aurora at Quezon. Ang dalawang
lalawigang ito ang pinakamatinding sinalanta sa magkakasunod na
bagyong dumating sa bansa.
- Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 23, 2004, p. 4
3.Ang tanong ngayon ay bakit isa lang ang jailguard na nagbabantay sa mga
preso ng PDEA? Hindi ba dapat ay maximum security ang ipinapatupad dito
lalo pa’t pawang sangkot sa mabigat na kasong may kinalaman sa droga –
ang mga nakakulong sa kanilang detention cell?
Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 21, 2004, p 4.
4. Libu-libo silang kumilos para makaraos ang halalan kahapon.
Malaki ang dapat na ipagpasalamat sa kanila ng pamahalaan.
Dahil maliban sa mga guro ay wala na tayong nakikitang iba
pa na makakagawa ng ginagampanan nilang tungkulin tuwing
panahon ng halalan.
- Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 12, 2004, p. 4.
5. Idineklara pang “generally peaceful” ang katatapos lang na
eleksyon. “Peaceful” nga dahil tahimik na ang ilang namatay.
Isolated case daw gayong may namamatay at nabibiktima ng
Mga bayolenteng politiko tuwing eleksyon.
- Halaw sa Abante Tonite, Mayo 14, 2004, p. 4.
Subukin mo ang iyong galing sa pagtukoy sa tamang panuntunan sa pagsulat ng
editoryal. Lagyan ng tsek (/) ang kahon kung ang pahayag ay nagsasaad ng tamang
panuntunan sa pagsulat ng editoryal.

1.Mangaral o magsermon sa mga mambabasa upang matuto sila


2. Malinaw at magkakaugnay ang mga pahayag.
3. Ipahayag ang personal na galit ng manunulat o editor na nararamdaman sa
sitwasyon o kalagayang kanyang isinulat.
4. Dapat nakabitin ang wakas ng editoryal.
5. Nakapagalalahad ng mga katibayan para sa isyung tinatalakay.
6. Nailahad sa malinaw na paraan ang panimula,gitna,at wakas ng editoryal
Upang mabigyang-diin ang isyung pinapkasa nito.
7. Ito ay dapat magkaroon ng kawili-wiling simulang makaaakit sa mga
Mambabasa.
8. Gumamit ito ng salitang makakasakit sa damdamin ng tinutuligsa upang
matuto sila.
9.Taglay nito ang paninindigan o pinaniniwalaan ng pahayagan ukol sa isang
napapanahong isyu.
Mula sa Pinagyamang Pluma 7 (Ikalawang Edisyon)
Mga Awtor:Ailene Baisa-Julian;Nestor S. Lontoc;Carmela Esguerra-Jose;
Awtor/Koordineytor:Alma M.Dayag

Mga Pahayag na Ginagamit sa Panghihikayat


Ngayon palang ay binabati kita sa sipag at tiyaga na iyong ipinakita!
Sa pagnanais na mahikayat o makumbinsi ang iyong mga mambabasa sa iyong
pananaw o paninindigan ay isang hamon sa isang manunulat.Makakatulong ang
paggamit ng mga angkop na pahayag sa iyong panghihikayat.

Ilang Halimbawa ng mga Pahayag at Salitang Nanghihikayat:

Totoo/Tama Siyempre
Tunay Naniniwala akong…
Talaga Kaya mong maging bahagi ng…
Tumpak Sama na…
Pero/subalit Kitang-kita mong….
Kaya natin ito Ito na….
Siguradong… Ngayon na!

Halimbawa: Ngayon na! ibigay na natin ang ating pagkakaisa para sa bayan.
Tunay na pinagpala ang taong mabait.

PAGYAMANIN
A. Panuto: Salungguhitan ang mga salitang nanghihikayat sa sumusunod na mga
pangungusap.
1. Tara,gamitin natin ang kapangyarihan ng mga batang manunulat.
2. Tumpak! Sama-sama nating labanan ang droga sa ating bayan
3. Naniniwala akong makakamtan natin ang hustisya kapag tayo ay may
pagkakaisa.
4. Ikaw ang mananalo,siyempre magaling ka at maganda sa lahat ng mga
kandidata.
5. Dadalo sana ako sa pagtitipon pero natatakot ako na baka lumindol na naman.

B. Panuto: Punan ng angkop na salitang nanghihikayat ang linya upang makabuo ng


mga pangungusap na nanghihikayat.Piliin ang sagot mula sa kahon.

Ito na samantala talaga sigurado Tunay


naniniwala akong Totoo upang kaya Ito na

1. __________ na ang mga kabataan sa aming barangay ay aktibo sa mga gawaing


pangkalusugan.
2. Mataas ang kanyang mga grado__________ na kasali siya sa mga makatanggap ng
paparangalan ngayong markahan.
3. Si Juan ay magaling sa pagluluto ________ siya ay nakakamangha.
4. May mga mag-aaral na naglalaro sa labas ng silid-aralan __________ ang iba ay
naglalaro na naman ng cellphone.
5. __________ kambal ang pares ng sapatos na aking binili.

ISAISIP

Panuto : Buoin ang nanghihikayat gamit ang mga salitang pang-ugnay Piliin ang sagot
sa loob ng kahon.

Ito na kung gayon Naniniwala akong talaga at


tama tunay totoo tara

(1).______________ na mahalaga ang ating pagkakaisa para mapagtagumpayan ang


ating hangarin.(2) _____________ !Lahat tayo ay puwedeng magbago tungo sa
kabutihan (3.) _______________sumama tayong mga kabataan para sa makatulong sa
mga nangangailangan.(4.) _______________ang simula ng isang mas magandang
mundo,(5.) _______________mabuti siyang tao.

ISAGAWA

Panuto: Bumuo ng pangungusap gamit ang mga pang-ugnay sa panghihikayat tungkol


sa sumususunod na mga pahayag.
1. Mali ang ibinigay na parusa ni Don Juancho sa kaniyang anak.
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Impluwensiya ng mga dayuhan ang karamihan ng piyesta sa Cebu.


________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Magaling ang nanalong pangkat sa Piyesta ng Sinulog,
________________________________________________________________
________________________________________________________________

TAYAHIN
Natitiyak ko na alam mo na ang wastong gamit ng mga pang-ugnay na
nanghihikayat sa pagbibigay ng opinion.Ngayon,subukan mong sagutan ang mga
sumusunod na pagsasanay.

Test I - Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap.Iguhit sa sagutang-papel


ang emoticon na  kung may ginamit na pang-ugnay sa bawat pangungusap, at lagyan
ng ekis X kung walang pang-ugnay.Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

______1. Mula sa Visayas ang Wayang Orang na sinsabing isa sa mga unang
dulang lumabas noong Panahon ng Katutubo .
______2. Kahawig ng puppet show ang WayangOrang kaya nilalapatan ito ng awit
na may kasamang sayaw at galaw ng katawan,ng kamay,leeg,mata at bigla-
biglang hakbang.
______3.Katumbas naman ng tula ang binalaybay na mula sa wikang Hiligaynon.
______4. Ang pagbabagong anyo mula pasalit tungo sa nakasulat na panulatan
at ang biglang pagputok ng mga gawain sa produksyong pampanitikan
ang nagpasimula ng pagkakatatag ng Ang Suga” (Ang Liwanag),ang
unang peryodikong Cebuano.
_______5. Si Vicente Sotto ang nagbigay ng kasiglahan hindi lamang realism sa
teatrong Cebuano kundi sa paglitaw ng sugilanon o maikling kuwento.

Test II: Panuto : Lagyan ng Tsek ( / ) ang kahon kung ang pahayag ay nagsasaad ng
tamang panuntunan sa pagsulat ng editoryal.

Nailahad sa malinaw na paraan ang panimula,gitna,at wakas

Ito ay dapat magkaroon ng kawili-wiling simulang makaaakit sa mga


mambabasa.

Gumamit ito ng mga salitang makakasasakit sa damdamin ng tinuligsa upang


matuto sila.

Taglay nito ang panindigan o paniniwalaan ng pahayagan ukol sa isang


napapanahong isyu.

Nakapaglalahad ng mga katibayan para sa isyung tinalakay.


Test III.Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa mga inilalarawang tauhan sa dulang
natalakay.
_______1. Ano ang idinadaing ni Eling sa kay Dr.Casas na matagal ng hindi
gumagaling?

A. sakit
B. ubo
C. sipon
D.trangkaso

_______2. Sino ang tinutukoy ni Dr. Casas na Don Felix?

A. Eling
B. Pilar
C. Goryo
D.Ingka

_______3. Ilang taon na si Eling?

A.Tatlumpu
B.Kuwarenta
C.Sengkwenta
D.Tatlumpu’t isa

______4. Sino ang tinutukoy sa dula na “Ang iyong sakit na lubhang pagiging
mayaman”.

A. Eling
B. Pilar
C. Goryo
D.Casas

_______5. Sino ang umawit sa huling bahagi ng tula sa pagtatapos nito?

A. mga mandaragat
B. mga nurse
C. mga pasyente
D. Dr.Casas
KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto : Bumuo ka ng isang editoryal na nanghihikayat upang makumbinsi mo ang mga
mambabasang ipanawagan at hikayatin na itapon ang ating mga basura sa tamang
kinalalagyan gamit ang larawang ng isang editoryal sa ibaba.Isulat sa inyong gawaing
kuwaderno/journal.

Mahal kong estudyante, maligayang bati. Ngayong natapos mo na ang


Modyul na ito , maaari ka nang magpatuloy sa susunod na modyul.

MGA SAGOT SA MGA GAWAIN:


ALAMIN:

Pre Test: Pre Test:


GAWAIN 1: GAWAIN 2:

1. A A. 3. Nakipag-himagsik
2. C 2. naki-paglaban
3. A 1. nakipag-utos
4. A
5. A B. 3. makitil
2.masawi
1.mamatay

C. 3. lumisan
Pre Test: 2.lumikas
GAWAIN 3: 1. umalis

1. C D. 3. kapighatian
2. C 2. kalungkutan
3. D 1. kalumbayan
4. D
5. D E. 3.halakhak
2. tawa
1. ngiti

SURIIN:

A. Paglinang ng Talasalitaan
Sagutin Natin

3 - paghagulgol 3 – galit 3 - napangiti


2 - paghikbi 2 – inis 2 - nagpasaya
1 - pag-iyak 1 - labis na pagdaramdam 1 - napangiti

B. Pagkilala sa mga Tauhan

Dalaga - Mayang Magiging asawa ni Mayang - Goryo


Manggagamot - Dr. Casas Kapatid ni Mayang - Quintin
Ina ni Mayang - Ingka Nars ni Dr. Casas - Pilar
Ama ni Mayang - Alipio Ang Peke - Don Felix

You might also like