You are on page 1of 4

INTRO VID

Glimpse of headlines (edit)

Voice over by the anchor


Presyo ng Gasolina: Pagtaas ng presyo ng gasolina ay hindi pa rin ma-preno.
National ID: Nagsagawa ang bawat barangay ng registration para sa National ID
Limited ftof: Limited Face to Face sa Camba High School, naisagawa na
Weather: Init ng panahon, Aasahan pa raw sa mga susunod na buwan.
Showbiz: Angelica Panganiban buntis sa kanyang unang anak kay Gregg Homan.
Anchor 1: Live sa (location) ito ang Echo News
Anchor 2: (create own greetings like, "Magandang gabi, luzon, visayas mindanao")

Then, proceed sa Main news


Anchor 2: Pagtaas ng presyo ng gasolina ay hindi pa rin ma-preno……
Anchor 2: ating alamin ang buong detalye mula kay (Angel Venzon)
Reporter: salamat (Sheena Marie Cruz)
Reporter: PRESYO NG GASOLINA

Pagtaas ng presyo ng gasolina ay hindi pa rin ma-preno. Ang pagtaas nito ay sanhi ng pagmahal
sa pandaigdigang merkado ngunit ito ay inaasahang mas lalong tataas dulot ng gulo pagitan sa
bansang Russia at Ukraine. Ilang linggo na ring nanatili ang taas-presyo ng petrolyo. Tila nga
hindi maganda ang pasok ng Marso lalo na sa mga riders at drivers na pinaka naapektuhan ng
pagtaas ng Gasolina. Ang pangunahing kailangan nila upang makapamasada ang ito ngayong
laking bawas sa kita nila sa kanilang pasada.

Sa araw na Marso 27, 2022 ay nanatili pa rin mataas ang lebel ng presyo ng petrolyo sa Arayat:
Ilan diyan ang CleanTech ang kanilang diesel ay 62.95 at ang kanilang premium ay 67.10 mas
mababa kumpara sa ibang gasolinahan sa arayat. Mas mataas naman ang presyo ng gasolina
ng Enoc ang diesel ay 65.95 at ang kanilang premium ay umabot na ng 70.95. Presyo naman ng
diesel ng Phoenix ay pumapatak na ng 70.00 at premium ay 72.00. Kaya naman bawat patak ng
gasolina ngayon ay importante para sa lahat ng mga Arayateños.
Reporter: Muli, ako si (name) naguulat.

Then proceed, WEATHER


Anchor 2 (voice over): ang ulat panahon ni (Mikaela Suva)
Reporter: Init ng panahon, Asahan pa daw ang paginit sa mga susunod na mga buwan

Magandang araw sa inyong lahat!

Nararanasan natin ngayon ang sobrang init ng panahon na tila ba’y tayo ay nasa disyerto.
Noong nakaraang araw, Marso 23 umabot na sa 40 hanggang 41 degrees ang temperatura dito
sa lalawigan ng Pampanga. Isa mga nakakaranas ng sobrang init ng panahon ay ang mga
nagtatrabaho sa mga kalsada tulad na lamang ng mga tricycle driver. Ayon sakanila, sa sobrang
init ng panahon ay madali silang mauhaw at sagad sa buto daw ang init ngayon, kaya bumabawi
na lang ito sa pag-inom ng malamig na tubig.

Batay sa Pagasa, Asahan pa rin natin ang patuloy na pagtaas ng temperatura sa mga susunod
na mga araw at linggo.
Ako po si Mikaela Suva nag uulat ng balita sa araw araw na panahon, na nagsasabing laging
mag ingat at uminom ng maraming tubig.

Next main news


Anchor 1: Limited Face to Face sa Camba High School, naisagawa na
Anchor 1: ating alamin ang buong detalye mula kay Marielle D. Garcia
Reporter: Maraming salamat (Angel Venzon)!

Marso 14, 2022 nang nagsimula ang limited face to face class sa paaralang Camba High School
sa Camba, Arayat, Pampanga. Ito ay magsisimula na sana noong Marso 7 ngunit hindi agad
napirmahan ng ating mayor ang sulat na ipinadala sa kadahilanang siya ay nasa seminar. Ang
araw ng pasok sa nasabing paaralan ay Lunes hanggang Biyernes. Sa isang silid-aralan at sa
isang batch, mayroon lamang dapat na 20 students at sama-sama na roon ang lahat ng section.
Lahat ng magaaral na pumapasok ay hinahati sa 20 at iyon ang magiging unang batch.
Masisimula ang klase ng 7:30 nang umaga at matatapos ng 12:00 nang tanghali. Ang mga
magaaral ay mayroong tig-isang oras para sa kanilang mga asignatura at 15 minuto naman sa
umaga para sa pagsagawa ng Health and Safety Norms pati na sa kanilang Break. Karagdagan
pa, ang mga Grade 7, Grade 10, at Grade 11 ay nanatiling pang-umaga. Samantalang ang mga
Grade 8, Grade 9, at Grade 12 ay nanatiling pang tanghali.

(Name of Anchor), noong unang araw ng pasok ay tinatayang nasa 131 na mag aaral ang
pumasok at sa pagdaan ng araw, hanggang ngayon, sila ay dumarami na at dadami pa.
Kasabay noon, dumami rin lalo ang mga guro sa CHS dahil naghire pa sila ng mga bagong guro
na makakatulong sa mga magaaral.

Akin namang nakapanayam ang isang punong guro sa nasabing paaralan na si Mrs. Marilyn N.
Magpayo na tatapusin na hanggang sa 4th Quarter ang limited face to face na klase at matutuloy
sa susunod na school year. Sinabi rin ng nasabing guro ang naging paghahanda nila para
maipatupad ang limited face to face, kabilang dito ay ang paghahanda ng SSAT o School Safety
Assessment Tool kung saan dito kinukunsidera ng DepEd, AITF, and Regional kung maari na
bang magsimula ang isanh paaralan sa pagsagawa ng in person learning method. Sinabi rin ng
guro ang mga iilan nilang rules and regulations tulad ng dapat ang mag aaral ay fully vaccinated.
Bago pumasok sa kaniya-kaniyang silid aralan ay dapat muna silang magcheck ng temperature
at magfill out ng health declaration form. Hiwalay rin ang kanilang entrance gate at exit gate. Sa
uwian naman ay dapat ang mga junior high shool ay may sundo.

At 'yan lamang po. Muli, ako si Marielle D. Garcia, nag uulat.

Proceed sa sports
Anchor 2: (brief details about sa sports na ibabalita)
Anchor 2: narito si (Wendell John Montoya) upang magulat.
Reporter: salamat (Sheena Marie Cruz)
Reporter: (script about sa sports na ibabalita)
Reporter: Muli, ako si (name) naguulat…

Next main news


Anchor 1: Nagsagawa ang bawat barangay ng registration para sa National ID….
Anchor 1: ating alamin ang buong detalye mula kay (Gessette Paguinto)
Reporter: salamat (Angel Venzon)
Reporter: (registration for national id)
Alam natin na napaka importante ng national id kaya ngayong Marso nagsagawa ang aming
baranggay na PLAZANG LUMA para magkaroon na ng national id ang mga taong nakatira dito.
Pwede ng kumuha sa edad na limang taong gulang pataas. Malaking tulong ito sa mamamayan
natin lalo ang mahihirap , walang stable na trabaho o financial. Lalo na pinabatas na ito ng
gobyerno na lahat tayo ay may national id na.

Maraming nagpapasalamat sa programa ng PHIL ID SYS tulad ng mga PWD , yun nga ang
mahina ang income na hindi kaya kumuha ng Valid Id kase libre lang ang pagrehistro dito hindi
na kailangan pang mag pa fix dahil sa Step #2 registration team na ang PHIL ID SYS na ang
mismong lalapit sa inyong tahanan.
Reporter: Muli, ako si (name) naguulat…

Proceed sa trivias
Anchor 2: (panimula para sa trivia)
Reporter: (own intro)
Reporter 1: (Trivia 1) (gerzy)
Reporter 2: (Trivia 2) (sheena)
Ngayong patapos na ang buwan ng marso ay papalapit na ang pagtatapos ng klase at bigayan
ng diplomat parangal para sa mga estudyanteng magtatapos ngayong taong panuruan.
Pagdating sa usapang graduation ay hindimawawala ang diploma na syang pinaka star sa bawat
seremonya at alam ba ninyo na ang unang diploma ay gawa sa sheepskin o balat ng tupa sahil
ang paggawa ng papel ay hindi pa ganoon kapraktisado noong 1990s hanggang 1980s nakung
saan ay nakafocus ang disenyo sa detalyado na nagsisilbing border niro at ang mga sulat ay
sulat kamay samantala noong 1980s to 200s ay nadiskubre na ang paggamit ng seal sa
diploma, simpleng mga kulay at disenyo na nagpalitaw ng mas malinis na itsura ng diploma.
Nirorolyo naman ang diploma dahil noong araw ay maraming iskolar ang naglalakabay habang
dala dala ito sa bawat lugar na kanilang pinupuntahan. Ngayong kasalukuyan ay malaki na ang
pinagbago ng diploma na ipinamimigay ngunit isa parin ang simbolo nito at yun ay ang regalo ng
paghihirap ng isang studyante na hindi dapat pinipeke.

Muling matutunghayan ang makukulay na hot bair balloons at ang engrandeng selebrasyon ng
philippine international hot air balloon festival ngayng taong kasalukuyan matapos ang hindi
paganap nito nakaraang taon dulot ng pandemiya. Gaganapin ito sa Freeport Zone Clark sa loob
ng dalawang araw sa darating na ika-sampu at labing-isa ng Hunyo. Ngunit bago ang lahat ay
alam nyo ba na ang festival ay binuo tatlong taon matapos ang pagsabog ng Mt. Pinatubo noong
1991 para maging simula ng pagbangon ng ekonomiya ng probinsya at maging sentro ng
aviation sa ating Bnasa. Ito ay napagdesisyunan ng nooy Tourism Secrretary Mina Gabor, tatlo
nyang kaibgan at isang piloto ng hot air balloon noong 1994. Noong taong din iyon ay naganap
ang kauna-unahang festival na sinalihan ng dalawaput isang piloto galing sa sampung ibat ibang
bansa kabilang na ang Pilipinas. Noong 1995 ay dumagdag ang sumali rito at naging
dalawamput pito na datiy dalawamput isa at sa taong din ito ginamit ang ultra-ligh planes.Sa
sumunod na taong 1996 at 1998 ay dumami ng dumami ang nakikilahok at nagpupunta upang
matunghayan maging ang ibat ibang event ay nagulpuutan narin gaya ng aero-sports na
paraglidingskydiving at iba pa. Samantala noong 1999 ay kinansela ang naturang festival at
ginanp muli noong 200 na mayroong labingdawlaang kalahok at labing walong ligh planes. Sa
taong din iyon naobserbahan
ang paggamit ng ibang anyo ng hot air baloon gaya ng newspaper hot air balloon sa Korea na
iba sa tradisyunal na anyo nito sa Pampanga. Gayunpaman ay mapagsa hanggang ngayon ay
patuloy itong dinadagsa, umuunlad ang pagdiriwang nito at pautloy na ginaganap sa kabila ng
pandemya.

Last, showbiz
Anchor 1: (panimula para sa showbiz) (Nicole Marin)
Reporter: salamat (Angel Venzon)
Magandang gabi narito ako upang magbigay ng Showbiz News!

Angelica Panganiban buntis sa kanyang unang anak kay Gregg Homan.

Angelica panganiban ay napagalamang buntis sa kanyang unang anak sa kinakasamang si


Gregg Homan.

Inanunsyo ni Angelica Panganiban na buntis na siya sa kanyang unang anak sa kanyang


kinakasama na si Gregg Homan sa kanyang Instagram feed, ibinahagi ni Angelica ang larawan
ng kanyang sonogram image sa beach kasama sila ni Gregg sa background nito. "Ay! Na post!!"
ika ni Angelica sa caption ng kanyang post na sinundan ng emoji na buntis.

Ibinahagi rin ni Angelica ang video ng kanyang ultrasound na sinundan ng larawan niya sa
beach kasama si Gregg na nakitang nakahawak sa kanyang baby bump.

Ipinahayag din ni Angelica ang kanyang pananabik na maranasan ang pagiging ina.

Nagtayo si Pia Wurtzbach ng sarili niyang negosyong pagkain na inspirasyon sa paglalakbay

Malapit nang dalhin ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang mga tagahanga sa isang culinary
adventure sa buong mundo kasama ang kanyang bagong travel-inspired food business, ang
Pia’s Kitchen.

Ang negosyo ng beauty queen, na available sa isang delivery app, ay unang mag-aalok ng
Japanese cuisine, ngunit nakatakdang baguhin ang menu nito sa buong taon, sinabi ni
Wurtzbach sa kanyang Instagram page noong Lunes, Marso 28.

Bago ang pag-set up ng Pia's Kitchen, naglunsad din si Wurtzbach ng isa pang negosyo sa
pagkain. Noong 2019, nagtayo siya ng milk tea shop kasama ang kanyang mga kaibigan, ang
aktres na si Pauleen Luna at chef Niña Almoro.

Reporter: Muli, ako si Nicole Marin naguulat ng maiinit na Showbiz News! Back to you (Anchor)

Balik sa anchors
Anchor 1: (add some outro) Iyon ang mga balita ngayong araw, Muli, ako si (name)
Anchor 2: ako naman si (name) at ito ang
Anchor 1&2: Echo News!
in which legit news are being pursue.

You might also like