You are on page 1of 1

Ang hoarding o pag iimbak ay likas na sa mga prodyuser kahit ito ay illegal, ano ng aba ang hoarding?

At
bakit ito masama? Ang hoarding ay isang Sistema ng mga gahamang prodyuser na nagiimbak ng kanilang
mga produkto kapag batid nilang sa susunod na araw o linggo ay tataas na ang presyo nito. Halimbawa
na lamang noong pandemic, karamihan saating mga Pilipino ang nagpanic buying at ang inuubos nila ay
alcohol, face mask, o gamot. Ikaw na prodyuser, nabalitaan na meron na lamang isang lingo para mag
handa o mag restock ng mga alcohol at face mask ang mga tao bago mag lock down. At nabalitaan mo
rin na tumaas ang presyo ng mga ito dahil maraming malalaking factory na out of stock ng mga
produkto. Mag iimbak ka ng mga supply mo at ilalabas mo ito once na naconfirm at nalaganap na sa
buong pilipinas ang pag taas ng presyo nito, gahaman ka diba. Isa pang halimbawa, ang school supplies.
Maraming mga mall o maliliit na tindahan ang nagimbak ng kanilang mga supply na school supplies
dalawang buwan bago mag pasukan gaya na lamang ng damit, sapatos, uniform, bag, papel, ballpen at
iba pa kaya mostly sa mga paninda nila ay sira, bulok, o luma na. sasabihin ng mamimili “ay ate bat ang
mahal na ng notebook? 15 lang to last month na bili ko ah, bat 25 na?’ ang irarason ng prodyuser “ay
ewan ko rin eh, sa iba nga 30 eh” diba ganyan naman talaga para lang makumbinsi nila yung mamimili
mag uundergo sila sa comparison o sa pagkukumpara ng presyo ng kanilang produkto sa presyo ng
produkto ng ibang prodyuser. Maraming prodyuser ang namamansantala para lang sa sarili nilang
ikabubuti, ayan ang dahilan kung bakit patuloy na tumataas ang ating inflation rate.

You might also like