You are on page 1of 3

ANG PAGKAKAIBA NG MALL AT DIVISORIA

ADEZA ANN E. AZARES


STEM 12- 7
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Bilang isang estudyante at isang simpleng mamimili, marami akong natuklasan sa kung ano ang
pagkakaiba ng Divisoria at Mall, na kung tutuusin ay parehas lang naman silang lugar na pamilihan. Kaya
para mailahad ko kung ano ang aking mga nalaman, binisita at pinuntahan ko ang dalawang pamilihan na
ito upang tiyakin kung ano nga ba ang mga pagkakaiba-iba nila sa isa’t-isa.

Sa una kong pagpunta sa dalawang pamilihan na ito, ang unang-una kong napansina ay ang
istraktura at ang ginagalawan nilang kapaligiran. Ang mga pamilihan sa Divisoria ay masasabi kong hindi
rin naiiba sa mga Mall dahil meron din itong mga malalaking istraktura na kagaya sa mga mall na merong
“aircon” na alam naman nating gustong-gusto ng mga mamimili ngunit pili lang ang mga ito. Dahil meron
ding iilang negosyante ang nagtitinda sa lansangan ngunit bilang nalamang sila dahil sa pag-aayos ng
kanilang Mayor. Dagdag pa rito ay hindi lahat napapanatiling maayos at malinis di gaya sa mga Mall na
napupuntahan natin dahil meron silang sapat na mga janitor o tagapag-linis. Maraming ding mga stall ang
kung saan-saan sumusulpot at halo-halo ang mga bagay na itinitinda nila di gaya sa mga Mall na may
dibisyon ang mga gamit tulad ng mga damit, laruan, at marami pang iba.

Ang pangalawa naman ay ang mga nagbebenta ng mga produkto. Napansin ko na magkaiba ang
nagbabantay at ang nagaasikaso sa mga mamimili sa pamilihan ng Divisoria at sa Mall. Sa Divisoria,
karamihan sa mga nagbebenta ay ang may-ari o ang negosyante sa kaniyang tindahan di tulad sa Mall na
mga inupahan lamang na mga tao o sales lady kung gawagin natin ang siyang nagaasikaso sa mga
mamimili na kung saan, sila ay naka-tayo ng mahabang oras di tulad sa mga nagtitinda sa Divisoria.

Pangatlo ay ang mga produktong kanilang ibinebenta. Natuklasan ko na malayo ang agwat ng
presyo sa Divisoria at sa Mall. Sa Divisoria, marami ka nang mabibili sa iyong isang-libong pera. Makakabili
ka na mula sa iyong gamit pang-eskwelahan hanggang sa gamit niyo sa bahay at marami pang iba. Ngunit
sa Mall, ang isang-libo mo ay makakabili lamang ng mga iilang gamit dahil sa mahal ng mga ito.

Pero sa kabila nito, natuklasan ko rin na mas matibay ang mga gamit na pwede nating mabili sa
Mall kaysa sa Divisoria. Sapagkat ito ay mayroong mga sikat na pangalan na talagang subok na, di tulad
sa Divisoria na kahit nabili mo ng mura ay mabilis mo lamang ito mapakikinabanagan.

Sa kabuuan, ang mall ay isa sa kung tawagin ay pinaka-sosyal na pamilihan na makikita natin.
Sapagkat dito mo matatagpuan ang mga kilala at naglalakihang mga pamilihan ng damit, gadget,
kagamitang pambahay at iba pa. Pag nakabili ka rito, iisipin mo ay parang ang yaman mo na at kapantay
mo na ang ilang mga artista na bumibili rin dito. Madalas ganiyan ang nararamdaman natin sa tuwing
nakabibili tayo sa mall. Isa pang katangian ng mall na kinagugustohan nating mga Pilipino ay napakalamig
dito dahil sa aircon. Sino ba naman ang hindi gustong maginhawahan ang kanilang pamimili kaysa magtiis
sa ilalim ng tirik ng araw habang hinahanap ang mga nais bilhin. Sawang-sawa na tayo sa init dito sa
Pilipinas kaya mas bubutihin nalang nating mag chillax at tumambay habang namimili sa loob ng malamig
na mall. Hindi ka pa mahihirapan humanap ng palikuran dahil sa mayroon sila nito at kadalasan ay high-
tech.

Dahil ayon kay Catherine Armecin sa pag-aaral niyang Konsumerismong Pinoy, maraming mga
mamimiling Pilipino ang gumagastos ng malaki para lamang sumunod sa uso. Isa sa mga dahilan ay ang
impluwensiya ng banyagang kultura at sa mga kilalang tao na sumusuot o gumagamit ng mga mamahaling
brand o tatak ng mga gamit. Kaya kahit walang badget, walang makakapigil sa ilang mga Pilipino ang
makisabay sa kung ano ang uso ngayon.

Ngunit kung mayroon mang isang katangian ang mall na hindi natin masyadong nagugustohan,
iyon ang mamahaling mga bilihin dito. Yung iba pa nga pwede kanang makabili ng sampung kilong karne
na pang ulam nyo sa buong linggo dahil sa kamahalan ng bagay na ito. Aakalain mong gawa na sa ginto
ang mga gamit na ito dahil sa mga naglalakihang presyo nito. Pero sa ngalan ng pagiging sunod sa uso,
ay pipilitin parin nating mabili ito. Kahit pa nga gawing mong hulugan ito. Masabi lang na mayroon ka at
kaya mong sumunod sa mga luho. Iyan lang naman ang mga katangian ng mall na kasalungat ng mayroon
sa Divisoria.

Sa Divisoria, mainit. Yung tipong makakapuno ka ng isang tabong pawis mo dahil sa tirik ng araw
sa pamilihan na ito. Pero siyempre meron din ditong mga mall kung ayaw mong maarawan, ngunit masikip,
yung iba walang aircon at nagkalat pa ang mga mandurukot na nagaabang sa iyong mga bitbit. Ngunit
higit sa lahat, MURA ang mga bilihin. “pasok mga suki, presyong divisoria, sampu-sampu bente trenta at
iba pa!” pa-performance ni ateng tindera para makaait ng mga parokyano. Oo nga’t hindi naman orihinal
at mamahalin ang mga gamit rito, pero nakasisiguro naman ang halos pantay na kaledad ng mga bilihin
dito. Basta’t metikuloso at masusi kang mamimili, tiyak maganda ang iyong mapipili. Lalo na’t kung mga
nanay pa ang iyong papipiliin, panigurado sa Divisoria bibili sapagkat likas rin sa ating mga Pilipino and
pagiging isang praktikal na mamimili. Hindi na kailangan kung orihinal yan o peke, basta magagamit ay
pwede na. Murang mura na ang presyuhan, makakatawad kapa pag maramihan. Higit pa diyan ay marami
ka ring pagpipilian.

Dahil kung may mga pilipinong gumagastos ng malaki para makasabay sa uso, ayon naman sa
The Pinoy Site sa kanilang pagtatalakay sa pagiging konsumer ng mga Pilipino, kung saan kilala rin ang
mga pinoy sa pagiging matipid at kumakapit sa makamasang presyo ng mga gamit.Kaya kilalang-kilala
ang Divisoria sa pagiging pamilihan ng mga wais na mamimiling Pilipino.
Yan ang nagging pagkakaiba ng Mall at Divisoria para sa akin. Hindi man magkatulad ang kanilang
mga katangian, parehas parin silang pamilihan. At kahit pa bumili ka ng mura o mamahaling gamit, hindi
ito dapat maging batayan mo sa kakayahang sumunod sa nakararami. Dahil hindi naman talaga mahalaga
kung maka sunod ka sa uso. Ang mahalaga ay yung pangalagaan mo at makuntento ka sa kung anong
meron ka at wala sayo.

You might also like