You are on page 1of 16

Kulturang Popular (AAH101b)

2 Ang Pilipinas sa Daluyong ng Globalisasyon Ang

Mall Bilang Kuna: Pagsusuri sa Kulturang Popular at
Globalisasyon sa Pilipinas

Ilalaang Oras: Anim na Oras

Introduksiyon
Subukang isipin ang sumusunod na tagpo:

Tumatagaktak ang pawis mo pagbaba ng dyip. Agad kang nagtakip ng ilong dahil sa
usok na ibinubuga ng mga sasakyan. Umakyat ka sa mataas at mahabang overpass
na papunta sa mall. Nadaanan mo ang barker na nagtatawag ng pasahero at pila ng
mga tricycle. Sa wakas! Nasa tapat ka na ng entrance ng mall.
Kumakapit na sa balat mo ang lamig. Naaamoy mo na fried chicken, spaghetti, at
waffle mula sa mga fastfood chain. Nag-good morning sa iyo ang guardiya bago
inspeksiyonin ang iyong bag. Dumaan ka muna sa comfort room upang umihi at
magayos bago mamimili at kumain.

Pansinin kung paanong magkaiba ang realidad sa loob at labas ng mall. Makikita kung
paanong lumilikha ng ideyal na espasyo ang mall. Ito ay isang malaki, malinis, at
malamig na espasyo kung saan tinatrato ka ng may paggalang. Ihinihiwalay ka nito sa
mausok, mainit, at mahirap na realidad. Damhin kung paanong mabilis na ipinalilimot
ng lamig ng mall ang hirap na pinagdaanan bago ka makarating dito.

Mga Layunin

• Naipapaliwanag ang ugnayan ng kulturang popular, ideolohiya, at lipunan;

(LO1)
• Nailalahad ang mga kaligirang panlipunan, pang ekonomiya, at pampolitika ng
mga namamayaning kultura (LO3)
• Natutukoy ang namamayaning karanasan sa loob ng mall
• Nailalahad kung paanong umiiral ang globalisasyon sa loob ng mall
• Nakasusulat ng repleksiyong papel kung paanong nagbago ang pagtingin sa
mall bilang espasyo
Hanapin Natin!
Hanapin at isulat ang kahulugan ng sumusunod na mga salita na makikita sa
pagtalakay.

1. politika – Organisadong kontrol sa isang tao sa komunidad, lalo na sa estado.

1. gitnang uri – Ang mga establisyimento na matatagpuan sa ibaba ng mall ay

para sa mga taong may kaya pababa.

1. pre-determined – Ang hinaharap na realidad sa loob ng mall ay sadya at

idinisenyo.

1. terrain – Kabalintunaan ang “buhay” ng kulturang popular. Sinasabi nito na ang

kulturang popular ay inaalipinin ang mga masa.

1. subkultura – Nangangahulugang bagamat may kapangyarihan ang tao na

pumili ay naiimpluwensiyahan pa rin ang kaniyang pagpili ng kaniyang pang-araw-araw
na pamumuhay.

Paunang Pagtataya

Magbahagi ng iyong paboritong karanasan sa loob ng mall. Anong produkto o serbisyo

ang iyong karaniwang tinatangkilik sa loo ng mall?

Ang mall ay aking hilig pasyalan upang magpalipas ng oras, dito ko ginagastos
ang aking mga naipong pera upang magkaroon ako ng sarili kong gamit. Ang aking
paoritong karanasan sa mall ay sa tuwing bibili kami ng mga gamit pang skwela tuwing
magpapasukan dahil nakakapamili ako ng mga bagong sapatos, bag, at mga gamit
pang-skwela. Lagi kong paboritong puntahan ang department store dahil andoon mo
makikita ang ibat-ibang brand ng mga gamit, mapa-gawang pinoy o banyaga man.
___________________________________________________________________

Puntos __ / 5

Pagtalakay
Ang mall ang lunan kung saan maaaring mamili, kumain, manood ng pelikula,
maglibang, magbayad ng bills, magpagupit ng buhok, magpamasahe, bumili o
magpalinis ng alagang hayop, may mga mall na rin na may klinika at laboratoryo sa
loob. Ayon kay Tolentino ang kapaligiran nito ay: may pantay na ilaw, malinis, malamig,
mayv0020mga puno, walang basura, nagpa-flush ang toilet, maayos ang serbisyo, at
walang krimen (313).
ZJay. SM Mall Of Asia interior. Larawan. Pasay City, Setyembre 2, 2012. Wikimedia
Commons.

Dahil ideyal ang karaniwang danas natin sa mall ay nalalagpasan ng ating mga
mata ang politika at iba pang realidad na umiiral sa espasyong ito. Kung para sa atin ay
isa itong espasyo kung saan tayo kumakain, namimili, at nagpapalamig, iba naman ang
dating ng espasyong ito sa mga guwardiya, saleslady, crew ng fast food, at iba pang
manggagawa sa loob nito.
Maaari itong maging kuna ng opresyon para sa manggagawa na hindi
maregular. Maaari itong espasyo na sumisimbilo ng hindi pagkakapantay-pantay para
sa pagod na tauhan na nagbebenta ngunit walang pambili. Ibig sabihin, hindi
nagsasalo sa iisang realidad ang mga tao sa iisang lunan. Kailangang wasakin ang
pagtingin sa mall bilang isang ideyal at perpektong espasyo.

Ang mismong istruktura ng mall ay may politika. Pansinin na ang mga

establisyimento na matatagpuan sa ibaba ng mall ay gitnang uri pababa. Ayon kay
Tolentino, matatagpuan ang mga espesyalisadong tindahan sa mataas na bahagi ng
mall. Idinisenyo ito sa ganitong paraan dahil ang mga espesyalisadong tindahan ay
dadayuhin ng mismong parokya nito. Halimbawa, hindi kailangang ilagay ang tindahan
ng mga furniture, painting, o pet shop sa ibaba ng mall kung saan nagkukumpulan ang
mga tao. Sasadyain ito ng may perang kostumer na may partikular na pakay sa mall.
Ang mga produktong karaniwang makikita sa mataas na bahagi ng mall ay may mataas
na presyo na hindi biglaang makukuha ang interes na bumili ng mamimiling naparaan
lamang.
Pati ang akto ng pagkakaligaw sa mall ay hindi aksidente, bagkus ay isa ring
estratehiya. Ayon kay Tolentino, sadyang nakalilito ang disenyo ng mall upang
mapasadahan ng mga mamimili ang bawat tindahan na mas nagpapalakas sa
pagkakataong mag-impulsive buying. Ang pagkakapwesto ng mga produkto ay planado
rin. Inilalagay ang mga premium brand sa gitnang bahagi ng mga shelf dahil ito ang
bumubungad sa mga mamimili.
Maraming pre-determined na danas sa loob ng mall. Ang hinaharap na realidad
sa iyo sa loob nito ay sadya at idinisenyo. Mula sa lamig, pagkaligaw, makikita sa
bawat sa palapag ay pinag-isipan. Hindi nagkataon na pula ang maraming fast food
chain na kulay raw ng pagkagutom, ganoon din ang pagiging maliit ng mga pinggan sa
maraming eat all you can buffet at pagiging malaki ng mga pinggan sa fine dining. Pati
ang laki ng -mga pushcart ay nakaapekto sa dami ng iyong bibilhin. Ngunit hindi natin
ito napapansin dahil lubog tayo sa danas sa mall. Tandaan, ang bagay na nakalakihan
ang pinakamahirap kuwestiyunin dahil tumimo ito sa ating mga isipan bilang normal.
Kung ganito ang kaso, nangangahulugan ba na walang kapangyarihan ang
mamimili sa loob ng mall? Idinidikta ba ng mall sa mamimili kung ano ang magiging
popular? Ayon kay Tolentino ang sumusunod ay ang tatlong pananaw sa kulturang
popular bilang terrain ng tunggalian.
1. Institusyonal na Pananaw

• May kapasidad ang mga kultural at politikal na institusyon na hubugin ang

kamalayan ng tao (Tolentino, 314).
• Sa pananaw na ito, naging popular ang isang partikular na kultura dahil ito ang
ipinalaganap ng naghaharing uri.
2. Popularistang Pananaw

• Sa pananaw na ito, ang pagiging popular ay idinidikta ng mga taong

tumatangkilik.
• Aktibo ang papel ng mga tao sa paglikha ng kulturang popular. Hindi lamang
siya basta dinidiktahan kung ano ang magiging popular, bagkus ay may
kakayahan siyang magdikta.
3. Sa ikatlong pananaw, may kapangyarihan ang tao ngunit ang kapangyarihang ito ay
limitado ng kaniyang indibidwalidad o subkultura (Tolentino, 315).
Nangangahulugang bagamat may kapangyarihan ang tao na pumili ay
naiimpluwensiyahan pa rin ang kaniyang pagpili ng kaniyang pang-araw-araw na
pamumuhay.

Mall at Globalisasyon

Hindi limitado sa mga nabanggit ang nagkukubling politika na umiiral sa mall. Ayon kay
Rolando Tolentino ang mall ay may kakayahan ding manghikayat na tumangkilik ng
mga produkto at serbisyo mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Ilan sa ibinigay niyang
halimbawa ay winter coat na yari sa ibang bansa, French bread mula sa aniya ay
nagpapanggap na French bakeshops, mga franchised dermatological shop, ice skating,
at iba pa na bagamat hindi taal sa produkto o danas Pilipinas ay matatagpuan sa loob
ng mall (312).

Makikita sa mga halimbawang ito ang pagiging artipisyal ng danas sa mall.

Nadadala nito sa Pilipinas ang mga karanasang akala mo ay sa ibang bansa lamang
mararanasan. Nagiging midyum ang mall sa pagpapakilala ng kultura ng ibang bansa
sa Pilipinas, ng globalisasyon.
Pansinin na patuloy ang pagdami ng mga tindahang espesyalisado sa pagtitinda
ng mga produkto na nagmula sa isang partikular na bansa. Halimbawa ay mga
tindahan na ang tanging ibinebenta ay mga produkto mula sa bansang Japan o South
Korea. Ganoon din ang pagdami ng mga kainan na espesyalisado sa pagkain ng ibang
bansa.

Ang mall ay may kakayahang lumikha ng imitasyon na danas mula sa ibang

bansa. May kakayahan itong magdala ng niyebe sa Pilipinas, magpalabas ng mga
pelikula na nagmula sa Kanluran, at magdala ng mga sikat na kainan sa ibang bansa
sa lokal na espasyo. Nagkalat ang mga samgyupsal, Japanese restaurant, Italian
restaurant, Chinese restaurant, Hainanese cuisine, kahit Peruvian at Mexican
restaurant ay mayroon na rin sa mga mall. Hindi lamang nito dinidiktahan ang ating
panlasa sa pagkain ngunit pati na rin sa produkto at serbisyo.
Dagdag pa ni Tolentino, inilalatag ng mall ang hinaharap ng Pilipinas. Bagamat
ang Pilipinas ay nanatili sa kategoryang third world ay mala-first world na mukha ang
pilit na pinoprodyek nito. Kung pagbabatayan ang mga pangyayari sa loob ng mall,
aakalain mong maginhawa ang buhay ng bawat tao sa loob nito. Lumilikha ito ng ideya
na maganda ang buhay sa Pilipinas. Abala ang lahat sa pamimili, pagkain, panonood
ng sine, at pamamasyal. Pansinin ang pagbaba ng halaga ng pera pagdating sa mall
kung saan hindi nagagawa ang pagtawad sa mga bilihin. Maliit ang halaga ng 100 piso
na sa labas ng mall ay mahirap dukutin sa bulsa.
Ang mall ay karaniwang sumisimbolo sa pag-unlad ng isang siyudad. Mabilis
ang pagtaas ng halaga ng lupa ng mga lugar na malapit sa mall. Ngunit pansinin na
may mga lugar na bagamat nagkukumpulan ang mga mall ay napapaligiran ng mga
informal settler. Binabasag nito ang ideya na ang mall ay simbolo sa pag-unlad ng
isang lugar. Hindi inklusibo ang pag-unlad na ibinibigay ng mall.
Mahalagang tandaan na maraming politika na umiiral sa loob at labas ng mall.
Hindi ito isang payak na pamilihan. Ang iyong karanasan sa loob nito ay idinikta o
predetermined. Mula sa estruktura, kulay, ilaw, puwesto ng mga pamilihan, at mga
produkto ay idinisenyo upang ikubli sa iyong mga mata ang politikang umiiral dito.

Sa susunod na magpunta ka sa mall, subukang sipatin ang iba’t ibang danas at

realidad na mayroon sa loob nito. Kontraktuwal kaya ang mga manggagawa?
Direktang empleyado kaya ng mall ang guwardiya na nag-inspeksiyon ng gamit mo?
Bakit kaya kailangang nakatayo maghapon ang mga sales personnel? Saang bansa
kaya nagmula ang mga produktong binibili mo? Bakit ka kaya naliligaw sa loob ng
mall? Bakit kaya may mga rally sa iba’t ibang espasyo ngunit sa loob ng mall?
Tandaan, makapangyarihan na espasyo ang mall. May invisible na timbangan
ang bawat entrance nito. Makakapasok ka dito kung may pambili ka, kung naayon ang
damit mo, at kikilos ka na naaayon sa kanilang pamantayan. Kaya naman walang rally
sa loob nito at hindi ka rin makakakita ng pulubi dito dahil pilit na lumilikha ang mall na
ideyal at artipisyal na danas para sa mga mamimili.

Pag-unawa sa Binasa 1

Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Bawat tanong ay may tumbas na 5 puntos.

1. Sino ang may hawak ng kapangyarihan ng espasyong gaya ng mall?

Ang may hawak ng kapangyarihan ng espasyo ng mall ay ang mismong mall at mga
mamimili nito. Ang mga mamimili ang magdidikta kung ano ang magiging popular, nasa
desisyon ng mamimili kung ano ang produktong nais nilang bilhin. Ang Mall ay
maykakayahang mahikayat ang mga mamimili sa paggamit ng mga iba’t-ibang
stratehiya upang mas lalong maakit bilhin ang mga produkto sa mall.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

1. Sa anong produkto o danas sa loob ng mall masisipat ang globalisasyon?

Hindi maipagkakaila ang globslisasyon sa loob ng mall, maraming mga

produktong dayuhan ang nasa mall at mas kakaunti lamang ang mga gawang pinoy na
produkto kumapra sa mga dayuhang produkto. Ang mga produkto tulad ng winter coat
na yari sa ibang bansa, French bread mula sa aniya ay nagpapanggap na French
bakeshops, mga franchised dermatological shop, ice skating, at iba pa na itinatangkilik
natin kaysa sariling atin.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

1. Alin sa tatlong pananaw sa kulturang popular bilang terrain ng tunggalian ka

naniniwala? Ipaliwanag ang sagot.

Ang ikatlong pananaw sa kulturang popular bilang terrain ng tunggalian ako mas
naniniwala dahil nalinang sa mga Pilipino ang kaisipang kolonyal dahil mas
itinatangkilik ng mga Pilipino ang mga produkto galing ibang bansa kaysa local.
Bagamat may kapangyarihan ang tao na pumili ay naiimpluwensiyahan pa rin ang
kaniyang pagpili ng kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay. Ang bunga ng
pagtangkilik ng mga Pilipino sa produktong dayuhan ay ang panggagaya sa mga
dayuhang personalidad na iniidolo.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Puntos ___/ 15

Suriin Natin
Basahin at suriin ang tulang “Big One” ni Keanu Harold G. Reyes. Gamiting gabay ang
mga tanong sa ibaba sa pagsusuri.

Big One ni Keanu Harold G. Reyes

Doon tayo sa SM malagi

Habang hinihintay,
Ang pagdating,
Ang pagyanig,
Ng matinding Lindol.
Dahil guguho,
Ang Angat Dam.
Babahain,
Ang buong lalawigan.
Aanurin tayong lahat,
Hanggang Pacific Ocean.

Kaya sa SM tayo mamalagi,

Dahil ang bawat poste nito ay dingding,
Pasok sa International standard.

Dahil wala raw pondo

Dahil wala raw pondo
Para ang dam ay makumpuni,
Kaya sa SM tayo mamalagi.

Pag-unawa sa Binasa 2
Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Bawat tanong ay may tumbas na 5 puntos.

1. Ano ang mahihinuhang sitwasyon sa tula?

Ang mahihinuhang Sitwasyon sa tula ay ang pagdating ng matinding lindol sa bansa na

na magiging sanhi ng pagkawasak ng angat dam, kapag hindi kumilos ang mga tao ay
tiyak milyon-milyong buhay ang masasawi.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

_________________________________________________

2. Paanong inilarawan ang mall bilang espasyo sa tula?

Inilalarawan ang mall sa tula bilang espasyo ng ligtas na lugar

kung saan pwede mag evacuate ang mga mamamayan kapag
nangyari ang gantong sakuna. Ang disenyo ng mall ay
pinagtulung-tulungan ng mga eksperto upang ito’y maging
matatag sa bawat sakuna. Kaya naman nasabi sa tula na ang
bawat poste sa dingding ay pasok sa international standard na
magsisilbing matibay na Pundasyon na makakatagal ng
mahabang panahon.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Ano ang ugnayan ng mall, dam, at lindol sa tula?

Ang Mall ang magsisilbing lugar kung saan pwede lumikas ang mga tao sa pagdating
ng matinding lindol na siyang sisira sa angat dam na mas lalong delikado at maraming
mamamatay kung hindi gagawan ng paraan.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Puntos ___/ 15

Pagtatasa

Paunlarin ang iyong ibinahaging sagot sa Paunang Pagtataya (nasa pahina 2).
Magbahagi ng iyong paboritong karanasan sa loob ng mall. Sa tulong ng mga
napagalaman sa araling ito, talakayin ang produkto o serbisyo ang iyong karaniwang
tinatangkilik sa loob ng mall. Gamitin ang pamantayan sa pagmamarka sa ibaba bilang
gabay. Sikaping hindi lumagpas ang sagot sa 250 salita.

Pamantayan Tumbas Marka

1. katumpakan ng sagot 10
2. nilalaman 10
3. organisasyon ng mga ideya 5
3. gamit ng wika 5
___________________________________________________________________

Kabuuan 30

Ang mga Mall ay naging bahagi ng buhay Pilipino, isa ito aking mga paboritong
pasyalan noong bata at magpahanggang ngayon. Maraming mga masasayang alaala
ang aking pwedeng maikwento tungkol sa loob ng mall dahil dito kami lagi pumupunta
upang magpalipas oras, mamasyal, at bumili ng mga gamit simula pagkabata. Hindi
maipagkakaila na malaki ang naging impluwensiya nito sa ating buhay. Nasa kultura na
ng mga Pilipino ang tumangkilik sa mga ideyang pangdayuhan, dahil sa kolonyalismo
naimpluwensiyahan tayo na mas masisiyahan at naipagmamalaki kapag ang biniling
produkto ay gawa sa ibang bansa o imported na mataas ang kalidad. Dahil sa ganitong
sitwasyon ay kung mapapansin natin na ang pinagmulan ng mall ay sa kanluraning
kultura, kaya naman naging patok ito sa mga Pilipino. Ang salitang mall ay hiram na
salita, at kung mapapansin din natin na ang estruktura ng mga mall dito sa pilipinas ay
karamihan ibinase sa mga disenyo sa mall ibang bansa. Ang pagkakaorganisa o
pagkakaayos naman ng mga laman ng mall ay mga politika na nakuha natin sa mga
dayuhan. Ang mga produkto naman sa mall na aking binibili ay karaniwan gawa sa
ibang bansa, naalala ko na sa loob ng department store sa mall kami bumibili ng
sapatos at ang napansin ko ay ang mga brand na dayuhan ay mas mura pa kumpara
sa gawang lokal, ang mga pagkain naman na gawang pinoy ay nakikisabayan din sa
mataas na presyo sa mall. Mahirap makahanap ng mga prduktong presyong pang
masa sa loob ng mall, kaya naman isang beses lamang sa isang taon kami kung
pumunta sa Mall upang mamili ng mga gamit pang skwela, mga damit at sapatos.
Malaking ginhawa ang mall sa ating buhay. Kahit sinong tao pwedeng pumasok sa
mall, mayaman, mapamahirap, bata man o matanda, bastat disente tingnan at maayos
and damit. Makakasiguro kang ang mall ay isang ligtas na lugar pasyalan dahil dito
pwede ka maging sino.

________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Kahingian

Sumulat ng maikling repleksiyong papel sa kung paano mong tinitingnan ang mall noon
at ihambing ito sa iyong kasalukuyang pagtingin. Paanong nagbago ang iyong pagtingin
sa mall bilang espasyo? Gamitin ang pamantayan sa pagmamarka sa ibaba bilang
gabay. Sikaping hindi lumagpas ang sagot sa 300 salita.

Pamantayan Tumbas Marka

1. nilalaman 10
2. organisasyon ng mga ideya 10
___________________________________________________________________

3. pamamaraan 5
3. gamit ng wika 5
Kabuuan 30

Ang mall ay isa sa mga paboritong ko pasyalan noong bata ako, ngayong binata
na ako ito ay aking nagiging takbuhan upang magpalipas ng oras. Naging bahagi na
ang mall sa buhay ng bawat Pilipino, halos malaki naman siguro ang porsiyento ng mga
Pilipino na nakapasok na sa Mall at may sari-sariling kwento ng mga masasayang
karanasan. Sa aking pananaw ay hindi makukumpleto ang buhay mo kapag ikaw ay
hindi pa nakapasok sa mall. Ito ang lugar kung saan lahat ng pangangailangan ay
andito na, at marami din pwedeng gawin tulad ng kumain, maligo, maglaro, kumanta,
sumayaw, magpamasahe, mamili, mag-relaks, manood, matulog, takas ng gimik,
magpalamig kapag brownout at marami pang iba na tiyak ay sulit na pampalipas ng
oras kung gusto mo pasyalan. Sa totoo lang hindi ko alam na may Politika din pala sa
mall, dahil sa aking pananaw noon ay ang Mall ay isang lugar na walang
discriminasyon at lahat ay pantay-pantay ngunit ng malaman ko ang tunay na dahilan
sa disenyo at mga layunin ng bawat espasyo ay mas lalo akong namangha. Ang
istrukturang modernong disenyo ng mga mall ay may layunin. Kada sulok at dingding
ay pinag-aralan at pinagtulung-tulungan ng mga eksperto upang makabuo ng mga
World class na malls. Ang magulo at nakakalitong disenyo ng mall ay may layunin,
layunin nito na iligaw ka upang mapasadahan mo ang bawat tindahan na mas
nagpapalakas sa pagkakataong mag-impulsive buying. Ang bawat palapag ay
nakatalaga sa antas ng pamumuhay ng tao, matatagpuan sa pinakaibaba na palapag
ang mga gitnang uri pababa na mamamayan habang nasa itaas naman ang mga
pangmayayaman. Sinadya ng mga eksperto ang ganitong uri ng disenyo upang
makaakit ng mga mamimili sa lahat ng antas. Ang pagkakapwesto at
pagkakaorganisado ng mga produkto ay pinagaralan mabuti upang maslalong
mahikayat ang mga mamimili na bilhin ang mga produktong ito. Pati ang laki ng
pushcart ay may layunin din upang mas maparami ang mga mabibili. Nakakalungkot
man itong realidad sa loob ng mall ngunit sa huli ay hindi ang pinuntahan mong mga
tindahan o ang binili mong magagara at mamahaling mga gamit ang mahalaga at
maaalala mo kung hindi ang nangyari sa mall na iyon at kung sino ang mga nakasama
mo.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Sanggunian:

Tolentino, Rolando. Gitnang Uring Fantasya at Materyal na Kahirapan sa

___________________________________________________________________

Neoliberalismo: Politikal na Kritisismong Kulturang Popular. Manila:

University of Santo Tomas Publishing House, 2010.

Mga Ginamit na Larawan:

Andre.o.mob. Typical French Bakery Pastries. Larawan. Nobyembre 17, 2018.

Wikimedia Commons.
Artificial Photography. Hangers in a Clothes Store. Larawan. London, Agosto 4, 2016.
Wikimedia Commons.
Davronov, Alexander. Grocery Store Shelf in Russia. Larawan. Russia, Mayo 28, 2019.
Wikimedia Commons.
Josve05a. Bellagio Buffet. Larawan. Las Vegas, Disyembre 18, 2012.
Wikimedia Commons.
Kalasni, Mike. Kmart Shopping Cart - Regency Mall. Larawan. South Carolina,
Nobyembre 22, 2010. Wikimedia Commons.

Patriciasachi. Shiseido Whitening Products. Larawan. Australia, Hunyo 10, 2019.

Wikimedia Commons.
South African Tourism. Cafe Gannet Fine Dining, Mossel Bay, Western Cape, South
Africa. Larawan. Western Cape, Abril 20, 2015. Wikimedia Commons.
Verzo, Roberto. Mall of Asia Old Ice Skating Rink. Larawan. Pasay City, Agosto 11,
2012. Wikimedia Commons.

ZJay. SM Mall of Asia Interior. Larawan. Pasay City, Setyembre 2, 2012. Wikimedia
Commons.

You might also like