You are on page 1of 4

Mga Salik na Nakaiimpluwensiya sa Kagustuhan

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nasusuri ang mga salik
na nakakaimpluwensiyasa pangangailangan at kagustuhan.

Listahan na nagpapakita ng kagustuhan

Sa nakaraang aralin ay napagtanto natin na may iba’t ibang salik na nakaaapekto sa pagpili
ng pangangailangan ng tao. Sa pagtatalakay ng konsepto ng kagustuhan, malalaman natin
na kagaya ng pangangailangan, may iba’t ibang salik din na nakaiimpluwensiya sa mga tao
na gumawa ng desisyon batay rito. Sa araling ito, ating iisa-isahin ang mga salik na
nakaiimpluwensiya sa kagustuhan ng tao.

1
Pag-aralan Natin

Kagaya ng pangangailangan, may iba’t ibang Alamin Natin


salik din na nakaiimpluwensya sa kagustuhan
ng tao. Ang mga ito ay ang kita, panlasa, Tandaan at gawing gabay ang
presyo ng produkto, hanapbuhay, kultura ng kahulugan ng sumusunod na
mamimili, at anunsyo. Ating isa-isahin ang mga salita:
ito. • makakamit – makukuha
• manufacturer – grupo ng tao o
Ang kita ng isang tao ang nakaaapekto sa kumpanya na gumagawa ng
kanyang kagustuhan. Ang tao na may iba’t ibang bagay o produkto
malaking kita ay nagkakaroon ng mas upang ipagbili sa pamilihan
malaking posibilidad para sa mas maraming • market profile – karaniwang
kagustuhan dahil mas madali niyang gawain o katangian ng mga
makakamit ang mga ito. konsumer sa isang partikular
na lugar
Ang panlasa ng tao o taste preference ay • kasangkapan – sahog
tumutukoy sa kaniyang gustong estilo o
disenyo ng iba’t ibang larangan ng
pamumuhay. Maaaring ito ay sa
pananamit, buhok, bahay, kulay, o
lasa ng pagkain. Halimbawa, sa pagbili
ng iba’t ibang gadgets, ating
mapapansin na mayroon tayong
particular na disenyong hinahanap.
Ang kakayahan nating pumili at ang
produksiyon ng iba’t ibang disenyo o
kulay ay nagpapakita lamang na
handa ang mga manufacturer na
tugunan ang iba’t ibang panlasa ng
mga mamimili.

Ang halaga ng produkto ay may kinalaman sa


pagkamit ng kagustuhan
Ang presyo ng produkto ay nakakaapekto rin sa kagustuhan ng tao. Ang produkto
na may mababang presyo ang karaniwang nagugustuhan ng mga tao kaysa sa mga
produktong may mas mataas na presyo. Halimbawa na lamang nito ang market profile ng
Pilipinas. Mapapansin na sa ating bansa, uso ang mga produktong “tingi” o paisa-isa.
Napag-alaman sa pamamagitan ng pananaliksik na sa mga bansang papaunlad pa lamang,
tulad ng sa atin, nawawalan ng kakayahan ang maraming tao na makabili ng full-sized na
produkto dahil sa halaga nito. Kaya naman, ang mga manufacturer ay nagbago ng
estratehiya at gumawa ng mas maliliit na bersiyon ng kanilang produkto upang makabili
ang mga tao na kapos sa kita o salapi. Tanyag na halimbawa nito ang mga sachet ng
shampoo at mga solo pack na mantika o kasangkapan sa pagluluto.

Mga taong naghahanap-buhay

Ang hanapbuhay ay nakaiimpluwensya rin. Sa pagtaas ng posisyon sa trabaho, karaniwang


nagnanais ang tao na maging mas produktibo. Epekto nito ang pagkakaroon ng
kagustuhan bumili ng mga gamit na magpapadali ng kaniyang trabaho o magpapahayag
ng kaniyang professionalism. Isang halimbawa nito ang pagbili ng mga executive ng isang
kumpanya ng mamahalin at luxury items tulad ng mga bag o relo na nagkakahalaga ng libo-
libong piso. Ayon sa mga pag-aaral at panayam sa mga taong ito, ang paggamit ng mga
naturang bagay ay isang status symbol na nagpapahayag ng kakayahan, kaayusan,
at kagalingan ng isang manggagawa. Ang mga ito ay nagbibigay ng dagdag na
positibong impresyon sa mga kliyente at katrabaho ng isang executive.

Ang kultura ay ang kagawian, tradisyon, at paniniwala ng isang pangkat ng tao sa


lipunan. Ang kultura ay may malaking ambag sa katutubong kaugalian ng lugar ng
mamimili. Saklaw nito ang edad, kasarian, pamilyang pinagmulan, mga taong
pinahahalagahan at mga taong nakapaligid sa lipunan tulad ng kaibigan, pamilya,
at mga kamag-anak. Ang kultura ay maituturing din na impluwensiya sa pangangailangan
ng tao. Halimbawa, bahagi ng kultura ng maraming Katoliko ang pagdarasal bago kumain
o ang pag-aayuno tuwing Mahal na Araw. Kaya naman, aktibo nilang tinutugunan ang
kagustuhang ito.

Panghuli, ang pag-aanunsyo, pagpapatalastas, o advertisement ay nakaiimpluwensya rin sa


kagustuhan ng isang tao. Ang patalastas o advertisement ay ang pagpapakilala ng
produkto sa mga mamimili. Isa sa mga kilalang paraan ng pag-aanunsyo ang mass media—
radyo, telebisyon, pahayagan, billboards, at kung minsan ay pati sa mga social media sites.

Malaki ang impluwensiya ng mga patalastas o advertisement sa kagustuhan ng tao.

You might also like