You are on page 1of 2

Pangalan:

Section:

Gawain 1

A. Basahin at suriin ang sumusunod na seleksiyon. Tukuyin kung ano


ang layunin, pananaw, at damdamin nito.

Ang Kultura ng Malling sa Pilipinas

Laganap ang mga mall at ang kulturang kaakibat nito sa Pilipinas. Sa


kasalukuyan, nangunguna ang SM Supermalls, na pag-aari ng SM Prime Holdings Inc.,
sa dami ng mga mall sa buong bansa. Mayroon silang kabuuang 48 na mall sa Pilipinas
at maging sa Tsina. Itinayo ni Henry Sy, Sr. ang kauna-unahang Shoemart, isang
tindahan ng sapatos, noong 1958 sa Maynila. Noong 1960s, lumawak at dumami ang
mga tindahang ito ng sapatos. Nagkaroon nito sa mga sentro ng urbanisadong lungsod
tulad ng Makati at Cubao. Naging ganap na department store ito noong 1970s kung
saan nakilala ito bilang SM. Noong 1980s, lalong lumawak ang saklaw ng SM. Nagtayo
na rin ang kompanya ng mga supermarket at home appliance center. Pinakaunang
itinanghal na SM Supermall ang SM City North Edsa.

Sa kasalukuyan, kahit saan ka pumunta ay may SM. Madalas pa ngang nagiging


palatandaan ng isang lugar ang SM o kaya ay ruta ng mga pampublikong sasakyan.
Bahagi na ng buhay ng mga Pilipino ang mall. Lahat ng pangangailangan mula sa
damit, sapatos, pagkain, sinehan, gadget, at kung ano-ano pa ay nasa mall nang lahat.
Madalas na nagiging pasyalan ito kahit na walang bibilhin, dahilan para mauso ang
konsepto ng "window shopping"o yaong patingin-tingin lamang pero hindi naman bibili.
Sa mga panahong mainit ang panahon, mall din ang dinarayo ng mga Pilipino upang
magpalamig. Tunay ngang naging bahagi na ng kulturang Pilipino ang malling.

Bukod sa bahagi na ito ng kultura, mahalaga ring tukuyin ang malling bilang
manipestasyon ng matinding konsumerismo ng mga Pilipino. Bilang bansang nasa
ikatlong daigdig na tagatanggap ng mga yaring produkto mula sa ibang bansa, lunsaran
ang mall ng pinagsama-samang produkto ng mauunlad na bansa na hindi kayang
gawin ng mga industriya ng Pilipinas. Ginagamit ang mall upang magpakilala ng mga
bagong pangangailangan at kagustuhan sa mga konsyumer para sa pagpapatuloy sa
paggalaw ng ekonomiya. Pinalalaganap ng malling ang napakababaw na materyalismo,
kung saan itinutumbas ng tao ang personal na aspirasyon sa pagkakamit ng mga
materyal na bagay.

Bilang matalinong konsyumer, paano mo sinusuri at ginagamit sa iyong


kapakinabangan ang pagkakaroon ng mall sa iyong lugar?

Mula sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik ni Crizel


Sicat-De Laza, 2016 pahina 26-28
1. Layunin

2. Pananaw

3. Damdamin

B. Sumipi ng tig-dalawang pahayag na nagpapakita ng opinyon at


katotohanan mula sa binasang seleksiyon.

Katotohanan
1.
2.
Opinyon
1.
2.

Gawain 2. Magtala ng tatlong kahalagahan ng pagbasa sa personal mong buhay

You might also like