You are on page 1of 1

ANG KASAYSAYAN NG KULTURANG SARI-SARI STORE AT EBOLUSYON NG

PAMAMARAAN NG PAGTITINDA SA MODERNONG PANAHON

LAYUNIN NG PAG-AARAL
Layunin ng pananaliksik na ito ang pagbabalik tanaw sa kasaysayan ng isa sa tradisyon
o kultura ng mga pilipino sa tuntunin ng pamilihan ng ibat ibang klaseng produkto sa
kapitbahayan o mas kilala sa tawag na "sari - sari store" . sa pagsapit ng panahon ,
mula pa noon hanggang ngayon ay patuloy itong tinatangkilik ng ating mga kababayang
pilipino na sa katagalan ay patuloy na umuusbong at nagkakaroon ng modernisasyon
sa pamamaraan ng pagtitinda mula sa tradisyunal, hanggang sa modernong istilo. sa
makatuwid, layon ng pananaliksik na ito na masuri o matuklasan ang ebolusyon ng
pamamaraan ng pagtitinda mula noon hanggang sa kasalukuyang panahon at ang
halaga nito sa bawat indibidwal na naghahanapbuhay at tumatangkilik sa nasabing
pamilihan.

SULIRANIN NG PAG-AARAL
Pag-aaralan ng mga mananaliksik ang kasaysayan , kahalagahan at ebolusyon ng
kulturang sari-sari store sa pamamaraan ng pagtitinda sa modernong panahon, Ang
pananaliksik na ito ay may mga katangiang nais sikapin na bigyan ng kasagutan:
1.Saan o paano nagsimula ang kulturang sari -sari store?
2. Bakit tumagal ang ganitong pamamaraan ng pagtitinda sa pilipinas?
3. Ano- ano ang kaibahan ng mabibiling produkto noon sa kasalukuyang panahon?
4. Sa paanong paraan nabago ng modernong panahon ang pamamaraan ng
pagbebenta?
5.paano nakakatulong ang mga modernong paraan na ito sa mga negosyante sa panahon
ngayon?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang panananaliksik na ito ay maaaring makatulong sa ibat ibang aspeto
Una , makakapagbigay ideya ito sa kasalukuyan sa mga indibidwal na may nais magtayo o kasalukuyang
nagpapatakbo ng ganitong negosyo tungkol sa makabago at usong pamamaraan ng pagtitinda sa
modernong panahon. Pangalawa, maipapakita ng pananaliksik na ito ang kasaysayan kung saan ito
nagsimula at ebolusyon ng pamamaraan ng pagtitinda.Pangatlo, makapagbibigay ito ng pagkilala sa tingi
tinging tindahan (sari - sari store) bilang bahagi ng tradisyon o kultura sa pilipinas.

You might also like