You are on page 1of 6

GEE 19 PHILIPPINE POPULAR CULTURE

ANALYSIS SA LOOB NG MALL

AMPONG, NOEMI SOPHIA L.


CABRERA, KRISTINE G.
HENIO, EDRIAN M.
RAYA, HYACINTH P.
SURALTA, JARISSE A.

FEBRUARY 2020
INTRODAKSYON

Mga bansa na nabibilang sa timong silangang bahagi ng Asia ang


nagmamayari ng tatlo sa sampong pinakamalaking Shopping Centers sa buong
mundo. Kung saan dalawa rito ay makikita sa kabisera ng Maynila. Marahil
masasabi namin na sa henerasyong ito ang may pinaka maraming taong nae-
engganyo at pumupunta sa mga mall. Mapa bata man o matanda ay talagang
dumadayo at bumabyahe para lang maka pamasyal at marahil din upang maglaan
ng oras sa mga kani kanilang pamilya, kaibigan at pati narin sa kanilang mga
kasintahan. Ayon sa istatistika ng Nielsen Media Research (2008), nasa walong
pung porsyento (80%) sa populasyon ng Pilipinas ang pumupunta sa mga Shopping
Centers at nasa tatlong put anim na milyon (36 million) naman ang bumibisita sa
mga Shopping Plaza isa o dalawang beses sa isang buwan. Isa sa mga rason talaga
kung bakit na imbento ang konsepto ng mga mall ay upang makapag patayo ng
isang impastraktura kung saan makikita na lahat ang mga pangangailangan ng mga
tao o mamimili mapa produkto man o serbisyo.

Sa kasulukuyan, talagang naging parte na ng buhay ng mga tao ang pag


punta at pag pasylal sa mga mall, hindi lang sa kadahilanan ng pamamasyal o
upang aliwin ang sarili, kung hindi pati narin sa pamimili ng mga kina kailangan o
mga pangangailangang mapa personal man o iba pa. Sa paglipas ng panahon, unti-
unti nang nadadagdagan ang dahilan kung bakit pumupunta ang mga tao sa mall,
isa rito ay ang pag gamit sa mall bilang isang lugar na pwedeng mag sagawa ng
mga transakyong pang negosyo mapa personal man o pang malakihan, at
pangalawa naman ay ang pag gamit ng mall bilang isang instrumento para sa mga
estudyante na maka sagawa ng mga aktibidadis na may kinalaman sa kanilang pag
aaral.

Subalit ang lahat ng ito ay maliit na parte lamang ng mga impormasyong


ibabahagi namin sa papel na ito. Marami pang mga importanteng aspeto ng mall
mapa labas man o loob ang kailangang tuklasin at tatalakayin. Mga impormasyon
kagaya ng kabuuang estraktura ng mall, mga pamamaraan o teknik kung paano nila
kinukuha ang atensyon nga mga maimili at pati narin ang pagkakaiba ng mga ugali
ng mga tao sa loob.
OBSERBASYON

Sa asignaturang Philippine Popular Culture kami ay naatasan na pumunta sa


isang mall na naa-ayon sa aming kagustuhan upang magsagawa ng isang “Mall
Analysis”.

Noong ika-24 ng Enero, 2020 nagtungo ang aming grupo sa Robinsons Place
Valencia City, Bukidnon. Marami kaming natuklasan at na obserbahan tungkol sa
estraktura at pagkaka organisa ng mall. Isang halimbawa para dito ay ang pagkaka
tayo ng mismong gusali kung saan naaayon ito sa hugis ng pinya. Naging malaking
inspirasyon ng Robinsons Place Valencia ang lalawigan ng Bukidnon. Ang
Robinsons Place Valencia ay ang pinakamalaking mall sa probinsya ng Bukidnon
kung saan ginagamit nila ang pagkakakilanlan ng Bukidnon bilang “Pineapple
Capital of the Philippines”. Maliban sa pinya, isa rin sa mga inspirasyon ng
Robinsons Place Valencia ay ang pag gamit ng mga hugis kalabaw na mga
dekorasyon sa loob ng kanilang gusali, kung saan sikat din ang Bukidnon sa mga
produktong gatas na galing sa kalabaw o Dairy Products.

Pangalawang obserbasyon ay ang maayos at matiwasay na pagkaka grupo


ng mga ibat-ibang tindahan o negosyo ayon sa kanilang klasipikasyon o klase ng
kanilang mga paninda kung saan ang bawat departamento ay may iba’t-ibang
inaalok sa mga taong may iba’t-ibang kagustuhan. Kabilang narin dito ang
obserbasyon namin sa taohan o mga empleyado ng bawat tindahan kung saan
makikita na talagang epektibo ang pagkakatalaga sa kanila ng kanilang mga amo
para sa kanilang mga naka atas na mga gawain, gayunman meron din kaming mga
empleyadong nakita na nagpakita ng mga di ka aya ayang gawain, gaya ng mga
empleyadong masyado o sobra na ang pakikipag-usap sa kanyang mga katrabaho
kung saan hindi na napapansin ang mga mamimili.

Ang mall sa panahong ito ay naging pangunahing lugar ng mga tao na


pinupuntahan upang mamasyal, mamili, maglibang at kung ano-ano pa na naging
dahilan na din kung bakit tinawag na itong “Source of everything/basic needs”.
Subalit hindi ito magiging posibly kung hindi rin maayos ang pagpapatupad ng mga
patakaran at regulasyon sa loob at labas ng mall. Isa rin sa ka hanga-hangang
aspeto ng mall na ito ay ang napaka striktong pag papatupad ng seguridad o
security para sa mga mamimili kung saan hindi basta-bastang nakakapasok ang
kung sino-sino lang hanggat walang saktong inspeksyon sa mga dinadala at iba pa.

Maliban sa mga klase-klaseng produktong bagay na ibenibenta at makikita sa


loob ng mall, madami-dami din ang mga serbisyong ina alok dito. Mga serbisyo tulad
ng massage chairs, ATM o Automated Teller Machines, arcades, at iba pang kapaki-
pakinabang na mga serbisyo. Kilala din ang Robinsons Place Valencia para sa
kanilang napaka luwag at ma espasyong gusali lalo na sa loob na parte ng mall.
Subalit kung gaano ka luwag at ma espasyo sa loob ng mall ay ganun din ang
pagkaka higpit higpit at pagka makitid ng espasyo nito sa labas lalo na sa kanilang
daanan kung saan makikita rin ang kanilang paradahan na kung minsan ay nag
dudulot din ng kunting traffic sa likod ng mall.

Importante ding pag-usapan ang magandang pagkaka-ayos at pagkaka-lagay


ng mga palikuran sa loob ng gusali. Hindi lang ito para sa kaginhawaan ng mga
mamimili o ng mga namamasyal ng mall kung hindi para din sa seguridad sa
kalusugan ng nakakarami. Ngunit meron ding kunting pagkukulang ang mall, gaya
lang ng mga parte ng mall kung saan hindi pantay ang pagkaka ayos ng mga ilaw,
may maliwanag at maaliwalas, meron din namang mga parteng masyadong madilim.
Marahil dahil ito sa hindi pa kompleto talaga ang pagkaka gamit ng mga espasyo sa
loob ng mall na para sa mga tindahan sana. Na pwede ding naging dahilan din kung
bakit hindi pa masyadong madami ang dumarayo o namamasyal dito.

Sumikat rin ang Robinsons Place Valencia dahil sa kanilang ibat-ibang kainan
o fast food chain na makikita sa loob. Karamihan sa mga kainan sa loob ng mall ay
mga kilalang pangalan na sa larangan ng pagkain, ngunit isa rin sa magandang
aspeto ng mall ay ang pagbibigay nila ng importansya sa mga negosyo o produktong
gawang lokal kung saan binibigyan nila ito ng chansa na makilala ng mas marami
pang mamimili.
ANALYSIS

Talagang malaki ang pinagkaiba ng labas at loob ng mall, base sa aming


nakita, naging sobrang traffic, maingay, maalikabok at napaka init sa labas na parte
ng mall lalo na sa gilid na parte ng daanan o highway. Pag pasok palang namin sa
mall ay agad naming naramdaman ang maginhawa at napaka maaliwalas na
pakiramdam dahil sa lamig na bumungad sa amin at magandang ambiance nito.
Habang kami ay naglalakad sa loob ng mall, makikita dito ang kaayusan at kalinisan
ng paligid kung saan wala kang makikitang kahit anong bakas ng dumi o basura na
naka kalat lang sa loob. Nakakatulong din ang pinapatugtog na musika para maka
ramdan rin ng kahit kunting pahinga at maaliw ang mga tao sa pamamasyal at
pamimili ng kung ano-ano.

Ang bawat tao ay may iba’t–ibang intension kung bakit sila pumupunta sa
mall. Ang pag punta ng mga tao sa mall ay mayroong malaking epekto sa pag-uugali
ng isang tao. Makikita mo sa kanilang mga mukha ang kasiyahan at pagkaaliw. Ayon
kay Maria D. De-Juan-Vigaray (2016), malaki ang epekto ng Commercial Attraction
sa desisyon ng mga tao kung bakit pumupunta sila sa mga mall, kung saan ang pag
bebenta raw ng mga bagay o produktong sikat at direktang nakakakuha ng pansin
ng mamimili ang unang dahilan kung bakit dumarayo at pumapasyal ang mga tao.
KONKLUSYON

Para sa pangkalahatang konklusyon namin kung bakit pumupunta sa mall


ang mga tao ay dahil sa natutustusan nito ang iba’t–ibang pangangailangan ng mga
mamimili, at nakapagbibigay din ito ng maaliwalas na karanasan sa isang indibidwal
upang malimutan kahit sandali ang mga problema at pagod tulad ng mga estudyante
na galing sa mga paaralan, mga empleyadong galing sa kani-kanilang mga trabaho
o kahit yung mga taong gusto lang sumaya at mag libang kasama ang kani kanilang
mga pamilya o taong espesyal sa kanilang buhay. Ang mall din ay nakakapagbibigay
ng iba’t-ibang kasiyahan dahil sa mga klaseklaseng aliwan at libangan na makikita
sa loob nito kagaya lang ng “Tom’s World” na isang arcade. Masasabi din namin na
ang pamimili o pamamasyal sa loob ng mall ay nag lalabas ng stress o nagpapa
ginhawa ng mga tao kung kaya’t na wiwili tayo sa pamamasyal dito.

Naging tambayan na ang mall ng klase-klaseng mga tao. Subalit meron din
itong mga negatibong naidudulot sa mga tao, nagiging dahilan din ito para sa mga
estudyante na mag cutting classes o maging lugar kung saan ang iba ay gumagala
kasama ang kanilang mga kaibigan maging ang kanilang mga kasintahan. Nag
dudulot din ito ng labis na kagustuhan na maaaring mawalan ka ng badyet o pera
kung saan nakakabili ka ng mga bagay na hindi mo naman talaga kailangan,
nagagastos mo ang perang nakalaan sana sa ibang mga bayarin lalo na para sa
mga estudyante na naiingit sa mga produkto at pagkain na nagiging dahilan kung
bakit minsan na gagastos nila ang pera na bigay nang kanilang mga magulang na
dapat para sana sa gastuhin sa eskwelahan.

Ang mall ay makabuluhan at nagbibigay aliw at kasiyahan sa halos


lahat ng tao, subalit dapat din nating tandaan na bagama’t mayroong magandang
epekto ang mall, ating isaisip na dapat tayo ay maging responsableng mamimili at
dapat nating pagisipan ang kaibahan ng luho sa mga bagay na talagang kailangan.

You might also like