You are on page 1of 24

Kabanata I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Sa pag-usbong ng modernong panahon, nagpabago-bago na rin ang estilo ng

pananamit ng mga tao. Ang dating saya na umaabot sa lupa at blusa na hanggang dulo ng kamay

ang haba, ngayon ay napalitan na ng iba’t-ibang disenyo at uri ng tela. Dahil sa pagkahilig at

kagustuhang makisabay sa uso ng mga tao sa makabago at modernong panahon, umusbong at

nagsilabasan ang maraming pamilihan ng damit na kung tawagin ay boutique. Ang boutique ay

nanggaling sa French word na sa Ingles ay shop. Ito ay maliit na stall na nagbebenta ng mga

damit na naaayon sa moda, sapatos, aksesorya, at iba pang mga palamuti sa katawan. Ang pag-

aaral na isasagawa ng mga mananaliksik ay tungkol sa pagpapatayo ng negosyong Beautè et

Prestige sa San Carlos City Town Center, San Carlos City, Pangasinan na naglalayong kumita at

makatulong sa tao.

Mula sa tagline na ‘Kagandahan at Kaayusan Tungo sa Karangyaan’, ang

Beautè et Prestige ay isang boutique para sa mga taong nagnanais na mapaganda at umayos ang

kanilang imahe sa pamamagitan ng kanilang pananamit dahil ang boutique na ito ay naniniwala

na ang iyong pananamit ay sumisimbolo sa iyong personalidad. Pinapahalagahan ng Beautè et

Prestige ang iyong estilo ng pananamit upang sa pakikihalubilo mo sa ibang tao ay bigyan ka

nila ng respeto at pagpapahalaga. Ang boutique na ito ay hindi lamang para sa mga babae ngunit

ito rin ay para rin sa mga lalaki. Ang mga produktong katulad ng mga damit, sapatos, aksesorya,

at bag na magagamit ng mga tao sa pang araw-araw at sa anumang okasyon. Ang boutique na ito

1 Pahina
ay hindi lamang nakasentro sa porma, damit, at aksesorya ngunit may halo ring pagmamahal at

pagbibigay ng serbisyong hinahanap at kailangan ng mga tao.

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay may layuning magpatayo ng negosyong

nagngangalang “Beautè et Prestige” na tutugon sa pangaraw-araw na kasuotan ng bawat

indibidwal at makapagbigay ng kasuotan na naaayon sa lugar o pangyayari.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masagot ang sumusunod na tanong:

1. Gaano kadalas bumibili ng mga damit at aksesorya ang mga tao?

2. Magkano ang inilalaang badyet ng mga mamimili sa pagbili?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga at may malaking ambag sa mga

sumusunod:

Mga Estudyante. Malalaman nila ang kaangkupan ng pananamit at kung ano ang naidudulot

nito sa isang inibidwal.

Mga Kabataan. Ang mga kabataan na nasa edad labingtatlo (13) pataas ay magkakaroon ng

karagdagang kaalaman kung ano ang mga trend sa industriya ng fashion at manigyan ng gabay

sa kung ano ang kanilang pananamit.

2 Pahina
Mga Empleyado. Mabigyan ng karagdagang impormasyon tungkol sa maayos na pananamit na

naaayon sa trabaho o selebrasyon. Maaari silang maging instrumento na maiwasan upang

maiwasan ang diskriminasyon.

Saklaw at Limitasyon

Ang negosyong ito ay nakatuon sa pagbibigay ng maganda ngunit

komportableng mga damit upang magkaroon sila ng kumpyansa sa kanilang mga sariling paraan.

Ang layuning ito ay upang matukoy kung ang aming negosyo ay magiging katanggap-tanggap sa

mga mamimili at kung angkop ba ng lokasyon na aming napili. Gayunpaman, ang negosyong ito

ay hindi lamang nakatuon sa mga damit kundi pati na rin sa mga aksesorya, bag, pitaka, sapatos

at mga palamuti sa katawan.

Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng panayam sa pamamagitan ng

sarbey at pagmamasid. Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa tatlumpong (30) respondent na

nasa edad labingtatlo (13) hanggang animnapu (60) sa bawat lungsod ng Dagupan, San Carlos at

sa mga kalapit na bayan nito.

3 Pahina
SWOT ANALYSIS

Weakness (Kahinaan)
Strengths (Mga Kalakasan)
-abot-kaya ang mga produkto at -dahil sa tema at pangalan ng negosyo,
kumportableng suotin ang mga damit at
iba pang produkto. aakalain ng mga mamimili na mahal ang

-iilan pa lamang ang mga boutique na mga produkto na binebenta.


naroroon sa San Carlos City na kilala.
-ang pagiging kakaiba ng boutique dahil
sa tema nito na kung tawagin ay Paris
Themed at ang magandang serbisyong
ibinibigay ng mga empleyado.
-ito ay isa sa mga pangunahing
pangangailangan ng tao.

Opportunities (Oportunidad) Threats (Mga Banta)

-marami ang taong nagpupunta sa mall na -hindi pa masyadong kilala ang negosyo

pagpapatayuan ng boutique. dahil bago pa lamang ito.

-umuunlad ang lungsod na pagpapatayuan -mayroong mas mga naunang boutique na

ng boutique at ito rin ay nasa sentro. naipatayo at mayroon ding maaaring

Malapit din ito sa mga bayang magpatayo ng boutique na makakapagpa-

makatutulong sa paglago ng mga bawas ng mga mamimili.

mamimili.

4 Pahina
Ipinapakita ng SWOT Analysis na ito ang mga kalakasan, mga kahinaan, mga

opurtunidad, at mga banta sa pagpapapatayo ng Beautè et Prestige sa San Carlos City

Pangasinan. Ang kalakasan nito ay ang mga sumusunod: Abot kaya ang presyo ng mga

produkto, mangilan-ngilan lamang ang boutique na naroon sa San Carlos City, ang kaibahan nito

sa ibang mga boutique dahil sa tema nito na Paris Themed, ito rin ay isa sa mga pangunahing

kailangan ng tao. Ang kahinaan naman nito ay ang tema at pangalan ng negosyo kaya aakalain

ng mga mamimili na mahal ang mga produkto na binebenta. Ang oportunidad naman ay ang mga

sumusunod: madami ang taong nagpupunta sa mall na pagpapatayuan ng boutique at umuunlad

ang lungsod na pagpapatayuan ng boutique at ito rin ay nasa sentro, malapit din ito sa mga

bayang makakatulong sa paglago ng mga mamimili.Ang mga banta naman sa negosyong ito ay

ang mga sumusunod: hindi pa masyadong kilala ang negosyo dahil bago pa lamang ito at

mayroong mas mga naunang boutique na naipatayo at mayroon ding maaaring magpatayo ng

boutique na makakapagpa-bawas ng mga mamimili.

5 Pahina
PORTER’S 5 FORCES MODEL

BARGAINING POWER OF BARGAINING POWER OF


COSTUMERS SUPPLIERS

(KATAMTAMAN) (KATAMTAMAN)

COMPETITIVE RIVALRY

(MATAAS)

THREAT OF SUBSTITUTION THREAT OF NEW ENTRANTS

(KATAMTAMAN) (MATAAS)

6 Pahina
Bargaining Power of Costumers – Katamtaman

Ang Bargaining Power of Costumers ay katamtaman dahil hindi kamahalan at abot kaya

ang presyo ng mga produktong ibinibenta.

Bargaining Power of Suppliers – Katamtaman

Ang Bargaining Power of Suppliers ay katamtaman dahil mayroong mga suppliers na

maaaring pagkuhanan ng mga produkto gaya ng Vanity Shoppers, Grace’s Boutique, at iba pa.

Ang mga produkto rin na kukunin ay kumportable at masasabing mataas ang kalidad na abot

kaya ang halaga.

Competitive Rivalry – Mataas

Ang Competitive Rivalry ay mataas sapagkat mayroon pang mga ibang boutique na

napatayo at ipapatayo doon. Ang San Carlos City ay isang umaasensong lungsod kung kaya ay

maraming mga boutique ang pwedeng ipatayo at mayroong mga ibang kilalang pwedeng

mapagbilihan ng mga palamut at mga damit.

Threats of Substitution- Katamtaman

Ang Threats of Substitution ay katamtaman sapagkat mayroong mga palamutipwedeng

ibenta ang negosyo para ipalit sa mga produktong mga damit at mangilan-ngilan lang din ang

naipatayong boutique sa naturang mall.

Threats of New Entrant – Mataas

Ang Threats of New Entrants ay mataas sapagkat mayroon pang mga mall na

pwedeng mapagtayuan ng mga iba pang mga boutique.

7 Pahina
Depinisyon ng Terminolohiya

Boutique. Ito ay isang uri ng negosyong nagbebenta ng iba’t-ibang klase ng kasuotan ng isang

indibidwal.

Fashion. Ito ay paraan ng mga tao kung paano ipakita ang kanilang personalidad tungo sa

pananamit.

French. Ito ay lenggwahe na ginagamit sa mga Kanlurang bansa

Karangyaan. Ito ay ang kalayaang makuha ng isang tao ang bagay na nais niyang makuha.

Moda. Ito ay tawag sa popular na estilo sa pananamit, kasuotan sa paa, pampaganda, hikaw sa

katawan o muwebles.

Paris Themed. Ito ay tema ng isang lugar tungkol sa kanilang pananamit at estilo.

Shop. Ito ay isang maliit na establisyemento kung saan ang mga produkto at serbisyo ay

ibinibenta.

Trend. Ito ay isang kilos na naglalayong mapagbago ang isang estilo o paraan ng pananamit.

8 Pahina
Kabanata II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Dayuhang Pag-aaral

Ang kasuotan ay sumasaklaw sa mga damit, aksesorya at mga ornamento na sinusuot ng

mga tao sa buong mundo. Bawat tao ay nagsusuot ng iba’t ibang damit ayon sakanilang saloobin.

Katulad ito ng pagkain at bahay, ang kasuotan ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng

tao. (The World Book Encyclopedia, 1994)

Noong unang panahon, maraming tao ang nagsusuot ng mga kasuotang may dekorasyon

upang takpan ang kanilang katawan. Kahit pa sa mga malalamig na klima, ang ibang tao ay mas

interesadong dekorasyonan ang kanilang katawan kaysa sa protektahan ito. (The World Book

Encyclopedia. Vol. 7, 1994)

Ang maramihang produksyon ng mga magagandang damit ay nagdulot ng pagbaba ng

presyo nito kung kaya’t ito ay kayang bilhin ng masa noong 1800. Ang mga tao sa iba’t ibang

antas ng lipunan ay nagsimulang magsuot ng magkaparehong uri ng mgapananamit. Sa panahon

ngayon, mas madaling matukoy ang mga mamahaling damit sa pamamagitan ng tela at paggawa

nito. (The World Book Encyclopedia. Vol. 7 1994)

Noong ikalawang digmaan (1939-1945), ang pagkukulang sa tela ay nagdulot ng

limitadong uri at disenyo ng pananamit. Ang gobyerno sa iba’t ibang bansa ay nilimitahan ang

dami ng paggamit sa tela ng ibang mga damit. Ang naylon na medyas ng mga babae ay napalitan

na lamang ng leg paint. (The World Book Encyclopedia. Vol. 7, 1994)

9 Pahina
Walang makapagsasabi kung bakit at kailan ang eksaktong araw unang nakapagsuot ang

tao ng mga damit. Ngunit nagsimula silang magsuot ng damit isang daang libong taon na ang

nakalilipas. Ang mga sinaunang tao ay nakapagsuot na ng damit upang protektahan ang kanilang

mga sarili at upang mapabuti ang kanilang hitsura. Halimbawa, ang isang sinaunang mangangaso

ay nagsusuot ng balat ng isang oso o isang reindeer upang mapanatili ang init sa kanilang

katawan o simbolo ng pagiging matapang sa pangangaso. (The World Book Encyclopedia. Vol.

7, 1994)

Ang pag-usbong ng bagong makinarya at tela ay nakaapekto sa paraan ng pananamit lalo

na sa mga damit. Ang disenyo ng mga damit ay madalas magbago sa mga bansang mayroong

mataas na sistemang mekanikong produksyon. (The World Book Encyclopedia. Vol. 7, 1994)

Ang mga tao noong sinaunang panahon ay nagsusuot ng damit upang maprotektahan ang

kanilang katawan sa klima sa kanilang lugar. Ngunit mayroon pang ibang mga dahilan kung

bakit naimbento ang pagsuot ng mga damit, isa na dito ay dahil ang tao ay mahilig maglagay ng

dekorasyon sa kanilang katawan upang mas gumanda ang kanilang anyo. Kalaunan, nang

nagsimula nang mamuhay ang tao sa isang komunidad o tribo, ang damit ay naging simbolo na

rin ng kanilang estado sa kanilang tribo. Ito rin ay naging simbolo ngayon sa kung ano ang

trabaho ng isang tao. Tulad na lamang sa kasalukuyang panahon na maaari nating matukoy ang

mga pulis, narse, doctor, at sundalo sa pamamagitan ng kanilang damit o uniporme. Ang

pananamit din ay maaaring iugnay sa mga importanteng okasyon tulad ng pagsuot ng kulay itim

ng mga kanluranin sa tuwing may patay. Ang puti naman ay sumisimbolo ng puri kung kaya’t ito

ay sinusuot ng babae sa kaniyang kasal, at mga pari sa simbahan. Umunlad ang paraan ng

pananamit sa paglipas ng panahon, mula sa mga wool hanggang sa paggamit ng sutla.

10 Pahina
Nakadiskubre din sila ng uri ng damit na maaaring baguhin ang hugis n gating katawan. (The

World Book Encyclopedia. Vol. 7, 1994)

Ang paraan ng pananamit ay umusbong sa iba’t ibang bansa at ito ay umunlad sa

magkakaibang paraan. Ang klima ang isa sa pangunahing nakakaimpluwensya sa pananamit.

Ang mga damit sa malalamig na lugar ay mabibigat at gawa sa maiinit na tela at materyales

samantalang ang mga damit naman sa mainit na lugar ay gawa sa magagaan at maluwag na tela

at materyales. Ang iba pang mga nakaka-apekto sa pananamit ay ang mga tela na matatagpuan sa

lugar at ang ganda nito sa mata ng isang tao. Ang isinusuot ng isang tao para sa isang okasyon ay

nagmula sa kanilang tradisyon. Maraming tao pa rin ang nagsusuot ng kanilang tradisyonal na

kasuotan tulan na lamang ng mga Japanese na nagsusuot ng kimono sa mga espesyal na

okasyon. (The World Book Encyclopedia. Vol. 7, 1994)

Karamihan sa mga tao ay gustong magsuot ng mga kasuotan na makapagbibigay sakanila

ng atraksyon kahit pa ang pangunahing layunin nito ay proteksyon o komunikasyon sa katawan.

Ang mga kasuotang nakapagbibigay ng proteksyon katulad ng kapote, mga botang pangnyebe at

mga suwiter na may makukulay na padron. Ang ibang mga kababaihan ay nagsusuot ng mga

mamahaling balat ng hayop para sa kagandahan at init sa katawan na maibibigay nito. (The

World Book Encyclopedia. Vol. 7, 1994)

Maraming tao ang tumanggap sa mga pagbabago ng estilo ng mga kasuotan dahil gusto

nilang maging kaaya-aya sa pamamagitan ng pagsuspt ng mga bagong moda. Ang mga

kababaihan ay maaaring tumigil na sa pagsusuot ng mga lumang Amerikana kahit pa ito ay nasa

mabuting kondisyon dahil maaari niyang isipin na hindi na ito kaaya-aya dahil sa

nagsisilabasang estilo ng mga Amerikana.

11 Pahina
Ang mga kalalakihan noong 1500’s ay nagsusuot ng patong-patong na panlabas na damit

at ang kanilang mga kasuotan ay nilalagyan ng padding, sila ay naglalagay ng mga kamiseta na

linen sa loob ng hapit na pantaas na damit o tinatawag ding doublets. Sa loob ng doublet, ay

nagsusuot sila ng dyaket o tinatawag na jerkin, na mayroong palda na nakasabit sa gitna ng

baywang hanggang tuhod. Ang hanggang tuhod na gown na may malaking manggas ay

pinapatungan ng jerkin. Ang mga kalalakihan ay nagsusuot ng shorts, at mga makukulay na

medyas na tinatawag ding upper socks na itinatahi bilang isang hapit na stockings o tinatawag

ding metherstocks. Ang mga kasuotan ng mga kababaihan ay ginugupit at tinatahi upang humapit

sa baywang. Noong unang panahon ng 1500’s, ang mga kababaihan ay nagsusuot ng mga

bestidang maiikli, na mayroong parisukat na neckline at mga paldang nilalagyan ng petticoat sa

loob. Maraming palda ang nahahati sa harap upang maipakita ang panloob na disenyo nito. Ang

kasuotan ng mga kalalakihan at kababaihan ay madalas na tinatagpas upang mapakita ang fabric

sa loob ng damit. (The World Book Encyclopedia. Vol. 4, 1994)

Ang mga kalalakihan ay palaging nagsusuot ng matataas na bota, at nagdadala sila ng

espada na nasa mahabang tali na nakasabit sa kanilang mga balikat. Nagsusuot din sila ng mga

magagarang plumed na sombrero sa taas ng kanilang mahahabang buhok. Ang mga kalalakihan

at kababaihan ay nagsisimula nang magsuot ng mga sapatos na may takong, marami rin ang may

naka-disenyong mga laso at buckle. Ang kuwelyo na gawa sa laso at linen ay unti-unting

pinapalitan ang mga stiff ruff. Ang balabal na tinatali sa leeg ay nagtagumpay na ipatupad noong

1600’s. Ang mga kalalakihan ay nagsimulang magsuot ng malalaki at kulot na peluka na ag

tawag ay periwigs na nagsimula noong panahong 1660. (The World Book Encyclopedia. Vol. 4,

1994)

12 Pahina
Ang istilo ng pananamit nila ay biglang nagbago. Gayunpaman ang mga nobility at ang

mga mayayaman lamang ang may kakayahang bumili ng bagong moda sa mga panahong iyon.

Marami paring tao na nagsusuot ng mga damit na komportable at pangmatagalan na gawa sa

balahibo ng tupa. Marami paring patuloy na gumagawa ng sarili nilang gawa na tela at damit.

(The World Book Encyclopedia. Vol. 4, 1994)

Nilinang ng mga kalalakihan at kababaihan ang kanilang mga kasuotang pang-ulo.

Tinatakpan ng mga kalalakihan ang kanilang ulo gamit ang iba’t ibang hugis ng peluka. Itinatali

ng mga kababaihan noon ang kanilang buhok ng napakataas at dahan-dahang nilalagyan ng

estilong tinatawag na pompadours. Nilagyan din nila ang kanilang buhok ng langis, pulbos, at

dinekorasyonan ng mga alahas, laso, at balahibo. Sila rin ay nagdagdag ng mga hairpieces sa

kanilang buhok at nagsuot din ng peluka. Minsan, ang mga kababaihan ay hindi na nagsusuklay

o nagpapalit ng estilo ng buhok ng ilang linggo dahil ito ay maproseso. (The World Book

Encyclopedia. Vol. 4, 1994)

Ang mga kababaihan ay nagsusuot ng mga mahihigpit na corsets at bilugang mga palda

na sinusuportahan ng isang kalawit. Ang estilong ito ay lakip ang malalaki at magagarbong mga

sombrero. Ang mga kalalakihan na nagsusuot ng iba’t ibang klase ng coats, waistcoats, at mga

breaches na ipinakilala noong katapusan ng 1600’s. (The World Book Encyclopedia. Vol. 4,

1994)

Ang produksyon ng mga damit na ginagamitan ng kamay ay nagtapos noong 1800’s, at

ang industriya ng mga kasuotan ay napagtibay sa Europa at United States. Ang mga

Amerikanong imbentor na si Elias Howe at Isaac Singer— ay nilinang ang paggamit ng

makinang pantahi noong kalagitnaan ng 1800’s. Ang mga makinang ito at iba pang imbensyon

ay nagproseso ng mga damit sa mas madaling paraan. Ang mga tagagawa ay nagsimulang

13 Pahina
gumawa ng mga mamahaling, mga gawa at handa ng mga damit. Ang mga paraan ng

produksyon ay unti-unting napabuti. Karamihan sa mga tao ay mas gusto pa rin ang gawa ng

mga mananahi dahil ito ay mas abot-kaya. Ang iba naman ay mas piniling isuot pa din ang

gawang bahay na mga damit. (The World Book Encyclopedia. Vol. 4, 1994)

Taong 1830 binubuo ng panlalaking pananamit ang Amerikana na marapat sa baywang,

flared top hats, at pantalon na pinagtibay sa ilalim ng sapatos. Ang beards at mustaches ay

ginamit muli sa unang pagkakataon pagkatapos ng mahigit 200 taon. Ang mga pambabaeng

pananamit ay may off shoulder necklines, tight waist, at mga palobong mga palda na ginamitan

ng mga maraming petticoats. Kasama nito, ginamit din ang flared bonnets na dinisenyohan ng

mga iba’t ibang laso at mga bulaklak. (The World Book Encyclopedia. Vol. 4, 1994)

Sa kalagitnaan ng siglo, ang kasuotan ng mga kalalakihian ay naging maitim at

nagkaroon ng matuwid na estilo ng pananamit. Ang mga pigura ng mga kababaihan ay nabigyan

ng hindi natural na hugis na may kasamang hoop skirt. Ang hoop ay pinalitan ng maraming

patong ng petticoats na ginamit upang palawakin ang palda ng mga kababaihan. Ito ay naging

simbolo ng mga artipisyal na distorsyon ng mga babae noong panahon ng Victorian age. (The

World Book Encyclopedia. Vol. 4, 1994)

Noong ika-20 siglo, ang mga bestida ng mga kababaihan ay naimpluwensyahan ng

matingkad na kulay o tinatawag ding impressionist art, ito ay gawa sa patong-patong na tulle,

chiffon, laso, at mga balahibo. Ang mga kalalakihan ay nagpatuloy sa pagsuot ng somber

business suits, frock coats, diretsong pantalon, at matataas na sombrero. Ang nagiisang

pagbabago para sa mga kalalakihan ay nagmula sa sporting clothes, oxford shoes, malambot na

kuwelyo, sombrerong dayami na pinagtibay ng kaswal na pananamit. Ang makabagong

kababaihan ay ginaya ang full pants na ginagamit sa pagbibisikleta at nagsuot din ng mga

14 Pahina
panlalaking dyaket, damit at panali na ginagamit sa pag-akyat ng bundok. (The World Book

Encyclopedia. Vol. 4, 1994)

Lokal na Pag-aaral

Ang pambansang kasuotan ng Pilipinas ay makulay, maraming palamuti, at napakaganda.

Ang mga Pilipino ay nabuhay sa pananakop ng iba’t ibang bansa sa loob ng ilang siglo. Kung

kaya’t ang kanilang pambansang kasuotan ay naimpluwensyahan ng iba’t ibang kultura at

mayroong pagkakatulad ang mga ito. Ang bansang United Statpes, Spain, at Japan ang mga

pangunahing nakaimpluwensya sa kasuotan ng Pilipinas. Ngunit ang tradisyunal na kasuotan ng

mga Pilipino ay sadyang tunay at kakaiba (National Clothing Org., 2015).

Ang mga pangunahing dahilan kung bakit nabuo ang mga tradisyunal na kasuotan sa

bansang ito ay ang klima, kultura, mga mananakop, at ang uri ng kanilang pamumuhay (National

Clothing Org., 2015).

Ang barong tagalog, isang pormal na kasuotan na kadalasang yari sa manipis na tela at

masusing naburdahan, ay ginagamit ng mga kababaihan at kalalakihan. Ito ay damit na kay

mahabang manggas at isinusuot na may nakapaloob na damit na mayroon lamang maikling

manggas. Kadalasang isinusuot ito ng mga lalaki na may Chinese collarless na damit o kung

tawagin ay camisa de Chino. Ang barong tagalog na may estilo ng pananamit ng mga European

ay nagiging estilong Pilipino sa napakadaling paraan. Ito ay yari o gawa sa tradisyunal na anyo.

Ito ay maaaring gawa sa iilang uri ng tela ngunit kadalasan ay gawang natural: katulad ng tela na

nanggaling sa dahon ng pinya at tela na nagmula sa seda at hibla ng saging (National Clothing

Org., 2015).

15 Pahina
Ang mga kalalakihan ay nagsusuot ng iba’t ibang klase ng pantalon na pinaparisan ng

barong tagalog. Kadalasan mang ang suot nilang pantalon ay estilong kanluran, makikita pa rin

ang kanilang pagiging tradisyunal at local (National Clothing Org., 2015).

Ang mga lalaking muslim ay nagsusuot mg wrap-around skirt at maluluwang na damit.

Ang kanilang damit ay ginawa hindi lamang dahil sa kanilang relihiyon, makikitaan mo pa rin ito

ng pagiging makabansa nila (National Clothing Org., 2015).

Ang barong tagalog ay isinusuot din ng mga kababaihan. Ngunit marami pa ring mas

pambabae at magandang kasuotan. Halimbawa nito ay ang bestidang mestiza. Ito ay isang

pormal na bestida na gawa sa puntas at masusing binurdahan. Ito ay may manggas na hugis nna

paru-paro at sadyang nakakaakit. Ang bestidang mestiza ay mad sopistikadang bersiyon ng baro

at saya (National Clothing Org., 2015).

Ang baro at saya ay blusa at palda na may iba’t ibang uri at anyo. Ang pagsuot ng mga Pilipinp

ng baro at saya araw-araw ay pangkaraniwan na lamang. Ang dating baro at saya na maliit

lamang na blusa na may mahabang manggas at mahabang palda, ngayon ay napakarami na

nitong palamuti (National Clothing Org., 2015).

Ang isa sa pinaka-popular na uri ng baro at saya ay ang Maria Clara dress. Ang bestidang

ito ay nagmula sa pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Ito ay binubuo ng walang kuwelyong

blusa, pa-lobong hugis na palda, at balabal na tumatakip sa leeg (National Clothing Org., 2015).

Isa pang popular na kasuotan ng mga kababaihan au ang tinatawag nilang terno. Ito ay

nanggaling sa baro at saya na kalaunan ay naging bestida. Ang terno ay mayroong hugis paru-

parong manggas na mahaba. Maraming disenyo ang disenyo. Ito ay kadalasang isinusuot sa mga

espesyal na okasyon (National Clothing Org., 2015).

16 Pahina
Ang mga babaeng Muslim sa Pilipinas ay nagsusuot ng mahahabang palda, damit na may

mahabang manggas at balabal upang takpan ang kanilang ulo. Ang mga kababaihan ay nagsusuot

din ng mahahabang pantalon na ipinapalit sa palda. Ang iba sa kanila ay nagdadala at gumagamit

ng payong para sa pandagdag sa kanilang moda (National Clothing Org., 2015).

Mayroon din magandang uri ng damit na ginagamit na tinatawag na malong. Ito ay yari

sa pamamagitan ng kamay at may iba’t ibang pinanggagamitan. Ito ay maaaring gawing palda ng

babae at lalaki, kumot, bestida, sapin sa higaan at iba pa. Ang malong ay kadalasang isinusuot

upang ipakita ang kaantasan sa buhay ng nagsusuot (National Clothing Org., 2015).

Sa Pilipinas, marami pang kasuotan na ginagamit sa iba’t ibang tribo. Ang mga ito ay

gawang kamay at ang anyo ay nakabase sa kanilang tradsiyon, paniniwala, sagisag, at alamat.

Ang Mandaya, Bagobo, Maranaw, Yakan, Kalinga, Ifugao, Samal, at Aetas ay ilan lamang sa

mga tribong may sariling kasuotan (National Clothing Org., 2015).

Pagkakatulad sa kilusang kabataan at pagsalungat ng kultura ng anyo “Sixties Swinging”,

ang boutique ay nagbago ng mga paraan ng paggawa, pagmemerkado, pagpapakita, at pagbili ng

damit. Ang mga pangalan at lugar tulad ng Mary Quant, Biba, Paraphernalia, The King’s Road,

at Carnaby Street ay nagbabago ang diwa ng kalyaan, sariling katangian, at paghihimagsik na

nagpapakilala sa panlipunang pag-aalsa ng dekadang iyon at tinukoy ang isang estilo ng

pananamit. Bilang isang konsepto ng pagpapatingi, ang boutique ay nauugnay sa isang

natatanging pagkakakilanlan na sumasalamin sa panlasa ng taga-disenyo o may-ari; maliit na

produksyon na may mabilis na paglilipat ng kalakal; anyo ng karanasan at eksperimento;

makabagong pagpapakita at interyor at isang impormalidad sa mga may-ari, tagabenta at

kilyente. Bagama’t ang boutique ay kilala noong 1960 nilalaro mismo sa kalagitnaan ng 1970’s,

ang mga boutique ay nanatiling isang mahalagang bahagi ng komersyal sa mundo na maging

17 Pahina
isang indibidwal na proyekto o nakasama sa isang mas malaking kapaligiran, tulad ng isang

department store (Fogg, 2003).

Ang mga maliliit na establisyementong nagpapatingi ay hindi bago sa panahon ng post-

World War II. Sa unang kalahati ng ikadalawampung siglo, ang Paris, London at New York ay

may espesyal na tinadahan. Kadalasang pag-aari ng isang taga-disenyoo propyetaryo, ang mga

ito ay pinatatakbosa pagitan ng mga mataas na esklusibong bahay at mga malalaking tindahan, at

pinagsama ssa isang mahusay na kliyente na may diin sa personal na pansin sa mga mamimili

(Fogg, 2003).

Noong mga 1920’s, nagsimula ang mga taga-Paris ng mga maliliit na tindahan sa loob ng

mga lugar ng kanilang mga mansions de couture kung saan ipinagbili nila ang iba’t ibang

(kadalsang mas mura) kalakal kabilang ang mga aksesorya. Sa 1925, si jean Patou, halimbawa

ay nagbukas ng Le Coin des Sports (The Sports Corner), isang serye ng mga kuwarto sa silong

ng kanyang couture na bahay na nag-aalok ng espesyal na damit panlaro. Mula sa pagbubukas

nito noong 1935, ang boutique ng Elsa Schiaparelli ay nagtatampok ng mga hindi kakaiba at

kaakit-akit na kaayusan ng bintana na nag-umasam ng mga nakakamanghang mata, nagpapakita

ng malinaw na pagpapakita at panloob n dekorasyon ng mga boutique sa 1960. Noong 1950’s,

ang mga boutique ay mahusay na itinatag na mga lugar para sa pagbebenta ng mga damit at

aksesorya ng taga-disenyo (Fogg, 2003).

Sa pagdating sa edad ng baby boomersa huling bahagi ng 1950’s at unang bahagi ng

1960 ay lumikha ng isang bagong merkado ng mamimili na may malaking epekto sa pagsabog

ng boutique. Ang mga kahirapan sa ekonomiya ng mga taon ng digmaan ay natapos na at isang

panahon ng kasaganahan ay nagsimula sa parehong Europa at Amerika. Ang mga batang

kalalakihan at kababaihan ay hindi lamang magkaroon ng pera upang gastusin ngunit din na

18 Pahina
hinahangad upang makilala at distansya- ang kanilang mga magulang. Hindi nasisiyahan sa mga

nakita nila bilang mga estilo ng lipunan, hindi nauugnay, at estilong katulad na itinaguyid ng

Parisian haute couture, ang mga umuunlad na batang taga-disenyo, lalo sa Britanya, ay

nagsimulang gumawa ng pananamit na nakalarawan sa isang bagong pagpapahalaga sa

kagandahan at kilos patungo sa pagbibihis. Ang pantay na makabuluhan ay ang kanilang

determinasyon na gumawa ng damit na abot-kaya sa kanilang mga kasamahan. Sa halip na

magtrabaho sa loob ng mga paghihigpit na ipinataw sa isang couture house o isang malaking

kompanya ng pagmamanupaktura, ang mga taga-disenyo na ito ay madalas na nagsimula sa

pamamagitan ng mga pananamit na pang-panahi sa kanilang mga tahanan at pagbubukas ng mga

boutique sa mga lugar na wala sa daan. Inilalabas ng “Swinging City” ng Time Magazine noong

1966, ang London ay ang hindi mapag-aalinlangang kabisera ng kilusang kabataan sa maaga at

kalagitnaan ng 1960, at ang mga batang taga-disenyo ng Britanya ay nasa hanay ng mga

boutique scene. Sa mga grupong ito, si Mary Quant ay ang mataas na maimpluwensyang

pioneer. Ang kanyang boutique, bazaar, na binuksan niya sa King’s Road noong 1955 sa

pakikipagtulungan sa kanyang pampublikong asawa, si Alexander Plunkett-Green, at

tagapamahala ng negosyo na si Archie McNair, ang una sa uri nito. Nag-aalok ang bazaar ng

mga damit at aksesorya na nakatuon sa isang kabataan na tagapakinig, handa na para sa

kaugalian na binibigay ng diin ang impormalidad, kawalang-katapatan at pag-ibig (Fogg, 2003).

Ang bazaar ng Quant ay naglakda ng pamantayan para sa maraming boutiques na

binuksan sa London at New York sa susunod na dekada, kabilang ang Biba ni Barba Hulanicki,

ang Alice Pollock’s Quorom, na nagtatampok ng mga damit ng bantog na kuponan ng asawa at

asawa ni Ozzie Clark at Celia Birtwel; ang negosyante na si John Stephen ng maraming empony

19 Pahina
sa Carnaby Street; at Paraphernalia, kung saan ang mga disenyo ng tagapagpapakita ng Betsey

Johnson ay binubuo ng Warhol superstar na si Edie Sedgwick (Fogg, 2003).

Sa huling 1960’s at unang bahagi ng 1970’s, ang tagumpay at katanyagan ng mga

boutiques ay nagresulta sa pagiging coopt ng mainstream fashion at malaking negosyo. Sa New

York, ang mga malalaking tindahan tulad ng bukas na mga boutique ng Bloomingdale na

naglalayong makaakit ng isang bahagi ng napakalaking pamilihan ng kabataan. Si Geraldine

Stutz, president ng Henri Bendel, ang nagbago ng tahimik na espesyal na tindahan para sa

gawain ng mga taga-Britanya, Amerkiano, at Pranses na taga-disenyo, bawat isa ay may kani-

kanilang puwang ng boutique. Noong panahong sarado ito noong 1976, dalawang beses na

lumipat si Biba mula sa orihinal, na maliit na lokasyon nito sa Abingdon Road upang sakupin

ang dating mga lugar ng Derry at Toms, isang tindahan na may maraming istorya noong 1930 sa

Kensington High Street (Fogg, 2003).

Sa “Swinging Sixties”, ang moda ay isang tukoy na aspeto ng kilussang pagsalungat ssa

kultura, at ang mga boutique ay ang matrix sa paglikha at pagsasabog ng mga uso. Ang boutique

scene ay nagpasimula ng bagong hanay ng mga inaasahan tungkol sa moda at shopping na isang

kadahilanan sa unang bahagi ng ika-21 siglo. Pinalawak ng boutique ang konsepto ng moda

bilang catering sa mga indibidwal at Adventurous-taste. Kasama ang maraming iba’t ibang estilo

na magagamit ay ang posibilidad para sa malikhaing pagpapahayag ng sarili sa pamamagitan ng

pananamit, habang ang karanasan sa pamimili ay naging bahagi ng sunod sa moda nap ag-

uugali.Ang mga boutique ay patuloy na nag-aalok ng alternatibong mga moda sa elitist houte

couture at mass-produced, mass-distributed, ready-to-wear (Fogg, 2003).

20 Pahina
Kabanata III

PAMAMARAAN O METODOLOHIIYA

Ang kabanatang ito ng pananaliksik ay naglalaman ng mga disenyo ng pananaliksik,

respondente ang pananaliksik, instrumentong gagamitin, at istatistikal na tritment sa

pananaliksik. Ito ay mga paraan o estratehiyang ginagamit ng mga mananaliksik upang

mapatunayan ang mga suliranin ng pag-aaral.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang isinasagawang pananaliksik ay ginamitan ng deskriptibong metodolohiya. Pinili ng

mga mananaliksik ang Descriptive Survey Research Design na gumagamit ng talatanungan para

makalikom ng mga datos. Ang mga mananaliksik ay naniniwala na ang disenyong ginamit ay

angkop para sa paksa sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos na isinasagawa.

21 Pahina
Nauunawaan ng mga mananaliksik na ang Descriptive Survey Research Design ay

nababagay sa pag-aaral na isinasagawa kahit na limitado lamang ang kanilang respondente. Ito

ay sa kadahilanang hindi lamang sila nakadepende sa mga sagot sa kanilang talatanungan kundi

ay maaari rin silang magsagawa ng panayam at obserbasyon upang idagdag sa mga nakalap

nilang datos at impormasyon.

Ang mga mananaliksik ay naniniwala na magiging mabisa ang paggamit ng disenyong

paglalarawan o deskriptibo sa pagkalap ng datos at impormasyon para sa kanilang isinasagawang

pananaliksik.

MGA RESPONDENTE

Ang mga mananaliksik ay nangalap ng datos sa bayan ng San Carlos, kung saan

ipapatayo ang boutique, at ang mga kalapit na bayan gaya ng Malasiqui, Bayambang at Calasiao.

Sila ay nangalap ng tig-25 na respondente sa bawat bayan na may kabuuan ng isang daang (100)

respondente. Ang mga taong sumagot sa sarbey ay nasa edad na sampong (10) taong gulang at

pataas na kung saan ang mga ito ay mga estudyante, propesyonal gaya ng mga guro, negosyante,

doktor at mga fashionista na gusto ng mura pero komportable at naaayon na damit na sumasabay

sa uso para sa kanilang edad.

INSTRUMENTO NG PAG-AARAL

Ang ginamit na instrument ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay sarbey, panayam

at obserbasyonal na pananaliksik. Sa pamamagitan ng sarbey at pagbigay ng mga talatanungan

ito naging pangunahing instrumentong ginamit sa pag-aaral na ito. Ang talatanungan ay inihanda

22 Pahina
ng mga mananaliksik upang makakuha ng impormasyon tungkol sa negosyo at sa persepsyon ng

mga tao na makatutulong sa mga mananaliksik.

TRITMENT NG MGA DATOS

Upang pag-aralan at bigyang-kahulugan ang mga datos na nakalap mula sa talatanungan

na pinasagutan sa mga respondente ng pananaliksik galing sa iba’t ibang bayan, gumamit ang

mga mananaliksik ng percentage technique. Ito ang magsisilbing gabay kung karapat-dapat nga

bang ipatayo ang boutique

FORMULA: P = f/n x 100

P = Porsyento

f = prikwensiya ng resulta sa mga tanong

n = kabuuang bilang ng mga respondente

100 = constant value

23 Pahina
TALASANGGUNIAN

(1994). The World Book Encyclopedia. Clothing. (Vol. 7, pg. 90-107). USA. World Book, Inc.

(1994). The World Book Encyclopedia. Clothing. (Vol.4, pg. 32-93). USA. World Book, Inc.

Fogg, M. (2003). Traditional Clothing In The Philippines Barong Tagalog At Baro At Saya.

Quezon City. National Org.

Bernard, B. (1978). Fashion History and Fashion Clothing Industry. National Org.

24 Pahina

You might also like