You are on page 1of 10

GOOD SHEPHERD CATHEDRAL SCHOOL

Omega Avenue corner Rado Street, Fairview Park, Quezon City

Aroma Vibes
Robinsons Townville, Regalado, 1st floor, next to Daiso Japan, a café
Ciudad Verde Subdivision
Regalado Avenue
Quezon City, 1118
Metro Manila

www.aromavibecafebusiness@gmail.com

OWNED BY:
Coloma, Sean Reyver B.
Diaz, Francheska Fiona, A.
Duriano, Viel Lewis
Enriquez, Rielle Ryche T.
Leal, Francis Lance
Ochondra, Royce Vincent A.
Roman, Amiel B.
I. INTRODUCTION

Ang “Aroma Vibes” ay isang livelihood project o proyektong pangkabuhayan at isang


negosyo na ang layunin ay ang pagtugon sa iba’t-ibang isyung pangkabuhayan at
pangkalikasan na nagiging malaking problema ngayon sa ating bansa. Ang “Aroma Vibes”
ay isang café, naiisip ng aming parokya na gumawa ng negosyo na gaya ng isang café
dahil patok ito sa mga kabataan, mga mag-aaral, at maging sa mga magulang. Ang lokayon
ng aming negosyo ay itatayo sa loob ng Robinsons Townville, Regalado. Ang mga
pagkukunan ng pondo ay maaaring magmula sa mga Fundraisers at Savings ng aming
mga magulang at ang aming sariling ipon. Ang mga kinakailangang pondo naman ay
nakabase sa mga magiging presyo ng aming mga produktong ipagbibili sa mga konsyumer
sa aming pamayanan.

A. Deskripsyon ng Proyekto o Negosyo


- Ang "Aroma Vibes" ay isang negosyo na nagbebenta ng mga masasarap na
pagkain, gaya na lamang ng kape at mga pastry. Layunin nito na makatulong sa
mga nangangailangan habang nagbibigay ng magandang serbisyo sa mga
mamimili nito. Ginagawa ito ng “Aroma Vibes” sa pamamagitan ng pagkuha ng mga
manggagawa na nangangailangan ng trabaho at pagbibigay suporta sa mga lokal
na artists gamit ang mga gawa nilang alahas o mga palamuti. Dahil dito, sa bawat
pagbili, at sa bawat pagkagat, nakakatulong tayo sa pagkamit ng mas magandang
kinabukasan.

- Aming misyon na magbigay ng positibong epekto sa mga buhay ng mga taong


nangangailangan, kasama ang mga walang trabaho, habang tayo ay
kumukonsumo ng aming mga produkto. Naniniwala kaming ang lahat ng tao ay
dapat na mabigyan ng pagkakataong sumikat sa tamang paraan. At kami ay lubos
na nagbibigay-pansin sa pagbibigay ng mas maraming oportunidad para sa
kinabukasan ng nakararami.

B. Lokasyon ng Proyekto o Negosyo


- Ang isang lokasyon ay gumaganap ng isang malaking bahagi para sa iyong
negosyo dahil ito ay mahalaga para sa pagtiyak ng isang namumulaklak at sana ay
isang pangmatagalang tagumpay para sa iyong negosyo. Dahil malapit ito sa aming
paaralan at maraming tao ang gumugugol ng oras dito, napagpasyahan naming
itatag ang aming negosyo dito dahil ito ay madaling mapuntahan at, tulad ng
naunang nabanggit, ay makakatulong sa aming negosyo na lumago.

- Narito ang lokasyon kung saan naming napili itatag ang aming negosyo: Robinsons
Townville, Regalado, sa unang palapag, katabi ng Daiso Japan, isang café. Ito ay
matatagpuan sa Ciudad Verde Subdiviion, Regalado Avenue, Quezon City, 1118,
Metro Manila.

- Para sa kaalaman ng lahat, ganito ang magiging itsura ng aming café:


C. Kinakailangang Pondo o Kagamitan

- Mahalaga ang mga materyales at kagamitan sa pagpapatakbo ng aming binubuong


negosyo, kaya naman, ito ang mga kagamitan at materyales na aming kailangan at
gagamitin sa paggawa ng aming mga produkto sa aming itatayong negosyo na
hinaharap:
- Drip Coffee Maker, Espresso Machine, Commercial Coffee Blender, Coffee
Grinder, Ovens and Toasters, Refrigerator, Kitchen Appliances para sa paggawa
ng aming kapeng produkto, Microwave, mga kutsara, tinidor, kutsilyo, at iba pa.
Kasama rin dito ang mga, plastic cups, straw, mga basong babasagin, disposable
coffee cup holder, mga platong babasagin, mga upuan, at mga mesa.
D. Pagkukunan ng Pondo o Kagamitan
- Ang isa sa mga pinakamalaking suliranin na kinakaharap ng mga may-ari ng
negosyo ay kung saan sila kukuha o kakalap ng sapat na pera para
makapagsimula. Para sa bahagi kung saan kami ay kukuha ng pondo o kagamitan,
ito ay maaaring mula sa mga: Una, Fundraisers. Ikalawa, sa mga Savings. Una,
ang mga Fundraisers. Ang mga fundraisers ay maaaring naming pagkuhanan ng
maliit na pondo para kami ay makapagsimula ng maliit na negosyo. Isa ito sa aming
mga napiling pagkunan ng pondo dahil kami ay nakatitiyak na kami ay makakakalap
ng mga pera para kami ay makapagsimula. Kahit na hindi ito ganoong kalaki,
maaari pa rin kaming makakuha ng sapat na pera para sa aming puhunan. Ito ay
maaari naming magawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga anunsiyo sa iba't-
ibang social media sites at sa mga pampublikong lugar. Ikalawa, ang mga Savings.
Dahil kami ay mga magaaral pa lamang sa ika-sampung baitang, wala pa kami
ganoong hawak na maraming pera. Ngunit, sa panahon ngayon, may ilan na ring
mga bata at mag-aaral ang nagkakaroon ng sarili nilang savings sa mga bangko.
Ang savings na ito ay maaaring magmula sa dalawang bagay, sa mga savings ng
aming mga magulang, maaari din sa mga savings ng mga mag-aaral. Para sa mga
savings ng aming mga magulang, kami ay manghihingi ng maliit o sapat na pera sa
aming puhunan. Kalaunan, ito rin ay aming ibabalik.
II. BUSINESS DESCRIPTION

A. Product/Service Description
- Ang aming serbisyo ay higit pa sa paghahatid o pagbebenta ng mga alahas o
palamuti, mga iba’t-ibang uri ng kape, at mga baked goods. Kami ay kumukuha ng
mga manggagawang nangangailangan ng trabaho at mga walang tiwala sa kanilang
mga kakayahan sa pagtatrabaho. Sila ay aming binibigyan ng pagkakataong sumikat
at ipakita sa kanilang mga sarili at sa ibang tao na sila ay mahalaga at may
kakayanang gumawa ng isang bagay na kanilang hindi inaasahan. Kami ay
nakatitiyak na sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang pagkamalikhain, sila ay
hindi lamang nakakatulong sa komunidad at sa kapaligiran, bagkus pati na rin sa
nakararami.

B. Equipment/Materials
- Mahalaga ang mga materyales at kagamitan sa pagpapatakbo ng aming binubuong
negosyo, kaya naman, ito ang mga kagamitan at materyales na aming kailangan at
gagamitin sa paggawa ng aming mga produkto sa aming itatayong negosyo na
hinaharap:
- Drip Coffee Maker, Espresso Machine, Commercial Coffee Blender, Coffee
Grinder, Ovens and Toasters, Refrigerator, Kitchen Appliances para sa paggawa
ng aming kapeng produkto, Microwave, mga kutsara, tinidor, kutsilyo, at iba pa.
Kasama rin dito ang mga, plastic cups, traw, mga basong babasagin, disposable
coffee cup holder, mga platong babasagin, mga upuan, at mga mesa.
- Ilan sa mga materyales na aming gagamitin ay mga basong may iba’t-ibang sukat,
mga kutsara at tinidor, plato, straw, whisk, mga pamunas, coffee holders, at
packaging kung nais nila ng sinasabing “to-go”.

C. Needed Target Selling Price


- Ang kinakailangang presyong makamit sa pagbebenta ng mga ito ay makukuha
kapag tayo ay nagpapatong ng 40 porsiyentong mark-up sa mga produktong
ibebenta. Ang mga presyo nito ay maaaring mag-iba batay sa patong sa mga
produkto. Dagdag pa rito, kapag sila ay bumili ng produktong ayon sa aming
itatakda, sila ay makakakuha ng libreng alahas na gawa sa mga gamit o bagay na
patapon na, ngunit aming bibigyan ng pakinabang sa ating pang-araw-araw na
buhay. Ngunit, sila rin ay makakabili ng mga alahas o palamuti na hiwalay sa
presyo.
D. Poster/Packaging or Sample Picture of the Product
- Ito ang poster ng aming mga produktong ibebenta.

- Ito naman ang aming magiging packaging sa aming mga produktong ibebenta.

E. Promotional Strategies
- Ang promotional strategies ay ginagawa para ipakilala nang husto ang mga
produkto’t serbisyo sa madla. Kapag naging matagumpay ang paggawa ng mga ito,
may malaking pagkakataong lumago ang ating proyekto at mas makilala pa ito sa
iba’t-ibang lugar. Ang maaaring promotional strategies na aming magagawa ay ang
paggawa ng mga poster at ipamahagi ito sa mga paaralan, at iba pa. Bukod dito,
ang isa sa mga pinakamabisang paraan ng pagpapakilala ng mga ito ay sa
pamamagitan ng pagkalat nito sa mga iba’t-ibang social media platforms. Gaya ng
TikTok, Facebook, Instagram, YouTube, X, at iba pa. Mga online shops, na gaya
ng TikTok Shop, Shopee, at Lazada. Isa sa mga paraan ng aming pagpapakilala
ng aming produkto ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga bidyo o infomercial. Sa
pamamagitan nito, magkakaroon na sila ng ideya kung ano ng aba talaga ang
aming binebenta at mga kagandahan nito sa atin.
III. ORGANIZATIONAL PLAN

Job Title, Duties and Managerial


Name of Manager/s Qualifications
Responsibilities Experience/s
Coloma, Sean Reyver B. - Production - Para matiyak - Naging
Team - Bilang ang kalidad na Presidente
miyembro ng trabaho mula sa noong ika-
pangkat ng production team, walong baitang
produksiyon, kailangan nating noong ikaapat na
tungkulin at magkaroon ng markahan.
responsibilidad mga - Kasalukuyang
kong gumawa, pangunahing CCF Officer ng
magsagawa ng kasanayan tulad ika-sampung
mga ng pagiging baitang.
pamamaraan ng maagap,
pagsusuri sa kalinisan,
kalidad para sa marunong
mga produkto, at mamahala ng
suriin ang oras,
kahusayan ng kakayahang
mga ito bago umangkop at
ibenta. pakikipagtulung
an.
Diaz, Francheska Fiona - Sales and - Magaling sa - Naging Muse noong
A. Marketing komunikasyon ika-limang baitang.
Manager - - Maalam sa uso
Responsable sa - Magaling sa
pamamahala sa pakikisalamuha
promosyon at
pagpoposisyon
ng aming
produkto at
serbisyo na
ibinebenta. Ako
rin ang
gumagawa ng
mga inventory o
ang bilang ng
mga produktong
hindi pa
naibebenta at
naibenta na.
Duriano, Viel Lewis - President, Sales - Kaalaman sa - Mass Leader
and Marketing Video Editing (Campus
Team - Ang - Kaalaman sa Ministry,
aking tungkulin Promotion Ministry of Altar
ay ako ang - Kaalaman sa PR Servers)
presidente at ako
ay bahagi ng
koponan sa
pagbebenta at
marketing.
Enriquez, Rielle Ryche - Administrative - Palakaibigan - Tumulong sa
T. Assistant – Ako - Maaasahan paga-ayos at
ang responsable - Matiyaga pagiging
sa pagtulong sa - Matulungin sa tagapag-salita ng
iba pang kasapi maliliit na maraming mga
ng grupo at detalye kaganapan.
pakikipagtulung
an sa Human
Resource at
Finance
Manager
Leal, Francis Lance - Production - Para matiyak - Naging Bise
Team - Bilang ang kalidad ng Presidente
miyembro ng trabaho mula sa noong ika-
pangkat ng production walong baitang
produksiyon, team, kailangan noong ikatlong
tungkulin at nating markahan.
responsibilidad magkaroon ng - Naging Kalihim
kong gumawa, mga o Secretary
magsagawa ng pangunahing noong ikatlo
mga kasanayan tulad hanggang
pamamaraan ng ng pagiging ikaanim na
pagsusuri sa maagap, baitang.
kalidad para sa kalinisan,
mga produkto, at marunong
suriin ang mamahala ng
kahusayan ng oras,
mga ito bago kakayahang
ibenta. umangkop at
pakikipagtulung
an
Ochondra, Royce - Finance at - Pamumuno - Naging isa sa
Vincent A. Human - Mapagkakatiwal mga lider ng
Resource aan Research Paper
Manager – Ako - Pagpaplano noong ika-
ang namamahala - Delegasyon pitong baitang.
ng pera,
pagpaplano ng
badyet,
pagpopondo, at
pag-uugnay at
pagdi-direkta sa
tungkulin ng
organisasyon at
pamamahala ng
mga gawain.
Roman, Amiel B. - Purchasing and - Responsable - Naging
Production - Malikhain tagapagsalita o
Manager - Ang - Mapagkakatiwal host noong
Purchasing and aan Outreach
Production - Masusui sa mga Performance
Manager ang maliliit na Task noong ika-
siyang detalye siyam na
namamahala sa baitang.
mga gumagawa - Naging
ng iba't-ibang Presidente
palamuti. Siya noong ika-siyam
din ang na baitang
namamahala sa noong
pagbibigay ng ikalawang
mga ideya sa markahan.
mga gumagawa - Kasalukuyang
nito. Siya din Presidente ng
ang namamahala ika-sampung
sa mga tamang baitang ngayong
transaksyon ng unang
mga mamimili. markahan.
- Naging lider sa
aming
Performance
Task noong ika-
pitong baitang sa
asignaturang
Math, Science,
at English.
- Naging lider sa
ibang mga
Performance
Tasks at mga
gawain.

- Ito ang Organizational Structure ng aming proyektong pangkabuhayan at negosyo.


Laman nito ang aming mga trabaho para sa pagpapatakbo ng aming proyekto.
IV. Analysis/Synthesis

Ang "Aroma Vibes" ay isang proyektong pangkabuhayan at isang negosyo kung saan,
habang kami ay nagbibigay o naglilingkod sa aming mga mamimili, kami rin ay
nakakatulong sa mga nangangailangan. Layunin nitong magbigay ng positibong epekto sa
mga mahihirap na tao at/o mga walang trabaho, at iba pa. Layunin din nitong makatulong
sa mga taong may pinagdadaanan na may kinalaman sa mga suliraning pangkabuhayan.

Ilan sa mga kahalagahan ng negosyong ito ay ang mga sumusunod:


- Una, nakakatulong ito sa mga taong apektado ng iba't-ibang mga suliraning
pangkabuhayan sa pamamagitan ng pagbibigay o paglalaan ng trabaho.
Nagreresulta ito sa pagkakaroon ng pera ng mga tao para gastusin sa pagkain,
damit, libangan, at iba't ibang lugar.
- Ikalawa, nagbibigay ito ng pagkakataon sa mga taong ipakita ang kanilang mga
kakayanan at abilidad sa ganitong uri ng proyekto o/at negosyo.
- Ikatlo, mga kagustuhan at mga pangangailangan. Ang mga negosyo tulad ng isang
cafe ay nagbibigay sa amin ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang
aming mga pangangailangan at kagustuhan. Ang mga pangangailangan ay
kumakatawan sa mga pangangailangan, habang ang mga kagustuhan ay
nagpapahiwatig ng mga pagnanasa.
- Ikaapat, nakakatulong ito sa pagbawas ng paggawa ng ilegal na gawain na kagaya
ng pagnanakaw, pagscam at iba pa. Ang rason dito ay nagkakaroon sila ngtrabaho
na stable at meron silang kita na kinikita sa negosyong ito.
- Ikalima, nagbibigay ito ng suporta sa mga lokal na artists na gumagawa ng mga
alahas katulad ng necklace at bracelet.
- Ikaanim, maaari itong magsilbing inspirasyon sa mga iba pang mamamayan na
gusto rin magpatayo ng isang negosyo at tumulong sa mga may kaylangan ng
tulong.

Ang aming proyekto ay maiuugnay sa ilang isyung pangkabuhayang hinaharap ng mga


tao sa kasalukuyang panahon, gaya ng:
- Una, underemployment dahil sa kakulangan ng kwalipikasyon, kakayanan, at
abilidad. Sa tulong ng aming negosyo o/at proyekto, nabibigyan sila ng
pagkakataong ipakita o ipamalas ang kanilang mga kakayanan. Dahil din dito, sila
din ay mabibigayan ng sapat na kita dahil sa pagta-trabaho.
- Ikalawa, kakulangan ng trabaho sa ating bansa o pamayanan. Sa tulong ng aming
proyektong pangkabuhayan, maaari naming silang mabigyan ng simpleng
pagkakakitaan para sila ay makalikom o makapag-ipon ng kita para sa kanilang
pang-araw-araw na pamumuhay. Mabibigyan din namin sila ng mga ideya para sila
ay makapagpatayo ng kanilang sariling negosyo.
- Ikatlo, kahirapan ng mga mamamayan. Sa pamamagitan ng aming negosyo, maaari
kaming magbigay ng mga seminars at mga skills training sa mga taong nais
magkaroon ng trabaho at sa mga taong lubos na nangangailangan.

You might also like