You are on page 1of 10

INTRODUKSYON

Sa panahon ngayon mas nakikibahagi na ang mga Pilipino sa iba’t-iba at samu't saring
mga
negosyo, lalong-lalo na sa larangan ng kalakalan o "marketing". Isa na dito ay ang
karaniwan at
usong "buy-and-sell" na negosyo o kilala rin sa tawag na "reselling" o "reseller" na

pagnenegosyo. Sa katunayan nga ay maraming ganyang negosyo dito sa Pilipinas, kagaya


ng
OLX, sulit.ph, AyosDito at iba pa, at ito ay marahil sa kadahilanang mas malawak ang

nasasakop nitong koneksyon.

Ang pagkakaroon ng "reselling" na negosyo o ang pagiging "reseller" ay pwede sa


lahat
kung saan maaari silang makibahagi at magkapera. Maraming oportunidad ang
naghinhintay sa
ganitong negosyo. Maaari kang bumili ng murang produkto at ibenta ito sa presyong

mapagkikitaan mo at madali na lamang ito dahil sa paggamit ng internet. Marami ang

gumagamit ng internet para sa pag-aanunsiyo ng kanilang mga produkto o serbisyo, at libre

lamang ito.

Buhat narin sa pagiging karaniwan ng ganitong negosyo sa mga Pilipino, ang

kompetisyon ay sisiklab din. Kaya mahalaga ang pagtuklas ng pinakamabisang pagpipilian


ng
produkto na ibebenta. Maraming pagsusuri at mga pananaliksik ang ginagawa ng mga

negosyante upang makabuo ng pinakamabuting produkto o serbisyo na maiaalok nila sa

kanilang mga mamimili na kung saan dapat akma sa kapaligiran nito. Siguro ay makabuo
sila ng
mas mabuting desisyon ukol dito ngunit ito ay iiba dala na rin sa lumalago at nagbabagong

ekonomiya natin.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masiyasat ang mga paniniwala ng mga ABM
na
mag-aaral, kung saan nakapasok na o alam ang "reseller" na negosyo, patungkol sa
kanilang
paninindigan sa ganitong klaseng negosyo. Ang pag-aaral na ito ay magkakaroon ng case
study
at magsasagawa ng panayam sa mga kalahok ng mga eatudyante at ito ay laong
iinterpretahin.
Bawat tugon ng mga kalahok ay susuriin at uunawaing mabuti upang makamit ang malinaw
na
pag-unawa sa kanilang pananaw patungkol sa negosyo at upang makagawa ng
pinakamabisang
opsyon para sa mga mithiing "reseller" na mga
negosyante.
Paglalahad ng Suliranin

Ang pagbibili at pagtitinda ng mga produkto o serbisyo ay uso hindi lamang sa


mundo
ng negosyo kundi pati rin sa mga mag-aaral gustong magkakita at kaya sila ay nagiging

"reseller". Nagkakaroon sila ng "reseller" na pagnenegosyo kung saan bumibili sila ng mga

produkto sa murang halaga at ibenebenta ito sa mas mataas na presyo upang kumita sila.
Ito ang
nag-udyok sa mga mananaliksik upang pag-aralan at suriin ang kanilang mga pananaw
tungkol
sa pagbibili at pagbebenta ng mga produkto o serbisyo. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong

matugunan ang mga sumusunod na katanungan:

1.) Ano ang natural na katangian ng "reseller" na pagnenegosyo?

2.) Anu-ano ang mga produkto o serbisyong gustong ialok ng mga ABM na mag-
aaral?

3.) Anu-ano ang mga benepisyo ng "reseller" na pagnenegosyo?

4.) Anu-ano ang mga negatibong naidudulot ng "reseller" na


pagnenegosyo?
Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang magkaroon ng malalim na kaalaman sa


pananaw
ng mga mag-aaral, lalong-lalo na sa mga mag-aaral nasa ABM strand tungkol sa pagbili at

pagbenta ng mga produkto o serbisyo. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman kung

puwe-pwede sa mga eatudyante ang magkaroon ng ganitong klaseng negosyo, at kung


paano ito
gumagana sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral ding ito ay para mapasiklab ang interes ng
mga
minimithing negosyanteng mag-aaral upang pumasok sa ganitong
negosyo.
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga resulta sa pag-aaral na ito ay makakatulong sa paglaan ng kaalaman sa


posible at
naghahangad na mga negosyante, lalo na sa mga ABM na mga mag-aaral, patungkol sa

“reselling” na negosyo at kung paano ito gumagana sa kanila. Makakakuha sila ng kaalaman
pati
na ang mga bagay-bagay na dapat isaalang-alang sa “reselling” na pagnenegosyo. Ang pag-
aaral
na ito ay naglalayong maging motibasyon sa mga mag-aaral at magiging interesado sila sa

pag-aaral na ito na nagbibigay sa kanila ng perspektibo ng mga mag-aaral na mag-uudyok


sa
kanila upang pumasok sa “reselling” na negosyo.
Teoryang Pananaw

Ang “standpoint” na teorya (2003), ay isang malinaw na politikal at sosyal na

pagpapalliwanag. Ang sentral at nag-uudyok na kaalaman nito ay baligtad sa tesis: iyong


mga
tauhan sa kaanyuan ng dominasyon na sistematikong iniwawaglit o inaapi ay maaaring may

taglay na kaalaman sa iba’t ibang bagay o alam ang ilang bagay kaysa sa mga taong may
mas
pribilehiyo (may katayuan sa lipunan o politikal na aspeto), sa birtud ng kung ano ang
kanilang
kinaugaliang naranasan at kung paano nila inuunawa ang ganoong karanasan (Wylie, 2003).

Ang layunin ng “standpoint” na teorya ay ang magbigay ng pag-unawa kung bakit ang mga
tao
ay nagkokomunikasyon sa iba’t iang paraan at paunlarin ang lakas ng mga taong
iniwawaglit o
inaapi (communicationstudies.com, 2017)

Ang pag-aaral na ito ay gumagamit sa konsepto ng “standpoint” na teorya, kung saan


ang
mga mananaliksik ay sisiyasatin ang pananaw ng mga kalahok, na pawang mga mag-aaral
lahat,
ito ay upang makalikom ng malalim at malinaw na pagkakaintindi sa uri ng mga produkto o

serbisyong gusto nila, kahit na mga mag-aaral pa lamang sila at hindi dalubhasa. Ang pag-
aaral
na ito ay naglalayong maibatid ang kanilang, masasabi sa kung ano ang kanilang maiaalok

patungkol sa “reselling” na negosyo. Ang pag-aaral ding ito ay gustong bigyang-diin at

intindihin ang perspektibo ng mga ABM na mag-aaral nakapasok o nakaranas na sa mundo


ng
pagnenegosyo upang madinig ang kanilang maibabahagi tungkol sa negosyo na
makakatulong
sa motibasyon ng mga indibidwal, lalong-lalo na ang kanilang mga kapwa mag-aaral na

nagnanais maging negosyante.


Metodolohiya

Ayon sa Unibersidad ng California State, ang kwalitatibong pananaliksik ay naglalayong

makamit ang malalim na pag-uunawa sa isang partikular na organisasyon o pangyayari,


kaysa sa
mababaw na paglalarawan sa malaking sample ng populasyon (web.csulb.edu, 2017). Ang

pananaliksik na ito ay naglalayong magkaroon ng ganyang pag-aaral upang magkaroon ng


mas
malalim na pag-unawa sa mga pananaw ng mga mag-aaral ng ABM tungkol sa pagbili at

pagbenta ng mga produkto o serbisyo. Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng case study na

paraan na nangunguna sa pagdala ng pag-uunawa sa isang komplikadong isyu o usapin at

maaaring pahabain ang karanasan o madagdagan ang lakas ng bisa ng mga impormasyong

nailahad na sa mga dati nang pananaliksik (school.utexas.edu,


2017).

Bukod doon, ang kwalitatibong pananaliksik na ito ay kukuha ng mga impormasyon


mula
sa mga kalahok sa pamamagitan ng “one-on-one” na pakikipanayam, ito ay bilang
estratehikong
paraan sa pagkakalap ng mga datos. Ang mga kalahok ay ang mga mag-aaral ng ABM mula
sa
departamento ng Senior High School ng Unibersidad ng Cebu - Banilad Campus na may

kaalaman o nakaranas ng “reselling” na pagnenegosyo o di kaya may malawak na kaalaman

patungkol sa pagbibili at pagbebenta ng mga produkto o serbisyo. Ang mga tugon na


makukuha
sa pagkikipagpanayam ay bibigyan ng interpretasyon at ang mga kalahok dito ay lubusan
ding
kikilalanin at sisiyasatin sa panahon ng proseso ng pag-aaral na ito, sapagkat ang pag-aaral
na
ito ay magkakaroon ng case study sa pag-oorganisa at paglalahad ng mga
datos.
Depinisyon ng mga Termino

Upang mas madaling maintindihan ang pag-aaral na ito, ito ang ilan sa mga terminong
nais
bigyang-diin ng mga mananaliksik dahil sa kahalagahan
nito:

Reseller. Siya ang bumibili ng mga paninda galing sa mga tagagawa nito at itinitindang

muli sa mga mamimili na walang pagbabago sa anyo ng mga paninda (InvestorWords.com,

January 16, 2017).

UC-Banilad Campus. Isa sa mga kampus ng Unibersidad ng Cebu, isang institusyong

pangedukasyon sa Cebu City, Philippines na itinatag noong 1964, na matatagpuan sa


Banilad,
Cebu City, Philippines (uc.edu.ph, January 16, 2017). Para sa sumusunod na kabanata, ang
mga
mananaliksik ay gagamit ng UC-B bilang pagpapaikli ng saliting ito.

ABM. Ang kahulugan nito ay Accountancy, Business and Management na strand at


bahagi
ng akademikong track ng K-12 Kurikulum sa Pilipinas (deped.gov.ph, January 19, 2017). Ito

ang tiket sa mundo ng pagnenegosyo (blog.edukasyon.ph, January 19,


2017).
Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masiyasat ang pananaw ng mgaw senior high
school
ABM na mga mag-aaral patungkol sa pagbibili at pagtitinda ng mga produkto o serbisyo o
ang
tinatawag ng mga mananaliksik na “reseller” o “reselling” na pagnenegosyo. Ang pag-aaral
na
ito ay hindi sangkot ang lahat ng mga pananaw ng mga ABM na mag-aaral at limitado
lamang
sa mga kalahok ng pag-aaral. Ito ay magbibigay ng mas malalim na pag-uunawa sa mga
kalahok
ng pag-aaral na ito at kung paano sila nakagawa ng isang pananaw o perspektibo sa
“reselling”
na pagnenegosyo. At dahil lahat ng kalahok ay mga mag-aaral, maaaring may mga

pagkakasalungatan sa kung paano nila nakikita ang mundo ng negosyo, ngunit ito ang
hangarin
ng pag-aaral na ito, ang maunawaan kung bakit nila nakikita ito sa ganoong
paraan.
Buod ng Kabanata

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa layunin ng mga mananaliksik at sa inaasahan


nitong
magkaroon ng masusing pagpapaliwanag at presentasyon sa mga pananaw sa nasabing
kalahok,
at sa pananaw na makapagtatag ng mahusay na mga ideya o kaalaman tungkol sa
“reselling” na
negosyo. Sa kabanata ding ito nabanggit ang paggamit ng “case study approach” sa
pagtitipon
ng mga impormasyon na kinakailangan sa pag-iinterpreta at pagbibigay kahulugan nito. Ito
ay
tumatalakay sa problema na nais matalakay ng mga mananaliksik pati na ang pagkamit ng

masiyasat ang mga pananaw ng Senior High School ABM na mga mag-aaral tungkol sa

“reselling” na pagnenegosyo. Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng isang “case


study”
tungkol sa paksa at magkakaroon ng panayam bilang kagamitan sa pagtamo ng
impormasyon.
Samakatuwid, ang kabanatang ito ay nagbibigay ng plano o estratehiya ng mga
mananaliksik na
gagamitin nito sa pag-aaral. Sa mga susunod pa na kabanata, ang papel na ito ay pag-
uusapan
ang iba’t ibang kaugnay na pag-aaral tungkol sa “reselling” na negosyo at patungkol sa
produkto
o serbisyo na sangkot na rin dito at ang pagkakapareha nito sa kasalukuyang pag-
aaral.

You might also like