You are on page 1of 4

KABANATA I

KALIGIRAN NG PANANALIKSIK

Panimula

Ang kumita ng salapi ay isa sa mga layunin ng maraming tao sa ngayon.

Ginagawa ng karamihan ang lahat ng kanilang makakaya para kumita. Iba’t-iba ang

paraan ng isang tao para kumita. Naiiba ang trabaho depende sa larangang

kinabibilangan ng isang tao. Ngunit, sa lahat ng mga paraan para kumita, may isang

uri ng kabuhayan ang kakaiba at ito ay ang pagnenegosyo.

Ang pagnenegosyo ay isang uri ng kabuhayan na kung saan ay nagpapalitan

ang dalawang grupo ng produkto o serbisyo at salapi. Ito ay isang kilalang kabuhayan

na puwedeng pasukan ng sinumang may kapital. Sa kabila nito, kinakailangan ng

pagsasapanganib ng ating salapi upang ito ay magpatuloy at sumulong. At isa lamang

iyan sa karaniwang problemang kinakaharap ng mga negosyante. Sa anumang

larangan ng pagnenegosyo, sa pagtatayo man o pagpapatakbo, hindi mawawalan ng

problema, at kabilang na dito ang pagpapatakbo ng sari-sari store o tindahan.

Ang sari-sari store ay galing sa terminong pinoy na ‘sari-sari’ na ang ibig

sabihin ay ‘iba-iba’. Ayon sa batikang manunulat ng kasaysayan ay maaaring

nagsimula noong panahon ng dinastiya ng Sung, noong magsimulang magkaroon ng

tradisyon na pagpapalitan ng produkto ang mga Filipino at ang mga Tsino. (Tobias,

2017) Madaming nagpapatayo ng sari-sari dahil mababa lang ang capital na kailangan

dito at bahagi na ito ng kultura at pamumuhay ng mga Pilipino. (De Jong, 2010)

Ang pangunahing operasyon ng isang sari-sari store ay ang pagbebenta ng

iba’t-ibang produkto, sari-sari ika nga, na kadalasang ginagamit ng mga mamamayan.

Kadalasan nabibili sa mga sari-sari store ang mga pangunahing pangangailangan ng


mga mamamayan sa komunidad kaya mahalagang malaman ang mga suliraning

napapaharap sa mga nagnenegosyo nito.

Iba’t-iba ang mga hamong kinakaharap ng mga nagpapatakbo ng sari-sari

store, depende sa sitwasyon ng negosyante. Sa bawat sitwasyon, iba ang problemang

maaaring mapaharap sa kanila. Ngunit hindi pa rin nito maikakaila na kaya nilang

iwasan ang pagkakaroon ng problema.

Sa pagkakataong ito, ang layunin ng pagsasagawang pag-aaral na ito ay ang

malaman ang iba’t-ibang problemang kinakaharap ng mga nagnenegosyo ng sari-sari

store upang matulungan sila, ang barangay at ang mga mamamayan

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga problemang

kinakaharap ng mga nagnenegosyo ng sari-sari store sa Barangay Camasi,

Penablanca, Cagayan. Isinagawa rin ang pag-aaral na ito upang malaman ang mga

solusyon sa problemang kinakaharap nila.

Partikular na hinahanap nang pag-aaral na ito ang kasagutan sa mga

sumusunod na katanungan:

1. Paano nila sinosolusyonan ang mga suliraning kinakaharap nila?

2. Bakit nila naisipang magpatayo ng sari-sari store?

3. Bakit mahirap ang pagnenegosyo sa sari-sari store?

Kahalagahan at Layunin ng Pag-aaral

Mahalagang malaman ang iba’t-ibang problemang kinakaharap ng mga

nagnenegosyo ng sari-sari store upang mabigyan ng kaagapang solusyon at malaman

ang iba’t-ibang paraan kung paano haharapin ang mga problemang ito. Ang mga
resulta ng pag-aaral na ito ay magbibigay ng kaukulang benepisyo sa mga

sumusunod:

Sari-sari store owners. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay magiging gabay ng

mga sari-sari store owners sa pagharap ng iba’t-ibang problema na kanilang haharapin

sa kanilang negosyo.

Mga opisyal ng barangay. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay tutulong sa mga

namumuno sa barangay na malaman ang iba’t-ibang taktika na naglalayong bawasan

ang problema ng mga sari-sari store owners.

Mamamayan. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay magbibigay kamalayan sa

mga mamamayan patungkol sa problemang kinakaharap ng mga sari-sari store

owners at mabibigyan sila ng kaalaman sa mga bagay tulad ng presyo, kita at utang.

Saklaw at Limitasyon

Nakatuon ang pansin ng pag-aaral na ito sa mga problemang kinakaharap ng

mga nagnenegosyo ng sari-sari store.

Batayang Konseptuwal

Kahulugan ng mga Katawagan

Produkto- bagay or serbisyong hatid ng isang negosyo para sa mga mamimili.

Kita- Salapi naiipon ng isang negosyante matapos kaltasin lahat ng kaniyang nagastos

sa negosyo.

Cash Flow- tumutukoy sa pagpasok at paglabas ng salapi sa isang negosyo.


Kapital- Sa pananalapi at pagtutuos (accounting), tumutukoy ang kapital sa yamang

pananalapi, lalo na kung gagamitin sa pagsimula o pagpapanatili ng negosyo.

(https://tl.wikipedia.org/wiki/Kapital_(ekonomika)

Kompetisyon-

Presyo- Halaga ng isang produkto o bilihin.

You might also like