You are on page 1of 6

DEPARTMENT OF EDUCATION

Region XI
DIVISION OF DAVAO DEL NORTE
Araling Panlipunan Grade 9
Ikatlong Markahang Pagsusulit

Pangalan:________________________________ Baitang at Pangkat:________________ Iskor:______

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na mga sitwasyon at katanungan. Piliin ang tamang sagot sa
bawat tanong at itiman ang bilog .

1. Suriing mabuti ang mga sumusunod at tukuyin ang naglalarawan sa paikot na daloy ng ekonomiya?
Ⓐ Gastusin ng Pamahalaan
Ⓑ Importation at Exportasyon
Ⓒ Transaksiyon ng mga Bangko
Ⓓ Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya

2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng simpleng ekonomiya ng unang modelo?


Ⓐ Nakatuon sa pag-iimpok ang gawain ng unang modelo.
Ⓑ Hiwalay ang tungkulin ng bahay-kalakal at sambahayan.
Ⓒ Nakatuon sa pagtatanim ang ginagampanan ng unang modelo.
Ⓓ Ang bahay-kalakal at sambahayan ay iisa na kung saan ang lumilikha ng produkto
ay siya ring konsyumer.

3. Ito ay isang modelo ng pambansang ekonomiya na nakatuon lamang sa sambahayan


na gumagamit ng produkto at bahay-kalakal na gumagawa ng produkto.
Ⓐ Unang Modelo Ⓒ Ikatlong Modelo
Ⓑ Ikalawang Modelo Ⓓ Ikaapat na Modelo

4. Sa ikatlong modelo ng pambansang ekonomiya ay ipinapakita sa sektor na ito ang


pamilihang pinansiyal. Ano ang layunin ng sektor na ito?
Ⓐ Nagsisilbing tagabenta ng produkto.
Ⓑ Nagsisilbing tagapatupad ng batas para sa pamilihan.
Ⓒ Nagsisilbing tagapamagitan ng sambahayan at bahay-kalakal.
Ⓓ Nagsisilbing sektor ng pag-iimpok ng sambahayan at sektor na namumuhunan sa
bahay-kalakal na nakatutulong upang magkaroon ng masusing pagpaplano
para sa hinaharap.

5. Sa anong modelo sa daloy ng ekonomiya kung saan ang pamahalaan ay lumalahok sa


sistema ng pamilihan?
Ⓐ Unang Modelo Ⓒ katlong Modelo
Ⓑ Ikalawang Modelo Ⓓ Ikaapat na Modelo

6. Ito ay isang institusyon na ang layunin ay ang pautangin ng pera ang bahay-kalakal para maging puhunan sa
pagnenegosyo upang magiging matatag ang ekonomiya ng bansa.
Ⓐ Pamahalaan Ⓒ Panlabas na sektor
Ⓑ Bahay-kalakal Ⓓ Pamilihang Pinansiyal

7. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng saradong ekonomiya?


Ⓐ Hindi miyembro ng APEC
Ⓑ Hindi kasali sa United Nations
Ⓒ Hindi makakapasok ang dayuhan sa loob ng bansa
Ⓓ Hindi nakikipag-ugnayan ang ekonomiya ng bansa sa mga dayuhang ekonomiya

8. Ito ay isa mga modelo ng daloy ng ekonomiya na kung saan nakikipagkalakalan ng


produkto at salik ng pambansang ekonomiya sa dayuhang bansa?
Ⓐ Unang Modelo
Ⓑ Ikalawang Modelo
Ⓒ Ikaapat na Modelo
Ⓓ Ikalimang Modelo

9. Upang maitatag ang ekonomiya ay kinakailangang makalikha ng positibong motibasyon


ang mga gawain ng pamalahaan. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng pamahalaan
1
upang makalikom ng public revenue para makagawa ng proyekto at programa para sa bansa?
Ⓐ Pagbebenta ng reserves sa market.
Ⓑ Pagpupundo sa alkansya ng mga nalikom na savings.
Ⓒ Pagbibigay ng financial assistance para sa mahihirap.
Ⓓ Pagsisingil ng buwis sa mga mamamayan o sektor na kumikita sa hanapbuhay.

10. Sa ikalimang modelo ng pambansang ekonomiya makikita ang galaw ng panlabas sektor.
Ano ang proseso ng pagluluwas na ginagampanan ng bahay-kalakal ng bansa?
Ⓐ Pagbili ng ukay-ukay sa night market.
Ⓑ Pagdodonate ng pera para sa Gawad Kalinga.
Ⓒ Pagpapadala ng pera sa Pera Padala Pawnshop.
Ⓓ Pagbebenta ng saging sa Japan dahil mataas ang demand nito sa naturang bansa.

11. Ang Gross National Income (GNI) ay tumutukoy sa pagsukat ng halaga ng mga tapos o nabuong produkto at
serbisyo sa loob ng bansa pati na rin ang kinikita ng mga Overseas Filipino Workers (OFW). Ano ang kaibahan
ng Gross Domestic Product (GDP) dito?
Ⓐ Sinusukat lamang ng GDP ang kita ng mga negosyante sa loob ng bansa.
Ⓑ Sinusukat lamang ng GDP ang kita ng mga illegal vendors sa loob ng bansa.
Ⓒ Sinusukat lamang ng GDP ang bahagdan ng nagastos ng mga nag-oonline shopping.
Ⓓ Sinusukat lamang ng GDP ang tapos o nabuong produkto at serbisyo sa loob ng bansa.

12. Maraming paraan ang pag-sukat ng Gross National Income (GNI) at isa na dito ang Expenditure Approach.
Gamit ito, alin sa mga sumusunod ang dahilan bakit kinakailangang alamin ang pinagkakagastusan ng mga
sektor na sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan at panlabas na sektor?
Ⓐ Upang mas mapangalagaan ang karapatan ng mga mamimili sa paggastos.
Ⓑ Upang maayos ang liquidation ng gastos at kita ng lahat ng sektor ng ating bansa.
Ⓒ Upang magkaroon ng transparency at balanse ang daloy ng gastos at kita ng ating bansa.
Ⓓ Upang magkaroon ng kamalayan ang ating bansa na hindi nakabubuti ang labis na pangungutang.

13. Isa sa mga tinitingnan ng Income Approach ay ang depresasyon na kung saan bumababa
ang halaga ng yamang pisikal. Ano sa palagay mo ang dahilan sa pagbaba ng halaga ng mga yamang pisikal
kagaya ng cellphone?
Ⓐ Madaling masira ang cellphone kapag laging nilalaro ng games.
Ⓑ Nababawasan ang battery ng cellphone kapag laging nakacharge.
Ⓒ Ang pagkaluma at tuloy-tuloy na paggamit ng cellphone sa paglipas ng panahon.
Ⓓ Napupuno ang memory ng cellphone dahil sa social media applications na na-download.

14. Si Aling Cory ay pumunta ng Tagum Trade Center para bumili ng bagong susuoting pangsimba. Naisipan niyang
bumili ng damit sa ukay-ukay kaysa sa local brands na damit dahil mas makakamura siya rito. Sa tingin mo,
nakatutulong ba sa paglago ng pambansang ekonomiya ang pagtangkilik niya sa ukay-ukay?
a. Ⓐ Oo, dahil nagbabayad naman ng buwis ang nagtitinda ng ukay-ukay.
b. Ⓑ Oo, dahil nakakamura ang mga taong bumibili sa mga aytem na tinitinda rito.
Ⓒ Hindi, dahil nasasapawan nito ang mga nagtitinda ng mga damit na nasa Malls.
Ⓓ Hindi, dahil ang pangtangkilik ng sariling produkto ay mas nakatutulong sa ating pambansang ekonomiya
para mahikayat rin ang ibang tao na maging local entrepreneurs.

15. Kamakailan lang ay nakaranas ang ating bansa ng inflation at isa sa mga naidulot nito ay ang biglang pagtaas
ng presyo ng sibuyas. Sa tingin mo, nakatulong ba ang labis na pag-aangkat (import) ng sibuyas sa paglago ng
kabuhayan ng mga lokal na magsasaka?
Ⓐ Oo, dahil hindi magiging masarap ang lulutuin ni Nanay kapag walang sibuyas.
Ⓑ Oo, dahil hindi kaya ng lokal na magsasaka na tugunan ang demand ng konsyumers sa sibuyas.
Ⓒ Hindi, dahil mahihirapan ang mga nagtitinda ng lokal na produktong sibuyas na kumita.
Ⓓ Hindi, dahil hindi kikita ng malaki ang lokal na magsasaka sa pagbebenta ng sibuyas dulot ng kompetisyon
ng imported na sibuyas sa merkado.

16. Isa sa mga nagpapahirap sa mga mamamayang Pilipino ay ang labis na pagtaas ng presyo ng mga
pangkalahatang bilihin na tinatawag na implasyon. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng dahilan ng
pagkakaroon ng implasyon?
Ⓐ Pagtaas ng suplay ng salapi.
Ⓑ Pagpataw ng buwis ng pamahalaan.
Ⓒ Pagbaba ng kita ng mga negosyante.
Ⓓ Pagiging gastador ng mga mamamayan.

17. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naglalarawan ng layunin ng Consumer Price Index?
Ⓐ Paraan ito upang masukat ang pagbabago ng presyo ng mga pagkain na nasa palengke.
Ⓑ Paraan ito upang masukat gaano kalaki ang naitaas na presyo ng produktong sibuyas.
Ⓒ Paraan ito upang mapag-aralan ang pagbabago ng presyo noong mga nakaraang panahon hanggang
ngayon.
2
Ⓓ Paraan ito upang mapalawak pa ang negosyo ng mga oil companies hindi lang sa ating bansa pati na rin sa
ibang panig ng mundo.

18. Alin sa mga sumusunod ang naglalahad ng SALUNGAT na konsepto ng implasyon?


Ⓐ Pagbaba ng presyo ng bilihin sa Merkado.
Ⓑ Pagtaas ng presyo ng karne sa meatshop.
Ⓒ Pagtaas ng presyo ng sibuyas linggo-linggo.
Ⓓ Kakaunti lamang ang may kakayahang makabili ng karne sa palengke.

19. Isa sa mga dahilan ng implasyon ay ang demand pull. Alin sa mga pahayag ang naglalarawan sa konsepto ng
demand pull?
Ⓐ Pagtaas ng suplay ng pangunahing pangangailangan.
Ⓑ Pagbaba ng demand ng karne na nagreresulta pagkasayang nito.
Ⓒ Pagtaas ng demand ng pangunahing pangangailangan kagaya ng bigas.
Ⓓ Pagkakaroon ng shortage sa pamilihan dulot ng pagtaas ng aggregate demand na hindi katumbas ng
produksiyon.

20. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita sa epekto ng implasyon?


Ⓐ Pagtaas ng halaga ng piso.
Ⓑ Pagtangkilik sa mga produktong ukay-ukay.
Ⓒ Pagbaba ng supply ng bigas dulot ng malaking demand.
Ⓓ Pagtaas ng demand o ang paggasta dahil sa pagtaas ng supply ng salapi kaya mahahatak ang presyo
paitaas.

21. Ang kalagayang ito ay tumutukoy sa pataas na paggalaw ng presyo, pagbaba ng halaga ng salapi na may
negatibong epekto sa tao.
Ⓐ Deplasyon Ⓒ Produksiyon
Ⓑ Implasyon Ⓓ Paghihirap

22. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagsasaad ng dahilan ng implasyon?
Ⓐ Pagtaas ng suplay ng bigas
Ⓑ Pagtaas ng suplay ng salapi
Ⓒ Pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar
Ⓓ Pagdepende sa importasyon

23. Ano ang maaaring dahilan ng pag-usbong ng implasyon sa ating bansa?


Ⓐ Pagtaas ng supply ng salapi
Ⓑ Pagtaas ng halaga ng salapi
Ⓒ Pagkakaroon ng utang sa bangko
Ⓓ Pagkakaroon ng 50% off sa mga presyo ng appliances.
24. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng epekto ng implasyon?
Ⓐ Pagtangkilik sa mga produktong ukay-ukay.
Ⓑ Pagbaba ng supply ng bigas dulot ng malaking demand.
Ⓒ Kakaunti lamang ang kayang mabili ng mga tao sa pamilihan.
Ⓓ Pagtaas ng paggasta dahil sa pagtaas ng supply ng salapi kaya mahahatak ang presyo paitaas.

25. Paano nasusukat ng Consumer Price Index (CPI) ang pagtaas ng presyo?
Ⓐ Nasusukat nito ang kagustuhan ng consumers.
Ⓑ Nabibilang nito kung ilang ang consumers ang umaayon sa presyo ng produkto.
Ⓒ Tinitingnan ang halaga ng mga produktong ito upang masukat ang bilis at laki ng pagbabago ng presyo.
Ⓓ Tinitingnan nito kung gaano kalaki ang bahagdan ng demand ng mga taong bumibili ng produktong
napabilang sa basket of goods.

26. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng ginagampanan ng Patakarang Piskal?


Ⓐ Pangungutang ng pera sa World Bank.
Ⓑ Pagpaplano ng kongreso kung paano hahatiin ang budget.
Ⓒ Pagpapataw ng buwis ng Department of Budget and Management (DBM).
Ⓓ Masusing pagpaplano ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis, paghahati at pagpaplano sa
budget na kinakailangang gamitin ng bansa.

27. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng layunin ng Expansionary Fiscal Policy?


Ⓐ Pagbibilang ng kita ng buong bansa.
Ⓑ Pagpapataas ng interes ng bangko sa mga umuutang.
Ⓒ Pagpapalabas ng mga batas na nagbabawal sa pagbebenta ng produkto sa ibang bansa.
Ⓓ Ginagawa ito ng pamahalaan upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya sa pamamagitan ng paggasta
sa mga proyektong pampamahalaan o pagpapababa ng buwis.

28. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng SALUNGAT na layunin ng Contractionary Fiscal Policy?
3
Ⓐ Pagpatong ng karagdagang buwis.
Ⓑ Pagbili ng mas maraming gadgets sa Japan.
Ⓒ Pagpapataas sa pangkalahatang presyo ng mga bilihin.
Ⓓ Pagpatong ng mas malaking interest sa mga umuutang sa bangko.

29. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng layunin ng Department of Budget and Management (DBM)?
Ⓐ Paglilista ng bibilhin sa pamilihan.
Ⓑ Pagbili ng produkto sa bahay-kalakal.
Ⓒ Pagsisingil ng buwis sa mga mangangalakal
Ⓓ Pagpapatupad sa pambansang badyet upang matingnan ang pagkagastuhan ng pamahalaan sa loob ng
taon.

30. Isa sa mga tinitingnan ng ating pamahalaan ay ang kapakanan ng mga tao lalong-lalo na sa ang aspektong
pangkalusugan. Sa tingin mo, kinakailangan pa bang bigyang prayoridad ng pamahalaan ang kalusugan ng mga
mamamayan sa pamamagitan ng alokasyon ng pundo upang mapalakas ang medical services kahit na
bumababa ang kaso ng nagkakasakit ng COVID-19?

Ⓐ Hindi, dahil hindi na takot ang tao sa COVID-19 gaya dati.


Ⓑ Hindi, dahil hindi naman nagbabayad ng buwis ang lahat ng mamamayan.Oo, dahil ang pagtaas ng kaso ng
COVID-19 ay nakakatakot.
Ⓒ Oo, dahil ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay nakakatakot.
Ⓓ Oo, dahil isa sa mga tinitingnan kung gaano kaunlad ang bansa ay ang mababang kaso ng mortality rate na
dapat tugunan ng pansin at lunas maliban sa COVID-19.

31. Alin sa mga sumusunod na uri ng bangko na kung saan ito ay pag-aari ng pamahalaan na itinatag upang
tumugon sa mga tiyak na layunin ng pamahalaan lalong lalo na ang programang pansakahan?
Ⓐ Thrift Bank
Ⓑ Specialized Government Banks
Ⓒ Land Bank of the Philippines (LBP)
Ⓓ Development Bank of the Philippines(DBP)

32. Ang pamahalaan ay gumagawa ng mga patakaran upang tugunan ang mga problema at isyung kinakaharap
nito,lalong lalo na ang suliraning pang-ekonomiya. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng layunin nga
pamahalaan sa pagpapatupad ng expansionary money policy?
Ⓐ Mahikayat ang mga negosyante na pababaan ang produksyon ng suplay.
Ⓑ Mahikayat ang mga negosyante na palakihin pa o magbukas ng bagong negosyo.
Ⓒ Pagpapababa ng pamahalaan sa interes sa pagpapautang.
Ⓓ Pagpapataas ng pamahalaan sa interes sa pagpapautang.

33. Ang patakarang pananalapi ay ipinapatupad bilang Expansionary at Contractionary Money Policy. Sa paanong
paraan naipapakita ang pagkakatulad ng layunin ng dalawa?
Ⓐ Ipinatupad ito upang mapasigla ang daloy ng pera sa ekonomiya.
Ⓑ Ipinatupad ito upang maunawaan ang sitwasyong pinansiyal ng bansa.
Ⓒ Ipinatupad ito upang maging paraan upang mapangasiwaan ng wasto ang kakayahang pinansiyal ng bansa.
Ⓓ pinatupad ito upang maglalayong magkaroon ng pundo upang ipapautang sa lahat ng nagnanais umutang.

34. Anong konsepto ang naglalarawan sa mga gawain tulad ng pagbili ng kagamitan at mga salik ng produksyon?
Ⓐ Demand
Ⓑ Pamumuhunan
Ⓒ Pag-iimpok
Ⓓ Suplay

35. Sa patakarang pananalapi ng isang bansa, mahalaga ang papel na ginagampanan ng bawat institusyon. Alin sa
mga sumusunod na mga pahayag ang nagsasaad sa mahalagang papel na ginagampanan nito?
Ⓐ Nagiging daan sa pagkakaroon ng daloy ng pananalapi ng bansa.
Ⓑ Nakapagbibigay ng puhunan sa mga negosyanteng nais mangutang upang pandagdag sa puhunan.
Ⓒ Nagkakaroon ng pag-iingat at nakapagpapatakbo ng wastong proseso sa loob ng ekonomiya sa paglawak ng
salapi.
Ⓓ Nagkakaroon ng isang organisado at maayos na proseso sa pagpapatakbo ng ekonomiya ng bansa lalong
lalo na ang kalakalang panlabas.
36. Ang mga pahayag sa ibaba ay nagsasaad ng layunin at gawaing pang-ekonomiya. Alin sa mga ito ang HINDI
orihinal na gawaing pang-ekonomiya?

4
Ⓐ Pagpapataas ng kita
Ⓑ Pagpapalago ng produksyon
Ⓒ Pag-iimpok at pamumuhunan
Ⓓ Pamimili at paglikha ng produkto

37. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakamahalagang pinagagamitan ng pera?


Ⓐ Ginagamit sa pagpapalago ng negosyo
Ⓑ Ginagamit upang matupad ang mga pangarap sa buhay
Ⓒ Ginagamit upang maubos at kumita pa ng mas maraming pera
Ⓓ Ginagamit sa pagbili ng mga kinakailangan upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan.

38. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang sa kahalagahan ng savings?
Ⓐ Upang maitago nang matagal ang pera at hindi ito magagastos
Ⓑ Upang may mailagak sa mga financial intermediaries tulad ng bangko
Ⓒ Upang ang mga nangungutang ay may magagamit sa pagpapalago ng kanilang mga asset at mga negosyo
Ⓓ Upang magamit ng mga bangko ang ipon ng mga indibiduwal sa pagpapautang at pagpapahiram sa mga
gustong mangutang.

39. Kung ikaw ay may lingguhang allowance na php100.00. Magkano ang maaari mong ilaan bilang impok kung
may kabuuang gastos kang 65%?
Ⓐ PHP15.00
Ⓑ PHP25.00
Ⓒ PHP35.00
Ⓓ PHP65.00

40. Mahalaga ang pag-iimpok upang mapaghandaan ang kinabukasan. Ano ang pinakaangkop gawin upang
masiguro na ikaw ay may maiimpok?
Ⓐ Income+ expenses= savings
Ⓑ Income+ savings= expenses
Ⓒ Income- expenses= savings
Ⓓ ncome-savings = expenses

5
6

You might also like