-Ang presyo ang isa sa mga salik na nakakaapekto sa suplay
ng pagkain sa tahanan, lalo sa panahon ng pandemya ngayon. Habang tumataas ang presyo ng mga bilihin ay bumababa naman ang suplay na may roon tayo sa ating tahanan. Masasabi kong isa itong malaking epekto sa atin dahil ang pipiliin ng mga mamimili ay ang mas murang bilihin kesa sa mas mahal dahil pipiliin natin ang pagiging praktikal lalo na ngayon na nakalimit lamang ang ating budget. Ang Teknolohiya naman ay mas umunlad ngayon lalo na at hindi tayo maaaring magsagawa ng face to face classes, mas nagamit natin sa panahon ngayon ang teknolohiya upang makapagkonekta sa mga kaibigan/ kapamilya o kaklase natin na nasa malayong lugar. Kailangan natin ito upang mas mapadali ang mga Gawain.
PATUNAYAN MO!
Tanong: Bakit mahalagan malaman ang Batas ng Suplay para sa isang
mamimiling tulad mo at gayundin sa isang negosyanteng tulad ng nagtitinda sa sari-sari store malapit sa inyo.
-Mahalagang malaman ng isang mamimiling katulad ko ang Batas
ng Suplay dahil para malaman kung saan dapat magtabi ng pera na pambibili at malaman kung saan dapat gumastos ng maayos naaayon sa budget at upang mas makatipid. Mahalaga naman itong malaman ng negisyante upang hindi ito malugi at upang malaman kung kalian dapat magtaas at magbaba ng presyo.
IKAW MUNA ANG EKONOMISTA!
1. Tataas ang presyo nito ngunit bababa ang demand dahil
matitigil ang pagmamanufacture nila ng kanilang mga produkto katilad ng electric motorcycle. 2. Tataas ang presyo dahil alam na ng negosyante na dadayuhin ito ng mga tao upang makabili lang ng damit na katulad sa kanilang iniidolo. Makikinabang ang negosyante sa pagdami ng kanyang costumer at tataasan ang presyo ng mga ito at para din mas mapaganda pa ang quality nito. 3. Sa tingin ko ay bababa ang presyo nito dahil kadalasan sa mga kumpanyang nagbebenta at gumagawa ng cellphone, habang tumatagal sa mall ang mga gadget na ito ay naluluma at nagkakaroon ng bagong modelo ng brand. Kaya para sa mamimili mas maganda nang bumili ng mas bagong cellphone kaysa sa mas luma na pareho din ang presyo pero para naman sa mga kapos sa pera, bibilhin nito ang mga mas nakakamura upang mas makatipid.