You are on page 1of 4

AP REVIEWER

Lesson 1 Pagkonsumo
-Ang lahat ng tao ay konsumer
-Simula pag ka bata palang ng tao ay siya ay konsumer na
-Ang napakaraming pangangaylangan at kagustuhan ng tao ay ang dahilan kung bakit may pagkonsumo
Adam Smith – gumawa ng “An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations”
MGA SALIK NA NAKAKA APEKTO SA MAG KONSUMO
 Pagbabago ng presyo
- Mas tinatangkilik ng mga mamimili ang produkto o serbisyo kapag mura dahil mas marami silang
mabibili. Kaunti naman ang kanilang ma bibili kung mataas ang presyo
 Kita
- Habang lumalaki ang kita ng tao ay lumalaki rin ang kaniyang kakayahan na kumonsumo ng mga
produkto at serbisyo. Ang pagbaba naman ng kita ay nangangahulugan ng pagbaba ng kakayahang
kumonsumo
 Inaasahan
- Ang mga inaasahang mangyayari sa hinaharap ay nakakaapekto sa pagkonsumo sa kasalukuyan
 Okasyon
- pag mayroong okasyon mas lumalaki ang pag konsumo sa isang espesipikong produkto
 Pagkakautang
- kapag ang tao ay maraming utang nilalaan nila ang pera nila dito kayat kaunti na lang ang nalalaan
nila sa pag konsumo
 Demonstration effect
- mas maraming na konsumo sa isnag produktong sikat at “trending”
 Anunsyo
- Ito ay pamamaraan upang hikayatin ang mga konsyumer na tatangkilikin ang isang produkto
 Brand
- Ang tatak ng isang produktong kilala na o matagal nang pinagkakatiwalaan ng mga mamimili ay
ginagamit sap ag-aanunsyo dahil madali itong makaakit ng atensyon
 Panahon
- naaapektohan ng panahon ang pag konsumo dahil iba-iba ang kinokonsumo sa bawat panahon
 Kaisipang kolonyal
- tinatangkilik ng mga pilipino ang mga produktong banyag hindi dahil sa kanilang kalidad ngunit
para tumaas ang tingin sakanila ng mga tao o status symbol
 Rehiyonalismo
- mas tinatangkilik ang mga produkto mula sa sariling rehiyon o lalawigan
 Kultura at tradisyon
- may malaking impluwensya ang paniniwala o trdisyon sa kanilang pag konsumo
URI NG ANUNSYO
 Testimonial
- Binabayaran ang isang kilalang tao upang mag-endorse ng isang produkto
 Scary
- Pinapakita dito ang negatibong epekto kapag hindi tinangkilik ang isang produkto
 Bandwagon
- Pinapakita dito na madami nang tao ang gumagamit sa produktong ito at ito ay pinagkakatiwalaan
na
Lesson 2 Karapatan at tungkulin ng mga Mamimili
Republic Act 7394 o Consumer Act
1. Kaligtasan at proteksyon ng mga mamimili laban sa panganib sa kalusugan at kaligtasan
2. Proteksyon laban sa mapanlinlang at hindu makatarungang gawaing maykaugnayan sa operasyon ng
mga negosyo at industriya
3. Pagkakataong madinig ang reklamo at hinaing ng mga mamimili
4. Representasyon ng kinatawan ng mga samahan ng mamimili sa pagbalangkas at pagbuo ng mga
patakarang pangkabuhayan at panlipunan
KARAPATAN NG MAMIMILI
 Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
- Karapatan na matugunan ang kaniyang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain,
tahanan, at kasuotan.
 Karapatan sa kaligtasan
- Karapatan na mabigyan ng mga produkto at serbisyo na ligtas at hindi makakasama para sa
kalusugan o kapakanan
 Karapatan sa patalastas/tamang impormasyon
- Karapatan na mabigyan ng tamang impormasyon hinggil sa produkto o serbisyo na ginagamit
 Karapatan sa pagpili
- Karapatan na pumili ng anumang produkto o serbisyo ng malaya
 Karapatang dinggin
- Karapatang matiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isaalang-alang sa paggawa at
pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan
 Karapatang mabayaran at matumbasan sa anumang kapinsalaan
 Karapatan na maturuan tungkol sa pagiging matalinong mamimili
- Karapatan na mabigyan ng wastong impormasyon at edukasyon upang mas magkaroon ng idea sa
karapatan bilang isang mamimili
 Karapatan sa isang malinis na kapaligiran
- Karapatan na mabuhay sa isang maayos, malinis, at ligtas na kapaligiran
5 PANANAGUTAN NG MGA MAMIMILI
1. Mapanuring kamalayan
2. Pagkilos
3. Pagmamalasakit na panlipunan
4. Kamalayan sa kapaligiran
5. Pagkakaisa
4 PAMANTAYAN SA PAMIMILI
1. Mapanuri
- Sinusuri ang produktong bibilhin bago ito bilhin
2. May alternatibo o pamimili
- Marunong humanap ng pamalit sa bagay na wala o di man hindi na maganda ang kalidad na dating
binibili
3. Hindi nagpapadaya
- Laging handa, alerto, at mapagmasid sa mga maling Gawain lalo sa pagsusukli at paggamit ng
timbangan
4. Makatwiran
- Dapat inuuna ang mga bagay na pinaka mahalaga
Lesson 3 Sistema ng Pamahalaan
URI NG PAMILIHIN
 Kompetisyon
- Kung maraming produsyer ang isang produkto, magpapaligsahan ang mga ito upang makaakit ng
mga mamimili nang sa gayon, maging mabili ang kanilang produkto
 Oligopolyo
- Limitado ang kompetisyon at kung mayroon man, iyon ay sa kalidad ng produkto, mga
karagdagang serbisyo at iba pa. kadalasan, walang kompetisyon sa presyo sapagkat nagkakaroon
ng "kasunduan" ang mga produsyer na magtatakda lamang sila ng iisang presyo.
 Monopolyo
- Kapag may monopolyo o iisang tagapagsuplay lamang sa pamilihan, higit na malaki ang
pagkakataon ng monopolista na makontrol ang presyo o ang dami ng produktong kanyang
ipagbibili upang magiging kapakipakinabang sa monopolista, kadalasang kinokontrol nito ang dami
ng produktong sinusuplay niya sa pamilihan.
Kartel
-
Isang pormal na kasunduan sa pagitan ng mga bahay-kalakal na itakda ang presyo o ang dami ng
produksyon.
MGA INTERBESYON SA PRESYO
 Buwis
- Bahagi ng gastos sa paggawa ng produkto ang buwis na ipinapataw sa mga salik ng
produksyon.kung halimbawang inaangkat ang kagamitang panangkap sa paggawa ng
produkto,ipinagbabayad ito ng buwis na ipinapataw, higit na tumaas ang presyo ng produkto.
 Anti-Profiteering Law
- Sa batas na ito, pinahihintulutan ang pamahalaan na magtakda ng maximum price sa mga
produktong tumutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng pagkain.
 Price Stabilization Policy
-
Ito ang direktang pagbibili ng produkto mula sa mga produsyer nito, tulad ng ginagawa ng national
food administration sa mga palay ng magsasaka; at pagtatakda ng presyo sa mga bilihin
MGA PARAAN SA PAGPAPATATAG NG PRESYO
 Guaranteed Price to Farmers
- Sa sistemang ito, malimit na bumibili ng palay sa mga magsasaka ang pamahalaan sa itinakdang
halaga. Tinatawag itong farm support price.
 Price Control
- Ipinatutupad ito sa panahon ng emergency kung saan may malaking kakulangan at kakapusan ang
pamahalaan, gumagawa ng paraan upang makontrol ang pagtaas ng presyo lalung-lalo na ng mga
produktong tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao.
 2 Artipisyal na Kakapusan
1. Kakapusan ng suplay
Ito ang pagkakataon na iniiwan ng mga mangangalakal ang kanilang negosyo dahil sa takot na
malugi sa negosyong kanilang pinasukan.
2. Unreasonable Precautionary Demand
Bumibili ang mga tao ng higit sa kanilang pangangailangan dahil sa takot na maubusan o maabutan
ng pagtaas ng presyo ng produkto. Tinatawag itong panic buying.
 Pagrarasyon
- Bukod sa pagkontrol sa presyo, maaari ring magpairal ang pamahalaan ng pagrarasyon ng
produkto upang magkaroon ng pantay na distribusyon ng limitadong produkto.
 Black Market
- Bagaman may pagkontrol sa presyo kung may kakulangan sa suplay, may mga mapagsamantalang
tindera na palihim na nagbibili ng produkto sa higit na mataas ang presyo kaysa itinakda ng
pamahalaan.

You might also like