You are on page 1of 8

Pagkonsumo - Pagbili, paggamit, o pag-ubos ng mga produkto at serbisyo

na siyang nakapagbibigay ng kasiyahan at pangangailangan sa mga mamimili


o gumagamit nito.

Uri ng Pagkonsumo
1. Produktibong Pagkonsumo
 maituturing na produktibo kapag ang produkto ay ginagamit o
kinokonsumo upang makabuo ng iba pang kapaki-pakinabang
produkto.
2. Tuwirang Pagkonsumo
 Tuwiran kapag ang taong gumagamit ay nasisiyahan kaagad o
natatamo kaagad ang kaniyang mga pangangailangan.
3. Maaksayang Pagkonsumo
 Pagkonsumo ay sobra mula sa kaniyang pangangailangan o
kagustuhan, ito ay nagiging maaksaya.
4. Mapanganib o Nakapipinsalang Pagkonsumo
 Nakapipinsala ang pagkonsumo kapag ito ay maaaring maging banta
sa kalusugan ng tao.
5. Lantad na Pagkonsumo
 Ang pagkonsumo ay lantad kung gumagamit lamang ng mga
produktong mamahalin kapag may ibang taong kaharap.

Salik na Nakakaimpluwensiya sa Pagkonsumo


1. Presyo
 Halaga ng mga produkto at serbisyo.
 Isa sa pangunahing salik na nakakaapekto sa pagbili.
2. Kita
 Salaping tinatanggap ng manggagawa katumbas ng ginawang
produkto o serbisyo.
 Malaki ang kinalaman sa pagkonsumo.
 Ernst Engel - ekonomistang german.
 Engel’s Law - malaking bahagdan ng kita ng tao ang inilalaan
sa pagkonsumo ngmga pangunahing pangangailangan tulad ng
pagkain kapag maliit ang kita.
3. Okasyon
 Tumutukoy sa mahahalagang pangyayari sa buhay ng tao.
 Ito ay bahagi na ng kultura.
4. Pag-aanunsiyo
 Isang pamamaraan upang hikayatin ang mga konsyumer na
tangkilikin ang isang produkto.
5. Pagpapahalaga ng Tao
 Ugali ng tao ay nakaiimpluwensiya sa kaniyang pagkonsumo.
 Ang kaniyang pagiging matipid o gastador ay nakadepende sa kung
ano ang kaniyang mas pinapahalagahan.
6. Panahon
 Dahil sa pabago-bagong panahon ang mga pangangailangan at
kagustuhan ng tao ay nagbabago narin.
7. Panggagaya
 May mga mamimili na bumibili ng mga produkto na ginagamit ng
kapatid, kaibigan, kapitbahay, artista, atbp.
8. Panlasa
 Tumutukoy sa nais mong makamit batay sa iyong panlasa o
kagustuhan.
Mga Batas ng Pagkonsumo
1. Batas sa Pagkakaiba-iba (Law of Variety)
 Higit na nakapagbibigay ng kasiyahan sa tao ang pagbili o
paggamit ng iba’t ibang mga produkto.
2. Batas ng Pagkabagay-bagay (Law of Harmony)
 Higit na nasisiyahan ang tao kapag magkakomplementaryo.
 Nagnanais bumili ng mga produkto na babagay sa isa’t isa.
3. Batas ng Imitasyon (Law of Imitation)
 Higit ang nadaramang kasiyahan ng isang tao kapag gumagamit ng
mga produkto o serbisyo na ginaya mula sa iba.
4. Batas ng Kaayusang Ekonomiko (Law of Economic Order)
 Makakamit ng tao ang kasiyahan kapag nakapagpasiya siyang
bigyan ng prayoridad ang mga bagay na kailangan o mahalaga.
 Higit ang kasiyahang nadarama kapag nagawa niyang matalino ang
pagpapasiya ukol sa pagkonsumo.
5. Batas ng lumiliit na pakinabang (Law of Diminishing Utility)
 Ang kabuuang kasiyahan ng tao ay tumataas sa bawat pagkonsumo
ng produkto ngunit kapag ito’y nagkasunod-sunod, ang karagdagang
kasiyahan ay paliit na nang paliit bunga ng pagkasawa sa paulit-ulit
na paggamit ng iisang produkto lamang.
 Utility - sukat ng kasiyahan sa pagkonsumo ng produkto.
 Marginal Utility - karagdagang kasiyahan ng indibidwal sa
pagkonsumo ng isang karagdagang yunit ng produkto.
 Total Utility - kabuuang kasiyahan na nakukuha sa pagbili at
paggamit ng mga produkto at serbisyo.
Impluwensiya ng Kulturang Pilipino sa Pagkonsumo
1. Kaisipang kolonyal - maraming pilipino ang naniniwalang nakahihigit
sa tibay at ganda ang mga bagay na imported.
2. Pakikisama - bumibili ang mga pilipino sa suki, kaibigan, o kakilala.
3. Rehiyonalismo - ano mang kalakal na may tatak pook.
4. Hospitalidad - nadaragdag sa konsumo ng mga pilipino ang mga bagay
na kahit hindi nila kaya o gustong bilhin ay bibilhin nila kapag may
bisita.
5. Utang na loob - dagdag sa konsumo ng mga pilipino ang inaalok ng
isang pinagkakautangan ng loob.
6. Pagpapahalaga sa Edukasyon - isang bagay na pinagkakagastahan na
ipinangungutang pa ng Pilipino ay ang edukasyon.
7. Kalinisan sa Katawan - mga pilipino ay likas na malinis sa kanilang
pangangatawan.
8. Pakikipagsapalaran - mahilig tumaya sa loterya.

Demand
 Kakayahan + kagustuhan
 Tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyong gusto at kayang bilhin
 Kakayahan at kagustuhan ng tao na makamit at bilhin ang isang produkto
 Malaki ang kinalaman ng presyo sa pagtatakda ng demand ng mga mamimili
Presyo
 pinakamahalagang nagtatakda sa dami ng demand
 Halagang dapat ibayad para sa yunit ng output
 Independent variable sa demand function

Law of Demand
 Naglalarawan ng pag-uugali ng konsyumer sa pagtugon sa mga pagbabago sa
presyo
 Kapag tumaas ang presyo ng produkto, bababa ang dami ng demand
Income Effect
 Nababawasan ang nabibili kapag tumaas ang presyo
Substitution Effect
 Paghahanap ng alternatibo o kapalit ang konsyumer kapag tumaas ang presyo ng
probduktong bibilhin.
Batas ng demand
 Isinasaad dito na habang tumataas ang presyo o serbisyo, kakaunti lamang ang
mamimili na may kakayahang bumili, samantalang kapag ang presyo ay mababa,
and demand ay tumataas
Demand Curve
 Grapikong naglalarawan ng di-tuwirang relasyon ng dami at presyo
Demand Function
 Paggamit ng ekwasyon upang ipakitaang relasyon ng dami at presyo
Demand Schedule
 Talahanayan ng dami at kayang bilhin ng mamimili sa iba't ibang presyo sa isang
takdang panahon
Ceteris Paribus
 Salitang griyego na nangangahulugang "other things remain constant except price"
 kapag mababa ang presyo ng isang produkto, mataas ang demand. Kapag naman
mataas ang presyo ng isang produkto, mababa ang demand nito

VARIABLE NA HINDI PRESYO NA NAKAKAIMPLUWENSIYA SA DEMAND

1. Populasyon o bilang ng mamimili


 kapag dumarami ang populasyon, mas marami ang konsyumer kaysa sa
produkto o serbisyo kahit na ang presyo ay nananatili
2. Kinikita
 ang mataas na antas ng kinikita ay nagpapahiwatig ng mas malaking kapasidad
upang makabili ng mas maraming produkto o serbisyo kahit na ang presyo ay
nananatili.
3. Panlasa
 ang desiyon ng konsyumer upang bumili ng kalakal o paglilingkod ay
dumedepende sa kaniyang panlasa. Kung nauuso ang produkto o serbisyo,
tumataas ang demand nito kahit nanatili ang presyo.
4. Presyo ng kapalit at kaugnay na kalakal (ballpen-lapis)
 ang demand sa produkto o serbisyo ay naiimpluwensiyahan ng presyo ng
kapalit (substitue) o kaugnay (complement) na produkto o serbisyo. Kung
tumaas ang presyo ng isang produkto, bumibili ang konsyumer ng kapalit na
produkto (substitue goods) na mas mura.
5. Distribusyon ng kinikita ng mga sambahayan
 ang pagbubuwis ay isang paraanupang ilipat ang kinikita ng isang
sambahayan sa iba.
 Ang pagbawas ng buwis o dagdag na exemptions sa mga maraming anak
6. Ispekulasyon tungkol sa magiging presyo ng kalakal
 kapag inaasahang tataas ang presyo, magiimbak sila upang hindi maapektuhan
sa pagtaas ng presyo.
7. Okasyon
8. Panahon o klima

Suplay
 tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gustong ipagbili ng prodyuser sa
pamilihan sa isang takdang panahon sa ibat-ibang presyo.
 pagnanais + kakayahan ng mga prodyuser o suplayer ang bataya sa pagtatakda ng
suplay sa pamilihan.
Law of Supply
 naglalarawan ng pag-uugali ng prodyuser sa pagtugon sa mga pagbabago ng presyo.
 kapag tumaas ang presyo ng produkto o serbisyo, tumataas din ang dami ng suplay
(quantity supply) para dito. ngunit kapag bumaba ang presyo ng produkto o
serbisyo, bumababa rin ang dami ng suplay (quantity supply). ito ay kung ang ibang
variable na nakaiimpluwensiya sa suplay ay nakapirmi lamang o hindi nagbabago.

Iskedyul ng Suplay - talahanayang nagpapakita kung gaano karaming produkto o


serbisyo ang nais iprodyus ng prodyuser sa ibat-ibang presyo.
Ceteris Paribus - kapag mababa ang presyo ng isang produkto, mataas ang demand.
Kapag naman mataas ang presyo ng isang produkto, mababa ang demand nito.

Mga Salik na Nakakaapekto sa Suplay


1. Dami ng Prodyuser - kapag maraming kalakalan (firms) ang mabebenta sa
pamilihan (market), marami ang magapoprodyus sa ibat-ibang mapagpipiliang
presyo kaya tataas ang suplay. Gayundin, baba ang suplay kung mrami ang
kalakalan ang uamlis sa pamilihan.
2. Presyo ng mga Input/Gastos ng Produksiyon - ang mga input ay mga resorses na
ginagamit upang makagawa ng output o produkto/serbisyo. kapag ang presyo ng
mga input ay tumaas, ang suplay ng kalakalan ay bababa dahil magiging magastos
ang pagprodyus. Tataas naman ang suplay kapag bumaba ang presyo ng mga inputs.
3. Teknolohiya - may mga teknik o pamamaraang ginagamit ng kalakalan upang
bumaba ang gastos sa produksiyon dahil napabibilis ang gawain at nakakatipid sa
lakas-paggawa. Dahil dto tumataas ang suplay ng kalakalan.
4. Ispekulasyon Tungkol Magiging Presyo ng Kalakal sa Hinaharap - kapag ang
suplayer ay nagg-ispekula na tataas ang presyo ng kanilang mga produkto o serbisyo
sa hinaharap, posibleng itago o i-hoard nila ang kanilang mga produkto o serbisyo
para ibenta sa hinaharap. Ang epekto ay bababa ang supay ng produkto ngayon.
5. Panahon - Kapag ang produkto ay napapanahon maraming suplay na makikita sa
pamilihan.
6. Kalamidad - Ang pagkakaroon ng kalamidad tulad ng bagyo, lindol, pagbaha at iba
pa ay nagiging sanhi upang masira ang mga pananim o mga pinagkukunan ng mga
hilaw na material na magdudulot ng kakulangan sa mga hilaw na materyales na
ginagamit sa paggawa ng mga produkto at serbisyo.

You might also like