You are on page 1of 22

Pagsasapamilihan ng

mga Inalagaang Hayop


EPP- Agriculture
Week 7
Unawain Natin

Ang mga isda na inaalagaan mo ay


inaani rin tulad ng gulay. Kung kailangan,
dinadala sa pamilihan at ipagbibili nang
buhay. Maging maingat ka lamang sa
paghawak o paglilipat ng mga ito upang
hindi mamatay agad at mabilasa.
May kani-kanyang panahon ang pag-aani ng
mga inaalagaang isda. Ang tilapia ay maari nang
anihin kapag ang mga ito ay tatlo hanggang apat
na buwan na o kaya’y 80-100 gramo na ang
timbang. Ang karpa naman ay mabagal lumaki.
Ang mga lalaking karpa ay husto na sa laki
pagkaraan ng anim na buwan. Ang mga babaing
karpa ay inaabot ng isang taon bago lumaki
sapagkat nangingitlog pa.
Ang hito ay lumalaki ng 35 hanggang
40 gramo buwan-buwan. Pagdating ng
anim na buwan maari na itong anihin
sapagkat tumitimbang na ang mga ito
ng 175 hanggang 200 gramo
Ang mga isda tulad ng hito at dalag ay
ilagay sa sisidlang may kaunting tubig
dahil hindi ito namamatay kahit na
wala sa tubig. Ilagay naman sa
sisidlang may tipak-tipak na yelo ang
mga isda tulad ng tilapia, karpa,
bangus, dalagang-bukid at iba pa
Ang pagbebenta o pagbibili ng inaning
isda ay maaring isagawa sa iba’t ibang
pamamaraan. Kung para lamang sa
pangangailangan ng maganak, maari
itong ibenta ng per kilo.
Ang isdang karpa ay madalas ipagbili ng tingi.
Para sa mga tindera sa palengke, ang mga
isdang tilapiya at hito ay ipinagbibili ng banye-
banyera o pakyawan. Ang ibang negosyante
naman ay nagtutungo sa palaisdaan upang
humango ng isdang ibebenta. Sa ganitong
paraan maari nilang itaas ang presyo pagdating
sa pamilihan.
Ang isdang karpa ay madalas ipagbili ng tingi.
Para sa mga tindera sa palengke, ang mga
isdang tilapiya at hito ay ipinagbibili ng banye-
banyera o pakyawan. Ang ibang negosyante
naman ay nagtutungo sa palaisdaan upang
humango ng isdang ibebenta. Sa ganitong
paraan maari nilang itaas ang presyo pagdating
sa pamilihan.
Pagsasapamilihan ng Alagang Isda
1. Flyers o Anunsyo-paggawa ng simpleng
anunsyo o kaya ay flyers na ibibigay sa mga
kakilala, kapitbahay upang maipaalam lamang ang
pagsasapamilihan ng isdang ipinagbibili mo.
Pagsasapamilihan ng Alagang Isda
2. Pagdadala sa palengke - dinadala sa palengke
ang mga isdang ibinibenta .
Pagsasapamilihan ng Alagang Isda
3. Online Selling- Maari ka ring magbenta online o
tinatawag na online selling para sa mas malawak
na sakop. Ito ay makabagong pamilihan na kung
saan gumagamit ng internet at iba’t ibang social
media upang maibenta ang produkto.
Pagsasapamilihan ng Alagang Isda
4. Tingiang pagtitinda- sa paraang ito maaring
ipagbili ang mga isda ng paisa-isa.
Pagsasapamilihan ng Alagang Isda
5. Lansakan o Pakyawan
-tinitimbang lahat ng
isdang ipinagbibili sa
palaisdaan at babayaran
ang bilang ng kilo ng
iisang tao na
pumapakyaw ng
paninda.
Pagsasapamilihan ng Alagang Isda
6. Paglalako- Karaniwang
nasa balde o banyera ang
isdang inilalako ng
manininda na naglalakad
lamang o nakasakay sa
sasakyan habang lumilibot
sa barangay.
Gawain 1.
Iguhit sa patlang ang kung ang isinasaad na istratehiya sa
pagsasapamilihan ay wasto at kung di- wasto.
________ 1. Lansakan o Pakyawan ang tawag sa pamamaraan ng
pagsasapamilihan na tinitimbang lahat ng isdang ipinagbibili at ang
babayaran ay bilang ng kilo ng iisang tao na pumapakyaw ng paninda.
________ 2. Ang mga isda tulad ng hito at dalag ay ilagay sa sisidlang may
kaunting tubig dahil hindi ito namamatay kahit na wala sa tubig.
________ 3. Hindi kailangan ang gadgets sa online selling.
________ 4. Sa paraang paglalako, inililibot ng manininda ang kanyang
tindang isda sa kanilang komunidad.
________ 5. Maramihan ang produktong ipinagbibili sa mga mamimili sa
pamamaraang tingian.
Gawain 2.
Isulat ang pamamaraan ng pagsasapamilihan ng isda. Kopyahin ang bubble
map organizer sa iyong sagutang papel.
Gawain 3.
Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa iyong sagutang papel.
1. Isa itong pamamaraan ng pagsasapamilihan ng isda na
karaniwang nasa balde o banyera ang isdang inilalako ng
manininda na naglalakad lamang o nakasakay sa
sasakyan habang lumilibot sa baranggay.
a. Pagbebenta sa palengke
b. Online Selling
c. Tingiang pagtitinda
d. Lansakan o Pakyawan
2. Paggawa ng disenyo sa papel na may
mahahalagang impormasyon ukol sa produktong
ibinibenta mo tulad ng bangus, tilapia, atbp.
a. Pagbebenta sa palengke
b. Online Selling
c. Tingiang pagtitinda
d. Paggawa ng flyers o anunsyo
3. Ito ay makabagong pamilihan na kung saan
gumagamit ng internet at iba’t ibang social
media upang maibenta ang produkto.
a. Pagbebenta sa palengke
b. Online Selling
c. Tingiang pagtitinda
d. Paggawa ng flyers o anunsyo
4. Ang isdang ito ay maari nang anihin kapag
ang mga ito ay tatlo hanggang apat na buwan
na o kaya’y 80-100 gramo na ang timbang.
a. tilapia
b. bangus
c. hito
d. karpa
5. Sa paraang ito maaring ipagbili ang mga
isda ng paisa-isa.
a. Pagbebenta sa palengke
b. Online Selling
c. Tingiang pagtitinda
d. Lansakan o Pakyawan
Reflection
Magsulat ka sa iyong sagutang papel ng iyong
nararamdaman o realisasyon gamit ang sumusunod
na prompt.

Nauunawaan ko na ___________________.
Nabatid ko na ________________________.
Kailangan ko pang matuto nang higit pa tungkol sa
__________________________.

You might also like