You are on page 1of 53

EPP 5 AGRIKULTURA-

Week 7

Pagsasapamilihan ng
mga Inalagaang Hayop
o Isda
BALIK-ARAL
Sagutin ang mga sumusunod na
tanong.
1. Bakit mahalagang malaman
ang mga kagamitan at
kasangkapan na kailangan sa
pag-aalaga ng hayop o isda.?
2. Magbigay ng mga
kasangkapan o kagamitan na
kailangan sa paggawa ng
kulungan ng itik.
Magbasa tayo ng kwento!!
Sa isang kabukiran ay mayroong
isang masipag na tagapag-alaga ng
mga hayop na ang pangalan ay Mang
Berto. Siya ay mabait sa kanyang
mga alagang hayop. Pinapakain niya
ang kanyang mga alagang manok, isda,
pugo, bibi at itik.
Ang kanyang mga alagang hayop ay
malapit nang ipagbili o ibenta katulad ng
hito at tilapia na kanyang alaga sa
kanyang palaisdaan. Maging ang mga itlog
ng itik at itlog ng manok ay panahon narin
ng pagkuha upang ibenta sa mga gustong
bumili.
Ang kanyang mga nakuhang itlog ng pugo naman
ay kanyang ibinenta sa taong bumili
nang maramihan o pakyawan. Ngunit ang
malaking problema niya ay hindi niya alam
kung saan ipagbibili o ibebenta ang kanyang mga
alagang tilapia at hito, itlog ng itik
at itlog ng manok. Sa hindi kalayuan ay
masayang naglalakad ang anak ni Mang Berto
na si Jebong.
Jebong: Itay ano ang problema?
Mukhang malungkot ka?
Mang Berto: Ah wala naman anak,
iniisip ko lang kung saan natin dapat
ibenta ang mga itlog at mga alagang
isda natin.
Jebong: Itay alam ko na kung saan natin
maaaring ipagbili ang mga itlog at mga
alaga
nating tilapia at hito.
Mang Berto: Ha! Talaga anak, saan
naman natin ibebenta ang mga ito?
7
Jebong: Itay sa paaralan, pinag-aaralan namin
kung saan maaaring ipagbili ang mga hayop na
ating inaaalagaan. Maaari nating ipagbili ang
mga ito sa palengke.
Mang Berto: Oo anak sa palengke maaari nating
ipagbili ang mga alaga natin ngunit napakarami
anak ang ating ipagbibili. Hindi natin kayang
buhatin lahat ang ating
ipagbibili.
Jebong: Itay alam ko na
(Malakas na sigaw ni Jebong habang
nagtatatalon sa tuwa dahil naalala niya na
maaari silang magbenta ng mga produkto sa
pamamagitan ng tinatawag na “online
selling.” Ang dapat lang gawin ay kumuha ng
larawan ng mga nais nating ipagbili at
ipost ito sa “facebook” o kaya naman ay sa
kahit anong uri ng social media sites upang
mapadali ang pagbebenta.
Mang Berto: Talaga anak! Naku matutuwa ang
nanay mo niyan kapag nalaman na
maaari na nating ibenta ang ating mga itlog ng
manok at itik kasama ang mga tilapia
at hito. Salamat naman anak at dahil sa pinag-
aralan ninyo sa paaralan ay nalaman
natin na maaaring ibenta ang ating mga alaga sa
pamamagitan ng online selling.
Jebong: Opo! Itay, kukuhanin ko lang po ang
cellphone ko sa ating bahay upang
makuhanan ng larawan ang ating mga ipagbibili.
(Lumipas ang ilang minuto ay masayang nakabalik
si Jebong sa bukid kung saan
naroon ang kanyang itay.)
Jebong: Itay nakuhanan ko na ng larawan ang
ating mga ipagbibili magintay lang po
tayo ng gustong bumili.
(Makalipas ang ilang oras ay masaya ang mag-ama
dahil lahat ng kanilang ipagbibili
ay maayos na naibenta.)
Mang Berto: Anak, maraming salamat sa tulong
mo.
Jebong: Itay, may tanong po ako.
Mang Berto: Ano iyon anak?
Jebong: Itay paano ba malalaman kung ang isang
hayop o ay malapit ng ibenta o
ipagbili? Gusto kong malaman itay upang sa aking
paglaki ay matulungan kita sa pagaalaga at
pagbebenta ng ating mga hayop.
Mang Berto: Hahahaha, sige anak ituturo ko sa
iyo upang sa paglaki mo ay alam mo
ang mga gagawin upang maisapamilihan ng maayos
ang ating mga alagang hayop,
sagot ni Mang Berto.
Habang naglalakad ang dalawa pauwi sa
kanilang bahay ay ipinapaliwanag ni Mang Berto
ang mga dapat tandaan kung paano
naisasapamilihan ang mga hayop o 8 isda na
kanilang inaalagaan.
Ang mag-ama ay masayang nakarating sa
kanilang tahanan at masaya si Jebong na
isinalaysay sa kanyang inay ang nangyari sa
pagsasapamilihan ng kanilang mga alagang hayop.

Kung ikaw si Mang Berto, ano-ano ang dapat


sundin na pamamaraan upang
maayos na maisapamilihan ang mga hayop o isda
na ating inaalagaan?
Ang mga hayop na ating
inaalagaan ay may malaking
kapakinabangan sa ating
buhay. Ang mga hayop ay
nagbibigay ng kita sa atin.
Ang mga inaaning hayop ay
maaring dalhin sa
pamilihan na kadalasang
ipinagbibili
nang buhay.
 Ngunit dapat nating alamin
ang mga salik ng
pagsasapamilihan ng ating
mga alagang hayop. Sa
pagsapapamilihan ng mga
alagang hayop, maaaring
gumawa ng flyers upang
mapadali ang pagbebenta ng
mga produkto ng ating alaga.
Pag-aani ng Manok
 Alam natin na ang pangunahing naibibigay
ng mga manok sa atin ay karne at itlog. Ang
karne ng broiler na manok at ang itlog ng
layer na manok ay isa lamang sa maaring
pagkakitaan.
 Ang mga dumalaga o layer na manok ay
karaniwang nangingitlog pagsapit
ng ika 22 linggo.
Pag-aani ng Manok
 Sa pagkuha o pagpili ng
gagawing layer chicken ay
pumili dapat ng magiging
inahing manok na may
kaligsihan ang
pangangatawan, ang mga
mata ay matalas, ang
balahibo ay dapat na nasa
maayos din na kalagayan
gayun din ang mga palong.
Pag-aani ng Manok

 Pumili din ng mga


dumalagang manok na
dilaw na dilaw ang
mga binti at tuka.
Pag-aani ng Manok
 Kung mapapansin na ang mga manok ay humihina
na ang produksyon ng pangingitlog ay mabuting
maghanap ng mga panibagong manok na ipapalit.
Ang mga dumalagang manok ay maaaring palitan
pagsapit ng anim na buwan sa kulungan bago
palitan nang panibagong dumalagang manok.
Tandaan, isang beses lamang nangingitlog ang
manok sa loob ng isang araw
Pag-aani ng Manok
Pag-aani ng Manok

Ano ang mapapansin ninyo sa larawan?


Nakalagay ba sa maayos na trey ang mga
itlog?
Pag-aani ng Manok

Tama ang mga itlog na nakuha


natin mula sa pugad ay dapat na
nakaayos sa isang maayos na
trey.
Pag-aani ng Manok
Pag-aani ng Manok
Pag-aani ng Tilapia
Pag-aani ng Tilapia

Ang pag-aani ng isda


tulad ng tilapia
ay inaani pagkalipas ng
apat na buwan na
pag-aalaga.
Pag-aani ng Tilapia

 Kung ang timbang ng tilapia ay


umabot na sa 150 hanggang 200
gramo, ito ay nangangahulugan na
maaari ng anihin
ang mga tilapia.
Pag-aani ng Tilapia

 Sa paghuli ng tilapia, iniaangat


at tinitipon ang mga isda sa
isang panig ng lambat upang
madaling masalok o mahuli ang
mga ito.
Pag-aani ng Tilapia

 Karaniwan sa mga nag-aani ng


tilapia ay nakadepende sa
presyo ng mamimili. Kung ang
isda ay tama na ang laki, maaari
na itong anihin.
Pag-aani ng Tilapia

 Ang mga nahuling tilapia ay papangkatin ayon sa


laki (maliit, katamtaman o kaya ay malaki).
Maaaring isapamilihan ang tilapia sa pamamagitan
ng pagtitimbang. Sa bawat timbang ay mayroong
naaangkop na presyo.
Pag-aani ng Hito

 Ang hito ay karaniwang nangingitlog


sa mga buwan ng Hunyo hanggang
Setyembre. Ang babaeng hito ay
maaring mangitlog pagkalipas ng 5-6
na buwan.
Pag-aani ng Hito

 May dalawang paraan ng pagbebenta ng hito,


ang una ay whole sale o pakyawan at retail
o tingian. Ang whole sale o pakyawan ay
madalas ginagawa sa palaisdaan pa lamang.
Ang mga hito ay binibili ng kilu-kilo na
ipinapasa naman ng mga bumibili sa kainan o
kaya ibebenta din sa pamamagitan ng retail o
tingian.
Pag-aani ng Hito
Pag-aani ng Hito
Pag-aani ng Itlog ng Pugo
Pag-aani ng Itlog ng Pugo
Pag-aani ng Itlog ng Pugo
GAWAIN 1

Panuto: Hanapin sa kahon ang mga


dapat tandaan sa pagsasapamilihan ng
mga alagang hayop at isda. Isulat ang
titik ng sagot pagkatapos ng bilang.
SALAMAT
SA
PAKIKINIG!!!

You might also like