You are on page 1of 20

Naisasapamilihan

ang Inalagaang
Hayop/Isda
Pagkatapos ng modyul na ito , ikaw ay
inaasahang :
1. Napaliwanag ang palatandaan ng alagang
hayop/ isda na maari nang ipagbili
2. Nakagawa ng istratehiya sa pag-
sasapamilihan
Basahin ang tanong at isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang bago ang numero.

______1. Ang mga dumadalaga o layer na manok


ay karaniwang nangingitlog sa pagsapit ng
A. Ika- 20 na lingo C. Ika-22 na linggo
B. Ika-21 na lingo D. Ika-23 na lingo
______2. Alin sa sususunod ang hindi
magandang katangian ng dumadalaga na
manok?
A. May liksi C. May maninipis na balahibo
B. May matalas na mata D. May dilaw na dilaw
na tuka
______3. Anong hustong buwan na maaring
mangitlog ang mga babaeng hito?
A. 5-6 na buwan C. 7-8 na buwan
B. 6-7 na buwan D. 8-9 na buwan
______4. Anong pamamaraan sa
pagsasapamilihan na ang produkto ay maaring
bilhin kada piraso ayon sa laki?
A. Kilo C. Piraso
B. B. Bilang D. Wala sa nabanggit

______5. Ito ay paraang nagaganap bago pa


anihin ang produkto. Nag-uusap ang may-ari at
mamamakyaw.
A. tingian C. Pakyawan
B. Lansakan D. Lahat ay tama
_______6. Ito naman ay paraan ng pagbibili
ay kakaunting bilang lamang at nakabatay
sa pangangailangan ng mamimili.
A. Pakyawan C. Lansakan
B. B. Tingian D. A at B ay parehong tama

_______7. Ang mga susunod ay paraan ng


pagbibili ng tingian maliban sa isa
A. Piraso C. Bilang
B. B. Kilo D. Sako
_______8. Ito ay isang paraan ng pagbebenta na ginagawa
nang maramihan. Ang bilihan ay maaring bawat basket o trey
ng itlog.
A. Tingian C. Lansakan
B. B. Piraso D. Pakyawan

_______9. Kung ikaw ay may negosyong poultry, alin sa


sumusunod ang HINDI mo dapat gawin sa mga itlog?
A. Palagiang kunin ang itlog sa kulungan
B. Pabayaang mainitan ng araw ang mga itlog
C. Ilagay ang mga itlog sa basket or trey na nasa malamig na
lugar
D. Wala sa nabanggit
______10. Alin sa sumusunod ang
matatawag na “online selling” na paraan
sa pagbebenta?
A. Paglalagay ng pagkil sa bakuran
B. Paglalabas ng stand sa labas ng
bahay para sa mga ibebenta
C. Pagpopost sa “ facebook” ng iyong
mga binibenta
D. Pagbebenta sa palengke
Isulat sa patlang T kung tama ang ipinapahayag ng
pangungusap at M naman kung mali.
______1. Ang pag-aani ng isda ay karaniwang ginagawa
pagkaraan ng apat na buwan ng pag-aalaga.
______2. Ang mga huling isda ay pagbubukud bukudin
ayon sa laki.
______3. Ang presyo ay hindi iaayon sa laki ng isda at sa
dami ng isda na ibinebenta sa palengke.
______4. Karaniwang nagingitlog ang hito sa buwan ng
Mayo hanggang Agosto.
______5. Ipagbibili ang mga itlog sa pamilihan dalawang
beses sa isang lingo kung marami ang produksiyon ng
itlog.
______6. Kailangang mayroong sapat na kaalaman
sa pag-aalaga ng hayop kung nais mo itong
pagkakakitaan.
______7. Ang delivery services o advertising ay hindi
nakakatulong sa pagbebenta ng iyong produkto.
______8. Maaring gumawa ng “brochure” or “leaflet”
upang malaman na ikaw ay nagbebenta ng
produkto.
______9. Ang timbangan o kilohan ang basehan ng
presyo o halaga ng produkto tulad ng karne.
______10. Higit na kapaki-pakinabang na mag-alaga
ng layer sa uang taon lamang ng pangingitlog.
Isulat ang A kung ito ay isa sa mga gabay sa
paggawa ng balak at B naman kung hindi.
Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang
bilang.
___________1. Bilang ng hayop na sisimulan.
___________2. Produkto na maibibigay
___________3. Kaangkupan sa panahon
___________4. Lugar na mapaglalagyan
___________5. Presyo sa merkado
Pag-aani ng Tilapia
• tatlo hanggang apat na buwan depende sa laki
ng isda at kagustuhan ng nag-aalaga, maari ng
anihin ang alalagang tilapia.
• Patuyuan ang palaisdaan at hulihin lahat ng
tilapia.
• lambatan muna ang palaisdaan bago patuyuan.
• Ang huling isda ay pagbubukod bukudin ayon
sa laki (large, medium, small at reject).
• Ang presyo ay naaayon din sa laki ng isda at sa
dami ng isda na ibinebenta sa palengke.
Pag-aani ng Hito
• lima hanggang anim na buwan.
• nangingitlog ang hito sa mga
buwan ng Hunyo hanggang
Setyembre.
• Anihing lahat ang hito matapos ang
anim na buwang pag-aalaga o sa
mas maagang panahon kung ang
nais na laki ay nakamtan na.
Pangingitlog ng Manok
• nagsisimulang mangitlog ang mga dumadalaga o
layer pagsapit ng ika-22 linggo.
• Piliin ang mga dumalagang may maliksi, matalas
ang mata, maayos ang balahibo at palong, dilaw
na dilaw ang mga tuka at binti.
• mabuting simulan ang paghahalili ng dumalaga
pagdating ng anim na buwan bago palitan ang
mga dating manok. Sa ganitong paraan,
mayroong patuloy na suplay ng itlog sa buong
taon.
Pagsasaayos ng Itlog ng Manok

• Higit na mataas ang uri ng itlog ng


manok kung tatlong beses sa isang
araw ito tinitipon. Kailangang
kunin kaagad sa pugad ang mga
itlog na ipagbibili sapagkat
nakasasama rito ang sobrang init
ng kulungan.
Paraan ng Pagsasapamilihan
Maaaring maglagay ng paskil na “farm fresh eggs for sale”
“fish for sale” sa inyong bakuran.
❖ Tuwing umaga, maaaring maglabas ng stand para sa mga
ibebenta
❖ Magdeliver ng regular sa inyong suki.
❖ Kumuha ng pwesto sa palengke
❖ Ibenta sa palengke
❖ Maaari ka rin magbenta online, gamit ang facebook o iba
pang “ social media”
❖ Maaaring gumawa ng brochure o leaflet upang malaman
na ikaw ay magbebenta ng
produkto.
Mga Paraan ng Pagsasapamilihan ng
Produkto

Pakyawan
ang paraang ito ay nagaganap bago
pa anihin ang produkto. Nag-
uusap at nagkakaroon ng
kasunduan sa presyo ang may-ari
at mamamakyaw.
2. Lansakan o Maramihan
ito ang isang paraan ng
pagbebenta na ginagawa nang
maramihan. Ang bilihan ay
maaaring bawat basket o trey ng
mga itlog. Humahango ng
maramihan ang mamimili upang
ipagbili ng tingian sa palengke.
3. Tingian: ang paraan ng pagbibili ng
tingian ay sa kakaunting bilang batay sa
pangangailangan ng mamimili tulad ng:
A. Kilo- ginagamit ang kiluhan sa pagbebenta ng
produkto. Ang timbang ang basehan ng presyo o
halaga ng produkto tulad ng karne.
B. Bilang- binibilang ang produkto na may
nakatakdang presyo. Maaari rin ipagbili ng dosena.
C. Piraso- ang produkto ay maaaring bilhin kada
piraso ayon sa laki.

You might also like