You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOL DIVISION OF SAN JOSE DEL MONTE CITY
KAYPIAN ELEMENTARY SCHOOL
BARANGAY KAYPIAN, SAN JOSE DEL MONTE CITY
__________________________________________________________

IKATLONG LAGUMANG SA PAGSUSULIT SA EPP 5


UNANG MARKAHAN

Pangalan: __________________________________________________ Marka: ___________


Baitang at Pangkat: ___________________________________________ Petsa: ___________
I. Panuto: Panuto: Gamit ang pormula, buuin ang tsart sa pamamagitan ng paglalagay ng mga tamang
datos mula sa kuwento.

Si Aling Cely ay bumili ng 150 sisiw ng broiler na manok sa halagang 50pesos kada isa. Inilagay niya
ito sa kanyang ipinagawang kulungan na nagkakahalaga ng ₱6,000.00. Sa loob lamang ng isang na buwan,
gumastos siya ng ₱2,000.00 para sa pagkain nito. Kumuha si Aling Cely ng dalawang tao na tagapag-alaga ng
kaniyang mga sisiw na binayaran naman niya ng ₱3,500 kada buwan. Pagkaraan ng isa at kalahating buwan,
naibenta ni Aling Cely ang kanyang mga 150 na manok sa halagang ₱180.00 kada kilo.

1. Magkano ang halaga ng bawat isang sisiw na binili ni Aling Cely?


2. Ilan ang bilang ng sisiw na ibebenta ni Aling Cely?
3. Magkano ang naging kabuuang gastos ni Aling Cely sa pag-aalaga ng hayop?
4. Magkano ang kaniyang naging kabuuang benta?
5. Magkano ang tinubo o kinit ani Aling Cely?

II. Panuto: Basahin ang bawat pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot.
6. Ito ay uri ng manok na inaalagaan para sa mga itlog nito.
a. layers (manok) b. itik at pato c. broiler (manok) d. pugo
7. Maraming mga produkto na makukuha sa mga hayop na ito tulad ng balut, penoy, pulang itlog, itlog
at karne. Ano ito?
a. broiler b. itik at pato c. layers d. pugo
8. Si Gabriel ay may alagang manok sa likod bahay nila, ano ang kabutihang dulot nito sa kanyang
pamilya?
a. Dagdag kita sa pamilya c. Dagdag gastos wala namang pera.
b. Nakapagdulot ng kalat sa bakuran d. Nagiging abala para sa pamilya.
9. Ito ay isang uri ng manok na mainam sa pangingitlog at sa kaniyang karne.
a. arbor acre b. cobb c. mikawa d. rhode island red
10. Ano ang palatandaan na maaari nang ibenta ang itik o pato na iyong inaalagaan?
a. Ang timbang dapat ay nasa 1.6 kg sa loob ng 35 days.
b. Kung hihipuin mo ang harapan ng manok ito ay dapat hugis bilog.
c. Maari itong aanihin kapag labing-limang sentimetro na ang haba.
d. Ito ay nasa hustong gulang na nasa dalawa hanggang tatlong buwan.
11. Madaling magulat ang mga ito kaya kailangang tahimik ang paligid sa oras ng pangingitlog. Ano
ito?
a. itik at pato b. manok c. pugo d. tilapya
12. Ito ay pamamaraan ng pagpaparami ng kalapati na pinababayaan lamang ang kalapati na pumili ng
asawa sa sarili nitong panahon at kondisyon.
a. natural b. artipisyal c. stud d. sapilitan
13. Ang sumusunod ay halimbawa ng mga manok na maaaring alagaan para sa kanilang karne
MALIBAN sa isa;
a. cobb b. Minorca c. hubbard d. white leghorn
14. Ano ang kabutihang naidudulot ng pag-aalaga ng hayop o isda sa inyong bakuran?
a. Nakakadagdag sa gastos ng pamilya. c. Nagdudulot ito ng gulo at selos sa anak.
b. Nakapagbibigay aliw sa pamilya. d. Nagkakaroon ng mga sakit ang mang-anak.

15. Ang tilapia ay maaari nang ipagsapamilihan kung ito ay may habang __________.
a. 20 sentimetro b. 18 sentimetro c. 15 sentimetro d. 10 sentimetro

III. Panuto: Piliin ang mga salita mula sa kahon na tumutugon sa bawat pahayag. Isulat ang titik tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

A. manok E. japanese seattle I. itik at pato


B. tilapia F. plymouth rock J. layer
C. minorca G. tingian/ pakyawan K. pugo
D. kalapati H. palengke L. online market

16. Ang pugo na ito ay mahusay mangitlog at mayaman sa protina ang karne.
17. Paraan ng pagsasapamilihan ng mga produkto.
18. Ang kulungan ng isdang ito ay nangangailangan ng kawayan, lambat o net cage at fish pen.
19. Klase ng manok na mainam sa pangingitlog at sa kanilang karne.
20. Karaniwang inaalagaan ang mga ito sa mga lugar na malapit sa tubig kung saan may mga suso at
tulya para sila ay maipastol at makatipid sa pagkain.
21. Nabubuhay ito kahit saang lugar at sa kahit anong klima.
22. Isa sa mga hayop na madaling alagaan at paramihin. Ito ay inaalagaan para sa kanyang itlog at
karne.
23. Ang itlog nito ay mayaman sa protina kung kaya’t ito ay mainam sa pagpapalaki ng katawan at mga
kalamnan.
24. Ito ay magandang pagkakitaan dahil sa maraming mga produkto na makukuha rito tulad ng balut,
penoy, at pulang itlog.
25. Ang pagtitinda na ginagamitan ng koneksiyon sa internet at mga gadgets tulad ng computer, laptop,
cellphone at iba pa.

IV. Panuto: Gamit ang pormula, buuin ang tsart sa pamamagitan ng paglalagay ng mga tamang
datos
TALAAN NG GASTUSIN
Halaga ng 20 biik (₱2,500.00/ kada isa) ₱50,000.00
Halaga ng pagkain ₱15,000.00
Iba pang gastusin ₱10,000.00
KABUUANG GASTOS =₱
26. Bilang ng baboy na inalagaan _________________________________________
27. Benta ng baboy (₱12,000.00/ kada isa) ________________________________
28. Kabuuang gastos _________________________________________________
29. Halaga ng bawat isa ______________________________________________
30. Tubo/ Kinita ______________________________________________________

PILIIN LAMANG ANG TAMANG SAGOT


“Huwag sayangin ang oras at effort sa maling tao,
piliin mo yung worth it.”

You might also like