You are on page 1of 8

ANG ENCOMIENDA

ANO ANG ENCOMIENDA?


ANO ANG ENCOMIENDA?

-tumutukoy sa isang tiyak na teritoryo na


iginawad sa isang Espanyol upang pangasiwaan.
Ibinibigay ang teritoryong ito kapalit ang
serbisyo at katapatan sa hari ng Spain
3 URI NG ENCOMENDERO

1.Royal – pagmamay-ari ng hari ng Spain


2.Pribado – pagmamay-ari ng mga taong
pinagkalooban ng lupa
3. Ecclesiastical – pagmamay-ari ng simbahang
Katoliko
ANG KARAPATANG IPINAGKAKALOOB SA
KANILA AY MAY KAAKIBAT NA TUNGKULIN
1. Ang lahat ng pananagutan at pangangalaga sa kapakanan ng nasasakupan
ay nasa isang encomendero.
2. Tulad ng isang basalyo (vassal), tungkulin ng encomendero na
proteksiyunan ang kaniyang nasasakupan laban sa mga kaaway.
3. Palaganapin ang relihiyong Kristiyanismo kasama ang mga misyonerong
paring Espanyol.
4. Bigyan ng edukasyon ang kaniyang nasasakupan
ANG ENCOMIENDA

• Ang ganitong patakaran ay nagpayaman sa mga encomendero


sapagkat sa halip na maitaguyod ang interes ng mga katutubo, ang
mga encomendero mismo ang naging mapagmalabis sa yaman ng
kaniyang nasasakupan.
• Ang mataas na singil ng tributo ang nagpahirap sa kalagayan ng
mga katutubo na nakatali ang pamumuhay sa lupa.
Halimbawa:
Ang mga magsasaka sa panahong iyon ay aani ng mga produktong
agrikultural na bibilhin sa kanila ng mga encomendero sa murang halaga
na halos ang kinikita ay ipambabayad lamang sa buwis ng kanilang mga
produkto. Sa puntong ito, ang mga encomendero naman ay ipagbibili sa
mas mahal na halaga ang mga produktong agrikultural ng mga
magsasaka. Magkakamal ng mas malaking kita ang mga encomendero
habang ang mga katutubong magsasaka ay nakagapos sa kahirapan at
patuloy na tatanggap ng murang bayad. Halos ang ganitong kalagayan ay
nagpasalin-salin sa ilang henerasyon
ANG ENCOMIENDA

Ang pagpapahirap na ito ay umaabot pa sa pananakit at sukdulang pagpapahirap sa mga


Pilipino lalong-lalo na sa mga hindi nakapagbabayad ng tamang buwis dahil maliit na kita
lamang ang kanilang natatanggap. Ang mga pangyayaring ito ay naging daan sa ilang pag-
aalsa ng mga magsasaka partikular ang pag-aalsa sa bahaging Norte—ang pag-aalsa sa
Cagayan at Ilocos. Ang encomienda ay winakasan noong unang dekada ng ika-19 na siglo
dahil sa pagmamalabis ng mga encomendero.

You might also like