You are on page 1of 1

Lecture in EPP 5 – December 7, 2023

Kopyahin ang mga sumusunod sa iyong kwaderno


Ang mga hayop na inaalagaan ay inaani rin tulad ng gulay. Kung kailangan,
dinadala sa pamilihan at ipagbibili nang buhay. Maging maingat lamang sa
paghawak o paglilipát ng mga ito upang hindi mamatay agad at mabilasa. Upang
maging matagumpay ang paghahayupan maaaring gumawa ng simpleng anunsiyo
o kaya ang flyers na ibibigay sa mga kakilala, kapitbahay upang maipaalam lamang
ang pagsasapamilihan ng iyong produkto. Maaari ka ring nigbenta online para sa
mas malawak na sakop.
Mga Paraan ng Pagsasapamilihan ng Produkto
1. Pakyawan – ang paraang ito ay nagaganap bago pa anihin ang produkto. Nag-
uusap at nagkakaroon ng kasunduan sa presyo ang may-ari at mamamakyaw. Ang
lahat ng produkto ay makukuha ng mamamakyaw na siyang magbebenta nito ng
direkta sa pamilihan.
2. Lansakan o maramihan – ito ang isang paraan ng pagbebenta na ginagawa
nang maramihan. Ang bilihan ay maaaring bawat basket o trey ng mga itlog.
Humahango ng maramihan ang mamimili upang ipagbili ng tingian sa palengke.
3. Tingian –
ang paraan ng pagbibili ng tingian ay sa kakaunting bilang batay sa
pangangailangan ng mamimili tulad ng:
a. Kilo – ginagamit ang kiluhan sa pagbebenta ng produkto. Ang timbang ang
basehan ng presyo o halaga ng produkto tulad ng karne.

b. Bilang – binibilang ang produkto na may nakatakdang presyo. -Maaari rin


ipagbili ng dosena.

c. Piraso – ang produkto ay maaaring bilhin kada piraso ayon sa


laki

You might also like