You are on page 1of 2

"LUMSEK -Lason sa Langaw, pagkain sa Tao

Napatunayan sa isang pag-aaral ang kakayahan ng Lumsek sa pagpatay ng langaw kaysa sa mga
commercialized na produktong binibili ng mga mamamayan.

Ayon sa pananaliksik na isinagawa nina Shelly Abad at Propesor Bernard Tad-awan ng Benguet
State University na may titulong "Survey, Characterization and Evaluation of Lumsek Mushroom's Effest
on House fly (Musca domestica)", na kung saan ito ay napatunayang mabisa sa pagpatay ng langaw.

Kilala ang "lumsek"bilang isang uri ng kabute na matatagpuan sa mga bundok ng Cordillera. Ito ay
tumutubo sa mga malalamig at mamasa-masang uri ng mga bulubundukin.Karaniwan itong tumutubo
tuwing tag-ulan sa buwan ng Hunyo.

Ngunit hindi lamang ito isang ordinaryong uri ng kabute dahil ayon sa mga mamayan ng Bakun ito ay
ginagamit nila bilang pampalasa sa mga ulam na kanilang niluluto.Ayon sa kanila may lasa daw itong
maihahalintulad sa mga iba't ibang pampalasa gaya ng Ajinamoto at Magic Sarap.Bukod pa rito ay
ginagamit rin nila ito bilang pamatay sa mga langaw.Nakakatulong ito lalo na sa mga hardin kung saan
sila ay kadalasang gumagamit ng dumi ng manok bilang pataba sa kanilang pananim.

Sa kanilang Pananaliksik ang paggamit ng 10 gramo ng sariwang Lumsek ay nalalayong epektibo kaysa sa
paggamit ng Baygon at Fly paper, pinatunayan na kayang pumuksa ito ng 97% na langaw.

Ayon sa resulta ng kanilang eksperimento ang paggamit ng 10 gramo ng sariwang "lumsek" epektibo
pamatay sa mga langaw kumpara sa paggamit ng Baygon at fly paper.Gayunpaman,kung tuyo ito ay
wala itong kakayanan sa pagpatay ng langaw.Ang paggamit ng 10 gramong sariwang "lumsek" ay kayang
pumatay ng 97% na langaw na maihahalimtulad sa flypaper

Sa kabuuan ay lumabas sa kanilang pananaliksik na nagiging epektibo lamang ito kapag ito ay sariwa
sapagkat tinataglay nito ang kemikal na panlason sa mga langaw.

Samantala ang mga fly agarics (malalaking kabute) na Amanita muscaria ay ginagamit bilang lason sa
mga langaw, ang kumpuwundong naroroon, na tinatawag na amatoxin (lason mula sa kabute), tulad ng
pangkaraniwang mga nakalalasong kabute, ay maaaring nasa "lumsek" din.

Ang resulta ng pagkalason ay nakadepende sa dami ng amatoxin na nainom ng biktima sa kaugnayan sa


kanyang timbang. Maaring sabihin na ang dami ng lason na naroroon sa lumsek ay napakaliit na lamang
kaya ito'y nakakalason ng langaw, na maliit naman kumpara sa tao. Ito nga ang ganda ng kabuting ito,
ito'y pwedeng kainin ng tao ngunit nakakalason lamang sa langaw

Narito ang mga paraan sa paggawa ng pamatay sa langaw:

Mga Kagamitan:

*Lumsek,asukal,kaldero,mangkok o lalagyan at kubyertos

Mga Hakbang:
1Hugasan at hatiin sa maliliit na piraso ang 7-10 na lumsek.

2Pakuluan sa isang basong tubig at haluan ng apat na kutsarang asukal.

3Ilagay sa mangkok o anumang lalagyan at ilagay sa lamesa.

You might also like