You are on page 1of 3

Rhinoceros Beetle

Ating alamin paano alagaan ang nyog laban sa isa sa mga


pinakamahalagang peste na kung tawagin ay rhinoceros beetle o uang.

Ang mga itlog at uod ng rhinoceros beetle ay naninirahan sa mga


tambak ng mga farm wastes na nabubulok katulad ng bunot,
natumbang puno, dahon, natuyong dumi ng hayop, damo at iba pa.

Ngunit ang adult beetle lamang ang lumilipad sa mga nyog at


gumagawa ng butas upang makapasok sa ubod at sipsipin ang katas
nito. Dahil dito, nasisira ang mga dahon at palapa habang ang mga ito
ay nasa loob pa ng ubod at sa pag labas ng mga palapa sa crown ay
makikita ang tila ginupit gupit na dahon.

Ang mga seedlings naman ay maaring mamatay dahil sa napakaliit ng


ubod nito at maaring maubos ng beetle masipsip ang katas nito.

Sa isang pag aaral, napag-alaman na ang pagkasira ng 40% ng mga


dahon at higit pa ay magdulot ng kaunting bunga sa inaasahan.

Ang rhinoceros beetle ay may complete life cycle kung saan dumadaan
sa itlog, larva, pupa at adult na estado, sa loob ng humigit kumulang
171 araw. Tanging ang adult ang nakakapinsala sa nyog.

Ang rhinoceros beetle ay maaring kumain sa 14 na iba pang halaman


maliban sa nyog.

Ano-ano ang mga paraan upang ito ay makontrol o maiwasan ang dulot
na damage
May cultural na pamamaraan kung saan kailangang alisin ang breeding
site nila o ang pimumugaran nito sa pamamagitan ng paggamit ng trunk
o puno para gawing furniture o mga novelty items at madami pang iba.

Covercropping, intercropping o salit tanim ay maari ding gawin upang


mai distribute at maitago ang mga nabubulok na farm waste.

Maari din palakasin ang puno upang makayanan ang pag atake ng
beetle sa pamamagitan ng fertilization.

Maari ding alisin ang mga beetle sa crown ng mga mabababang nyog
gamit ang wire hooks.

Sa kemikal na pamamaraan ay maaring gumamit ng Pheromone na


ilalagay sa isang trap. Ito ay synthetic na chemical na tanging mga
rhinoceros beetle adult lamang ang maa attract sa amoy at trap na ito.
Ang mga nahuling beetle ay dapat patayin o gamitin sa pag release ng
virus para sa pamaraang biological control.

Ang biological control ay maari ding gawin gamit ang isang uri ng amag
na tinatawag na green muscardine fungus o GMF. Ang strain ng fungus
na ito ay epektibo lamang sa rhinoceros beetle.

Kailangang gumawa ng artipisyal na breeding site na may sukat na 1


metro kuwadrado at may taas na isang ruler. Pupunuin ito ng sawdust,
lupa at tuyong dumi ng hayop at ihahalo ang 100-200 g na GMF.
Babasain ito upang tumubo ang amag at tatakpan ng dahon upang
hindi matuyo.
Maakit ang mga beetle sa artipisyal na breeding site at dito
mangingitlog. Ang mga mapipisa at magiging uod ay aatakihin ng amag
at tuluyan itong mamamatay at di na magiging adult.

Maari ding ilagay direkta ang GMF sa mga stumps o ung puno ng nyog
na natira sa pag putol, kung ito’y nabubulok na.

Ang virus naman ng rhinoceros beetle ay maaring I release sa field sa


pamamamagitan ng pag infect ng adult beetles. Ang mga nahuling
beetles ay pinapatakan sa bibig ng virus concentrate na inihanda sa
laboratory. Ang mga infected beetles ay hinahayaang lumipad upang
mahawahan ang ibang beetles.

Sa ngayon, isang banta na muli ng atake ng rhinoceros beetle ang


ikinakabahala dahil sa pag litaw ng isang kakaibang uri ng rhinoceros
beetle na kung tawagin ay Guam biotype na nagmula sa Guam.

Ang beetle na ito ay hindi na ma control ng amag at virus na dati nang


ginagamit. Kaya ang mga siyentipiko ay muling naghahanap ng mga
pamamaraan ng pagsugpo sa biotype na ito.

You might also like