You are on page 1of 2

PHILRICE CENTRAL EXPERIMENT STATION

1 Top 10 peste sa palayan, IWASAN!


2
3 Mahigit 2,000 magsasaka ang tinanong kung ano ang
4 pinakamapanirang peste sa kanilang palayan tuwing tag-ulan. Ayon
5 sa nasabing surbey na isinagawa ng PhilRice Text Center, 10 peste
6 ang nangunguna sa listahan.
7
8 Ayon sa mga magsasakang nasurbey, pinakamapanira ang aksip o
9 stemborer, rice bug, kuhol o golden apple snail, rice black bug o
10 atangyang itim, leaf folder, harabas o armyworm, berdeng ngusong
11 kabayo o green leaf hopper, brown plant hopper, daga, at bacterial
12 leaf blight.
13
14 Ayon kay Fredierick M. Saludez, agriculturist at lead agent ng PhilRice
15 Text Center, magtanim ng mga maresistensyang barayti ng palay
16 upang makaiwas sa peste. Iwasan din ang mga barayti ng palay na
17 inatake na ng peste o sakit na naitanim na ng nakaraang taniman.
18
19 Mainam din na ihandang mabuti at pantayin ang palayan bago
20 magtanim. Ang lupang naihandang mabuti ay nakatutulong sa
21 maayos at matipid na pagpapatubig. Naiiwasan din ang damo at mas
22 madali ang pamamahala ng kuhol.
23
24 Malaki rin ang naitutulong ng sabayang pagtatanim laban sa mga
25 peste sa palayan dahil kalat ang mga peste. Pagpahingahin din ang
26 lupa ang maputol ang pag-inog ng buhay ng mga pesteng kulisap at
27 masira ang pinamamahayan ng mga sakit.
28
PHILRICE CENTRAL EXPERIMENT STATION

29 Paalala ni Saludez na gumamit lamang ng pestisidyo kung


30 kinakailangan. Ang maling paggamit ng pestisidyo ay nagdudulot din
31 ng pesticide resistance o immunity ang mga peste. Kung kaya hindi na
32 nagiging epektibo ang mga lason laban sa kanila.Tandaan, hindi
33 totoong maiiwasan ang peste kung gagamit ng pestisidyo.
34
35 Payo ng mga eksperto na paramihin ang mga kaibigang organismo sa
36 palayan na siyang nakikipaglaban sa mga pesteng kulisap sa palayan.
37
38 Maaaring magtanim ng mga namumulaklak na mga halaman tulad ng
39 biden o butter daisy malapit sa palayan. Ito ay nagsisilbing tirahan ng
40 mga kaibigang organismo.
41
42 Samantala, ang sobrang paglalagay ng pataba sa palayan ay maaari
43 rin manghikayat ng peste. Lumalambot ang mga puno at dahon ng
44 palay na nasobrahan sa pataba na siya naman nagugustuhan ng mga
45 pesteng insekto na sipsipin, at kainin. Mas madali rin na magasgas o
46 masugat ang mga dahon na siyang inaatake ng sakit.
47
48 Para sa karagdagang impormasyon, magtext sa PhilRice text center
49 bilang 0920 911 1398.

You might also like