You are on page 1of 3

I.

PAGSULAT NG BALITANG SPORTS

II. FIRST YEAR COLLEGE

III. LAGOM-PANANAW
Ang Modyul na ito ay inihanda para sa inyo upang kayo ay magkaroon ng mas malalim na kaalaman at
madagdagan pa ang mga impormasyon patungkol sa ibat ibang isports at kayo ay magkaroon din ng kaalaman
kung paano sumulat ng balitang isports.

IV. LAYUNIN
Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang modyul na ito ikaw ay inaaasahang:
a. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa ibat ibang uri ng pagsulat ng balitang isports.
b. Makapagbahagi ng nalalaman sa ibang tao patungkol sa pagsulat n balitang isports.
c. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa lenggwahe at magagamit ito sa pagsulat ng balitang isports.

V. PANUTO O INSTRUKSYON
a. Basahin at unawaing mabuti ang mga aralin patungkol sa pagsulat ng isports
b. Sundin ang mga panuto at unawaing mabuti ang mga katanungan sa pagsasanay
c. Sagutin mo ang bawat pagsasanay na may pag-iingat at matapos mong sagutin ay tignan ang mga
wastong sagot sa mga tanong na makikita matapos ang ginagawang pagsasanay.
d. Maging tapat ka sa Diyos at sa iyong sarili sa pagsagot ng mga pagsasanay.

VI. MGA KAILANGANG KAHANDAANG GAWAIN


Bago pag-aralan ang modyul na ito kailangang alam mo na ang kahulugan at gamit ng pagsulat ng balitang isports.

VII. PAUNANG PAGSUBOK O UNANG PAGSUSULIT


Basahing mabuti at unawain ang mga nakatala bago sagutan. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay mga ulat ukol sa mga kaganapan sa mundo ng palakasan.


a. Balitang pang ekonomiya
b. Balitang kahirapan
c. Balitang isports

2. Ang mga istoryang ito ay nagbubuod ng mga naganap na laro.


a. Iskor
b. Resulta ng laro
c. Ganap sa laro

3. Binibigyang pansin ng mga istoryang ito ang mga personalidad o koponan na nagpapakita ng pambihirang
katangian at karangalan.
a. Sports profile
b. Picture profile
c. Actual profile

4. Ito ay naglalahad ng mga kaganapan sa laro.


a. Paunang balita
b. Pangalawang balita
c. Kasalukuyang balita

5. Ibinabalita ang napipintong labanan ng koponan.


a. Paunang balita
b. Pangalawang balita
c. Kasalukuyang balita
MGA SAGOT SA PAUNANG PAGSUBOK
1. C 4. C
2. B 5. A
3. A

VIII. MGA ARALIN SA PAGKATUTO

Ang pagsulat ng balitang isports ay kailangan handa sa lahat ng pagsubok na haharapin, kailangan ng
masusing pag-aaral at dapat ay magkaroon ng mahabang pasensya sa pagsulat ng balitang isports. Ang
pagsulat ng balitang isports ay isang paghahayag ng mga balitang kaugnay sa mga nangyayari sa mundo
ng palakasan, at isa sa pinakamaganda at nakakaaliw na gawaing pampahayagan. Isinusulat ito katulad
ng pagsulat ng pangkaraniwang balita. Inuuna sa pagsulat ang malalaking pangyayari sa pamamaraang
baligtad na pyramid. Gumamit ng mga salitang makukulay at gayon din sa larawan.

IX. MGA TANONG NA SASAGUTIN

Piliin ang tamang sagot na nasa kahon.

1. Ang ______ ay pang-mesa na laro, ginagamitan ito ng mga raketang panghataw ng bola habang
hawak ito ng kamay. Dalawang tao ang naglalaban dito na nakatakda sa dalawang dulo ng laruang mesa
na nahahati sa gitna ng isang lambat

2. Ang ______ ay isang uri ng sipaang bola o isports na nilalaro ng dalawang koponan, na may
11 manlalaro gamit ang isang bilog na bola.

3. Ang _________ ay isang larong pangkoponan, kung saan ang dalawang magkatunggaling
koponan ay pinaghihiwalay ng net. Tinatangka ng bawat isang koponan na magkaiskor ng puntos sa
pamamagitan ng pagpapatama ng bola sa court ng kalabang koponan.

4. Ang _________ ay larong koponan na ginagamitan ng maliit at matigas na bola na pinapalo


ng pamalo o bat sa Ingles.

5. Ang __________ ay isang uri ng palakasan na ginagamitan ng raketa. Ito ay maaaring laruin
ng dalawang magkalabang manlalaro (isahan) o kaya ng dalawang magkalabang pares (paresan),
kung saan sakop ng isang manlalaro o pares ng manlalaro ang kalahati ng isang parisukat na
palaruan.

BASEBALL VOLLEYBALL

BADMINTON FUTSAL

TABLE TENNIS

X. MGA SAGOT

1. Table Tennis 4. Baseball


2. Futsal 5. Badminton
3. Volleyball
XI. PANUKATANG SANGGUNIANG PAGSUSULIT

Isulat ang salitang Tama kung ang pahayag na nasabi ay Tama at Mali naman kung ito ay Mali.

_______1. Ang mga manunulat ng isports ay may kalayaang gumamit ng makukulay na salita upang maakit
ang mga mambabasa.
_______2. Ang manunulat ng balitang isports ay hindi marunong gumamit ng lenggwahe ng isports.
_______3. Ang isang manunulat ng balitang isports ay dapat walang kaalaman sa isports na kanyang
tatalakayin.
_______4. Ang isang manunulat ng balitang isports ay marunong magplano kung paano sisimulan ang
sulatin patungkol sa larong kaniyang pinanuod.
_______5. Ang balitang isports ay nagbibigay ng aliw sa mga mambabasa na sawa na sa magulong mundo
ng politika at ulat krimen.

XII. MGA SAGOT SA PANUKATANG PAGSUSULIT

1. Tama 4. Tama

2. Mali 5. Tama

3. Mali

XIII. PAGPAPAHALAGA

a. Naging malinaw na ba sa inyo kung paano sumulat ng balitang pang isports?


b. Nakatulong ba ang modyul na ito sa inyo upang mas lubos na hangaan ang gumagawa ng balitang isports?
c. Nakatulong ba ang modyul na ito upang mas lumawak pa ang inyong pagkatuto sa isports?
d. Sa tulong ng mga paliwanag sa modyul na ito, maari ka nang gumawa ng sili mong pagsulat patungkol sa
balitang isports.

You might also like