You are on page 1of 6

1.

Balitang Dayuhan
Denmark, tanggal face mask at alis health pass na.
Pebrero 2, 2022 5:18pm GMT+08:00

H indi na obligadong magsuot ng face mask ang


mga tao sa Denmark bilang panimulang hakbang na
mamuhay nang normal kasama ang pinaniniwalaang
mas mahinang variant ng COVID-19 na Omicron.
Ang Denmark ang unang bansa sa European Union na
nag-alis ng lahat ng domestic COVID-19 restriction.
Gayunman, may mga paghihigpit sa mga unvaccinated
traveler na darating mula sa non-Schengen countries,
ayon sa ulat ng Agence France Presse.

Una umanong tinangka ng Denmark na alisin na ang mga restriction noong nakaraang Setyembre at
Nobyembre.
"For me, the best part is that we don't need to wear masks anymore," ayon kay Natalia Chechetkina,
receptionist sa Copenhagen. "At least now we have a choice -- if we want to protect ourselves or we want to
feel free."

"It's really nice to be able to see people's faces and it feels like we're living normally again," ayon naman kay
Marie Touflet, 23-anyos na French student.

Nagluwag ang Denmark kahit pa mayroong silang naitatalang nasa 40,000-50,000 na bagong COVID-19 cases
sa isang araw, o halos isang porsiyento ng 5.8 milyong populasyon. Naniniwala ang mga Health official nila na
bababa na ang naturang bilang ng hawahan.

"There are strong indications that the infection has peaked in the areas where it has been most pronounced,"
sabi ni Tyra Krause, public health and research institution SSI sa news agency Ritzau.
"So it's super good timing for the restrictions to be eased," dagdag niya.

'Mahigit 60 percent na umano ng populasyon ang nakatanggap na ng third dose ng COVID-19 vaccine, mas
mataas ito sa EU average na hindi hihigit sa 45 percent.
Tinataya ng mga health official na 80 percent ng populasyon nila ang protektado na laban sa matinding epekto
ng virus.

"With Omicron not being a severe disease for the vaccinated, we believe it is reasonable to lift restrictions,"
ayon sa epidemiologist na si Lone Simonsen ng University of Roskilde.
Sa pag-alis ng mga restriction, hinihikayat ang mga mamamayan nila na maging responsable.
"Without a COVID pass there will be a shift of responsibility," ani Simonsen.

Ang mga makararanas ng sintomas ng sakit, hinikayat na manatili lang sa bahay. Kung positibo sa virus,
pinayuhan silang mag-isolate ng apat na araw.
Hindi naman kailangan mag-quarantine ang mga contact cases.

Kailangan naman na magsuot ng face masks at gumamit ng COVID pass kapag magtutungo sa ospital.
Nauna nang inihayag ng World Health Organization na masyado pang maaga para magdeklara ang mga bansa
ng tagumpay laban sa COVID-19.

Ang kritiko sa Denmark na Gout Association, naniniwala na dapat ipagpatuloy pa ang paggamit ng face mask.
"We think it's important to continue using masks as long as the infection is spreading widely," sabi ni
association director Mette Bryde Lind told Ritzau.
-- AFP/FRJ, GMA News
2. Balitang Lokal/Nasyonal
Nag-aalok ng pekeng doctoral degree certificate sa
halagang P300K, nahuli!
Pebrero 9, 2022 12:44pm GMT+08:00
SINULAT NI: JAMIL SANTOS,GMA News

Arestado ang isang lalaki sa


Mandaluyong City matapos siyang
mag-alok umano ng mga pekeng
doctorate degree certificate kapalit ng
halagang aabot sa P300,000.

Sa ulat ni John Consulta sa 24 Oras,


makikita ang pagdakip ng mga tauhan
ng National Bureau of Investigation
(NBI) Anti-Fraud Division sa suspek
na kinilalang si Jonathan Navea matapos iabot sa kaniya ang perang P160,000.

Huli siya sa entrapment operation sa isang establisimyento sa nasabing lungsod.


Ayon sa mga reklamo ng mga nabiktima ni Navea, inalok sila umano ng suspek ng PhD honorary degree at
awards kapalit ng P60,000 hanggang P300,000 kada tao.

Gayunman, natuklasan nilang peke pala ang inaalok sa kanila na doctorate degree.
"In-offer-an niya ako ng award for a fee. And then after that, in-offer-an din niya ako kung gusto ko raw
maging Doctor of Humanities. 'Yung binayad ko rito is worth P60,000. Tinawagan ko talaga 'yung university,
doon ako nagulat na hindi pala siya authorized na magbigay ng award," sabi ng complainant na si Raymard
Gutierrez.

"Hindi namin alam ay P240,000 pala at 'yun pala ay bayad sa aming honorary doctorate in Business
Administration at accredited daw sa Singapore," sabi ng complainant na si Baby Go.

Pero giit ng suspek, wala siyang ginagawang kasalanan at binabalikan lang siya ng kaniyang mga inireklamo.
"'Yun ay kabayaran ng sponsorship, hindi investment, hindi ito scam, it is more of recognition. I've been doing
this for the past 42 years, how come ngayon lang? Malinis po ang konsensiya ko," anang suspek.

"Maglalagay lang sila ng tarpaulin, tapos merong kaunting seremonyas, iaabot 'yung certificates. Pagkatapos
conferment na raw 'yun. Nag-verify din ang NBI from the Commission on Higher Education and according to
CHED, ang nagko-confer lang na ina-allow nila na higher education institutes ay iilan lang sa Pilipinas. Asia
Pacific University na nakalagay doon sa certificate is not among those accredited. Dalawa ang nag-certify na
hindi totoo 'yung certificate na ino-offer nitong ating subject," sabi ni Palmer Mallari, chief ng NBI Anti-Fraud
Division.

Nahaharap ang suspek sa reklamong estafa at falsification of private documents.


—LBG, GMA News
3. EDITORYAL
PSN OPINYON
EDITORYAL - Upos at sachets: pinalalala ang plastic pollution
Pilipino Star Ngayon
February 10, 2022 | 12:00am

Upos ng sigarilyo ang nagpaparami sa mga


basurang inaanud-anod sa karagatan ngayon.
Tinatayang 766 milyong kilos ng upos ang
nakokolekta bawat taon ayon sa United Nations
Environment Program (UNEP). At hindi lang
basta basura ang mga upos na ito sapagkat
toxic at banta sa buhay ng mga lamandagat
kapag nakain. Ang upos ay gawa sa
microplastics na tinatawag na cellulose acetate.
Hindi umano ito natutunaw. Ang microplastics
ay ginagamit din sa mga foodchain at
pinaniniwalaang nagdudulot ng seryosong
epekto sa kalusugan ng tao na kinabibilangan
ng pagbabago sa genetics, brain development
at respiratiory rates.

Bukod sa upos ng sigarilyo, sandamukal na sachets ng shampoo, hair conditioner, 3 in 1 coffee, catsup,
toothpaste at iba pa ang inaanud-anod sa karagatan. Bukod sa sachets, kasama ring inaanod ang mga
plastic straws na ginagamit sa softdrinks, milktea at iba pang inumin. Namumulaklak ang sachets sa mga
estero at canal na unang hantungan bago anurin sa dagat. Ang mga ito ang nagpapabara sa mga -
drainage at nagiging dahilan ng pagbaha. Kung hindi lilinisin ang drainages, hindi masosolusyunan ang
pagbaha dahil hindi naman nabubulok ang plastic sachets. Kahit abutin ng 10 taon hindi mabubulok o
masisira ang mga plastic sachets. Mas matibay ang mga sachets kaysa karaniwang plastic bag. Mas
makunat ang pagka-plastic ng sachets.

Nagbabala ang coalition ng environmental groups na kung hindi gagawa ng paraan ang pamahalaan
para mabawasan ang paggamit ng single use plastic, aapaw ang may 59.7 bilyong sachets sa Metro
Manila.

Hindi lamang pagbaha ang dulot ng upos at sachets kundi banta sa buhay ng mga lamandagat kabilang
ang balyena. Marami nang balyena na sumadsad sa dalampasigan at namatay. Nang suriin kung ano
ang ikinamatay ng mga ito, napag-alaman na dahil sa mga nakaing plastic na basura. Iba’t ibang uri ng
plastic ang nakuha sa bituka ng mga kawawang balyena.

Higpitan ang pagtatapon ng upos ng sigarilyo. Dati may ordinansa ang bawat lungsod na bawal
magtapon ng upos. Pinagmumulta. Pero ngayon, wala nang sumisita sa mga nagtatapon ng upos.
Ningas-kogon ang pagpapatupad ng batas.

Higpitan ang pagtatapon ng basurang plastics gaya ng sachets. Hindi dapat ipagwalambahala ang mga
problemang ito na apektado ang buhay hindi lamang ang tao kundi pati mga lamandagat.
4. BALITANG ISPORTS
Asa Miller, nangakong ilalabas ang husay sa
Beijing Winter Olympics
by Balita Online
February 5, 2022

Ipapamalas ni Filipino-American at alpine skier Asa Miller ang kanyang husay sa pagsabak nito sa 2022
Winter Olympics na gaganapin sa Beijing, China simula Pebrero 4-20.

Sa isang television interview kay Miller na nasa Salt Lake City sa Utah, sinabi nito na hindi nito bibiguin
ang mga Pinoy na sumusuporta sa kanya sa pagsalang nito sa slalom at giant slalom events na mag-
uumpisa sa susunod na linggo.

Aniya, napaghandaan na nila ang laban nito matapos siyang sumailalim sa matinding ensayo na limang
beses kada linggo.

Si Miller, nagtapos sa Lincoln High School sa Portland, Oregon, ay nag-iisang kinatawan ng Pilipinas sa
nasabing Winter Games kaya siya na lamang ang napiling humawak at nagwagayway ng bandila ng
Pilipinas sa opening ceremony ng Winter Olympics na idinaos sa Beijing National Stadium nitong
Biyernes.

Aniya, dalawang beses na siyang bumitbit ng bandila ng Pilipinas. Una ay nang sumabak din sa
PyeongChang Winter Olympics sa South Korea noong 2018.

Isa lamang ang Pilipinas sa 19 bansang sumasabak sa nasabing Olimpiyada. Ang 18 pang bansa ay
kinabibilangan ng Albania, American Samoa, Cyprus, the Democratic Republic of Timor-Leste, Ecuador,
Eritrea, Ghana, Haiti, India, Kyrgyzstan, Malta, Morocco, Nigeria, Pakistan, Peru, Saudi Arabia,
Uzbekistan, at ang U.S. Virgin Islands.
4. LATHALAIN/FEATURE
Vlogger, nakalikom ng P100K dahil sa isang
challenge; ipinang-donate sa nasalanta ng bagyo
by Angelo A. Sanchez
February 5, 2022
Sa loob lamang ng 16 na oras, ang
tanging piso sa GCash ng isang
vlogger ay naging P100,000 sa
pamamagitan ng isang challenge.

Sa uploaded video ng isang vlogger na


isa Adam Alejo nitong nakaraang
January 18, gumawa siya ng “Stuck on
a QR code Box” challenge kung saan
nasa loob siya ng kahon na may
malaking print ng QR code at hindi siya
aalis hanggat di umabot sa 100,000
ang pera niya sa Gcash.

Naisipan niya ang challenge na ito dahil naniniwala siyang maraming kapwa nating Pilipino ang gustong
tumulong sa maliit o malaking halaga. Aniya, “Alam ko at ramdam ko na maraming Pilipino ang gustong
tumulong. Pero ang tanong, kung kunti lang ang pera ng mga Pilipino na gustong tumulong, ano ang
paraan na pwede nilang gawin?”

Maaga niyang sinumulan ang challenge ngunit kaunti pa lamang ang nagse-send kaya gumawa siya ng
strategy kung saan pinost niya sa kanyang official Facebook page ang challenge at pinaliwanag niya rin
kung ano malalim na rason at kung para sa ang challenge. Pagkatapos ng ginawa niya, maraming tao na
ang nag-send ng pera sa kanya at hindi lang piso kung ‘di 500 pesos.

“Ang dami na nagse-send, ito ang na-iimagine ko kung gan’to lang yung klase ng pagtutulungan at
kailangan lang talaga na may mag-initiate, pero kailangan din nila malaman kung paano tumulong dahil
marami talaga ang gustong tumulong,” nagulat na paglalahad ni Adam

Tuloy-tuloy na donasyon ang natanggap niya at ilang minuto lang ay lumagpas na ito ng mahigit 1,000. At
wala pang isang oras umabot na kaagad ng 7,500. Hindi narin nagpaawat ang mga Pinoy dahil marami
rin ang nag-abot ng cash kay Adam, kaya sa isang oras at kalahating minuto ay meron nang P27,000. Sa
dami ng netizens na natuwa dahil sa lalim na rason ng challenge, kahit sinu-sino nalang ang nagse-send
sa kahit magkanong halaga.

“Sa maliit na misyon na naumpisahan natin ay unti-unti ng lumalaki ngayon.” Sa loob ng isang araw, hindi
lamang pera pati narin pagkain ang natanggap ni Adam sa loob ng QR code box. At dito nakalikom siya
ng from 50k-100k.

“Dati ay pangarap ko lang ang magkaroon ng isang community na kayang magtulungan para sa isang
purpose and that is to #CreatebeyondDreams, a purpose that is bigger than a video and a purpose that
can change lives.”

Maraming Pilipino at lalong-lalo na ang mga netizens ang saludo sa Adam at sa ideya nito, dahil ang
nalikom niyang 100k ay tinulong niya sa mga kababayan nating naapektuhan ng bagyong Odette.

Nasa mahigit dalawang daang pamilya ang natulungan ng ating mga kababayan sa pamamagitan kay
Adam at sa ginawang challenge nito. Kaya labis na na nagpapasalamat si Adam sa mga taong tumulong
sa kanya sa mga donasyon na binigay sa kanya at sa suporta na binigay ng mga kaibigan nito.

Ayon sa kanya, “Alam ko na ang initiative na ito ay band – aid solution lang sa problemang kinahaharap
ng ating mga kababayan natin ngayon. Pero masaya ako na nakagawa tayo ng paraan at nangingibabaw
ang ating pagtutulungan.”

Umabot nasa 5 Million views ang video at may 3.5 k comments and 14k shares.
5. BALITANG SHOWBIZ
Ibinidang ‘rare’ Chanel birthday candle ni Heart
Evangelista, gaano nga ba kamahal?
by Raymond Lumagsao
February 6, 2022

Umagaw ng atensyon ang kamakailang social media post ng fashion icon at Kapuso darling Heart
Evangelista tampok ang isang Chanel birthday candle bilang pag-welcome ng aktres sa kanyang birth
month ngayong Pebrero.

Kilala ang fashion socialite na si Heart sa kanyang magarbong fashion taste. Sa katunayan, trending ang
kanyang naging mga awarahan sa nagtapos na Paris Fashion Week 2022 kamakailan. Isa lang naman
siya sa mga piling personalidad sa mundo na nakapagsuot ng ilang mamahaling brands at naimbitahan
sa mga eksklusibong fashion show sa “Fashion Capital of the Western World,” ang Paris.

Sa kanyang post nitong Pebrero 1 sa iba’t ibang social media platfroms, hindi na naman maiwasang
magkomento ng netizens sa tampok na luxury candle ng aktres. Sinalubong kasi ni Heart ang buwan ng
isang larawan hawak ang Chanel birthday candles.

“Taray ng kandila mas mahal pa sa cake,” komento ng isang netizen.

“Sinampal mo na naman ako ng kahirapan. Pati kandila, Chanel,” segunda ng isa pa.

“Mas mahal yung kandila kesa sa lahat ng mga handa ko,” nakakaaliw na komento ng isa pang netizen.

Ang “very rare” na Chanel Factory 5 Birthday Candles ay pumapatak mula P1,500 hanggang P3,000. Sa
Poshmark, ang “luxury candle” ay nagkakahalaga ng P2,560 habang nasa P1,731.02 naman mabibili ang
kandila sa Ebay shop. Samantala, kasama na ang cake topper, mas murang mabibili ito sa Carrousel sa
halagang P1,521.32.

Magdiriwang ng kanyang ika-37 na kaarawan si Heart sa darating na Pebrero 14.

Nitong Biyernes, Pebrero 5, kinumpirma ni Heart na bibida siya sa isang Hollywood series na
mapapanood sa streaming giant Netflix.

You might also like